El Filibusterismo.docx

  • Uploaded by: Sean Craig Alsim
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View El Filibusterismo.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 45,277
  • Pages: 52
El Filibusterismo ni Jose Rizal *Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo* Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao'y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang "makamandag" na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit. Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng "pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp." Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay. "Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw upang ako'y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako'y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog... Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako'y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya."

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinagusig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod dito'y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa: "Ako'y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila'y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako... Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo..." Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi. Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,Burgos at Zamora. Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran,

masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela. Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig. Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista. Karagdagang Impormasyon: Ang nobelang El Filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo ") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos , at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Mga Tauhan: Simoun Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano, Mulato, Portuges at Cardenal. Nakasalaming may kulay, na umano’y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway. Moreno Isagani – Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez. Paulita Gomez – Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya Victorina. Basilio – Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap. Juli – Katipan ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang ama. Pari Camorra – Paring mukhang artilyero. Pari Salvi – Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw. Pari Sibyla – Vice Rector ng Unibersidad. Pari Irene – Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Pari Fernandez – May kakaibang pangangatwiran, kaiba sa kapwa Pari. Pari Florentino – Amain ni Isagani. Kabesang Tales – Naging Cabeza de Barangay, dati’y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisan. Don Custodio – Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buena Tinta. Ginoong Pasta – Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng Akademya. Ben Zayb – Manunulat at mamamahayag. Donya Victorina – Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola at itinuturing na mapait na dalandan ang kaniyang asawa.

Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila . Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba . Sa London , noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel , at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891 , sa Biarritz . Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent . Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Quiroga – Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga Intsik. Don Timoteo Pelaez – Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago, ama ni Juanito. Mataas na Kawani – Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng pamahalaang Kastila, katunggali ng Kapitang Heneral sa pagpapalaya kay Basilio. Kapitan Heneral – Ang pinakamataas na pinuno ng bayab, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan ni Simoun. Hermana Penchang –Ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong ang dalaga, mahilig sa pagpaparami ng indulgencia. Placido Penitente – Nag-aaral ng pagkamanananggol, magaling sa Latin, pinakamatlino sa bayan ng Batangas, hindi nakagiliwan ng mga propesor kaya binalak nang huminto sa pag-aaral. Makaraig – Mayaman at isa sa pinakamasigasig na magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila. Juanito Pelaez – Mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso, kuba at umaasa sa katalinuhan ng iba. Sandoval – Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kanyang mga kababayan, nagpatuloy ng pagaaral sa Pilipinas. Pecson – Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang laging natatanaw sa hinaharap

Kabanata 1 Sa Ibabaw Ng Kubyerta Umaga ng disyembre ●

mabagal at nahihirapang umusad Ang Bapor Tabo sa Ilog-Pasig. -Patungong Laguna ang mga sakay ng barko. Sa mabagal nguni’t mapagmalaking palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi nakausad sa may 300 taong pamumuno sa Pilipinas.

Ang bapor Tabo’y larawan ng ating pamahalaan, ng ating bayan. Mahina ang pagtakbo at maraming balakid sa landas na ang ibig sabihi’y mahina ang pag-unlad. Marami pang dapat gawin upang sumulong ang bansa. ● Hugis bilog ang bapor. Sa bilog na anyo ng bapor - nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinaw na kaanyuan; walang plano ng pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamamahala noon na walang yaring plano ng pagpapalakad. ● Laging nalulubak sa putikan, nagpapanggap ng malinis, ngunit madumi pa rin (pinipinturahan ng puti). Sa pagkulapol na pinturang puti - nagpapanggap na malinis at marangal ngunit makikita ang mga dumi sa likod ng pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay at pagbilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa sa pamahalaan at simbahan. ● Pilipinong-pilipino ang barko, napagkakalaman bilang barko ng estado. (Akala'y ginawa ng mga prayle at militar-gobyerno) ● Kinukutya kutya ng mga tao ang hitsura ng bapor tabo. Just a theory- hinuhusgahan ng mga tao ang mga kapintasan ng bapor tabo ( ang ating bayan ) wari sa halip na maghanap ng mga kongkretong solusyon upang ito’ y matugunan, ang ginagawa natin ay kinukutya natin ito, kaya walang nagbabago. ● Magkahawig ang bapor Tabo at Bapor Estado (may ibaba at mataas na kubyerta.) Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng Kap. Heneral at iba pang taong pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay may union of church and state o pagiging magkatulong ng pamahalang sibil at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga suliraning pampulitika at pangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina at alin ang tikin? makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at saan ang pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, tikin-mga kura na nagsasabi kung saan dapat patungo ang bapor ng pamahalaan. (Dapat mabatid kung ano ang tikin.) Itaas - Ilang prayle, Nakadamit na europeyo, kawani na hititan ng tabako Ibaba - Indio, Tsino, Mestizo A. Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao sa kubyerta at sa ilalim ng kubyerta, tulad ng paglalagay ng pamahalaan na may mga taong mataas ang uri, tulad ng mga Kastila, mayayaman at prayle: at mga abang mamamayang tulad ng mga mestiso at indiyo. Mga taong sakay: 1. Kapitan ng Barko - nasa katanghalian na ng buhay. - dati ay mabibilis na barko ang kanyang inaandar - 5 marinero ang katulong niya. - senyas/turo ng kapitan sa kanluran, magtatakbo ang mga marinero sa silangan at itutusok ang tikin (pole) sa buhangin upang di sumadsad sa putikan. 2. Donya Victoria De Los Reyes De Espadaña - mapula pula ang buhok - nagpapanggap bilang espanyol - nagpapapansin sa kapwa europeo - pinipintasan ang bapor tabo - bibilis daw ang takbo ng Bapor kung walang mga indio everywhere. [Mismong kapitan ng barko ay indio, mga marinero ay indio, at 99 na lulan sa barko ay indio, siya rin mismo ay indio] - walang pumapansin sa kanya (mga estatwa kuno) - hinahanap niya si Don Tiburcio na nagtatago sa kanya - sila ay labinlimang taon na kasal, at si don tiburcio ay nagdusa sa kalupitan ni Victorina [Pagkatapos magsalita ng donya ay saka lang nag-usap ang iba pang mga tao] 3. Simoun (mag-aalahas) - tagapayo ng kapitan heneral, mestiso na nagpaitim 4. Don Custodio(Liberal) 5. Ben Zayb (mamamahayag) - Nagmungkahi at pinahahalagahan ang mga syentista na siyang dahilan daw ng pag-unlad ng tao 6-9. Mga Prayle (Salvi, Sybila, Irene, Camorra) Camorra - kailangan na lamang ng sapat na karanasan upang mapaganda ang ilog pasig. Ben Zayb- kailangan ng matalinong isip sa pagtugon sa mga problema Salvi - sinubukan tigilan ang alitan ngunit nagbigay ng bias at sumang-ayon kay Camorra. Further improves his point by referencing a certain franciscan that made Puente Del Capricio, a bridge that he defends as strong, only made by experiences. -Scientists reviled him, but the bridge was strong. Simoun joins the debate, says logic lamang ang kailangan sa suliraning hinaharap. Gets shy when people observe him. He proposed na kailangan ng isang tuwid na kanal mula sa ilog pasig hanggang sa pinanggalingan na kailangang magdaan sa

kamaynilaan. Matatambakan ng lupa ang ilog pasig (mapapaikli raw ang paglakbay at hindi tataas ang buhangin na siyang nagpapahinto sa daloy ng tubig. Don custodio disagrees to the idea, saying that the solution itself is expensive, at ang ibang mga bayan ay madadamay sa walang katapusang paghuhukay. Simoun agrees na madamay yung mga tao at sinabi na ang mga bilanggo ang maghuhukay, at kung ito ay kulang ay lahat ng kalalakihan ay dapat magtrabaho sa loob ng 4-5 buwan instead of 15 days. - they need to bring their own food pati palang panghukay - they should not be absent - if they fail to comply to these conditions they will be disciplined by the military. sinabi ni custodio na baka ang mga tao ay mag-alsa sa pamamalakad ng pamahalaan. Simoun counters him by relating the said ambitious plan sa piramide ng ehipto at ang koliseo ng roma, implying that it is only right to force these men to work so they can make something great. Simoun is certain that the people won't rebel (kasi di nagrebelyo ang mga ehipto at hudyo) Salvi said that maraming pagkakataon na umaalsa ang mga tao, lumaban daw ang mga mamamayan nang pwersahin silang umakyat ng bundok at magbaba ng kahoy para maitaguyod ang mga barko. Simoun assures him na di na mangyayari muli iyon. He recalls that Padre sibyla told him that: - ang bahay bakasyunan ng kapitan heneral at ang hospital sa bayan ay naitayo sa pamamagitan ng pwersahang pagtatrabaho at hagupit ng isang hermano ng kura paroko -ang puento del Capricio ay gawa rin sa pwersahang pagtatrabaho. Simoun gets irritated to Sibyla's kontra so he says na they should be ashamed kasi nagpapaapekto sila sa mga katutubo na dapat ay kinakatakutan sila. Pagkatapos ay umalis na nang nagalit ang mga prayle. After leaving, Custodio and Ben Zayb insulted him "Mulato", and "Amerikanong negro" respectively. Don custodio feeds rumors to them, saying na nagkakilala ang kapitan heneral at mag-aalahas sa Havana, at napakayaman ni Simoun. Binigyan pa ng pera ang kh para lamang makapunta sa pilipinas at pagtubuan ang mga pilipino. Yet, Simoun still wants to alipin-ize everyone in the phils. They don't buy it ( ito ay isa lamang rumor, after all). Custodio's solution para malinis ang buhanginan sa look ng laguna ay magalaga ng pato(ducks) (inaaalagaan sa likod-bahay) ang naninirahan dito sa gayon ay mapapadali ang paghuhukay dahil ang mga suso na kinakain ng mga ito ay nasa kailaliman. Don Victorina does not agree sa suhestiyon ni Don Custodio dahil siya ay nandidiri sa balot. *Mga Tulong Sa Pag-aaral* 1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa’y Kastila. 2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre sa Noli at ang Fili ay may 13 taong nakapagitan. 3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay isang mamamahayag. 4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng gatas, kape o ano man. Mula sa abang bataan hanggang sa makabagong banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay may tabo. Noon ang tabo ay karaniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng niyog. *Mga Tanong at Sagot* 2. Bakit inis na inis si Donya Victorina? Tugon: Iniwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta. 3. Anu-ano ang ibubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila ayon kay Simoun? Tugon: A. Makapagtitipid ng lupa. Ang liku-likong Ilog Pasig ay mahalinhan ng tuwid na kanal. B. Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo. C. Maiiwasan ang mga putik at burak sa mga pampangin ng Ilog Pasig. D. Giginhawa ang paglalakbay. 4. Anu ano ang tutol dito ni Don Custudio? Tugon: A. Malaki ang gugulin B. Maraming bayan ang kakailanganing sirain C. Walang ibabayad sa mga manggagawa 5. Anu-ano ang tugon ni Simoun dito? Tugon: A. Kung maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain ito. B. Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga bilanggo. C. Kung 'di sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang bayad ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkain at kasangkapan. Sa ganito raw paraan naitayo ang piramide sa Ehito at koliseo Sa Roma na hinahangaan ngayon kaugnay ng pangalan ng mga paraon at

mga pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong nagamatay na mangagawa roon. Ang mga patay ay patay na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran at panahon; D. At 'di raw maghihimagsik ang bayan tulad ng mga Ehipsio. 6. Dahil sa mga panukala ni Simoun at kanyang tandisang patutsada kay P. Sibyla at Don Custodio, ano ang naging palagay sa kanya ng nasa itaas ng kubyerta? Tugon: A. Siya ay isang mulatong (mestisong) Amerikano. B. Mestisong taga-India at Ingles naman daw. 7. Bakit nangigilag ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun? Tugon: Ito’y kaibigan ng Kapitan Heneral, doon pa sa Habana, Kuba. Pahiwatig ng kabanata: •Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang kubyerta at ang ilalim nito. Ang pamahalaan ay nagpapalagay na may mataas at mababang uri ng tao. •Si Simoun, ang mayamang mag-aalahas na siyang tagapayo ng kapitan heneral, ay walang iba kundi si Ibarra. Points of Note: o o o

The upper deck of the steamship is for the elite. Most of the people in this part of the vessel are Spaniards. Rizal's first novel, the Noli Me Tangere, ended in the month of December; its sequel, the El Filibusterismo, begins in the same month. However, this is a December thirteen years later. Don Custodio is adviser to those working in the national government; Ben Zayb (anagram for Ybañez) is a journalist.

Frequently Asked Questions: Question: How is the steamship Tabo likened to the government? Answer: 1.The manner the ship is divided into two sections -- the upper and the lower deck -- is similar to how the government treats the people: rich and poor, Spaniards and Indios -- without equality and fair treatment. 2.The slow pace of ship travel is likened to the country's slow progress despite 300 years of Spanish rule. 3. Whitewashed walls that cover rust and dirt symbolize the pretense behind ugly methods and social unrest in the country. 4 The circular design of the steamer entails that the government is going in circles, without a sensible goal or purpose. 5. The use of modern machinery to power the steamboat is indicative of the union of the Church and state during that time. Kabanata II Sa ilalim ng kubyerta Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. ● Higit na pangmasa ang kubyerta sa ibaba. ● Karamihan sa mga pasahero dito ay nakaupo sa bangko. ● Lubos ang katuwaan ng kabataan dahil araw na ng pagsasara ng mga paaralan (bakasyon na) ● Mahinhin ang kolehiyalang dalaga sa mga pakilig ng mga bibong binata. ● Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta. Tinanong ni kapitan Basilio si Basilio kung kamusta si Kapitan Tiago. Basilio says that: ● Tiago's condition is okay, ngunit ayaw nitong magpaalaga. Hindi rin siya nakikinig sa mga advices ng iba. ● Tiago only sent Basilio to San Diego para makahithit ng opyo and continue to live life without borders. Naroon ang dalawang (2) estudyante na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila Kap. Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago. Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. KB says that ang nasabing opyo ang problema ng henerasyon. ● ● ●

Ginagamit lamang ito sa medisina. Hindi daw inabuso ng sinaunang tao ito. Ang mga inchik lamang ang nagpapalunod sa bisyo(may galit raw si Rizal sa mga intsik) Hindi rin daw sila nagbabasa ng mga kasulatan ni Cicero. Napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. • Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. - Ipinangako na ni Padre Irene na lalakarin niya ito sa Kapitan Heneral. - KB is still firm to his belief na hindi mapapatayo ang akademya dahil sasalungatin ni Padre Sibyla ang kanilang layunin. - "Salungatin niya kung sasalungatin!" - Basilio - Makukuha ng mga kabataan ang pera upang mapatayo ang akademya sa pamamagitan ng pag-aambag ambag ng mga estudyante. ▪ May propesor na rin sila para sa paaaralan. Kalahati ang kastila, kalahati ang Pilipino. ▪ Inialay ni Macaraig ang isa nilang bahay para sa paaaralan. Sinabi pa rin ni Kapitan Basilio ay dapat di na sila magpatayo ng akademya, dahil hindi naman nila kailangan aralin ang kastila. ● “Kabataan pa nga ba ang pag-asa ng bayan?” ● Lumisan si Kapitan Basilio na parang emperador ng Roma. Ang pagiging negatibo ni Kap. Basilio ukol sa Akademya – Ipinapakita lamang nito na isa sa mga sakit sa lipunang

tinutuligsa ni Rizal sa ating mga namamahala sa gobyerno ay ang kawalang suporta sa mga programa, gawain at mga patakarang may kinalaman sa kabutihan ng mga mamamayan. Ayaw makialam sa mga issue na direktang nagbibigay ng agarang atensyon ng mga taong dapat na magsagawa nito, bagkus pinapabayaan at hindi pinapansin. Ito rin ay sumisimbolo sa mga taong tumutuligsa sa mga pangyayari, sitwasyon, mga usapin ng bansa sa halip na ito ay tulungan at suportahan ay tuwirang sumasalungat kayat walang nangyayari sa bayan dahil sa pagkakaroon ng dibisyon. Mahihina pa sila at karanasan daw dapat ang basihan ng tagumpay ng kabataan, ika ni Basilio. Parehong karanasan ang suhestiyon ni Kapitan Basilio pati ni Padre Florentino. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina. ● Isagani: Hindi ordinaryong babae si Paulita. Maganda, edukada, ismarte, kagalang-galang. Ngunit hindi pabor dito si Padre Florentino. Ang maipipintas lamang dito ay ang kaniyang tiyahin na materyosa na si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago. ● Nangako si Isagani na hahanapin niya ito dahil mahal niya si Paulita. ● Surprise nasa bahay ng tiyuhin niya (Padre Florentino) si Don Tiburcio. o Yun daw ang dahilan kung bakit ayaw umakyat ni PF sa itaas ng kubyerta. Tatanungin daw kasi nito ni Donya Victorina. ● Nagulat siguro si Victorina nang nakita niya si Isagani sa ilalim ng kubyerta kasama ang ibang indiong kinamumuhian ng donya. Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. ● Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. o Tinignan ni Simoun si Isagani nang mapagmaliit, dahilan ng pag-inis ng binata. ● Tinanong at sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Isagani sapagka’t ang lalawigang ito’y mahirap at di makabibili ng alahas. o Matigas at nasaktang tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami namimili ng alahas dahil di namin kailangan. Napangiti si Simoun. Sinabi niya na dukha ang kanilang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino. 3. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon? Tugon: Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila naman mayaman. Kung magsisimula pa lamang ang isang paroko di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito; pag-umunlad na ito, pinapasok na ng mga prayleng Kastila. Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, Sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at di ng serbesa. 4. Totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil hindi ito nagsisiinom ng serbesa? Tugon: Hindi. Ito'y totoo para sa bayang malalamig nguni't di sa Pilipinas na totoo nang mainit kadalasan ang panahon. Tingnan ang palainom ng tuba. Pagkainom ano? Bulagta! ● Mabilis na tumugon si Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, makapagtatabi pa siya ng pera, at ang pagbili niya ng alak ay nakakapagbawas sa kaban ng simbahan. Marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. Na kung si Padre Camorra at mga kasama nitong kastila ay nagbabawas sa pag-inom ng alak, titino sila ng kaunti at ang mga alingasngas nila, lalo na sa kababaihan, ay mabanawasan kundi man maalis. (Ito kaya ay di tuwirang pangagaral ni Rizal ukol sa alak?) ● At dagdag ni Isagani: o Hindi lang nakapagpapaalis ng uhaw ang tubig. Pumapatay rin ito ng malaking sunog. At kapag ito’ y ininit ay magiging singaw na maaaring maging dagat-dagatan. Ani niya ay dapat tandaan ng prayle na ang tubig ding ito ang lumunod sa sangkatauhan at yumanig sa pundasyon ng sandaigdigan. o lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio. Napanganga at napahanga si Simoun pero di niya ito pinahalata. ●

Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ito ng apoy; kapag nagkatagpo-tagpo ang mga agos ng tubig mula sa maliliit na ilug-ilugan patungo sa mga daang hinuhukay ng mga hindi nabigyan ng katarungan. sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simoun dahil ang makina ay hahanapin pa. Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mga Pilipino; pagsulak, himagsik! Ang mumunti at watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming Pilipino na may matinding gawi ng pag tatangi-tangi (regionalism). Kung ang mga puta-putaking himagsikan lamang sa Pilipinas na mula kay Lapu-lapu hanggang kila Diego Silang ay walang tigil nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi sa iisang dagat o nagkaisa-isa at nagkasabay-sabay sa isang pamumuno, matagal na sanang gininaw ng dagat ng tubig na ito ang Moong ng Kastila sa Pilipinas. Ngingisi-ngising tumalikod sa dalawa ang mag-aalahas.

