Kayarian Ng Mga Pangungusap

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kayarian Ng Mga Pangungusap as PDF for free.

More details

  • Words: 300
  • Pages: 13
Kayarian ng mga Pangungusap Inihanda ni: G. Robert J. Bongo

Kayarian ng Pangungusap

A.Payak B.Tambalan C.Hugnayan D.Langkapan

A. Payak

• Kapag may isang diwa lamang ito na maaaring may iba’tibang anyo ang paksa at panaguri.

1. Payak na Paksa at Payak na Panaguri

• Si Joseph ay labimpitong taong gulang na. • Mahal siya ng kanyang ama.

1. Payak na Paksa at Tambalang Panaguri

• Siya ay masipag at matiyaga. • Mga tupa at kambing ang kanyang alaga.

1. Tambalang Paksa at Payak na Panaguri

• Matataba ang mga tupa at kambing. • Dumating ang kanyang ama at mga kapatid.

1. Tambalang Paksa at Tambalang panaguri

• Marami at mababangis ang mga leon at tigre sa gubat. • Si Joseph at ang kanyang mga kapatid ay nagkita at samasamang umuwi sa kanilang tahanan.

B. Tambalan

• Kapag ang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa.

Tambalan Halimbawa

1. Matipuno ang katawan ni Joseph kaya siya ang naging tagapagalaga ng mga tupa at kambing. 2. Tapat ang kalooban ni Joseph sa mga kapatid samantalang sila ay may masamang balak laban kay Joseph.

C. Hugnayan • Kapag ang pangungusap ay may isang sugnay na makapag-iisa at may isa o higit pang katulong na sugnay. • Ang pantulong na sugnay ay ginagamit na panuring.

Halimbawa

Hugnayan

• Si Joseph ay may mga kapatid na naiinggit sa kanya. • Nag-isip ng masama ang kanyang mga kapatid nang siya ay dumating sa kanila.

D. Langkapan

• Kapag ang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang katulong na sugnay.

Halimbawa

Langkapan

• Pinatawad ni Joseph ang mga kapatid at sila’y sama-samang umuwi upang makasamang muli ang kanilang ama. • Dumating ang panahon ng taggutom at ang kanilang ama ay nabahala kung saan sila kukuha ng pagkain.

Related Documents