FLORANTE AT LAURA (Aralin 11-18) 11: Ang Kabataan Ni Florante -Si Florante ay anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca -Siya ay pinanganak sa Albanya -Nagtatanong si Florante sa kanya sa sarili kung bakit lumaki siya sa Albanya na bayan ng kanyang ama at hindi sa Krotona na syudad ng kanyang ina -Si Menalipo ang pinsan ni Florante -Mahilig maglaro si Florante noong bata pa siya
12: Laki Sa Layaw Karaniwa’y Hubad -Ang ibig sabihin nito ay ang kakulangan sa kaalaman sa katotohanan at pagpapaaral -Magaaral si Florante sa Atenas -Pag nalulungkot si Florante sa Atenas, inaaliw siya ni Antenor -Nakita niya doon si Adolfo (2 taon ang tanda niya kay Florante, mabait at mabuti, hindi nakikitang masama) -Hindi malaman ni Antenor kung ano ang ugali ni Adolfo dahil mahinhin ito -Hindi maganda ang pakiramdam ni Florante pag kasama niya si Adolfo -Lumipas ang panahon, marami nang natutunan si Florante -Siya ang pinakamagaling sa pilosopiya, astrolohiya at matematika -Naging kilala o bantog si Florante sa Atenas -Naiingit si Adolfo at dito na nakita ang tunay na ugali ni Adolfo dahil sa duladulaan -Sasaksakin ni Adolfo si Florante ngunit iniligtas ni Menandro(matalik na kaibigan ni Florante) si Florante
-Pinabalik ni Antenor si Adolfo sa Albanya -Sampung taon pang nanirahan si Florante sa Atenas -Nakatanggap si Florante ng sulat mula sa kanyang ama at nakasaad rito na pumanaw na ang kanyang ina
13: Kung Isasalubong Sa Iyong Pagdating -Dumating ang pangalawang sulat at sinundo na si Florante -Nagpaalam kay Antenor -Nagbilin si Antenor kay Florante na magiingat sa mga kaaway na lihim -Isinama ni Florante si Menandro sa Albanya
14: Pagibig Sa Unang Pagkikita -Dumating ang embahador ng Krotona at may dalang sulat na humihingi ng tulong ang Krotona sa Albanya dahil sinakop sila ng Persia -Si Heneral Osmalik ang pinuno ng Persya -Pumayag si Florante na siya ay tutulong sa sa Krotona -Nagkaroon ng pagpupulong o pinagusapan ang pagtulong sa Krotona -Dumating na si Laura -Maaliwalas ang mukha ni Florante nang makita niya si Laura -Para siyang pinana ni Kupido -Gumugulo sa isip ni Florante sa kagandahan ni Laura -Bakit pinayagan ni Haring Linceo na makita si Laura ni Florante kung hindi rin pala si magkakatuluyan -Pagmamahal sa nanay ay napunta kay Laura -Pinagtanggol si Florante ang pagmamahal niya kay Laura
15: Tanggulan Ng Siyudad -Sinugod na ni Florante ang mga tagaPersya
-Nakita ni Florante si Hen. Osmalik na pinapatay ang kanyang mga tauhan -Pinatay ni Florante si Hen. Osmalik Natakot ang mga taga-persya kay Menandro -Nanalo sina Florante sa paglalabanlaban kay Hen. Osmalik at sa ibang taga-Persya -Pinawi ang lahat ng lumbay at natuwa silang lahat ngayon ay malaya na ang siyudad -Sa pagbabalik ay may kutob na may nangyayaring masama sa Albanya; nakita ang Medialuna(watawat ng mga Moro) -Nakita niya ang isang binibini papatayin, nilusob ang mga moro at piñata -Si Laura ay papatayin -Hindi tinanggap ni Laura ang proposisyon ni Emir(gobernador ng mga Moro) -Nalaman ni Florante na nasa bilangguan sina Duke Briseo -Lahat sila’y nagsasaya maliban kay Adolfo. Siya ay lubos nang naiingit kay Florante. -Nahalata na mahal ni Laura si Florante kaya’t gagawin niya ang lahat upang mapasakanya si Laura -Matindi ang galit ni Adolfo kay Florante -Hindi nagtagal ang kanilang kasiyahan ng sinakop sila ng mga taga Turkiya sa pamumuno ni Miramolin -Nagbalik loob din ang mga tao dahil alam nilang si Florante ang heneral ng hukbo at hindi niya bibiguin ang mga ito at dahil dito lalong tumindo ang galit at inggit ni Adolfo sa kanya -Natalo ni Florante si Miramolin at ang kanyang hukbo -Maliban rito’y marami nang tagumpay si Florante
16: Mariing Hampas ng Langit -Nakatanggap ng sulat si Florante mula sa kanyang ama at bumalik na sa Albanya. Nakasaad rin dito na iwan
niya si Menandro at ang kanyang hukbo sa Etolya -Gabi na nang makabalik si Florante -Ang sumalubong kay Florante ay hindi si Duke Briseo ngunit ang hukbo ni Adolfo. Ginapos si Florante at hindi makapalag si Florante. Hindi niya mapagtanggol ang kanyang sarili at siya ay dinala sa bilangguan. -Matindi ang galit ni Florante nang malaman niyang piñata ni Adolfo ang hari at ang kanyang ama -Nagawa iyon ni Adolfo dahil sa kagustuhang makuha ang yaman, kapangyarihan at matinding galit kay Florante -Tinukoy ni Florante si Adolfong “Mariing Hampas ng Langit” -Tumindi ang galit ni Florante ng malaman niyang pumayag si Laura sa pag-ibig ni Adolfo -18 araw na nakakulong si Florante -Sa kanyang pagmulat ay nakita niya si Aladin, ang gererong tumulong sa kanya. -Nagkwentuhan sila ni Aladin -Pareho sila ng pinagdadaanan ni Florante dahil inagaw ni Sultan Ali Adab si Flerida na sintang mahal ni Aladin -Kinuwento ni Florante na walang kahirap hirap ang kanyang pakikipaglaban dahil naging inspirasyon niya si Laura
17: Babae May Lakas At Tapang -Nang malaman ni Flerida na pupugutan ng ulo si Aladin, nilapitan niya si Sultan Aliadab. Pumayag si Sultan Ali Adab na wag nalang ituloy ang kanyang binabalak ngunit may kondisyon, mapapasakanya si Flerida. -Pag di dumating si Flerida, pupugutan na ng ulo si Aladin -Nang sumunod na araw, nagdamit gerero si Flerida at tumakas mula sa kamay ni Sultan Ali Adab
18: Masayang Wakas -Nagkita kita ang magsing irog: Laura at Florante; Aladin at Flerida -Nabalot ng kasiyahan sa kanilang mga puso -Napawi ang lahat ng lumbay -Kinwento ni Laura at Flerida ang totoong nangyari sa kanila -Nagpakasal sila!
THE END THAT’S ALL FOLKS =))
/joana