2. Bakit nangiti si Simoun nang matigas na tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang kanyang mga kababayan ay dahil hindi nila ito kailangan? Tugon: Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di totoo. Mahiligin sa alahas ang mga Pilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni Simoun kay Isagani ang isang katangiang hinahangaan niya at hinahanap, lalaking matapang at nakikipaglaban para sa karangalan ng bayan. Parehong bulkang paputok ang estudyante. Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang malaking tao/mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno. May nakapagbulong kay Basilio na tagapayo ng kapitan heneral si Simoun Sa unang araw pa lang ay pinuntahan na ni Simoun si Kapitan Tiago na may sakin. Nagbabasakali raw yatang hingan ng mana. 9. Paano nagkakilala sina Simoun at Basilio? Tugon: Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay isa sa madalas dumalaw si Simoun na pinaghihinalaan ng lahat, pati si Basilio, na isang naghahangad makamana sa yaman ng Kapitan. ● Isagani: I’ll cut my fingers if Simoun won’t consult the kapitan heneral na aprubahan ang hinaing ng kabataan. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. ● ●

Ang mga katutubong napadaan sa kura ay nag-aalis ng sombrero bilang paggalang (nirerespeto) o Nakikihalo siya sa lahat ng mamamayan,. para sa kaniya, walang linyang naghihiwalay sa mararangya at maralita. Kapwa raw sila inilikha ni Bathala na dapat pakiharapan, kaibiganin at igalang. Padre Florentino’s history ●

Mula siya sa mayamang angkan. Hindi niya pinangarap na maging alagad ng diyos o kura. Ang pagpasok niya sa seminaryo ay pawang utos ng kaniyang ina (matalik na kaibigan ng Arsobispo nila) Ang kasintahan ni Florentino ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumasok ng seminaryo. Pero sa dahilang ang ina niya ang hawak ng mana, yumuko si Florentino sa kanyang kagustuhan. Edad 25 nang maordenahan si Florentino na maging ganap na pari ng arsobispo. Tuwang-tuwa ang ina niya. Nagluksa ang kanyang kasintahan. ● 3 araw idinaos ang selebrasyon, at sa sobrang lito at kahihiyan ng dalagang nagmamahal sa kanya, nagpakasal ito sa isang binatang hindi naman ito minahal. ● Sa labis ng katuwaan na makapagsusuot na ng sutana si Florentino, sumakit ang dibdib ng kanyang ina at namatay. ● Tinanggap na ni Florentino ang mana ngunit malungkot pa rin siya. ● Nawalan na ng kasintahan, nawalan pa ng ina. Nangako si Florentino na iaalay niya ang buong sarili sa ikabubuti ng mahihirap sa kaniyang parokya. Dahil dito, napalapit at napamahal siya sa mga mahihirap at nagdurusa. Siya ay tinawag na sugo ng kalangitan. ● Inampon ni Florentino si Isagani, may mga rumors na anak niya daw ito sa dating kasintahan, may nagpapatunay naman na anak daw ito ng kaniyang pinsang naninirahan sa lalawigan. Sinenyasan si Padre Florentino ng piloto ng barko at sinabing iniimbita na ng mga kura siya upang siya ay makakwentuhan. Bago siya pumanhik sa kubyerta, tinawag niya si Isagani at sinabing huwag na huwag siyang sundan sa pakikipagkwentuhan sa mga kura ng simbahan. ● ● ● ● ● ●

*Mga Tulong Sa Pag-aaral* 7. Ano ang diwa ng tula ni Isagani na bibigkas ni Basilio? Tugon: Pagtutulugan ng tubig at ng apoy sa isang makina (steam engine). Pagtutulungan ng Pilipino at Kastila sa mahusay na sistema ng pamamahala. 8. Bakit pangarap lamang daw ito ayon kay Simoun? Tugon: Hahanapin pa raw ang makina. Ibig sabihin may apoy nga at may tubig nguni't walang makina. Walang makikitang pag-asa si Simoun sa pagkakasundo ng mga Pilipino at Kastila. Pahiwatig ng kabanata: •Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan upang maisakatuparan ang kanilang mga adhikain. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan. •Mapupusok ang kanilang kalooban. Hayagang sinasagot nang makahulugan si Simoun gayung ang pagkakakilala nila'y malapit sa kapitan heneral. •Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay nagpapakita ng kapangyarihan ng mga magulang sa anak noong unang panahon. Anumang bagay na naisin ng magulang maging laban man sa kalooban ng anak ay nasusunod. Frequently Asked Questions: Question: Why does it seem to be a habit of the elder people like Don Custodio to always find hindrances to progress when the youth is always optimistic in such endeavors? Answer: The older people have undergone a lot of failures in their lives -- shattered hopes, lost dreams -- and these have taught them not to hope too much. The youth, on the other hand, have not yet experienced such failures and are still filled with the burning hope that their plans will be fulfilled. This way, the nation still pushes forward towards progress. Question: Why does Simoun let out a grin when Isagani tells him that the reason why his countrymen don't buy jewelry and precious gems is because they have no need for such frivolous things?

Answer: If the smile is that of sarcasm, then that is because Simoun knows Isagani's claim isn't true. Filipinos love jewelry. If, however, it is that of appreciation, then that is because Simoun sees that Isagani has courage and conviction -traits that Simoun admires greatly and is looking for in the Filipino youth. (This is further explained in the succeeding chapters.) Question: What is Simoun's way of determining whether a town is rich or poor? Answer: The priests. If the friars are Filipinos, the parish is poor; if they are Spaniards, rich. When a parish is still in its first stages, not much money is going in and Filipino priests are assigned there. The moment the town starts to progress, Spanish friars take over. Question: How did Simoun and Basilio meet? Answer: They meet at Captain Tiago's house, where Simoun frequently visits. Kabanata III Ang mga Alamat (Buod) Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga nasa kubyerta. ● Humupa na ang mga argumento ng kaninag nagsisipagtalo. o Maaring ito ay dahilan ng mga masasayang bahay sa tabi ng dalampasigan. o Maari rin naman ang alak Jeres o almusal Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. ● Umuunlad ang negosyo ni Padre Salvi sa hongkong. Panay daw ang pagpapatayo doon ng mga gusali. ● Ngunit sabi ni Padre Salvi ay nakikipagtalo daw ang mga nangungupahan dahil sila raw ay labis na nagpapayaman. Huwag na lang daw magreklamo, ani Padre Camorra ● Buti may lupain at bangko pa ang dominiko, siya, bilang isang simpleng kura paroko, ay mayroon lupang nasasakupan kung saan siya ay nakakuha ng salapi. ● Nagsimula nang batikusin ng mga tao ang sobrang ibinabayad sa binyag, kasal, at sa libing ng patay. Pinagdidiinan nila ang halagang nilinaw ng Arsobispo na si Don Basilio Sancho. ● Dito natin nalaman na may karapatan taasan o ibaba ng kura ng parokya ang pagbabayad ng bawat isa. ● He exaggerates na wala nang mabibili sa isang peseta (Spanish currency) ● Napakamahal na ng manok. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Tinanong nila kung saan siya galing. ● Ang mga kwentong bayan ang pinakamagandang kwentuhan. ● Ani niya ay nagpunta niya sa ibaba at tinanong ang mga pasahero sa kani-kanilang kwentong bayan, ni wala daw isa sa kanila ang nakapagkwento. Mababaw daw ang mga indio at hindi taong kulto. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan. Kapitan ng barko chikas with them and mentions that may ilang alamat ang Ilog pasig. Isa na rito ang alamat ng malapad na bato. ● Ang alamat na ito’ y tungkol sa banal na batuhan na pinanahanan ng mga souls of the dead. It is also where bandidos na humaharang at nagtataob sa mga bangkang napapadaan. ● Oof bad flashback memory for elibarra as simoun kuraps his teary eyes. 2. Ano ang pagkakahawig ng alamat ng Malapad-na-Bato sa kasaysayan ng Pilipinas? Tugon: Noong una ang Malapad-na-Bato ay pinaniniwalaang lugar ng mga espiritu at maligno, isang pugad ng pamahiin. Gayon din ang Pilipinas na noong bago dumating ang mga Kastila ay pinamamayanihan ng mga pamahiin Kapre, tiyanak, tikbalang aswang, at iba pa. Nang ang Malapad-na-Bato ay pagtaguan ng mga tulisan, nabatid ng mga tao na walang katotohanan ang masasamang espiritu sapagka’t walang nangyari sa mga tulisan. Mga tulisan naman na nanghaharang at pumapatay sa mga napapadpad sa Malapad-naBato ang pinagkakatakutan ng mga taong namamangka sa Ilog. Ang Pilipinas sa tulong ng Kristiyanismo, ay di na naniniwala sa mga espiritu at pamahiin na pinatunayan ng mga prayleng Kastila’y walang katotohanan. Sila’y tulisang Kastila naman na natatakot ngayon. Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento dahil may higit na kaalaman siya tungkol sa alamat ayon sa piloto. . Alamat ng Donya Geronima. ● May magkasintahan daw sa Espanya. Nangako ang binata na pakasalan ang isang neneng-nene. ● Dahil sa labis na hangad na studies first, ay nalibang ito sa pag-aaral. ● Matagal na naghintay ang dalaga. Nagulat na lamang siya nang nalaman na pumasok sa seminaryo, nagpari, at naging arsobispo ang kasintahan sa Maynila. ● Sa sobrang kalungkutan, pinuntahan ito at nagmakaawang siya ay ihatid sa altar. Upang hindi maeskandalo ang arsobispo, nagpagawa ito ng kuweba sa tabing ilog ang kasintahan. Rumors fled na nagkasama sila dun. Ang nasabing dalaga ay kilala sa pangalang Donya Geronima. ● Parang aparador daw ang katawan nito kaya patagilid kung pumasok sa bunganga ng kuweba. Sapagkat siya ay mag-isa, iniimbita niya ang mga tao upang makipagsaya sa kanya kung payapa ang tubig at nasa kabilugan ang buwan sa kalangitan. ● Tuwing mag-uumaga raw pagkatapos ng saya, itinatapon niya ang mga ginamit na utensils na kayamanan na ng isang pamilya. Pilak at antigo ang mga tinatapon niya, so yung mga matalinong people naglalatag ng lambat para makuha yun sa tubig and maangkin. ● Minsan daw ay umapaw ang ilog at pinasok ng tubig ang kuweba. Dahil doon, hindi na nagkakaroon ng handaan sa yungib niya. She was never heard of again. ● 2 years after it seems like the people forgot about donya Geronima.

Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa kaniyang kasintahan. Ito’y nagpapahayag ng pagkamatapat ng babaing Pilipina. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Ilalagay niya daw ito sa kanyang pahayagan. Simoun wanted to remind everyone na siya ay isang Pilipino. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi, sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam na ilagay sa isang beateryo si Donya Geronima tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ;ginawa ng isang arsobispo, ayon kay padre Salvi. He was nervous and defensive and said that they were talking about an alamat. Bakit napunta ito sa mga kumbento at sa komunyon? 1. Bakit nauwi sa mga alamat ang usapan sa ibabaw ng kubyerta? Tugon: Binatak dito ni Simoun ang alamat sa Ilog Pasig at isa ang inaasahan niyang mapag-uusapan ang kay Donya Geronima na siya niyang magagamit sa pagbabawas ng kulo sa kanyang dibdib laban sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi na batid ni Ibarra ay lumalapastangan sa kapurihan ni Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ni Salvi ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik(ayaw magpaconvert) sa pagkamatay sa mga buwayang dadalhin siya sa impyerno na naging bato nang dasalan ng intsik ang santo. Nang datnan nila ang lawa, nasiyahan ang lahat sa kanilang nakikita. Nakita nila ang lawing may luntiang dalampasigan. Tanaw na tanaw nang lahat ang mga kabundukan na nagkukulay Esmeralda at sapira sa sikat ng araw. Makikita rin dito ang kadakilaan ng bundok makiling na buong dangal na nakatindig. Nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra. Kinilabutan ang lahat na napatingin sa kapitan. Napakunot uno lamang si Ibarra Itinuro ng kapitan ang mabuhanging dalampasigan. Doon raw napatay si Ibarra. Naghanap at nangutya si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatlong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. ● Kasama daw ni Ibarra ang isa pang pilibustero na si Elias. Bad flashback Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ang iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. ● “Isang manlalakbay na iniikot ang sandaigdigan buwan-buwan, nahihilo sa isang patak na tubig lamang?” Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakabay. ● Dapat ninyong isipin higit na malawa ang lawa ng laguna sa Lawa ng Swisa at maging ng pinagsama-samang lawa ng Espanya. Marami na rin daw siyang turistang nahilo at nagsuka sa paglalayag sa lawa. ••• Mga Tulong Sa Pag-aaral 1.

Dito’y makikitang naalis ang paniwala ng ating mga nuno sa mga espiritu at pamahiing lalo Pang nakaiinis ang pangrelihiyon. 2. Ang kaugaliang chismoso ng mga tao both Filipino or foreigner pati mga chismis sa kalayuan naririnig kaagad tas may kapabilidad pa na kilabutan at sabay sabay tumingin. Pahiwatig ng kabanata: •Maalamat ang ating bansa. Hindi lamang Pasig ang mayroon. Halos lahat ng bayan pati na ang pinagmulan ng mga bagay, halaman o tao.

Points of Note: In this chapter we see that the people have already gotten rid of primitive beliefs revolving around spirits and monsters, but now replace them with even more annoying superstitions about religion. Frequently Asked Questions: Question: How does the conversation end up in storytelling? Answer: Simoun starts the entire thing. He hopes that when they talk of legends, the story of Doña Geronima will eventually come into the picture and he wishes to see the expression on Padre Salvi's face when it is being narrated because the story somehow relates to how the damned priest violated Maria Clara in the convent.

Kabanata IV Kabesang Tales (Buod) Noche Buena noon nung kinupkop ni Tandang Celo si Basilio. Si Tandang Selong na umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. ● Dating mangangahoy ngayo’y gumagawa na ng walis(dating libangan). ● Pinakamatandang anak si Tales (Telesforo) ● Si Tales ay namasukang bilang kasama ng isang kapitalistang may malawak na lupaing sinasaka. ● Sa kanyang sikap ay nakabili siya ng dalawang pansakang kalabaw. Di nagtagal ay nilayuan niya ang mapag-abusong kapitalista. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, at ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle. Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni Tano, ako’y bumabayad sa abogado. Kung

mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya’y mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na kailangan ang anak. Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril. Di makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan, araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon. ••• *Mga Tulong Sa Pag-aaral* 1. Ang agnos ni Huli ay agnos ni Maria Clara na ipinagkaloob sa isang ketongin na napagaling ni Basilio. Ibinayad ng ketongin kay Basilio ang agnos at ito naman ay inihandog ni Basilio kay Huli. *Mga Tanong at Sagot* 1. Bakit mahirap maging cabeza de barangay noon? Tugon: Siya ay isa lamang tagapaningil ng buwis at kung may di magbayad ay siya pa ang nagpapaluwal. 2. Ano ang ibig sabihin ni Kabisang Tales sa 'magiging lupa rin tayo at hubad tayong talaga nang ipanganak' ? Tugon: Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat ay mamamatay at ano ang ikatatakot sa karalitaan ay nagsimula tayo sa kahirapan sa walang damit. 3. Anong batas ang pumanig sa mga paring korporasyon upang makuha ang lupa ni Kab. Tales? Tugon: Wala kundi ang batas ng pansariling kaligtasan ng mga eskribano at hukom na takot sa korporasyon ng mga kura. Kaya silang ialis sa tungkulin ng mga prayle. Ang totoo, mabuti ang mga batas ng mga kastila na dapat ipasunod ngunit pinasasama ito ng mga namamahala. Gayong walang naipakitang katibayan ang korporasyon, nakuha nilang masaklit ang lupa ni Kabesang Tales. Isa ito sa mga nakatulong sa katamaran ng mga Plipino. Bakit ka pa magsasakit na gumawa at umunlad kung ito ay kakamkamin lamang sa iyo pagkatapos? 4. Bakit matagal na di kinausap ni Tandang Selo ang anak ni Kabesa? Tugon: Dahil pinayagang magkawal si Tano at di ibinayad ng kapalit na maaaring gawin noon. Noon ay sadyang nangunguha ng kabataang pinagkakawal nguni’t maaaring kumasundo sa isang sadyang napauupang kapalit at ang isang anak ng maykaya ay maaaring di na magkawal. 5. Bakit sinabi ni Kab. Tales na kung siya’y matatalo sa usapin ay di na niya kailangan ang anak? Tugon: Kung matatalo siya sa usapin wala na rin siyang maibibigay na kinabukasan sa kanyang anak at kaya puspusan ang ginagawa niyang paglaban ay sa kapakanan din ni Tano ang kanyang hangad ito ang magiging tagapagmana ng kanyang lupain. 6. Sa ano inihambing ng ilan si Kab. Tales sa kanyang pakikipag-asunto sa mga prayle? Tugon: Palayok na bumangga sa kaldero; langggam na kumakagat kahit na siya’y titirisin lamang. 7. Bakit kung kailan pa walang makalapit na tulisan sa lupain ng dinukot ng mga tulisan?

