Mga Uri ng Talata
Ano ba ang talata? Ang
talata ay grupo ng mga naka-ugnay na pangungusap tungkol sa isang paksa. Ito sa ingles ay "paragraph".
4 na uri Talatang
Nagsasalaysay Talatang Naglalarawan Talatang Naglalahad Talatang Nangangatwiran
Talatang Nagsasalaysay Nagkukwento,
nagsasaad kung kelan, saan at paano ang mga nangyari.
Talatang Naglalarawan Nagsasaad
o nagpapakita ng anyo hugis, kulay at katangian
Talatang Naglalahad Nagpapaliwanag
o Nagsasaad ng isang katotohanan palagay o opinyon.
Talatang Nangangatwiran
May layuning mapapaniwala o kaya ay mapansang ayon ang iba sa kanyang katwiran
Ngayong Mahal na Araw ay ating ginugunita muli ang Pasyon ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo. Binabalikan natin ang Kanyang pagdurusa sa krus bilang kabayaran sa ating mga kasalanan. Bagamat alam natin na ang kaganapan na ito ay tapos na, at ang ating Panginoon ay BUHAY nagyon at nasa langit (huwag maniwala sa pamahiin na ang Diyos ay patay kapag Biyernes Santo at Sabado de Gloria; ang mahal na araw at isang paggunita lamang), mainam na sariwain ang mga kaganapan ng pasyon sa ating kamalayan upang hindi tayo makalimot sa tanda ng lubos ng pagmamahal sa atin ng Diyos. Isang malaking iskandalo ang kaganapan ng Pasyon. May Diyos ba ng nagdurusa? May Diyos ba na nagpapakasakit? May Diyos ba na ayaw lumaban sa Kanyang mga tagatugis at pinabayaan na Siya ay maipako sa krus para sa kamalian ng iba? Aba, anong klaseng Diyos ito!