PALABUUAN NG PANGUNGUSAP SINTAKS
PALABUUAN NG PANGUNGUSAP (SINTAKS)
Ang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng parirala, sugnay at pangungusap ay tinatawag na sintaks.
PARIRALA -Ito ang tawag sa lipon ng mga salita na walang paksa at panaguri na ginagamit para makabuo ng pangungusap.
Halimbawa:
sa dako roon sa tabi ng daan sa madilim na lugar
SUGNAY Ang sugnay ay lipon din ng mga salita na maaring may diwa at maari ring wala. Maari rin itong magkaroon ng paksa at pang-uri at maari ring wala.
MAY DALAWANG URI NG SUGNAY: -Punong sugnay/malayang sugnay/sugnay na makapagiisa(payak na pangungusap). Ito ang sugnay na may diwa. Halimbawa: Gumagamit ng mga piling salita ang pormal na sulatin isang sining ang pagsusulat -Pantulong na sugnay/di-malayang sugnay/sugnay na di makapag-iisa. Wala itong diwa kung di isasama sa isang punong sugnay. Nagsisimula ito sa isang pangatnig. Halimbawa: datapwat di naman kailangang maging matalinghaga kung bagamat minamana, pinag-aaralan din
ANG PANGUNGUSAP Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang may simuno at panaguri at nagbibigay ng buong diwa o kaisipan.
SIMUNO- ang simuno ay tinatawag ding paksa ng pangungusap. Paksa sapagkat ito ang pinag-uusapan. PANAGURI- ang bahagi ng pangungusap na nagsasaad o nagbibigay ng impormasyon tungkol sa paksa ng pangungusap. Halimbawa: Nariyan na ang mga dayuhang panauhin SIMUNO= ang mga dayuhang panauhin PANAGURI-= Nariyan na
Ang simuno at panaguri ng isang pangungusap ay hindi na laging payak o iisa –maari ang isang pangungusap ay magkaroon ng isa o mahigit na simuno o isa o mahigit na panaguri.
a. Payak na simuno at payak na panaguri Ang kultura ay isang manang sosyal ng tao. b. Tambalang simuno at tambalang panaguri Ang wika at panitikan ay sangkap at bahagi ng ating kultura. c. Payak na simuno at tambalang panguri Ang panitikan ay buhay at salamin ng ating nakaraan. d. Tambalang simuno at payak na panguri Ang dula at tula ay uri ng panitikan.
May dalawang kaayusan ang pagbuo ng mga pangungusap
a. Yaong nauuna ang panaguri kaysa simuno -tinatawag din itong nasa karaniwang ayos Bahagi ng ating kultura ang ating mga kaugalian.
b. Yaong nauuna ang simuno o paksa kaysa panaguri -tinatawag itong di-karaniwang ayos Ang ating mga kaugalian ay bahagi ng ating kultura.
Ang pangungusap ay may iba’t ibang uri ayon sa gamit o diwang ipinahahayag
a. PASALAYSAY O PATUROL – ito ang mga pangungusap na ginagamit upang magpahayag ng katotohanan at tunay na kalagayan. May sariling kultura tayong Pilipino. b. PATANONG – ito ang mga pangungusap na ginagamit kung nais nating kumuha ng mga impormasyon. May dalawang uri ng tanong. Yaong humihingi ng sagot na oo at hindi lamang at yaong nangangailangan ng mahahabang sagot o paliwanag. Sasama ka ba? Bakit hindi ka sasama? c. PAUTOS O PAKIUSAP – ginagamit ang mga pangungusap na ito kung nais na mag-utos o humingi ng pabor ng nagsasalita. Pakisabi mo sa kanya na hindi na kami tutuloy. d. PADAMDAM – nagpapahayag naman ang pangungusap na ito ng ano mang uri ng damdamin – kalungkutan, kasiyahan, paghanag, atbp. Naku naman!
Ayon naman sa kayarian o pagkabuo, ang mag pangungusap ay may – apat na uri.
a. PAYAK – kung ang pangungusap ay nagbibigay ng isang kaisipan lamang. Huwaran sa kahinhinan ang dalagang Pilipina. b. TAMBALAN – ang mga pangungusap na tamabalan ay yaong mga pangungusap na binubuo ng dalawa o mahigit pang mga pangungusap na payak na pinag-ugnay ng mga pangatnig. Sa pamamagitan ng wika nakikilala natin ang sarili nating daigdig at nagkakaroon tayo ng sariling pananaw sa mga nangyayari.
c. HUGNAYAN – ang hugnayang pangungusap ay binubuo naman ng isang punong sugnay at isa o mahigit na pantulong na sugnay. Pinag-uugnay din ito ng mga pangatnig. Para sa madaling pagbubuo ng hugnayang pangungusap, kailangang bumuo muna ng isang payak na pangungusap na siyang magiging batayan ng mga pantulong na sugnay. Mabuhay ang ekonomiya ng ating bansa. (ito ay isang payak na sugnay, dugtungan natin ng isang pantulong na sugnay…) dahil sa napakarami nating utang Ito ang mabubuo = Mabuhay ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa napakarami nating utang. d. LANGKAPAN – kung ang pundasyon ng hugnayang pangungusap ay isang payak na pangungusap o isang sugnay na makapag-iisa, ang pundasyon naman ng langkapang pangungusap ay tambalang pangungusap o dalawang payak na pangungusap na pinag-uugnay ng mga pangatnig. Ang presyo ng mga bilihin ay patuloy na tumataas samantalang ang suweldo ng mga manggagawa ay hindi nagbabago.
MGA KATANGIAN NG MALINAW AT MABISANG PANGUNGUSAP
1. KAISAHAN – may kaisahan ang pangungusap kung malinaw na nagsasaad ng natatangi o pangunahing kaisipan. MALI: Sa ngayon ang mga kabataan sa pamayanan ay lumalahok at nabibigyan nang pagkakataon sa mga proyektong pampamayanan.
DAPAT: Sa ngayon ang mga kabataan ay nabibigyan na ng pagkakataong lumahok sa mga proyektong pampamayanan.
2. KAKIPILAN – nagkakaroon ng kakipilan ang mga pangungusap kung ang mga salitang bumubuo nito ay maayos ang pagkasunod-sunod at magkakaugnayugnay. Nawawala ang kakipilan dahil sa maling gamit ng panghalip na pamanggit.
MALI: Ang nagbabayad na mamayanan ng buwis ay kapaki-pakinabang.
TAMA: Ang mamayanang nagbabayad ng buwis ay kapaki-pakinabang.
3. PAGBIBIGAY-DIIN O EMPASIS – Kung ang pangungusap ay may kaisahan at kakipilan na, naroon na rin ang pagbibigay-diin kaya lamang may isang panuntunang sinusunod upang makapagbigay-diin. Upang makapgbigay-diin, ilagay sa unahan ang mahahalagang pananalita at sa gitna o hulihan ang di-mahahalagang mga salita.
WALANG EMPASIS:
Ipinahahayag sa radyo kahapon na hindi na kakandidato si FVR sa susunod na halalan.
MAY EMPASIS:
Hindi na kakandidato si FVR sa susunod na halalan, ipinahayag kahapon sa radyo.
SALAMAT PO