Tugon: Noong una’y walang makalapit na tulisan sa lupain ng kabesa dahil sa siya’y may baril noon at siya’y magaling mamaril. Nang ipagbawal ang baril, nagdala naman siya ng gulok at siya’y balita sa arnis. Kaya nang palakol na lamang ang dala niya saka siya napangahasang lapitan at dukutin ng mga tulisan upang ipatubos. 8. Anong ginawa ni Huli ang pinintasan ni Rizal? Tugon: Ang pag-sa sa mga milagro. Inilagay ni Huli ang perang napagbilhan ng kanyang mga alahas sa ilailim ng imahen ng Birhen at umaasang iyon ay magiging doble kinabukasan. Sinana’y ng mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-asa sa mga milagro upang matuto pang magtiis ang mga katutubo at iasa ang kanilang bukas sa pagmimilagro ng kanilang mga patrong santo sa halip na gumawa sila ng mga paraang maaaring sa pag-uusig sa maykapangyarihan ay humantong sa himagsikan. Ito kaya ang nakatulong sa ating pagpapaubaya ng lahat kay Bathala o ang kaisipan natin na bahala-na? Pahiwatig ng kabanata: •Ang pagkakaagaw ng Korporasyon sa lupain ni Tales ay nagpapahiwatig ng mga kasamaang umiiral noong panahon ng Kastila. •Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok o palakol ay nagpapakitang handang ipakipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan. •May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapuwa Pilipino. Nariyan ang mga tulisang dumakip kay Kabesang Tales upang ito’y ipatubos. Points of Note: The scapular that Juli wears is the scapular that Maria Clara gave to an old leper in the first book, Noli Me Tangere. The leper gives the scapular to Basilio after having been healed by the young doctor, and Basilio then offers it as a gift to Juli. Frequently Asked Questions: Question: Why is it difficult to be the cabeza de barangay during those days? Answer: The cabeza de barangay does nothing but endure the tedious and rather perilous task of collecting taxes. Question: What does Cabesang Tales mean when he says "To the earth we shall return, and truly we were naked upon birth"? Answer: He means to say that we must not fear death for we all shall die, and we must not fear poverty either for we all were born poor -- without clothes. Question: Why does Cabesang Tales say that if he loses the case then he will have no need for children? Answer: Losing the case would mean losing the land -- the only inheritance he can leave his children.

Kabanata V Ang Noche Buena ng Isang Kutsero (Buod) Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil. Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen. Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio. Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?) Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin. Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man. Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio. ••• Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Si Basilio ay katiwala ni Kap. Tiyago. 2. Ang mga pag-aari nina Ibarra ay sinasamsam ng pamahalaan (at ng simbahan) at ipinagbili ang ilan. Si Kap. Tiyago ang nakabili ng gubat nina Ibarra. Iyon ang tinatanuran ng matandang namatay. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nasabi ng kutserong si Sinong na noong panahon ng mga santo ay walang guwardiya sibil? Tugon Dahil sa mga pahirap na tinatanggap niya sa mga sibil, nasabi ni Sinong na walang sibil noon sapagka’t di maaaring tumanda nang gayon si Metusalem at di maaaring maging pari na papagitna pa sa dalawang haring puti si Melchor na isa sa tatlong Haring Mago. Tiyak daw na mabibilanggo si Haring Melchor. 2. Bakit naging kapani-paniwala sa mga mangmang na Pilipino noon ang alamat ni Bernardo Carpio? Tugon Ito ay pinalaganap na talaga ng mga Katila. Si Bernardo Carpio ay isang likhang guniguni na hango sa isang alamat na hiram sa Mehiko, dumating dito bilang tauhan sa isang awit o isang korido, at sa nilakad-lakad ng mga taon ay ginawang katutubo at kinilalang hari ng mga mangmang na ring Pilipino. Sinasabing sa pamamagitan ng lalang ng mga kastila ay naipit ng nag-uumpugang bundok sa Montalban {sa Rizal} si Bernardo Carpio nguni’t unti-unti nang nakakawala at sa panahon ni Sinong ay kanang paa na lamang ang di naiaalpas. Pagnakawala raw si Bernardo Carpio ay siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa paghihimagsik laban sa mga Kastila. Kung isang katutubo o mga kura na rin ang nagsimula ng ganitong alamat ay di natin matiyak nguni’t ay pinabayaan ng mga Kastila, at tinulungan pang yumabong sa isipan ng mga Pilipino sa pamamgitan ng mga aral na ang pagtitiis at pagpapakasakit ay nagtatamong kaluwalhatian sa langit. Dahil sa mga kuwentong tulad nito, nawawala o mababawasan ang paghahangad ng mga Pilipino na ihanap ng lunas ang kanilang mga kapihan. Hihintayin na lamang nila ang paglaya nila ang paglaya ni Bernardo Carpio, ng kanilang hari, at saka na sila magbabagon.

*Mga Tanong na Maaaring Talakayin* Ang mga sibil ay karaniwang mga Pilipino rin noong panahon ng Hapones, higit daw na mahigpit magparusa ang mga Pilipinong naglilingkod sa garison kaysa mga Hapones na rin. Ang mga gerilyo ay gumagamit ng maraming uri ng pagpatay na totoong nakapanghihilakbot. Noong kalaganapan ng kilusan ng Huk (1946-1956), ang mga pagpapahirap at pagpatay ng Huk at mga kawal na rin ng pamahalaan ay nakapangingilabot din. Bakit nagkaganito ang mga Pilipino? Ibatay ang tugon sa mga paglalarawan ng buhay sa Noli at Fili at sa ating mga ulat na pangkasaysayan. Makakabangon kaya tayo bilang isang lahi? Pahiwatig ng kabanata: -Ang kaawaawang mga Pilipino’y tumatanggap ng mabigat na parusa sa kaunting pagkukulang. Malulupit ang maraming mga nasa tungkulin. -Malaki ang pagnanais ni Kapitan Basiliong makasundo ang kura at alperes. Sila ang makapangyarihan sa bayan. Points of Note: Basilio is Captain Tiago's confidante. Crisostomo Ibarra's assets were taken by the church and the government, some of which were sold. Captain Tiago bought the forest owned by the Ibarras. Frequently Asked Questions: Question: Why does Sinong the coachman say that there were no civil guards during the days of the saints? Answer: Sinong says this after having suffered much abuse from the civil guards. He says that Matusalem could not have reached such a ripe old age if there were civil guards to make anyone plead death over such unjust painful treatment. Question: Why is the legend of Bernardo Carpio a rather believable and convincing story to the Filipinos? Answer: This story was spread by the Spaniards. Bernardo Carpio is a fictional character derived from a popular tale in Mexico, who came to the Philippines as a character in a song, and as the years went by became known as a local

character and identified as king of the natives. The Spaniards trapped him under a huge mountain, and for years he has freed himself little by little. It is said that during the time of Sinong, only Carpio's right leg remained trapped. The moment Bernardo Carpio is finally free, the Filipinos believe that he will be the one to lead them in

rebellion against the Spaniards. Because of this story that was engraved into the minds of the natives by the Spanish, the Filipinos lose their will to hope and fight for freedom because they believe that only until Bernardo Carpio is free can they stand a chance against the foreign rule.

Kabanata VI Si Basilio (Buod) Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena, si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya't paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon. Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina. Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Pingaral sa Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat. Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na akala niya'y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Noo'y di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanugin ito'y di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Nguni't isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan. Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa. Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya'y pakaksal na sila ni Huli. •••

Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Totong malaki ang bilang ng mga mag-aaral sa klase noong panahon nina Rizal - 300 hanggang 400 sa isang klase. Paano magiging mabisa ang pagtuturo? 2. Dito'y inilarawan ni Rizal ang higt na kaunlaran ng mga Hesuwita sa Ateneo kaysa mga Dominiko na siyang halos namamahala sa pagtuturo sa Pilipinas. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit kailangang palihim pa ang pagtungo ni Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago? Tugon Ayaw na niyang maungkat nino man ang kanyang kahapon. Siya'y pinaghahanap pa rin ng bats sa likod ng may 13 taon nang nakakalipas. (Alalahaning buhay pa si Padre Salvi na bahagi ng pamahalaan). 2. Ano ang kapuna-na sa pagkakapagaling ni Basilio sa ketonging nilimusan ni Maria Clara ng isang agnos na mamahalin? Tugon Kahit nitong mga panahon ito ay may ilan pang naniniwala na ang ketong ay nakakahawa at di napapagaling. Sa sandaling magkaketong ang iasng tao siya ay ibinibilang nang patay nabubuhay na patay walang pag-asa at kadalasa'y pinatitira sa mga malalayong kabundukan upang hindi makahawa. Lalo pa noong panahon nina Rizal. Maalaala na ang ketonging ito na nilimusan ni Maria Clara ng agnos ay sumagip ng isang bata na nalulunod sa knal. Sa halip na pasalamatan ay pinagpapalo at pinarusahan. Mabuti pa raw nalunod na ang bata kaysa mahawa. Nguni't noon pa man ay naniwala na si Rizal na ang ketong ay mapapagaling. Kung totoong may katibayan si Rizal sa mga pangyayaring inilarawan niya sa

Noli at Fili isang estudyante lamang nguni't masigasig at palaaral na tulad ni Basilio ay nakapagpagaling ng isang ketongin. Pahiwatig ng kabanata: -Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng pagpapahalaga ni Rizal sa Karunungan. Maging ano mang uri ng gawain basta't marangal ay kailangang pasukan upang makatapos ng pag-aaral. Kailangan ang pagtitiis, pagtitiyaga at pagsusumigasig upang matuto. -Sa kabanatang ito'y napabulaanan ang kasabihang kung ano ang puno'y soyang bunga. Si Basilio ay may mga mabubuting katangiang kabaligtaran ng sa ama. Points of Note: In this chapter Rizal describes the progressive education provided by the Jesuits in Ateneo compared to that of the Dominicans, who dominated most of the schools in the country. Frequently Asked Questions: Question: Why does Basilio have to go to the woods in secret? Answer: He doesn't want anyone to find out about his past. He is still running from the law even after 13 years. (Note that Padre Salvi is still alive). Question: What is the significance of Basilio curing the poor old leper? Answer: During that time leprosy was thought of as an incurable disease, but Rizal's idea that it can be cured can be proved by today's medical advancements.

Kabanata VII Si Simoun (Buod) Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na palapit. Nangubli siyan sa puno ng baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang mag-alis ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala si Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra? Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito nam ay 13 ton na ang nakalilipas. Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo? tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio. Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si Simoun sa binata. Aniya: Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya sa akin, at ngayo’y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak. At sinabi ni Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin. "Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan Dapat tayong magtulungan. At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik upang ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya raw ay sadyang nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik. Nguni’t sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog Amerika (South Amerika). Ayon kay Basilio ang kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Ito’y pinabulaan ni Simoun. Anya: Ang kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ; sapagka’t sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, paaalipin. Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika. Tinuligsa rin niya ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika. Mabuti, ani Simoun, at hangal ang pamahalaang Kastila na ayaw magpaturo ng wika nito sa mga nasasakupang di tulad ng Rusya at Alemanya. Ani Simoun: Kayo’y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan . Inihimutok ni Simoun na ang kilusan ng kabataan sa pagpapaturo ng Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang ito ang paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at Macaraeg. Nguni’t baka di siya pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito. Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinunsod ng kabataan Bukod sa isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa sa wala at tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam. Ayaw silang matulad kayo sa mga Kastila? Napakabuti! Paunlarin ninyo ang katutubong ugali. Ayaw kayong bigyan ng kinatawan sa Kortes? Mabuti. Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan? Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karapatan sa inyo lalong malaki ang matatamo ninyo pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng sama ang sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi ng bayang ito kundi manlulupig at dayuhan. Sa gayo’y matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko kayong mabuhay! Nakahinga si Basilio. Aniya’y di siya pulitiko. Lumagda siya sa kahilingan ukol sa paaralan dahil inaakala niyang iyo’y mabuti. Sa panggagamot daw siya nakaukol. Sa kasalukukuyang kalagayan daw ay di makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga ang buhay na di nauukol sa isang layuning dakila, parang isang bato sa linang sa halip maging sangkap sa isang gusali. Ani Basilio pinili niya ang siyensiya para makapaglingkod sa bayan. Nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap. Ang karunungan ay panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Sa loob ng ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay tumalino na, kung wala nang lahi-lahi, lahat ng bayan ay malaya at wala nang mang-aalipin at napaaalipin, iisa na ang katarungan at lahat ng tao’y mamamayan na ng daigdig at ang tanging layunin ng tao ay pagkakamit ng karunungan, ang salitang kagitingan at pag-ibig sa bayan ituturing na panatisismo o kabaliwan at ikabibilanggo ng nagsasabibig nito. Napailing si Simoun. Upang makaabot daw sa kalagayang sinabi ni Basilio ang daigdig kailangan munang lumaya ang mga tao at ito ay nangangailangan namang pagpapadanak ng dugo upang ang mga sinisikil ay makalaya sa mapaniil. Pangarap lamang daw ang kay Basilio. Ang kadakilaan ng tao ay di magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kundi nasa pagtugon sa kanyang pangangailangan at hangarin sa pag-unlad. Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio. Inulos niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang babae. Paano ako makapaghihiganti? tanong ni Basilio. Ako’y dudurugin lamang nila. Sinabi ni Simoun na tutulungan siya. Hindi na raw bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid niya, tugon si Basilio. Ano ang mapapala ko kung sila’y ipaghihiganti? .

Makatulong sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian, tugon ni Basilio. Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, ito’y kasalanan kung nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian. Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi, ani Simoun. Nguni’t di ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay. Tugon ni Basilio na sinundan ni Simoun ng: At magkaanak ng mababait na alipin Ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing ninyong kayo’y mapalad na. Magmamadaling araw na. Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nagiisip: Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak itong maghiganti nguni’t naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad maghiganti. Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti. ••• Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Matatanto sa pag-aakala ni Basilio na ang Kastila ay wikang siyang mag-uugnay sa mga Pilipinong may iba’t ibang wikain na isa si Rizal sa mga unang nag-isip sa pangangailangan natin ng isang pambansang wika. 2. Si Ibarra kailanma’y di nakita ni Basilio kundi nang dumating ito sa gubat at makatulong niya sa paglilibing sa kanyang ina. Nang dumating si Ibarra. Di pa nakikita ito ni Basilio, ay nangyari na ang pagtatago niya sa mga guwardiya sibil. Katapusan ng Oktubre nang dumating si Ibarra sa Pilipinas mula sa Europa. Ika-23 ng Disyembre nang maganap ang habulan sa lawa. Dalawang buwang maysakit si Basilio sa gubat sa pagkakandili nina Tandang Selo. Bisperas ng Pasko nang maisipan niyang hanapin ang ina at sila’y magkita ni Ibarra sa unang pagkakataon. Nang magkita sila uli ay sa bahay na ni Kap. Tiyago nguni’t si Ibarra ay nagbabalatkayo nang isang Simoun at di nakilala ni Basilio. (Si Basilio ay kilala ni Simoun). Palagi si Simoun kina Kap . Tiyago sa pagkukunwaring isang ganid na nag-aabang ng mamamana sa maysakit na Kapitan nguni’t sa totoo’y upang makasagap ng balita ukol kay Maria Clara. Mga Tanong at Sagot 1. Si Elias at Ibarra ay kapwa di kilala ni Basilio noong siya ay isa pa lang sakristan. Paano natiyak ni Basilio na si Simoun ay si Ibarra nang makita sila sa gubat makaraan ang labimpitong-taon? Tugon Si Basilio ay matalino at pinag-ugnay niya ang mga pangyayari: a. Bago namatay ang sugatang lalaki ay nagbilin sa kanya na kung walang darating sa gubat na iyon ay ariin niya ang kayamanang nakabaon sa puno ng balite. Ang dumating ay isang mestiso na ngayo’y siyang humukay sa lugal na pinagbaunan ng kayamanan. b. Alam ni Basilio na mestiso ang anak ni Don Rafael; ang namatay sa gubat ay kayumanggi. c. May sugat na taglay ang lalaking namatay. Noon ay nabalitang napatay sa lawa si Ibarra. Nguni’t ang mestiso ay walang sugat. Samakatuwid, iyong kayumanggi ang hinabol at pinagbabaril sa lawa, hindi ang mestisong si Ibarra.

Ibig ni Basilio na maibaon ang ina. Bilin naman ni Elias na sunugin ang kanyang bangkay. 4. Ani Simoun ay nakabatid si Basilio ng dalawang lihim ukol sa kanya na maaaring magpahamak sa kanya kung ibubunyag ng estudyante. Ano ang mga lihim na ito? Tugon a. Na si Ibarra ay buhay pa. b. Na si Ibarra’t si Simoun ay iisa. Ito ay maaaring magpahamak sa kanya at sa balak niyang paghihiganti. 5. Bakit di pinatay ni Simoun si Basilio upang pangalagaan ang kanyang lihim? Tugon a. Si Basilio ay katulad din niyang sawimpalad sa pamahalaan at simbahan. b. Si Basilio ay di makapagsusuplong dahil pinaghahanap din ito ng mga sibil. k. May mga utang na loob si Basilio kay Simoun tulad ng inamin na rin ng estudyante-pagkapagamot ni Ibarra kay Sisa at pagkahukay ng pinaglibingan nito. c. Higit na paniniwalaan ng pamahalaan si Simoun kaysa kay Basilio. d. Kailangan ni Simoun ang kabataang tulad ni Basilio sa balak niyang paghihimagsik. At sa kabataan ay si Basilio ang higit sa lahat na makauunawa kay Simoun. 6. Paano nakapang-aalipin ang isang wika? Tugon Kung ang wikang ito ay dating sa isang mananakop, ito ay nagiging sagisag ng kapangyarihan kaya’t ito ay pinaghahangaran ng mga sakop dahil katutubo sa tao ang maghangad na tumaas, o tumayog. (Ito’y isa sa mga mikrobyo ng isipang-alipin o Colonial Mentality). Mamaliitin na ng dating sakop ang sariling kanya hanggang sa ito ay tuluyan naising inisin o patayin at buhayin at payabungin ang sa dayuhan. Mga aklat, babasahin, at sineng dayuhan ang kanyang pamumuhay sa pamumuhay ng dayuhan na nababasa at napapanood niya. Pananamit, pagkilos, pagkain, kasangkapan at iba pa. Pagsusulit-sulit: Dayuhan sa sariling bayan.

