Mahalaga sa pagsulat ang paggamit ng kinakailangang bantas.
Higit na lumilinaw ang dalang kaisipan at higit na maipapadama ang anumang nais ipahayag.
1.TULDOK a. Ginagamit ang tuldok sa katapusan ng mga pangungusap na pasalaysay o pautos. Hal: Nagtatagumpay ang mga taong may tiyaga at may ambisyon sa buhay. Subalit kung ang pangungusap ay nagtatapos sa mga pinaikling salita hindi na dinadalawa ang tuldok. Hal: Si Janet ay nag-aaral sa F.E.U.
•TULDOK b. Sa di tuwirang pagtatanong Hal: Itinatanong niya kung saan ako pupunta. c. Sa mga salitang dinaglat gaya bg ngalan ng tao, titulo, o ranggo, pook sangay ng pamahalaan, kapisanan,buwan,oras,bansa. Hal:
Dr.
Jr.
D.C.
• TULDOK d. Tinutuldukan ang tambilang at titik sa bawat hati ng isang balangkas o ng talataan. Hal: I. A. B. 1. 2. Ngunit hindi tinutuldukan ang tambilang at titik kapag kinukulong ng panaklong. Hal: (a) (b) (c)
2. PANANONG a. Ginagamit ang pananong sa katapusan ng pangungusap na tuwirang nagtatanong. Hal: Saan ba maaaring magtayo ng klinika dito sa Sta. Cruz?
b. Iinilalagay sa loob ng panaklong upang magpahayag ng pag-aalinlangan sa katumpakan ng sinundang salita o pamilang. Hal: Sinulat ni Paddre J. Burgos (?) ang “ La Loba Negra”
3. PADAMDAM a. Ginagamit sa mga sambitala o salitang padamdam. Hal: Aba! Dumating ka na pala. b. Ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na nagpapahayag ng masidhing damdamin. Hal: Inay, ang sakit!
4. KUWIT a. Ginagamit sa paqghihiwalay ng araw at taon, baryo, bayan at lalawigan, kalye, distrito at lungsod. Hal: Setyembre 5, 1990 San Jose, Calamba, Laguna b. Ginagamit sa bating panimula ng liham pangkaibigan o ng impormal na liham. Hal: Mahal kong bunso, Minamahal ko c. Ginagamit sa bating pangwakas ng anumang uri ng liham, maging pormal o impormal. Hal: Gumagalang, Nagmamahal,
d. Ginagamit sa paghihiwalay ng sunod-sunod na salita,parirala at sugnay na pangungusap. Hal: Bumili ako ng lapis, kuwaderno at aklat. e. Sa paghihiwalay ng mga salitang ginagamit na pantawag sa ibang bahagi ng pangungusap. Hal: Renz, mag-aral ka na. f. Sa paghiwalay ng pamuno sa pangungusap. Hal. Ang nagtatag ng katipunan, si Andres Bonifacio, ay tinaguriang “ Dakilang Plebeyo”
g. Sa paghihiwalay ng OO at HINDI sa ibang bahagi ng pangungusap. Hal: oo, sisimba ako. h. Sa paghihiwalay ng mga tuwirang sipi sa ibang bahagi ng pangungusap. Hal: “ kay tamis mamatay ng dahil sa bayan”, ani Rizal.
5. TULDUKUWIT a. Maaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng pormal na liham sa pangangalakal. Hal. 1. Ginoo; 3. Sen. Legarda; 2. Kgg. na pangulo; 4. Gob. Tingson; b. Ginagamit sa pamamagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig. Hal. Kumain ng maraming gulay; ito’y makabubuti sa katawan. Huwag iwanang bukas sa magdamag ang ilaw; makatitipid tayo sa kuryente.
c. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng pangungusap na tambalang-hugnayan, kung pinaguugnay ng mga pangatnig na kundi, anupa’t, yamang, bukod sa rito, dahil dito, ngunit, sapagkat, atbp. Hal. Hindi sapat ang kinikita ng kanilang magulang;samakatwid, kailangan nilang tumulong sa paghahanapbuhay upang may maipantawid-gutom
6. TUTULDOK a. Ginagamit ang tutuldok pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham. Hal. Kom. Pineda: Gng. Santos: b. Ginagamit kung may tala o lipon ng mga salitang kasunod ng halimbawa o ng mga sumusunod: Hal. Iba’t-iba ang kulay ng tao sa daigdig, mga halimbawa: dilaw, itim, pula, puti at kayumanggi.