2. Bakit di hinukay ni Basilio ang kayamanan sa puno ng balite gayong lagi siyang nasa libingan ng kanyang ina sa loob ng 13 taon? Tugon Bilin ni Elias na hukayin niya ang kayamanan at ariing kanya kung walang darating na iba. May dumating-si Ibarra. At nakalimutan na ito ni Basilio. Tangi sa rito, malayo nang kaunti sa puno ng balite ang libing ni Sisa at gabi kung magtungo roon nang palihim si Basilio.

Sa ngayo’y alipin ng Ingles ang sangkapilipinuhan. Ang salitang imported ay ipinagmamalaki; ikinahihiya ang lokal. Payabangan sa mga ternong Amerikano na di angkop sa klima natin. Pagandahan ng kotse na di kayang gawin sa Pilipinas at gasolina’y tiyak na sa angkat lamang daraan. Paglulupit-lupit: Ang ating angkat (Import) ay laging ibayong malaki kaysa lumalabas na paninda(Export) kaya’t unti-unting namumulubi ang bansa at ang kinabukasan ng ating mga susunod na salin ng lahi ay ating ipinaaanod sa baha ng kasalukuyan nating mga bisyo at di maiwasang hilig na masasabing buhat sa pang-aalipin sa atin ng wikang Ingles.

3. Bakit ibinaon ni Ibarra si Sisa nguni’t sinigan ang bangkay ni Elias? Tugon

7. Ano ang kapuna-puna sa mga inilarawan ni Rizal na mga tauhang ayaw magsalita ng Tagalog at pangangastila ang pinag-iigi?

Tugon Mga hindi mahusay magsalita ng kastila. (Donya Victorina, Donya Consolacion). 8. Bakit ayon kay Simoun ay hindi magiging wika na ng kapuluan ang kastila? Tugon Anya-ang kulubot ng kanyang isipan at mga pintig ng kanyang puso ay walang akmang katugon sa wikang Kastila. (Paano nga naman masasabi sa ibang wika ang ganito halimbawa: Huwag mong itapon ang lamang gugo at panghilod ng tabo na nasa sulok ng batalan. 9. Ang makabagong kaisipang ukol sa pandaigdig na pulitika ang ipinahayag ni Rizal noon pa man sa pamamagitan ni Basilio? Tugon Ang diwa ng Nagkakaisang Daigdig o United Nations. (Ani Basilio ay magiging maligaya lamang ang tao kung ang buong sangkatauhan ay ay ituturing nang mamamayan ng daigdig at ang magtatalumpati ukol sa kagitingan at pagmamahal sa bayan ay ipalalagay na baliw o fanatico) Dahil dito masasabi nating isa si Rizal sa mga unang may diwang pandaigdig o internationalist. Malaki ang pagkakauna niya sa kanyang panahon. ••• Pahiwatig ng kabanata: -Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang ito’y mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong diwa, kaisipan, damdamin at mga mithiin ng may akda para sa kaniyang bayan. -Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi ng pagbabago. Ang isa’y humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng Espanya at ang isa nama’y nagnanais humiwalay upang maging ganap na malaya.

Points of Note: Simoun is planning his vengeance for three people: (1) Don Rafael, (2) Maria Clara, (3) Elias. Frequently Asked Questions: Question: Why didn't Basilio dig up the treasure by the balete tree when he frequently paid visits there for 13 years? Answer: Elias had told him to take the treasure and claim it as his own if nobody else came. But somebody did come - Ibarra. Question: Why did Ibarra bury Sisa's body but burned Elias's? Answer: It was Basilio's wish to bury his mother's body. And Elias wanted his own cremated. Question: Why doesn't Simoun just kill Basilio in order to protect his secret and keep his true identity hidden? Answer: 1. Basilio, like him, is a poor unfortunate soul victimized by the cruel clutches of the government and the church. 2. Basilio wouldn't run to the authorities because he himself is a hunted man. 3. Basilio ows Simoun -- when Ibarra had helped in treating Sisa's ill condition and in digging her grave as well. 4. If things ever came to the worst, it would be Simoun's word against Basilio's, and it is no doubt that the government would believe Simoun. 5. Simoun needs lads like Basilio for his plans of rebellion. And among all the young men in the town, it is Basilio who understands Simoun the best.

Kabanata VIII Maligayang Pasko (Buod) Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas? Tugon Itinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at pg-asa sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng katwiran ang kanyang kasawian.

2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nga nila ito? Tugon a) maaga silang ginigising para magsimba; b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na damit dahi lsa almirol at mga bagong sapatos na masakit sa paa); k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal; d) pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik sa kamay. ••• Pahiwatig ng kabanata: -Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli ng Salaping inaasahang ibibgay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao

ang gawa at nasa Diyos ang awa. -Ang pagkapipi ni Tandang Selo Ay nagpapahiwatig ng pagkaka-alis sa mga Pilipino ng kalayaang magpahayag ng kanilang nais sabihin. Frequently Asked Questions: Question: How do the friars contribute to the long period of slavery suffered by the Philippines? Answer: The friars teach the locals about the importance of accepting their fate, learning to endure life's hardships, and believing in the miracles of carved idols. Juli, for instance, put all her energy in the hope that the Virgin Mary would perform one of her miracles. When none came, she learned to endure her hopeless fate. Question: Why do the children fear Christmas instead of wishing for it to come? Answer: 1. They don't want to wake up early to hear mass. The cool breeze is too good for waking up late. 2. They are made to wear uncomfortable clothes hardened by starch and new shoes that are like torture to the feet. 3. The mass takes too long and the church is too crowded. 4. They are made to kiss all their relatives (usually going from house to house to do such) and put up great singing and dancing performances for them just to earn a few pesos as a gift.

Kabanata IX Ang mga Pilato (Buod) Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda. Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales. Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siya’y parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan. Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na. Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga. Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga kura at gugmawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Ano ang nilalaman ng Tandang Basyong Makunat? na isinulat ng isang prayle. Tugon Ito’y kuwento ng isang mag-anak ni Tandang Basyong Makunat na nagpaaral ng anak na lalaki na naging suwail kaya’t ang payo sa aklat ay huwah magpapaaral ng anak na lalaki sapagkat pag ang lalaki raw ay nawalay sa kanyang kalabaw ay kinukubabawan na ito ng demonyo. Ito’y naglalayon na huwag matuto ang mga Pilipino, manatiling mga mangmang na magsasaka at nang patuloy silang mapagsamantalahan ng mga prayle. Ang anak na dalaga naman ay pinapayuhang laging pasasakumbento ano mang oras upang mangumpisal kura at ang mga magulang na di susunod dito ay tutungo sa impiyerno. 2. Ano ang kaugnayan ng pamagat na Mga Pilato sa laman ng kabanata? Tugon Si Pilato ay siyang naggawad ng hatol na si Kristo ipako sa krus gayong batid niyang walang kasalanan si Hesus. Sinunod niya ang hiling ng mga tao nasulsulan ng mga tauhan ng tulisang si Barabas. Pagkatapos ay naghugas siya kamay at sinabing wala siyang kasalanan. Ito rin ang katwiran ng iba-ang gumagawa ng lupa ang kura Clemente, si Hermana Penchang ng nagsamantala sa

katangahan at kawalang-kaya ng isang dalaga upang gawin itong busabos sa araw pa naman ng pagsilang ng Panginoon, siya pa namang isang manang na manang at katolikongkatoliko. Silang lahat ay may kasalanan ngunit nagsabing wala. Pahiwatig ng kabanata: -Masalapi at makapangyarihan ang korporasyon. Walang Pilipinong maaaring lumaban dito noong panahong iyon. -Si Pilato ang siyang naggawad ng hatol na si Hesus ay ipako sa krus. Siya’y naghugas ng kamay at sinabing siya’y walang kasalanan. Frequently Asked Questions: Question: Why is the chapter entitled "Pilates"? Answer: Pontius Pilate condemned Christ to the cross even though he knew Jesus was not guilty of the charges against him. Pilate merely followed the wishes of the people paid by friends of the thief Barabas. Afterwards, he washed his hands and claimed that he had nothing to do with the entire thing. In this chapter, the alferez knows that the real reason why he had ordered Tales's weapons and firearms confiscated was only to calm the fears of those working in the land. But it is because of this move that the cabeza was abducted, it is why Juli is now working as a servant girl, and it is why Selo has gone mute. And the alferez claims he is not at fault.

Kabanata X Kayamanan at Karalitaan (Buod) Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas. Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan. Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisisp niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama. Wala namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun. Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si Simoun. Tinanong si Kabesang Tales kung may may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya. Nagisip si Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun.

Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak. Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng mag-aalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani Simoun-sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangko. Dinakip ng mg a guwardiya sibil si Tandang Selo. Natutuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun? Tugon Ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang pinakamaliki at pinakamasinop na bahay sa pook na iyon. Ang tunay na layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang Tales na sa balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang taong akma para sa balak niyang maghiganting paghihimagsik. 2. Bakit natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales ng pagkuha ng kanyang baril? Tugon Nakilala niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales. Ipinalit pa sa rebolber ang agnos na ayaw sanang pakialaman dahil walang pahintulot ang anak. Nakita niya sa kabesa ang isang taong hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito ang kailangan niyang makasama sa kanyang paghihimagsik. 3. Bakit natuwa pa si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo? Tugon Lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at lalong mapapadali ang paghimok niya rito upang maghimagsik. Pahiwatig ng kabanata: -Ang isinasamba ng mga mamamayan ay nasa mga taong namamahala.

-Ang mga Pilipino’y handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang karapatan. Frequently Asked Questions: Question: Why does Simoun pick Tales's house to stay in? Answer: According to him, it is the biggest and most prudent house in the area. However, the real reason is that Simoun wants to find out more about Tales whom he sees as someone who would potentially join in his rebellion after all the injustice the man has suffered. Question: What do the people get out of buying jewelry from Simoun? Answer: They buy jewelry and precious gems hoping to gain prestige and to elevate their place in society. They would be proud to say that they had bought jewelry from Simoun, adviser to the Captain General. Question: Why is Simoun glad that Tales took his revolver? Answer: Simoun sees that Tales is a gallant man. He had left his daughter's scapular -- something he'd never intended to touch because he didn't have Juli's permission -- in exchange for Simoun's revolver. Also Simoun sees in Tales a man burning with anger and a thirst for vengeance - exactly the person he needs to join him in the rebellion. Question: Why is Simoun glad that Selo is arrested by the civil guards? Answer: This will further ignite the fire of vengeance burning in Tales, urging him more to join the planned uprising.

Kabanata XI Los Baños (Buod) Ang Kap. Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa siya’t di makikita na di siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Banos. Noo’y ika-31 ng Disyembre. Naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los-Banos ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene. Galit na galit naman si Padre Camorra. Hindi alam ng huli na kaya nagpapatalo ang dalawang kura ay sapagka’t nais nilang makalamang sa isa sa pakikipagusap sa Kapitan ukol sa paaralan ng kastilang balak ng kabataan. Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng Kapitan ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa. Saka na ang ukol sa paaralan ng kastila. Naroon si Don Custodio at isang prayleng Dominiko- si Padre Fernandez. Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang makipagsugal sa inyo! ani Padre Camorra at tumayo na. Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra. Siya ay biniro ni Padre Irene na kanyang itaya ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun. Wala raw namang maitataya ang kura. Ani Simoun: Ako’y babayaran ninyo ng pangako. Kayo Padre Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na kayo’y di kikilala sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal (magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay at paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang

asal.); at kayo, Padre Irene, sasabihin lamang ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na hinihingi ko’y kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik pa ang Kapitan Heneral), sa limang bilang ay isang vale na limang araw sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang utos na pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan; karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa iasng taong pipiliin ko at iba pa. Sa kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio , Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling. Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun. Ipinalalagay ng nangakarinig na ang gayong kaisipan ni Simoun ay gawa ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi naman ni Simoun na nang pigilan siya ng mga tulisan ay walang kinuha sa kanya kundi ang 2 niyang rebolber at mga bala. Kinumusta pa raw ang heneral. Marami raw baril ang tulisan . Anang heneral ay ipagbabawal niya ang mga sandata. Ani Simoun: Huwag. Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila. Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking mga alahas ? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan sa bayan at siyudad. Gaya ninyo, ani Padre Sibylang nakatawa. Gaya natin , ganti ni Simoun, Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan. Ika-11:30 na. Itinigil ng heneral ang laro at parunggitan. May kalahating oras pa’t manananghali na marami pa tayong suliraning pag-uusapan. Ipinasiya ng heneral na ipagbawal ang armas de salon (sandatang pampalamuti sa salas). Tumutol ang Mataas na Kawani. Wala raw bansa sa daigdig na nagbabawal niyon. Manok lang daw ang kayang patayin niyon. Laging sinasalungat ang heneral ng Mataas na Kawani. Walang nangyari sa pagtutol ng huli. Nagbigay ng payo si Simoun. Huwag ipagbawal ang armas de salon liban sa iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. Ito ang nasunod. Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiyani. Ang guro ay humihingi ng bahay-paaralan. Ani Padre Sibyla si Socrates ay nagturo sa plasa, si Plato sa ilalim ng mga kahoy at si Hesus ay sa mga bundok. Pilibustero raw ang guro sa Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasiya ng heneral na pigilin sa pagtuturo ang guro. Tumutol ang Mataas na Kawani. Anang heneral ay di dapat humusay pa sa Espanya ang mga paaralan pa sa Pilipinas. Sa susunod , dugtong pa nito, lahat ng daraing ay pipigilin sa tungkulin. Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan. Kung linggo at pista lang lang daw ginagamit at pinakamaayos na gusali, ang mga sabungan. Kung simpleng araw daw ay nakatiwangwang lamang. Pinutol ng heneral ang pagtatalo. Pag-aaralan daw niya. Isinunod ang balak na paaralan ng kabataan ukol sa Wikang Kastila. Anim na buwan nang naghihintay ito ng pagpapasiya. Tinanaong ng heneral ang kawani Sang-ayon ang tinanong. Pinuri ang balak ng kabataan. Tumutol sa balak si Padre Sibyla. Wala raw sa panahon at isang paghamak sa mga Dominiko. Ayon kay Simoun ay kahina-hinala ang balak. Iniisip ni Padre Irene na tagapagsalita ng kabataan para sa paaralan na wala nang pag-asa ang paaralan. Tutol si Simoun. Ipinasyang huwag nang magsalita. Inisa-isa ang kabataang may panukala ng paaralan. Si Isagani raw ay mahilig sa pagbabago at pagsulong kaya’t mapanganib. Ipinagtanggol ni Padre Fernandez si Isagani. Ani Padre Camorra, ang binata ay bastos. Sa bapor da ay itinulak niya at siya’y itinulak din nito. Ang mayamang si Macaraig na paborito ni Padre Irene ay may taga- tangkilik na isang kondesa kaya’t di ito pinag-usapan. Isinunod si Basilio. Tubig na tulog daw ito, ayon kay Padre Irene. Tahimik daw at may pinagmulang si Padre Salvi ang higit na nakaaalam(ngunit wala si Padre Salvi.) Tila raw nakabangga na ito ng mga sibil at may ama itong napatay sa isang paghihimagsik. Itala raw ang pangalan ni Basilio, utos ng heneral. Tumutol ang kawani. Ipinagtanggol ang kabataan. Tumango sina Padre Fernandez, Padre Irene at Don Custodio. Tumutol si Padre Camorra: Ang mga Indiyo ay di dapat matuto ng kastila at pagnatuto ay makikipagtalo sa mga kastila. Ani Padre Sibyla: Hindi pinag-uusapan dito ang pagtuturo ng kastila: dito ay may isang lihim ng paghahamok ng mga estudyante at ng Unibersidad ng Sto. Tomas. Pag nasunod ang kanila, natalo kami (mga Dominiko), yayabang ang mga iyan at tuloy-tuloy na. Pagkatapos naming bumagsak, isusunod nila ang Pamahalaan. Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring Dominiko: Pulitikahin natin sila para di nila masabing tinalo nila tayo. Sa halip na labanan natin sila ay sang-ayunan natin at purihin sa balak nila. Bakit makikipagkagalit tayo sa Bayan; kakaunti tayo, marami sila. Kailangan natin sila, tayo’y di nila kailangan. Ngayo’y mahina ang bayan. Ngunit bukas-makalawa’y lalakas iyan. Matuwid ang mga kahilingan ng mga estudyante. Kikilala pa sila sa atin ng utang na loob. Gumaya tayo sa mga Hesuwita. Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang hesuwita. Nagsabad- sabaran ang magkakaharap at di naunawaan ang lahat. Pumasok ang kura sa Los Banos upang sabihing nakahanda na ang pananghalian. Siyang pagbulong ng mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si Kab. Tales ay humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng ama. Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang Heneral.

••• Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga Dominiko. Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita. (Basahin ang pagkapatapon sa mga Hesuwita sa Pilipinas sa mga aklat ng ating kasaysayan.) 2. Si Padre Sibyla ay isang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutol ang mga Dominiko sa balak na paaralan. Si Padre Irene naman ay siyang inupahan ng kabataan na maging tagapagtanggol o tagatangkilik ng balak. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Heneral? Tugon May kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man siya paroon. 2. Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral? Tugon Ang paglalangis sa may kapangyarihan. Halos nangyari ang balak na pagbihising usa ang isang tao para may maipabaril lamang sa Kapitan Heneral. Ang pag-gamit ng banda ay isa pa. 3. Bakit nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral? Tugon Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay sa pagiging masaya ang heneral sa pananalo nito para maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol sa usapin ng paaralan ng kabataan. 4. Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga alahas na dala ng utusan samantalang siya, dala pa ang higit na mga mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan? Tugon Balak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan. Buo ang kanyang pananalig na kung ang mga tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga maginoo ito at kaya niyang kausapin ng marangalan. Di niya ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa dalawa : dinala niya iyon upang ang ilan ay ipagkaloob sa puno ng pangkat o upang gawing katunayan ng kanyang pagtitiwala sa mga tulisan tulad ng mag-isa niyang pagkakalakbay. 5. Anong institusyon sa Pilipinas ang napag-ukulan ni Rizal na patawang pamumuna nguni’t dapat na matalim na pag-iwa sa damdamin ng mga Pilipino? Totoo pa ba ito ngayon? Tugon Ang sabong... Samantalang ang mga sabungan noon ay magagara’t malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki nguni’t ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang pagkumpuni sa sariling tahanan, at iba pa ay di mahirap. Kung minsa’y maganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila. Sa

mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang sandang pangangailangan. 6. Alin ang tinatawag ni Rizal na mga pagnanasang balintuna sa kabanatang ito? Bakit? Tugon Nais ng kabataang Pilipino na ipaturo sa kanila ang wikang Kastila sukdang ikaalipin ng kanilang lipi samantalang ang sadya namang mang-aaliping kastila ay napapakatangi- tangi sa hiling na ito. 7. Bakit sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring Dominiko, sa paaralang binabalak ng kabataan? Tugon Si Padre Fernandez ay naiiba sapagka’t siya’y matalino. Sa kanyang pagtuturo sa unibersidad ay nakatagpo siya ng mga estudyanteng may katalinuhan at wala sa kanya ang asal panginoon ng maraming prayle. Dilat ang mga mata niya sa katotohanan. Pahiwatig ng kabanata: -Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at ang pamahalaan, karaniwang nananaig pa ang pasiya ng mga prayle. -Magkaiba ang pamamalakad ng mga Dominiko at mga Heswita. -Ang panunuyo sa mga may kapangyarihan ay kaugalian nating mga Pilipino. Points of Note: Teaching during that time was mostly in the hands of the Dominicans. There is marked rivalry between the Dominicans and the Jesuits. Padre Sibyla is the rector of the University of Santo Tomas, and the Dominicans are not in favor of the plan to build a Spanish academy. Padre Irene on the other hand is supporting the youth in their noble endeavor. Frequently Asked Questions: Question: Why can't the governor general hunt deer or fowl in the forest? Answer: There is a band of musicians following him wherever he goes. Question: What social problem does Rizal bring to light during the hunt? Answer: Adulation for those in power. The plan to have a man dress up as a deer is almost put into effect just so the governor general could shoot one down. Having a band during the hunt is another proof of such moronic flattery. Question: Why is Padre Camorra angered at the scene of the two friars gambling against the governor general? Answer: He doesn't realize that the two friars are intentionally letting the governor win in order to keep the official in a good mood, thereby increasing their chances of winning the general's side on the matter of putting up a Spanish academy.

Kabanata XII Placido Penitente (Buod) Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya. Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi.

Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto.Domingo) at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba. Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana raw sila ng magagandang babae. Wala raw bahay na hindi nila napanhik. At may ibinulong kay Placido na ikinamangha tila ng huli. Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra. Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noonh lamang papasok ang kuba. Pulos walang pasok noong nakaraang mga araw. May kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon. Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin. Niyaya ni Pelaez si Penitente na maglakwatsa. Tumutol ang huli. Nagpatuloy sila ng paglakad. May naalala si Pelaez. Nang hingi ng abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko. Nagbigay si Placido para magtigil na si Pelaez at alam din ng Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng estudyante. Malapit na sila sa Unibersidad. Naroon si isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin. Ang ibang estudyante ay naniningin ng magagandang dalagang nagsisimba. Namutla at namula sa lugod si Isagani nang magkulusan ang mga mag-aaral at magtinginan sa isang bagong dating na victoria o karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan. Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. Pinalagda si placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang panahong basahin ang kasulatan. Nalaala niya ang isang amain na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda sa isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido Petinente. Pumasok parin si Placido. Hindi na patiyad. Pinatunog pa ang takong ng sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro. Sila’y may mahigit na 150 sa klase. At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta. Bastos magbabayad ka sa akin. ••• Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng kastila ay nasa Intramuros (Walled City) sa malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran sa ngayon. Panahon na ng mga Amerikano nang ang UST ay ilipat na sa Espanya, Maynila. Lahat halos ng paaralan noon ay nasa IntramurosLetran at Ateneo. 2. Mga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa tatlong kolehiyo noon. Ateneo- Nangakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming dalang aklat at kuwaderno. Letran- Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala ng aklat. UST- Malinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang dala. Paaralang Normal- Mga tahimik, makukulay ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan at mapagdala ng aklat. 3. Katatapos noon ng bakasyong para-Pasko kaya bagong balik sa paaralan ang mga estudyante. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral? Tugon Apat na taon nang siya’y nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siya’y walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siya’y matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan. 2. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente? Tugon Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa. 3. Bakit ayon kay Pelaez ay walang hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra sa mga babae sa Tiyani (liban kay Huli?) Tugon

Tinatakot ng prayle na ang mga kapatid o magulang ng babae ay maipabibilanggo o maipapatapon kung di masusunod ang kanyang kagustuhan. At iyon ay alam ng mga dalaga na totoong nangyayari.

4. Bakit daw na si Huli man ay babagsak din? Tugon Kilala ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang di magtatagal at makakagawa ng paraan ang kura na makuha ang ibig kay Huli. 5. Anu-ano ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon? Tugon Karamihan noo’y walang natutuhan dahil: a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo na sa UST. b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante. k. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa estudyante. d. Madalas ang araw na walang pasok. Pahiwatig ng kabanata: -Ang di pantay-pantay na pagtingin ng guro sa mag-aaral ay hindi nararapat sapagkat ito’y nagiging dahilan ng pagkawala ng kawilihan ng mga mag-aaral at ng di-paggalang ng mga ito sa guro. Points of Note: The University of Santo Tomas during the Spanish regime was situated in Intramuros (Walled City) near the Colegio de San Juan de Letran today. It was only during the American regime that UST was relocated to Espanya, Manila. Almost all of the schools back then were located in Intramuros -- Letran and Ateneo. Different students have certain identifying characteristics back then, based on the school they are from: 1. Ateneo: These students dress as if they were in Europe, wearing tuxedos and the like. They walk rather briskly, and always carry around books and notebooks. 2. Letran: These students dress in Filipino garments, and are a rather populous bunch. They are not usually found walking around with textbooks. 3. UST: Their clothes are particularly clean and tidy, and they are always well groomed. They walk with an elegant

strut, and instead of bringing books, they carry around a cane. Frequently Asked Questions: Question: Why does Placido want to stop his education? Answer: He has been studying for four years, and yet his teachers still never notice him despite his hard work. Question: What does the name "Placido Penitente" mean? Answer: Placido means quiet and placid; Penitente means one inflicted with suffering.

Question: What does Rizal say about the education of the average youth during that time? Answer: Most of them do not learn much because: 1. Except for those enrolled in the Ateneo, the students do not bring textbooks, especially those in the UST. 2.The classes are overpopulated. 3.The teachers look down on them. 4.Classes are frequently cancelled.

Kabanata XIII Ang Klase sa Pisika (Buod) Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan. Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika. Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay bakod na kastila. Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan; ang mahalaga’y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante. Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng bibingka, ano mayroon? Bulong ni Pelaez: Bibingka! Tinawag ng propesor si Pelaez. Tumayo ang tinawag. Napabubulong ito kay Placido. Sa katatapak sa paa ni Penitente ay napasigaw sa sakit ang tagadikta. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at taguring espiritu sastre. Sinasabi ng aklat na ang mga salaming kalaing ay binubuo ng tanso o ng iba pang kalaing, totoo o hindi? tanong ng guro. Ganyan ang sabi ng aklat, Padre, tugon ni Placido. Ang salaming bubog ay binubuo ng isang patag na bubog na ang magkabilang mukha ay pinakintab ng maigi at ang isang mukha ay kinulapuan ng tinggang puti, tama? Iyan ang sabi ng aklat,Padre? Ang tinggang puti ba ay kalaing? Sabi po ng aklat. Ergo (samakatuwid), ang salaming bubog na may merkuryo, isang kalaing, ay salaming bubog-kalaing. Paano mo maipaliliwanag, espiritu sastre? Nalito si Placido. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang klase. Itinanong ang pangalan ni Placido. Napalatak na patuya ang kura. Anito: Placido Penitente lalong angkop ang Placido suplado. Lalapatan kita ng penitencia. Hinanap sa mahabang talaan ang pangalan ni Placido. A labinlimang pagliban! I*sa lang at aalisin ka na sa klase. Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima ang pagkahuli niya. Himig intsik na nanuya ang guro. Bihira akong bumasa ng talaan kaya’t sa bawat isang huli ay limang liban ang inilalagay ko. Makaikatlo kitang nahuli kaya’t labinlima. Kung ang limang liban mong inamin ang susundin ko, may utang ka pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa masamang sagot mo ngayon. Ngunit Padre, hindi dapat na ang isang wala sa klase ay makabigkas ng mali sa aralin, tanong ni Placido. "A... pilosopong metapisiko! Hindi mo ba alam na maaaring ang lumiban sa klaseng iyon, saan man siya naroon, ay di rin nakaalam ng aralin? Pilisopastro!" panunuya pa ng Pari.

Nagpanting ang tainga ni Placido. Tama na, Padre. Maaring markahan ninyo ako nang ano mang marka nguni’t wala kayong karapatang umaglahi sa akin! Inyo na ang inyong klase! At ang estudyante ay umalis nang walang paalam . Natigagal ang klase. Di nila akalaing magawa iyon ni Placido. Nagsermon ang pari. Nagsuwail daw si Placido sa mga tumataguyod sa paaralan ng kastila. Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya. Naglabasan ang may 234 na estudyanteng di pumapasok nang walang nalaman at lumabas nang sa gayon ding kalagayan. ••• Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Si Padre Millon: a. Tapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa metapisika (mga teorya) ay nagturo ng kimika at pisika, magkaslungat na mga asignatura. b. Pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika (A little knowledge is a dangerous thing) na karamihan ay di pinanaligan at kalabas labas ay magtuturo ng mga asignaturang ito sa paraan ng pilosopiya. (Siya’y di pa makapaniwala na ang mundo ay bilog at ito’y umiinog at umiikot sa araw.) k. May paglahi sa itinituro at tinuturuan mga makamandag na kasarian ng isang guro. d. Siya lamang ang nagtatanong at ayaw magtanong. (Ikinatutuwa ang katangahan ng tinuturuan at kinaiinis ang tamang pagtugon sa kanyang mga tanong.) e. Ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin di ipinaliliwanag. g. Nagtutungayaw at nagmumura ng istudyante. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit sampay-bakod na kastila ang ginagamit ni Padre Millon sa klase? Tugon Wala siyang paggalang sa mga tinituruan na ipinalalagay niyang mga tanga lamang. 2. Bakit sa pagtingin na lamang sa silid aralan sa pisika ay masasabi kaagad na sadyang walang matutunguhan ang mga estudyante? Tugon Ang pisika ay di maituturo ng sa bibig lamang. Kailangan ang mga larawan, kasangkapan at mga halimbawa’t paliwanag sa pisara. Ni isang larawan ay wala sa buong silid. Nakasusi ang mga kasangkapan. At mga pisara ay di ginagamit. Doo’y may sumulat ng VIVA! (Mabuhay!) noong unang araw ng pasukan. Enero na’y di pa nabubura. Dapat, iyon ay magiging klase ng pilosopiya, di ng pisika. 3. Ano ang masasabi natin sa mga tukoy ni Rizal ukol sa pagtuturo? Tugon Ang mga principle ni Rizal sa pagtuturo ay hindi naluluma hanggang ngayon. a.) di dapat maging malaki ang bilang ng mag-aaral sa isang klase b.) di dapat inaaglahi at kinagaagalitan o hinihiya ang istudyante k.) ang guro ay di lang dapat matalino at saklaw ang kanyang itinituro kundi dapat ay may malasakit o lugod siya sa pagtuturo at sa isignaturang itinituro d.) ang maraming bakasyon ay nakakatabang ng pag-aaral at nakahihikayat sa pagliban.

4. Ano ang masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang inilalarawan sa kabanata? Tugon Siya’y naglalarawan sa karaniwang Pillipino. Mapagtimpi tayo’t mapayapa. Hangga’t maaari’y nagtitiis tayo lamang sa gulo. Nguni’t kung tayo’y napapasubo na, marunong din tayong sumbog na parang bulkan. ••• Pahiwatig ng Kabanata: -Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay hindi nasisiyahan sa pamamalakad at pamamaraan ng pagtuturo sa pamantasan. Sila’y naghain ng kahilingan upang magkaroon ng pagbabago. -Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay laging inihahanda sa mga panauhing darating at hindi sa pag-aaral. Isa ito sa sakit ng ating lipunan-ang pakitang tao. Points of Note: A few important facts to note about Padre Millon: 1. He is primarily interested in metaphysics and handles classes in philosophy and theology, after which he teaches chemistry and physics -- subjects in opposing ends of college education. 2. He only glances at his textbooks during classes in physics and chemistry (little knowledge is dangerous), barely believes in what the experts are saying, and eventually approaches the subjects in a philosophical manner (he still does not believe that the earth is round, or that it is revolving around the sun). 3. He frequently throws insults at his students, and also about the subjects he is teaching. 4. He habitually throws questions to students, but does not want to be questioned himself. 5. He lets his students memorize the book word-for-word, without explaining the lesson. 6. He uses profane language and curses at his students.

Frequently Asked Questions: Question: Why doesn't Padre Millon conduct his lectures in proper Spanish? Answer: He has no respect for his students, who he thinks are dumb and thick-witted. Question: What can we say about the character of Placido, based on the way he is described in the chapter? Answer: He exemplifies the common Filipino, prudent and modest, and willing to endure difficult circumstances to stay away from trouble but when filled to the brim, can also explode like a volcano.

Kabanata XIV Sa Bahay ng mga Mag-aaral (Buod) Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig. Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang nakatira na pawang nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali. Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang pangunahing estudyante na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang kanilang pakay. Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino. May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila na si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang

panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipupang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upang maging marangal ang kapamaraanan. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Sino si Sandoval? Sagot: Isang empleyado at estudyanteng taga-Espanya na tinatapos ang pag-aaral sa Maynila. 2. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez? Sagot: Isang Pilipino na takot manindigan para sa bayan. 3. Anong ugali mayroon ang mga intsik na naging dahilan ng kanilang tagumpay ayon sa inilarawan sa kwento? Sagot: Sila ay mapagkumbaba. Pahiwatig ng kabanata: -Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit sa ating bayan at pagpapahalaga sa mga Pilipino. -Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan, na wari'y nalulusaw sa init ng kabataan at karunungan. Magandang halimbawa si Sandoval, isang Kastilang naging kasama't kamag-aral nina Isagani at Makaraig. Points of Note: The goal of the Spanish academy, which the students are planning to build, is to make sure that its students learn correct Spanish as early as the first year, so that it will be easier to understand subsequent lessons.

Isagani is an honorable and idealistic youth; Juanito Pelaez is an opportunistic lad who believes in the saying, "the end justifies the means." Macaraeg is different from the rest in that he puts the welfare of others before himself. Those who live in his house do so without payment. Pecson is an intellectual, but a pessimistic one. He always anticipates failure, and this time, his predictions prove correct. Sandoval is the image of a Spaniard who has not yet turned evil upon his residence in the Philippines, partly because of his youth and partly because he surrounds himself with good Filipino friends who have great love for their country.

Frequently Asked Questions: Question: Is there a marked difference between the youth back in those days and the youth of today with regards to their attitude and character as students? Answer: None. Trouble is inherent to students. There are those who are studious, and there are also those who are fond of truancies. Question: What does it mean when a man hurls his gloves to another? Answer: It means to call someone to a challenge.

Kabanata XV Si Ginoong Pasta (Buod) Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sangayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito. Mga Tanong at Sagot 1. Sino si Ginoong Pasta? Sagot Isang bantog na manananggol ng Maynila. 2. Anong klaseng mamamayan ang inilarawan na Rizal sa pagkatao ni G. Pasta? Sagot Siya ang sumasagisag sa mga Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas. 3. Anong katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani? Sagot Siya ay simbulo ng mga kaisipan na naglalaman ngmga idealismo ng mga pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan. Pahiwatig ng kabanata: -Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin muna ang kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak. -Maraming taong tumitigin sa pansariling kapakanan at winawalng bahala ang ikabubuti ng bayan.

Points of Note: Señor Pasta is a selfish man, with no regard for his countrymen. He believes that only when everyone else fights for the country will he join in the spirit of nationalism. Scholars believe that the character of Señor Pasta was patterned by Rizal after one particular man who was considered to be the most learned Filipino during the reign of the Spaniards and even during the American rule. He also became chief magistrate of the supreme court of the Philippine government. Rizal had already died when this man joined Aguinaldo's rebellion against the government.

Frequently Asked Questions: Question: Why does Señor Pasta say that the Philippines is a land of dreams? Answer: There are hundreds and thousands of plans for the nation, yet hardly one of them is realized. Question: Why doesn't Señor Pasta side with the students and support the Spanish academy? Answer: Most of his clients are Spanish friars. He would lose his clients, his wealth, and his good name among the Spaniards if he were to support the planned academy.

Question: What good lesson nonetheless can be learned from the life of Señor Pasta?

Answer: It is the man's dedication to his studies. He suffered oppressive treatment just so he could finish his education, and never wasted one second in leisure when he could spend it reading his books.

Kabanata XVI Ang Kasawian ng Isang Intsik (Buod) Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki. Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papaya gang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Bakit naghanda ng isang malaking hapunan si Quiroga? Sagot Siya ay naghahangad na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa Pilipinas. 2. Bakit iginalang ni Quiroga si Simoun? Sagot Dahil sa pagiging malapit nito sa kapitan-Heneral. 3. Bakit nagkautang si Quiroga kay Simoun ng siyam na libong piso? Sagot Kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay niya sa isang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki. Pahiwatig ng kabanata: -Ang pagtanggap ng suhol ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang pagsasamantala sa mga lumalapit sa kanila ay nakapagdaragdag ng paghihirap ng bayan. Ito ang pinakamalubhang sakit ng lipunan sa ngayon. Points of Note: Scholars say that Quiroga is one of the first of a long posterity of Filipino-Chinese citizens who to this day continue to contribute to literature and business in the country. Through the character of Quiroga Rizal warns of the dangers brought to the country by crafty Chinese businessmen. Rizal describes how they shower those in power with extravagant gifts in order to gain favor, and then raise the prices of the goods they sell in order to get back the money spent on such gifts.