7. TULDOK-TULDOK (ELLIPSES) a. Ginagamit ang tuldok-tuldok sa halip na mga salitang di-mabuti o hindi dapat malimbag. Hal. Anak ka ng…bakit hindi mo sinabi sa akin? b. Ginagamit sa mga salitsng paputol-putol. Hal.Hin… hindi…ako makahinga. c. Ginagamit sa halip ng mga salitang hindi ipinagpapatuloy o sa pagwawaglit ng ilang mga salita sa isang sipi. Hal.Lumayo ka… at baka may mangyari pa.
8. KUDLIT a. Ginagamit ang kudlit sa pag-uugnay ng dalawang salita. Hal. Ako ay – ako’y Gabi at araw – gabi’t araw
9. GITLING a. Ginagamit ang gitling sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang nagsisimula sa patinig. Hal. tag-ulan
pag-ibig
pag-asa
• GITLING
b. Ginigitlingan ang pagitan ng mga salitang inuulit na may kahulugan. Hal. araw-araw
sira-sira
liku-liko
c. Gingitlingan ang pagitan ng dalawang magkasalungat na pandiwa. Hal. iiyak-tatawa uupo-tatayo lulubog-lilitaw
• GITLING
d. Ginigigitlingan ang pagitan ng di at pang-uri at pagitan ng sa at pandiwa. Hal. di-matuto di-masipag
sa-darating sa-aalis
e. Ginitlingan ang pagitan ng magsa at salitang-ugat. Hal. magsa-aso
magsa-hitler
f. Ginigitlingan kung walang nawawalang kataga sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama. Hal.
tubig-alat
sulat-kamay
g. Ginigitlingan ang pagitan ng maka, taga, at mga pangngalang pantangi. Hal. maka-Filipino maka-Amerikano
taga-Pasig taga-Maynila
h. Ginigitlingan ang pagitan ng ika at tambilang. Hal. Ika-25 ng Dis.
Ika-12:00 n.t.
i. Ginigitlingan ang pagitan ng mga pantig ng salitang hinahati kapag lumalampas sa gilid (margin). Hal. Ang malnutrisyon ay pilit na nilulunasan ng pamahalaan sa pamamagitan ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Kawanihang pansakahan.
10. GATLANG •Ginagamit sa halip na panaklong. Hal. Tanggapin mo ang regalo ko – isang kwintas. b. Ginagamit sa pag-uulik-ulik. Hal. Aalis ako – a, hindi na pala.
11. PANIPI a. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Hal. “Christian Dior” ang kanyang pabango. b. Ginagamit upang mabigyang-diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat o iba’t-ibang akda. Hal. Ang “Panorama” ay isang lingguhang magasin.
•PANIPI
c. Ginagamit upang ipakita ang mga tuwirang sipi. Hal. “Pakaiwasan ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot”, ang pangaral ng guro.
12. PANAKLONG
•Ginagamit ang panaklong upang kulungin ang mga pamuno. Hal. Ang ating pambansang bayani (si Jose Rizal) ay siyang sumulat ng “Noli” at “Feli”.
•PANAKLONG
b. Ginagamit upang kulungin ang mga bilang o titik ng mga bagay na binabanggit nang sunud-sunod. Hal. Kilalanin ang kaukulan ng panghalip: (1) palagyo
(2) paari (3) palayon
Maraming Salamat po.