Remember in this chapter that it is Simoun who invites the others to watch the show by Mr. Leeds. Frequently Asked Questions: Question: Compare and contrast Quiroga and Captain Tiago with regards to how they prepare social gatherings. Answer: Captain Tiago is devoted to getting, and delights himself in, an abundance of guests. This is one distinctive Filipino trait. Quiroga, however, is different. He thinks to himself while shaking hands with his guests, "I know you haven't come for me but for the food and enjoyment I've prepared." (It isn't clear why Rizal doesn't mention anything to depict the Chinese as gracious and cavalier). Question: Why does Quiroga suddenly feel a shiver down his spine the moment he sees Simoun? Answer: Simoun is a very powerful man, and Quiroga feels intimidated by his presence. Also, the Chinaman owes Simoun 9000 pesos for a piece of jewelry. Question: Why does Simoun let out a smile when the Chinaman complains and laments to him about the latter's business? Answer: Simoun knows that if one hears complaints from a Chinese businessman then that means business is doing great. If word around town is that his business is well and prospering, then that means he's nearing bankruptcy. Today, one would know if a Chinaman is going bankrupt: His store will go down in flames. Question: How does Rizal discourage Filipino women from marrying Chinese men? Answer: Quiroga's wife, an Indio, is locked up in a room like a typical Chinese girl. (As Chinese tradition goes, women are merely for the amusement of the men.)

Kabanata XVII Ang Perya sa Quiapo (Buod) Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay Paulita. May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle. May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa

pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba . Pinagtawanan din nila ito. May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay Padre Camorra’y natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang. ••• Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga laruan o pabaril na tulad ng kasalukuyang gamit ng taguring ito. Ito ay Fair o mga kubol ng siriko, mahika (magic), mga tindahan ng laruan ,paninda mga ari, at iba pa. 2. Noo’y Enero. 3. Tandaan uli ang pagkawala ni Simoun gayon siya ang nagyaya sa panonood sa espinghe ni Mr. Leeds. Mga Tanong at Sagot 1. Anong kalinangan Pilipino ang binigyan diin ni Rizal sa Kabanatang ito? Tugon Ang palilok ng mga anyo o larawan. Isa itong talakay sa sining ng paglilok ng mga Pilipino na pinuri ni Rizal. 2. Ano ang inilalarawan sa kathang La Filipina? Tugon Ang pamamahayag sa Pilipanas (state of Filipino press or journalism): matanda (makaluma); pisak ang isang mata ( di katotohanan ang pagbabalita at iyong lang ibig paksain ang pinapaksa ): marumi, at lugami ang pamamahayag noon. Ang nakakatawa rito ay isa pa si Ben Zayb sa nagtatawa sa larawan at wala siyang kamalay-malay na sila ang inaatake sa larawang iyon lalo si Ben Zayb. ( Animo ito ng pagkakapahintulot ng sensor sa pagpapalathala ng Florante at Laura ni Balagtas na atake ng kumatha laban sa pamahalaan.) Mas malinaw rito ang panunuligsa sa ikalawang larawan, ang bayan ng Abaka. Inilalarawan dito na ang Pilipinas ay bayan ng abaka na ang karaniwang gamit ay panggapos sa mga

dinarakip ng guwardiya sibil. Nguni’t ito man ay di nasakyan ng matatalino’t magagaling na pangkat nina Ben Zayb. (Nasakyan naman kaya ito ng mga indiyo? At sino ang nakaisip ng gayong mga larawan sa perye?) Pahiwatig ng Kabanata: -Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang singing ay kinakikitaan ng damdamin at ng iniisip ng gumagawa nito, makikitang ang nalalarawan sa kanilang mga inukit ay ayon sa mga pangyayari noong panahong yaon. Points of Note: The fair is composed of several booths dedicated to magic, games, circus shows, toys and other frivolities, etc. It is January. Take note that Simoun disappears even though he was the one who invited everyone else to watch the sphinx show by Mr. Leeds. Frequently Asked Questions: Question: What Philippine culture does Rizal underscore in this chapter? Answer: It is the art of carving images out of wood. Rizal gives wood carving a considerable share of the spotlight, and gives the craft much praise. Question: What is being described in the contents of "La Prenza Filipina"? Answer: The state of Philippine press: outdated, biased, and a complete failure. The irony here is that Ben Zayb is one of those laughing at the portrait without knowing that it insinuates, and is pointing directly at, him.

Kabanata XVIII Ang mga Kadayaan (Buod) Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang Makita ang salamin sa kanyang inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita. Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan naiya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang ulo at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito. Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at sinsbi nitong siya si Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng TagaEhipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya ayumibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle. Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim. ••• Mga Tanong at Sagot 1.Bakit hinimatay si Padre Salvi? Sagot Dahil sa takot sa tinawag na ulo. 2. Kanino inahalintulad ang buhay ni Imuthis? Sagot

Kay Ibarra. 3. Ano ang ipinahihiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos ng salaysay ni Imuthis? Sagot Ito ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaan at pagpakasal.

Pahiwatig ng kabanata: -Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay tumutukoy sa pangyayaring nagaganap noong panahon ng Kastila. -Ang pagkatakot at tuluyang pagkakahimatay ni Pari Salvi ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaa’t pagkakasala. Frequently Asked Questions:

5. The priest in Imuthis's story violated and abused the woman they both loved (who was also the child born of another priest's wrongdoing) in a temple -- just like what Salvi did to Maria Clara. 6. Both returned after their death to exact vengeance on the men responsible for their dark fate -- Imuthis as a sphinx, and Ibarra as Simoun.

Question: Name some similarities between the story of Imuthis and that of Ibarra. Answer: 1. Both men studied in foreign lands. 2. Both men were against a league of friars. 3. Both men had a young pretentious priest as a rival in love and politics. 4. Both were pursued in the lake and died there. (Ibarra was believed to have died in the water.)

Question: Where does Mr. Leeds go after the show? Answer: He goes to Hongkong, which, during that time, is part of English colony. He is fearful that Padre Salvi would start a riot among the priests and go after him. Hongkong during those days was the land of refuge for abused Filipinos who had enough money to flee from the country. The first Philippine flag was made in Hongkong.

Kabanata XIX Ang Mitsa Buod Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo't isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi: Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo. Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog. Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani. Sinagasa niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido. Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita nila. Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak. Nagpaalam si Placido sa ina. Ginala nito ang Sibakong, Tundo, San Nicolas, Sto. Kristo. Mainit pa ang ulo. Nguni't nakaramdam ng gutom. Naisipang umuwi. Inakalang wala na sa bahay ina't nagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi. Mali siya. Naroon pa ang ina. Naghihintay. Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ayaw ni Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli. Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna, muling umalis ang binata. Nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin ang mga prayle. Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan. Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang pasa- Hongkong. Napatulog siya sa mag-aalaha. Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng pagtakbo ipinatigil ang sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Nainggit si Placido. Kinainisan sina Simoun at Isagani. Anya: Sa ganyan lamang mapapakinabangan. Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na munti pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego. Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Nagtanong ang guro sa di pa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara. Tumalima ang dating guro. Dalawang oras na nag-usap sa bahay ni Simoun ang magaalahas at ang binata bago umuwi sa kaserahan si Placido. Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni Simoun. Sinurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain. Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang ginawa. Ngunit umiling siya. Kung ako'y tumulad sa inyo ay patay na ako, aniya. Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti. Nilalagnat noon si simoun. Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa nangangaral na ina. Hindi tumututol sa mungkahi nito. Ipinayo na lamang sa ina na bumalik na sa lalawigan kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na naroon si Kabesang Andang ay hihingian pa ito ng regalo at pamisa. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Nakita ni Placido na kasama ni Padre Sibyla si Don Custodio, na magpapasiya ukol sa balak na paaralan ng kabataan. 2. Ang salita kayang Ingles na amok (huramentado) ay galing sa hamok ng Malay?

3. Si Kabesang Andangay halimbawa ng isang ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya lamang nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang mapagmalaki bilang ina ng isang nakapag-aral at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng pag-aaral ni Placido ay bilangguan o bibitayan, na siyang tiyak na ibubunga ng masikhay at matining na pagaaral noon ay papag-aralin pa kaya niya ito?

4. Ang paghihimagsik ni Simoun ay magsisimula sa mga arabal (kanugnog-pook ng Maynila o suburbs na noon ay mabugat pa tulad ng Balintawak, Sta Mesa. Makati, La Loma at atbp.) na binubuo ng : A. Pangkat ng mamamayang naaaping ibig maghiganti; B. Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging gayon sa udyok ng paghanap ng katarungang di naging kanila sa pamahalaan; K. Mga kawal na kanyang pinaniwalaang ibig ng Kapitang Heneral na manggulo sila sa mga sibil at sa mga prayle upang magkaroon ng dahilan ang heneral na magtagal pa sa Pilipinas; D. Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang mga kawal at sibil. Dahil dito, ang mga sibil at mga manong ay makakalaban ng mga kawal na may mga pagkakautang kay Simoun at ang mga tulisan kakampi ni Simoun, at ang mga mamamayang sasapi sa kanya ay malayang makalulusob sa Maynila (Intramuros ngayon) at maluwag niyang makukuha ang siyudad na walang magtatanggol. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral? Tugon Iisa ang unibersidad noon para sa karera ang unibersidad ng Sto. Tomas. Ayaw na siyang tangapin doon. 2. Ano ang lintik na ibig nang sumabog ni Placido upang maipakilala nga ngitngit ng kanyang paghihiganti? Tugon Ang himagsikang tulad ng naganap noong 1872 na kinasangkutan nina P.Burgos. makikita ritong ang diwa ng 1872 ay nananatiling buhay sa isip at damdamin ng mga Pilipino pagkatapos noon. Umaasa sila sa muling pagsabog ng malaking himagsikan. 3. Bakit napatapon ang dating guro sa San Diego? Tugon Ninasa niyang makapagturo nang mabuti. Naging kalaban niya ang simbahan at ang pamahalaan na sadyang ayaw na ang mga indiyo ay matuto ng husto. 4. Bakit umanib kay Simoun sa balak niyang paghihimagsik ang Kastilang may rayuma? Tugon It'y nagkaasawa ng maganda. Pinagnasaan ng mga prayle ang babae. Para maiwasan ang ganti ng Intsik, ito ay ginawan ng lalang ng mga prayle upang mapabilanggo hanggang magkaramdam. Ibig ng Kastila na makapaghiganti. 5. Bakit napaaga ang pagbubunsod sa himagsikang binalak ni Simoun? Tugon Dahil kay Maria Clara na ayon sa balitang tinanggap ni Simoun ay nasa bingit na halos ng kamatayan. 6. Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara? Tugon Sa Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria Clara na iisang babae sa buhay ni Ibarra.) nabubuhay ito mula sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos ay sinusunog nito ang sarili sa sariling pugad at ang abo nito’y nagiging bagong Fenix. Kung makuha na ni Simoun si Maria Clara sa mga kuko ng bulag na paniniwala, bibigyan niya ng bagong buhay ang mongha. Ani simoun patungkol kay Maria Vlara: Isang paghihimagsik ang naglayo sa akin at sa iyo; isa ring pagbangon ang magsasauli sa akin sa iyo. 7. Bakit nakita ni Simoun sa kanyang balintataw na tila galit ang anyo ni Don Rafael at ni Elias? Tugon

Ang dalawa'y di sang-ayon sa pamamaraang kanyang ginamit. Si Don Rafael ay kabutihang lagi ang panuntunan sa pakikitungo sa bayan. Kay Elias ay di siya karapat-dapat sa tungkuling kanyang ginaganap; di na siya karapat-dapat dahil ang nag-uudyok sa kanya sa paghahangad na mapalaya ang bayan ay di ang diwang makabayan at makatarungan kundi payak na paghahangad ng paghihiganti. 8. Ipaliwanag ang biglang pagbabago ng loob ni Placido nang kausapin siya kinabukasn ng kanyang ina? Tugon Sa ipinabatid sa kanya ni Simoun noong sinundang gabi ay naisip niyang isa ng kalabisan ang makipagtalo sa kanyang ina. Kunwa’y payag na siya sapagka’t batid niyang sa mga araw na iyon ay ibubunsod na ang madugong himagsikan kaya’t wala nang tanging hiling sa ina kundi umuwi kaagad sa lalawigan upang makaiwas sa labanan. 9. Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun? Tugon Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na ngunit wala pang mitsa na sisindihan upang pasabugin ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may layon: pagbawi kay Maria Clara. ••• Pahiwatig ng kabanata: -Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga Pilipino ay siyang nagtataboy sa huli upang maghimagsik. -Ang layunin ng maraming magulang sa pagpapaaral sa kanilang anak upang maipagmalaki at masabing sila’y magulang ng isang nakapag-aral at nagkatitulo. Points of Note: Placido sees Padre Sibyla with Don Custodio, the man who holds the power to decide whether or not to approve the establishment of the Spanish academy. Simoun's rebellion is planned to begin in the suburbs, and is comprised of: 1. Abused and vengeful men 2. Bandits like Cabesang Tales who are seeking for justice 3. Soldiers who he had made to believe that the governor general wanted them to create a riot with the civil guards so that the general would have a reason to lengthen his stay in the Philippines 4. Men who he had made to believe that the soldiers and civil guards were planning an attack on the convent. (This way the men and the civil guards will have to fight against the soldiers, and the bandits and the rest of the group can freely take on the town when its defenses are crippled.) Simoun's rebellion is organized for one goal: revenge. Frequently Asked Questions: Question: Why does Placido say that he no longer has any opportunity to continue his education? Answer: There is only one university for his chosen career that time -- the University of Santo Tomas -- and the people there do not want him and will no longer accept him. Question: Why was the former teacher of San Diego terminated? Answer: He wanted to teach well and in the proper manner. He became an enemy of the church and the government, who equally didn't want the natives to learn much about anything. Question: Why does the rebellion have to go earlier than planned? Answer: Simoun hears the news that Maria Clara is at the brink of death.

Question: What is the "fuse" to Simoun's rebellion? Answer: The uprising is like a bomb that has long been ready but is lacking a fuse so that it can light up and

detonate. Simoun's rebellion has one goal: to rescue Maria Clara.

Kabanata XX Ang Nagpapalagay (Buod) Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay kilalang tanyag sabahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag. Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya walapang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid. Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol. Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Paano nabigyan ng bansag na “Buena Tinta” si Don Custodio? Sagot Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng ilang lingo at sakanyang walanghabas na pakikipagtalo kung kanikanino. 2.Paano siya nagkaroon ng pagkakataong makahawak ng napakaraming tungkulin? Sagot Sa tulong ng salapi ng kanyang mayamang asawa, siya ay nangalakal at tumanggap ng mga paggawa ng pamahalaan. 3. Ano angpalagay ni Don Custodio sa mga Pilipino? Sagot Ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan. Pahiwatig ng kabanata: -Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga. Agad-agad tayong humahanga. Hindi na natin sinusuri ang kanilang mga tunay na pagkatao at kakayahan. -May paniniwala si Rizal na ang tao’y pantay-pantay. Walang pagkakaiba ang puti at kayumanggi. Points of Note: Don Custodio, a thinker and a man of intelligence, consults Senor Pasta and Pepay. The former gives him worthless advice, while the latter does nothing but dance and ask money from him.

The first paragraph of this chapter, which states that the problem regarding the school is about to come to an end because it is being addressed by Don Custodio is a direct opposite of the truth about what is really going on. Don Custodio, considering all his responsibilities stacking over one another, is proof that during those days, the Spaniards were lacking in trusted officials. Frequently Asked Questions: Question: Why was it difficult for Don Custodio to arrive at a decision regarding the building of the school? Answer: He wanted to please both the friars and the students, who were on opposite ends of the situation. (Like Rizal said: If one wishes to please everybody, he will be able to please no one.) Question: What can you say about the manner in which Don Custodio relates to the natives and the Indios? Answer: He looks at them like a timid father to a frail young child. As a father he is dumb, as he continues to turn a blind eye to the potential progress of the country, ignoring it although he knows it can be achieved. Question: Briefly describe the character of Don Custodio. Answer: He is a man whose actions do not coincide with his thoughts. Question: What decision has Don Custodio finally arrived at regarding the school? Answer: This can be read in the next chapter.

Kabanata XXI Mga Anyo ng Taga-Maynila (Buod) Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok. Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil. Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga prayle? Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento. Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang wala nama’y sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang bulungbulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista.

Ani Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga prayle na huwag manood: at ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskil ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari. Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari’y umiiwas mapuna. Anya: Mga sekretarya kaya o magnanakaw? Kinapa ang sariling mga bulsa. Walang laman. Ano sa akin sino man sila? anito at nagkibit-balikat. Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong. Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe at masiglang nakipag-usap sa taong lulan niyon si Simoun. May narinig ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay isang putok. At umalis ang karwahe. May binabalak! ani Camarroncocido. Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa Heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga ay naiiwan. At yayaman tayo. Ang hudyat ay isang putok. Ani Camarroncocido: Doon ang heneral dito si Padre Salvi. Kaawa-awang bayan! Ngunit anio sa akin? Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang kababayang tanga sa pagsasasbi ng mgsa kahanga-hangang kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahi’t di totoo. Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo nguni’t di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio. Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat. May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahang pumasok si Tadeo. Di na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo. Iniwan ang taga-lalawigan na nag-iisa. ••• Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Si Camarroncocido ay may pangalang ang kahulugan ay halabos na hipon dahil mapulang-mapula siya. Siya ang isang Kastilang hindi nagpapahalaga s kanyang pagiging Kastila. Gayong may pagkadugong bughaw, nang dumating sa Pilipinas ay naging isa lamang upahan sa pagdidikit ng mga paskil sa dulaan at mga gawaing kauri nito. Isa siyang kabaligtaran ni Don Custodio na isa lamang layak sa Espanya na nang maparito ay nagsamantala sa pagiging Kastila at naging mayaman at makapangyarihan. 2. Salin ng Les Choches de Corneville: Mga Kampana sa Corneville. Ito’y nagpapahiwatig ng mga mananayaw na babaing may mga sayang maluluwang na parang kampana na titikwas-tikwas samantalang sumasayaw at pasipa-sipa sa itaas ang mga paa. Mga Tanong at Sagot 1. Anong kasamaang ugali ang pinulaan ni Rizal sa mga taong tulad ni Camarroncocido? Tugon Ang pagwawalang-bahala sa mga panayayari o mga mangyayari kung ito ay walang tuwirang kaugnayan sa kanya kahit mangahulugan ito ng kaguluhan sa bayan o maging ito ay matuklasan niyang may pipinsalaing ilan. Ito ay sakit ng lipunan hanggang ngayon. Maraming kabulukan at katiwalian o krimen ang nasassaksihan nguni’t di isinusuplong sa mga maykapangyarihan sapagka’t wala namang tuwiran o biglaang samang nagagawa sa mga nakakita dahil di nila nais masangkot sa gulo. Di nila nais na maabala sa pagsaksi sa paglilitis. Nguni’t sa di paggawa ng karampatang hakbang ng mga nakapunang ito, ang katiwalian o ang krimen ay lalaganap at balang araw ang nangapabaya sa pangyayari ay siyang tatamaan niyon. At sa katiwaliang nangyari sa bayan, di man tuwiran, lahat ay nagdurusa. (Maipaliliwanag pa ito ng guro). 2. Paano nahati sa dalawa ang lipunan sa Maynila? Tugon Dahil sa mahigpit na pagtutol dito ng mga prayle, lalo na si Padre Salvi, at sa pagsang-ayon dito ng mga taong pamahalaan, napukaw ang pansin ng mga taga- Maynila. Nangagtanong sila kung bakit ipinagbabawal ito ng simbahan? Lahat halos ay ibig manood: Una, iyong ibig manood upang malaman kung bakit bawal; at ikalawa, iyong

ibig manood kung bakit dapat ipagbawal. Kung hindi ipinagbawal ng mga prayle, hindi dadami ang manonood. Ito ay isang magandang paglalahad ukol sa tinatawag na ban o pagbabawal sa pagbabasa sa isang aklat. Dahil ipinagbabawal ang Noli at Fili, noon, halos lahat ng marunong-runong bumasa ng Kastila noong panahon ni Rizal aaaaay nagnais makabasa ng mga nobelang ito. Ipinagbawal ng simbahan ang Pride of the malay Race ni Rafael Palma. Ito ay naging mabili. Kapag nilalagyan ng For Adults Only ang paskil ng palabas sa sine lalo itong pumapasok;ipinagbabawal ang isang sine, ito ay dudumugin ng tao. Dahil sa ito’y katutubo sa tao ang pagtanggi sa pagbabawal. Bawalan mong hipuin ang isang bagong kapipintang bagay sa paglalagay ng pansin na Huwag Hipuin .Sariwang Pintura, at ito ay mapupuno ng mga bakas ng daliri ng mausisa. 3. Sino-sino ang mga taong napuna ni Camarroncocido sa dilim sa paligid ng dulaan? Tugon Mga tauhan ni Simoun. Ang mga kawal ay pinagsabihan niyang ibig ng Kapitan Heneral na magkaroon ng gulo upang mapigil ang pagbabalik nito sa Espanya at di kaagad matapos ang panunungkulan nito sa Pilipinas. Sa makatuwid sumalakay man ang mga kampon ni Kabisang Tales ay aakalain ng mga militar na iyon ay bahagi lamang inihandang pagkakagulong sa kagustuhan ng Kapitan Heneral. At ang haharapin ng mga kawal ay hindi ang mga tulisan kundi ang mga manong na magtatanggol sa mga prayle. Dito’y gagamitin ni Rizal ang theory ni Machiavelli: Paglaban-labanin mo ang iyong nasasakupan at sila’y madali mong mapaghaharian. Kung magpapatayan ang mga marinero at militar laban sa mga manong at confradia magiging malaya ang pangkat nina Kabesang Tales at ang mga mamamayan sa pagsasalakay sa nais nilang salakayin. 4. Bakit nakapasok din sa dulaan si Tadeo? Tugon Di sumama kina Macaraeg si Basilio dahil ang huli ay magrerepaso para sa nalalapit niyang pagsusulit. May tiket para kay Basilio. Ito’y ipinagamit nina Isagani kay Tadeo. Pahiwatig ng kabanata: -Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng kapwa at ng bayan. Walang inaalagata ang marami kundi ang kagalingang pansarili.

Points of Note: Camarroncocido is a name that means “scalded shrimp” because his skin is rosy red. He is a Spaniard who does not give much importance to his Spanish roots. Although he is considered to be “blue-blooded” given that he comes from an elite Spanish line, he ends up doing menial tasks the moment he enters Philippine territory. Camarroncocido is an exact opposite of Don Custodio who, despite being a common man in Spain, came to the Philippines to take advantage of his roots and use it to gain power. Frequently Asked Questions: Question: What undesirable trait does Rizal portray in the character of Camarroncocido? Answer: Rizal gives light to the common social illness of people who refuse to care about events that have no direct consequence to them personally, even though these events might cause civil unrest or might be detrimental to a number of other citizens.

Question: How is the society of Manila divided into two? Answer: Because of the adamant objection of the Spanish friars to the play, and the unanimous support to it by the government officials, the people of Manila began to wonder. Almost everyone wanted to see it: First, there were those who wanted to watch the presentation just to see what made the friars ban people from it; and second, those who wanted to see it so they could find out if it really was worth banning. If the friars hadn’t forbidden the people to watch it, the audience would not have reached such an incredible number. Question: Who were the men that Camarroncocido spotted in the dark? Answer: They were Simoun’s men. Question: How did Tadeo get admission to the theater? Answer: Basilio did not go with Macaraeg because he wanted to study for his exams. Isagani gave Basilio’s ticket to Tadeo instead.

Kabanata XXII Ang Palabas (Buod) Maingay sa dulaan. Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang Kapitan Heneral. May nagsisipadyak ng baston at sumisigaw na buksan na ang tabing. Maraming pabastos na paghanga sa mga babae na maririnig sa mga artilyero. Maraming tsismisan. Mausok. Maraming pagtatalo. May isang matigas ang ulo sa isang luklukang di kanya at ayaw ibigay iyon sa may-aring si Don Primitivo. Hindi ito napakiusapan ng tagapamahala. Nagsigawan ang mga artilyero. Ibibigay o hindi na oo na hindi! Nalibang ang mga tao. Ang mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don Primitivo dahil sa ito ay isang mataas na tao sa pamahalaan. Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real. Si Pepay ay nasa isang palko na handog ni Makaraig. Katapat ito ng palko ng mga estudyante. Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kaya’t di man ibig ay napilitan ang tagapagmungkahi na pasadulaan. Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal. Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Isang awit na puno ng tsismis ng linggo ang kanyang ipinaririnig. Tigas na kasasalin ni Tadeo sa Kastila ng mga salitang Pranses. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita at Donya Victorina. Karaniwan naman ay mali si Juanito. Umawit si Serpolette. May pumalakpak sa una. Nakilala ito ni Tadeo. Padre Irene na pinapag-espiya ni Padre Salvi sa kung sadyang masama nga ang palabas ng mga Pranses ay namukhaan ng mananayaw. Kakilala pala siya ni Serpolette sa Europa pa. Isang babae ang dumating na kasama ang asawa. Ipinamalaki ang pagdating niya nang huli sa lahat. Nang makitang may palko pang walang laman ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao. Wikang paismid: Ang mga ungas! Akala mo’y marurunong ng Pranses. (Tama naman.) Si Juanito’y nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman nalalayo sa Español. Kapag nagtawa ang mga tao’y nakikitawa siya. Kapag nagsiungol o nagsiubo, napapailing siya. Humanga sa kanya si Donya Victorina at hinangad pakasalan ang binatang kuba pag namatay si De Espadaña. Inubo nang masasal si Juanito. Sinigawan siya. Paalisin ang tisiko. Nais awayin ito ni Pelaez. Nakilalang si Don Custodio iyon. Natakot ang binata. Kundi lamang kasama ko kayo anya kina Paulita. Lalong humanga si Donya Victorina kay Pelaez. Ayon kay Ben Zayb, na isa sa mga nagsiganap ay hindi artista, di marunong umawit. Napag-usapan ang di pagsipot ni Simoun sa dulaan. Pinagtalunan ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses . Dumating si Makaraig mula kay Pepay. Malungkot. Nag-usisa ang lahat. Napasiyahan na raw ang tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene. Sinang-ayunan nag paaralan. Ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas, sa pamamahala ng mga Dominikano. Kung gayo’y mga kabesa de baranggay tayo, ani Tadeo. Hinagisan ni Pecson ng maruming medyas si Sandoval. At ang masakit ayon kay Makaraig ay ipinayo pa ni Padre Irene na ipagdiwang ng mga estudyante ang tagumpay nila. Ani Pecson: Sigi, magdiwang tayo sa isang pansiteryang paglilingkuran ng mga Intsik na hubad! Pinagtibay ang balak. Hindi na hinintay ng mga estudyante ang ikalawang yugto ng opereta. Nagsialis sila sa gitna ng alingasngas ng buong bulwagan. ••• Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang tinawag na Filipino time ay pag-aglahi sa ating ninuno.

Ito’y hindi oras Pilipino. Nagaya lamang ito ng ilan sa ating totoong isip-alipin sa mga Kastilang namuno sa atin nang may tatlong daang taon. Ang manonood, makikita sa ano mang

palabas, ay maagang nagsisidating. Tanging panauhing pandanmgal ang huling dumarating at ito ay ipamamata nang oras-Pilipino . Hindi tumpak na ang maling ginawi ng isa ay ipaari sa maraming hindi naman gumawa niyon. Ang tunay na oras-Pilipino ay makikita sa mga nayon. Bago pa sumikat ang araw at wala pang nakikita sa paligid ay nasa pilapil na ng bukid ang magsasaka, nakasulong na sa dagat ang mamamalakaya. Ibando mong may pasine sa liwasan sa ika-8 at ika-6 pa lamang ng gabi ay marami nang naghihintay na bata at matanda sa pagpapalabasan. Pag sinabing orasPilipino ito’y mga minuto o oras na una kaysa takdang tipanan. 2. Ang bisa ng pag-ibig. Si isagani na pinakamasipag at tagapagtaguyod ng paaralan ay di pumansin sa pagkakatuwa at pagtalakay ukol dito ng mga kasamahan dahil sa malaki niyang panibugho at galit kay Paulita. Ito ring damdaming ito ni Isagani ang sisira sa tagumpay na balak ni Simoun sa dakong huli. 3. Hindi magkasama sa palko sina Don Custodio at Pepay. Mahalay para sa Don ang makitang kasama ang mananayaw. 4. Sina Tadeo at Pelaez bilang manonood. Si Tadeo ay isang uri ng manonood na di dapat natatagpuan sa dulaan. Wala siyang nakikita o nais makita kundi ang kapintasan at kasiraan ng kanyang pinapanood. Si Juanito Pelaez naman ay halimbawa ng isang ungas na ginagamit ang kaunting kaalaman (sa Pranses) na lalong nagpapatingkad sa kanyang katangahan. At sina Paulita at Donya Victorina naman ay mga lalong tanga na nakipatol sa nagdudunung-dunungang si Tadeo. Sila’y parang mga bulag na napapaakay sa kapwa bulag. 5. Si Ben Zayb ay isang kritikong hangal. Walang kaalaman sa sining ngunit nagdudunung-dunungan. Siya’y mapanganib dahil marami siyang maihahawang hangal ding mambabasa sapagkat siya’y manunulat at manunudling (columnist). 6. Usapa ni Padre Irer at Serpolotte nang makita ng babae ang kura sa karamihang nagsilapit sa artista. Sinunggaban sa bisig si Padre Irene at: S-Naku, lapit, lapit dito, aking kuneho (pet o alaga). I-Huwag kang maingay (nagnasang lumayo). S-Bakit? Ikaw na higante rito at akong sumasamba sa iyo. I-Huwag kang maingay rito, Lily ako’y isang Papa rito. Si Serpolette pala at si Padre Irene ay dati nang magkakilala sa Europa pa lamang. Si Padre Irene ay isang lalaking makamundo. Ayon sa isang palasaliksik na naging propesor ko, si Prof. Teodoro A. Agoncillo, si Padre Irene ay hinuwad ni Rizal sa isang hudyo na nagpapanggap na pari at nakapagturo pa sa UST. Nang may malaking halagang napailalim sa kanyang pag-iingat, siya na di naman talagang pari at kalaban pa nga sa pananalig (Hudyo) ay nawala. Sinasabing bumalik sa Europa at nagbuhay Don Juan doon. 7. Punahin ang wika ni Donya Victorina nang mapg-usapan ang mabait at salbaheng utusan sa pamaling pagsasalin ni Juanito: At akong naniniwalang sa Europa ang lahat ay mababait! (Isip-alipin talaga) Mga Tanong at Sagot 1. Bakit masaya si Pepay gayong hindi maganda ang kanyang balita para kina Makaraig? Tugon Isa siyang tanga. Hindi niya nasakyan ang ibig sabihin ng pasiya ni Don Custodio na akala niya ay sang-ayon sa paaralan kayat ikatutuwa nina Makaraig 2. Kaganinong palko ang walang tao na nkita ng babaing namayagpag sa pagdating niya ngng hulisa lahat?

Tugon Kay Simoun. 3. Bakit hindi nasiyahan si Sandoval sa palabas? Tugon Paano di siya nakauunawa ng Pranses. (Daig pa siya ni Juanito.) 4. Bakit hinagisan ni Pecson ng medyas na mabaho si Sandoval? Tugon Si Sandoval ay isang Kastilang estudyante na kasang-ayon nina Isagani sa pagtatayo ng paaralan ng kabataan. Nasabi niya minsan, nang sabihin ni Pecson na walang mararating ang balak nila sapagkat lalabanan ng simbahan at pamahalaan, sinabi ni Sandoval na pag nabigo ang mga Pilipino, siya na isang kastila, ang magpapatuloy ng magandang balak na iyon. Ang medyas ay pinagsagisag ni Pecson sa isang paghamon kay Sandoval na magsabi ng totoo sa kanyang salita. 5. Bakit ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak nilang paaralan? Tugon Ang paaralan ay ipaiilalim sa mga dominikano sa Unibersidad ng Sto. Tomas samantalang ang lahat ng gugol ay sa mga estudyante. Samakatuwid, wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa unibersidad sa ilalim ng mga dominikano. Bakit magbubukas pa ng paaralan ang kabataan? E, di papasukin na rin lamang nila sa unibersidad ang sino mang nais mag-aral kahit hindi matuto. Pahiwatig ng kabanata: -Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin. Ginaya lamang natin ito sa mga Kastila. -Ang mga Pilipino’y mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain. Maging ano mang bagay na gawa ng mga dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan natin. Points of Note: The term “Filipino Time” isn’t really Filipino time per se. This attitude of being late was taken from the Spaniards who ruled the country during that time. In Rizal’s novels, it is very obvious that the audiences all come early, save for the high-ranking Spanish officials to arrive late on purpose just so they could have all the attention and make a grand entrance. Don Custodio is not seated with Pepay. It is not honorable for a Don to be seated with a dancer. Tadeo is the kind of audience that should not be seen in shows such as this. He is one who does not see anything other than the faults of the performers on stage. Juanito Pelaez as well is the kind not to be tolerated. He is one of those people who use the little knowledge that they have in order to make themselves look good, but instead end up embarrassing themselves even more. Dona Victorina and Paulita on the other hand, were even dumber than the two boys, because they let themselves be fooled by their acts. They are both like blind women who depend on blind men to guide them. Frequently Asked Questions: Question: Why is Pepay in such a good mood when it is not good news that she brings to Macaraeg and the others? Answer: She is a dimwitted woman. She did not understand what Don Custodio hand meant, and so now she thinks that the news will delight the students. Question: Why is Sandoval not amused by the show? Answer: He does not understand French. Question: Why are the students saddened by the news about Don Custodio’s decision regarding the school?

Answer: The school will be placed under the care of the Dominicans in the University of Santo Tomas. In other words, there will be no difference in the manner of teaching. Schools run by the Dominicans were known for

their poor quality of education. Placing the proposed school under their administration will defeat the entire purpose of establishing a new school in the first place.

Kabanata XXIII Isang Bangkay (Buod) Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama. Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante. Si Basilio ay dir in nanonood. Nagrerepaso siya sa bahay. Hindi na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa pagkakaalila. Pinag-aralang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na noon ay lalong naging mahirao pakiba-gayan. Kung minsan ay mahal na mahal nito si Basilio at kung minsa’y nilalait. Pabigat nang pabigat ang karamdaman nito. Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o nasa paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda. Si Simoun at si Padre Irene lang naman ay walang itinatagubilin kay Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa pag-aalaga. Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Mula nang magkita sila sa San Diego ay noon lamang sila nagkaharap. Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malubha, ani Basilio. Malala na raw ang kalat ng lason sa katawan. Tulad daw ng Pilipinas, ani Simoun. Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan liban sa pama-halaang Kastila dahil ang hindi kakampi sa kanila ay ituturing na kaaway na dapat pata-yin. Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara mula sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod. Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si Maria Clara. Naroon siya sa kumbento upang makibalita kaya niya nabatid. Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa ni- yon kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria Clara. Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala sa pag-aaral ang isip ni Basilio. Ang naglaro sa isip ay ang kahabaghabag na buhay nina Ibarra at Maria Clara. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Bakit ninasa pa ni Basilio na gamuting mahusay si Kapitan Tiyago gayong siya’y hirap na hirap ditto at pabayaan lamang niyang mamatay ay tapos na ang hirap niya? Sagot May marangal na budhi si Basilio. Nasa isip niyang lagi ang kinabukasan nila ni Huli na ayaw niyang mabahiran ng maruming kahapon. 2. Bakit inihambing ni Simoun si Kapitan Tiyago sa pamahalaan ng Pilipinas? Sagot Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason ng apyan ay laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na kabulukan sa bayan, ay malapit nang “maglagot” ang bayang Pilipinas. 3. Bakit kailangang-kailangan ni Simoun si Basilio sa kanyang paghihimagsik? Sagot Si Basilio lamang ang tangi kay Simoun at Kapitan Tiyago ay siyang naka-kikilala kay Maria Clara na kailangang ilabas sa Sta. Clara. Si Basilio lang dahil kailangan ni Simoun na pangasiwaang maigi ang mga pangkat ng kanyang pag-aalsa. 4. Ano ang mapupuna sa inihandang paghihimagsik ni Simoun na wika nga niya, kung buhay si Elias, ay isa sa mga tututol? Sagot Hindi para sa bayan ang layunin ni Simoun sa paghihimagsik na ito. Ito’y ginawa lamang niyang kasangkapan sa isang makasariling layunin---ang maka-paghiganti at mailigtas si Maria Clara sa mga pagdurusa sa kumbento. 5. Bakit napablis ang pagkalason ng katawan ni Kapitan Tiyago? Sagot

Kung wala si Basilio ay binibigyan ni Padre Irene ng maraming apyan ang may sakit; tulad ng pagpapalala ni Simoun sa sakit ng bayan. Si Padre Irene ay may hangad sa lalong madaling pagkamatay ni Kapitan Tiyago dahil nagawa niyang siya ang mapamanahan ng lahat ng ari-arian ng matanda. ••• Pahiwatig ng kabanata: -Ang pagbabalik at balak ni Simoung agawin si Maria Clara sa kumbento ay nagpapatunay ng kawagasan ng pag-ibig nito; at ang pagkamatay ng dalaga ay nagpapahiwatig ng pananatili ng kapangyarihan ng relihiyon sa ating bansa. Points of Note: The last paragraph of this chapter is a very beautiful flow of poetry that plays through the mind of Basilio as he ponders over what had happened to Maria Clara in the convent, and how there could have been no miracle to have ever stopped it. Frequently Asked Questions: Question: Why does Basilio still strive to cure Captain Tiago of his illness when the youth is already exhausted in doing so? Answer: Basilio is a man of honor. He is always thinking about the future he might have with Juli, and how he refuses to stain that future with a dark past. Question: Why does Simoun liken Captain Tiago to the Philippine government? Answer: Just like Captain Tiago who is slowly being consumed by the poison of opium, the Philippines is also about to die any moment because of the widespread corruption in the country.

Question: Why does Simoun need Basilio in the revolution he is planning? Answer: Apart from Captain Tiago and Simoun, Basilio alone is able to recognize Maria Clara, whom they have to save

from the nunnery. Simoun will be busy organizing his troops, so he greatly needs Basilio if he is to rescue the woman he loves.

Kabanata XXIV Mga Pangarap (Buod) Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa si Isagani sa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Panay raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa. Kaya raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani. Si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez. Nagkatawanan ang dalawa. Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niyanakita si Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at Natiyak niyang ang kulang ay si Paulita Nguni’t ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang ibig niyang paglalakbay ya sa pamamagitan ng tren. Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galling sa digma. Sa huli’y ni walang pumapansin. Nguni’t kay Simoun ay nabahala ang marami. Iba na raw ang mayaman, ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya. Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Nangiti na rin ang binate at napawi ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa dalaga. Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang itanong sa kanya ni Donya Victorina kung nakit ang binata ang pinaghahanap na asawang Kastila. Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan sa nayon (kay Padre Florentino) nag-tatago si De Espadana. Sinabi ng donya na nais niyang mag-asawa uli. Nagtanong pa ang donya kumg ano’t pakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman ay namuri pa sa kinaiinisan niyang kamag-aral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap. Kung matutuloy ng naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si Juanito. ••• Pahiwatig ng kabanata: -Ang pag-unlad na nakikinikinita ni Isagani ay siyang pangarap ng may-akda para sa kaniyang bayan. -Ito’y hindi nanatiling pangarap. Ang lahat ay nagkaroon ng katuparan. Points of Note: This chapter compares two different kinds of youth: One

who loves his country, and another who loves himself. This is also a very good avenue to study the dynamics of two hearts that yearn for two very different things – the hearts of Isagani and Paulita. This chapter also describes Rizal’s vision of the improvement and development of the cities of Quezon and Mandaluyong, which today have become very progressive towns.

Kabanata XXV Tawanan at Iyakan (Buod) Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing–apat sila, kasama si Sandoval. Pinakyaw nilang lahat ang mesa. Ani ng isang paskin: “Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban!” Matatlim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan sila’y pilit at may tunog ng paghihinakit. Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sana’y si Basilio na ang inanyayahan nila sa halip ng impormal na si Juanito. At malala-sing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim ukol daw sa nawawalang bata at sa isang mongha. Nagkainan. Inihandog nila ang pansit-langlang klay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala;lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene ; ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si Isagani. May isa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ayon kay Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May ibig mag-alay ng pansitkay Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat ialay ang pansit. Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga kasamahan . Gaya daw ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin. May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagtiktik ito sa mga estudyante. Ani Makaraig: “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!” ••• Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nagdaos ng piging ang mga estudyante? Sagot

Patuyang pagsang-ayon sa mungkahi ni Don Custodio, ayon kay Padre Irene, upang ipagdiwang ang pagkakasang-ayon ng Don sa mungkahing paaralan. Maging ang paskin ukol sa

kaluwalhatian para kay Don Custodio ay tigib ng panunuya at pagdaramdam. 2. Ilang lahat ang nagdiwang na mga estudyante? Sinusinoang mga kilala ninyo? Sagot Una’y labintatlo ang mga Pilipino at isa ang Kastila, si Sandoval. Dumating si Isagani, kaya naging labinlima. Labinganim sana sila nguni’t di dumating si Basilio. Naroon sina Makaraig, Tadeo, at Pecson.

-Makapangyarihan ang mga prayle dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng relihiyon, ng pananampalataya, ay nangyayaring mapasunod at masakop tayo ng lubusan. Frequently Asked Questions: Question: Why did the students hold a feast? Answer: It is a satirical mockery of their being in favor of Don Custodio’s decision, according to Padre Irene, in order to celebrate the Don’s affirmation of the plans for the proposed school.

3. Ano ang ibig sabihinni Pecson sa bahagi ng kanyang talumpati na: “...ang langit ay ipinipinid sa mayayaman, kaya’t sila (ang mga prayle), mga bagong sasagip at mga tunay na alaga ng Manunubos ay gumagawa ng iba’t ibang uri ng mga lalang upang gampanan ang inyong mga kasalanan...” Paano pinagagaan ang kasalanan ng mayayaman? Sagot Karaniwang itinuturo ng mga pare noon na ang mayayaman ay di nakapapasok sa pinto ng langit at mga prayle lamang ang makapagbubukas niyon para sa mayaman. Paano? Pamisa, panobena, abuloy, at higit sa lahat, pagpapamana ng mga ariarian ng isang prayle o sa simbahan.

Question: How many students were there in the feast? Answer: There were thirteen Filipinos and one Spanish student, Sandoval. Isagani arrived, which made them fifteen. They were supposed to be sixteen all in all, but Basilio didn’t come. Macaraeg, Tadeo, and Pecson were in attendance as well.

•••

Question: What are the four authorities of the Philippines according to Isagani? Answer: According to Isagani, “Quiroga is one of the four.” Who are the other three? Simoun. The General. The friars.

Pahiwatig ng kabanata: -Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang katunayang ang kabataan ay hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga bagay na ikauunlad ng sarili at ng bayan.

Question: What really happened to Simoun? Answer: Because he forgot about the warning blast, Simoun’s group had gone out of order. Maybe one of the men from his group, say, Kabesang Tales, in anger had piled up hatred towards him.

Kabanata XXVI Mga Paskin (Buod) Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais niyang pakialaman ang kanyang linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos madalaw ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng perang gugugulin. Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli. Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon. Iniugnay niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni Simoun. Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio. Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung nasa piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nitop ang binata na umuwi na’t sirain niya ang lahat ng kasukatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Dito’y may ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang katedratiko. Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay raw mga estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga paskin (posters) na mapanghimagsik. May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio,. Ang una: Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre. Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita. Marami raw estudyante ang papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa pag-aaral. Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayo’y itiwalag nila di kayo makatatapos sa inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskil. Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya. Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa kapisanan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil wal ng klase. Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi: Wala-wala akong kinalaman, wala akong kinalaman ; ikaw ang saksi ko Basili, na sinabi kong isang quijoterias ang lahat Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa kanila. Natanaw ni Basilio si Isagani. Namumutla ang huli ngunit pinagpupuyusan ng kalooban. Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga bagay ay nagkakagulo tayo na parang mga mayang paking na itinaboy ng tau-tauhang panakot. Ito lang ba ang pangyayari na ang kabataan ay mabibilanggo dahil sa kalayaan? Nasaan ang mga binitay, ang mga pinagbabaril? Bakit tayo magsisiurong ngayon?

May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat naiyon? Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang ( mga kura ) alamin niyon. Nguni’t di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako dahil naroon ang karangalan. Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban, sino man ang sumulat noon ay dapat nating pasalamatan. Kung hindi naman ay sapat nang tutulan natin at tanggihan, ani Isagani. Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Tutungo siya kay Makaraig upang mangutang. Di niya alintana ang mahiwagang senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig. Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana. Anya: Naparito ako upang makipagkita ako sa kaibigan kong si Makaraig. Nagkatinginan ang dalawang tanod. Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig kay Basilio. Anito: Marangal na pagkatao! Sa panahon ng kapayapaan ay umiwas kayo sa amin .. Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala kung sino Pati ba ako? tanong ni Basilio. Nagatawa si Makaraig. Huwag kayong mag-alala. Mabuti’t ng maibalita ko sa inyo ang ukol sa hapunan kagabi samantalang nasa sasakyan tayo. Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay Makarai. Sinabi ni Makaraig na ma-aasahan siya ni Basilio at sa magtatapos raw ng madodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa kanila. ••• Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Si Basilio ay isa nang nagsasanay sa panggagamot sa ospital. 2. Noon ay walang titulong Doktor ang mga Pilipinong nagtatapos ng medisina. Licienciatura lamang ang pinagkaloob. Ngunit sila’y nakapanggagamot din. 3. Pinakaiiwasan ni Basilio ang pagkasangkot sa pulitika dahil sa kanyang mga karanasan noong bat pa siya. Ngunit ngayo;y dina naiwasan ang pagkasangkot. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit di makautang si Basilio kay Kapitan Tiyago? Tugon Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi nang ipinangangaking pamana;nahihiya na siya nang gayon. 2. May kinalaman kaya si Simoun sa mga paskin? Tugon Ayon na rin sa katedratikong nakausap ni Basilio, wala. Si Simoun ay nahihiga dahil sa kapahamakang inabot dalawang araw na. 3. Sino ang nakakita ng mga paskil? Tugon Walang nagkakita sa mga nagbabalita. Maaga raw itong ipinabakbak ng Bise Rektor (Sibyla) at ipinadala sa pamahalaang sibil upang gawing patibay sa pagsusuplong laban sa mga estudyante na siyang tiniyak na may kagagawan niyon. 4. Ano ang ibig sabihin ng katedratiko na si Kapitan Tiyago ay nangangamoy bangkay na ? Tugon Napapadalas na raw ang dalaw ni Padre Irene at ni Simoun na siyang nagbabalitang lalong makikinabang sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago parang mga uwak at buwitre (vulture).

natagpuan, maaari pang si Simoun. Ngunit isang araw pa ang nakalipas bago nagkaroon ng mga paskin. b. Ang mga prayle? Wala nang iba pang magnanasang magbagsak sa mga estudyante kundi ang mga kura lalo na ang bise-rektor o si Padre Sibyla. Sila ang may palakad ng resolusyon laban sa paaralan ng Wikang Kastila na di nilagdaan ni Placido. 7. Bakit nasabi ni Makaraig na si Basilio ay isang marangal na kaibigan? Tugon Akala kasi ni Makaraig ay nakikisama sa kanila si Basilio nang malamang pinaghuhuhuli na ang mga estudyanting kasapi sa kapisanan. Si Basilio ay di nila maisama sa mga lakad na pangkasaysayan o noong wala pang gulo at ngayon nagkakagulo ay saka nakikisama si Basilio, sa akala ni Makaraig. Pahiwatig ng kabanata: -Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo ang anumang kilusang labag sa kanilang kapakanan. -Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat malaki ang kanilang pagnanasang manatili sa Pilipinas. Points of Note: Basilio is a doctor in training, having his practicum at the hospital. During those days, Filipinos who finish are not given the title of Doctor. Instead, they are only given a degree. However, they can still cure the sick and practice medicine. Basilio has strived long and hard not to get involved in matters of politics because of his ugly experiences as a child. This time, however, it seems he can no longer escape it.

5. Bakit namumutla si Isagani sa kanyang pagtatalumpati? Tugon Sa galit sa mga pangyayari at hinanakit sa mga kasamahang nangawala ang ulo sa takot sa mga pangyayari.

Frequently Asked Questions: Question: Why can’t Basilio borrow money from Captain Tiago? Answer: He does not want Tiago to think that he is asking for an early installment of the riches the old man promised he would inherit.

6. Sino ang may kagagawan sa mga paskil? a. Si Simoun? Hindi magagawa ni Simoun dahil nahihiga sa karamdaman. Hindi kaagad makakikilos ang mga kasamahan ni Simoun ukol doon. Nagkatiwa-tiwalag sila. Hindi magagawa iyon ng mga kawal o ng mga manong. Di rin ng mga tulisan o Penitente kaya. Kung iyon ay noong gabi ng himagsikan mismo

Question: Does Simoun have anything to do with the posters? Answer: According to what Basilio was told, no. Simoun is recovering from the mess he encountered two days ago.

Question: Why does Isagani turn pale while delivering his speech?

Answer: He is angered by the recent events, and by his comrades who had seemingly lost their right minds in fear of such events.

Kabanata XXVII Ang Prayle at ang Pilipino (Buod) Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata. Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinata-nong ng kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Pinaupo ang binata. Nguni’t nanatiling nakatayo si Isagni. Patuloy na nagsalita ang pari. May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamiha’y pumupula at lumalalos sa mga prayle nguni’t walang makapagsalita nang tapatan o harapan. Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon na kabataan na pag nagsalita laban sa maykapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero at alam ng pai ang ibinubunga ng gayong paratang. “Baliw ang sino mang magsabi nang malakas sa kanyang iniisip sapagka’t siya’y magtitiis ng pag-uusig,” ani Isagani. Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa niya si Isagani. Pangiting nagpasalamat ang binata. Sinabi niyang itinatangi rin niya ang katedratiko. “Nguni’t di tayo maguusap dito ng ukol sa ating sarili kaya’t ipinakikiusap ko sa aking katedratiko na ibahin na ang paksa.” Maaari raw si Padre Fernandez ay gayon nga nguni’t di raw gaya ng katedratiko ang ibang prayleng Domoniko. At tiniyak ni Isagani ang mga sakit sa pagtuturo ng mga prayle. “Binabawasan hangga’t maaari ang pagbibigay ng mga kaalaman sa pagpatay sa sigla at sigasig ng magaaral. Walang inihahasiksa amin kundi mga kaisipang luma, mga lisyang simulaing kasalungat ng pagkakasulong. Parang mga bilanggong gobyerno ang mga estudyante. Salat na salat ang mga ito sa natututuhan tulad ng pagkasalat ng bilanggo sa pagkaing inirarasyon ng nakasubasta sa pagpapakain”. At sinabi ni Isagani na parang may sabuwatan ang pamahalaan at ang mga Pilipino upang manatili sa kamangmangan ang mga ito. Napakagat-labi si Padre Fernandez. Sinabi nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni Isagani. “Hindi, Padre,” ganti ni Isagani. “Ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila ang nagsasabi mismo na kami ay hindi nararapat matuto pagka’t baling araw ay magpapahayag kami ng paglaya. Ito’y pagtanggi na ang bilanggo ay pakanin pa upang di na makalabas sa bilangguan. Ang kalayaan ay katambal ng tao at, gayundin, ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na maging amin iyan ang dahilan ng kawalan naming ng kasiyahan”. “Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang,” anang Pari. “Ipagkaloob iyan sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin niyon”. Tinutulan ito ni Isagani. Hindi raw totoo iyon. “Kung ano kami ay kayo ang may gawa. Ang bayang inaalipin ay natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin. Ipagpalagay natin, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mgawalang dakilang asal at katibayanng loob. Sino ang may kasalanan? Kami o kayong nagturo sa amin sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng palayok kundi mga sira siya’y napakatanga marahil.” “O masama at marumi ang putik na ginagamit?” “Kung gayo’y higit pang napakahangal gayong alam na palang masama at marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at di lamang hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niya’y patuloy pa sa pagtangap kabayaran….. at di lamang hangal , mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapakipakinabang.” Nakilala ni Padre Fernandez ang kanyang kagipitan. Noon lamang siya nakaranas niyon—pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang. Anang kura: “Kinapopootan ng bayan ang sundalo na dumakip at hindi ang hukom na nagpanaog ng hatol na pagkabilanggo… Kami’y napapagitna sa dalawang sibat sa inyo at sa pamahalaan . Kung ano ang utos sa amin ay siya naming sinusunod. Ang naguutos sa pagpapaputok ay masasabung siya na ring naglalagay ng balas a kanyon”. Pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan. Nangatwiran ang katedratiko. “Ang ibig kong sabihi’y may mga batas na mabuti ang layon nguni’t masama ang ibinubunga. Upang maiwasan ang isang pagdaraya ay nagpapatibay ng maraming panugpo na pinaglalaruan lamang ng mga mamamayan. Maglagda kayo ng isang batas, kahit sa Espanya, at pag-aralan ng mga tao kung paano ito madaraya. Nguni’t nalalayo tayo tayo sa paksa… Kaya sasabihin kong ang masamang ugali ninyo ay di dapat isisi sa amin ni sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag n gaming kapisanan. Ang naghahangad magpatotoo ng lahat ay wala isa mang napatutunayan. Ang mga kapisanan ay nawalan ng pg-iingatdahil sa umaapaw na kasaganaan”. “Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito rito dahil ito’y hinahadlangan.Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong makatulong sa bansa. Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalangpinag-aralan at kamangmangan. Kami’y inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo an gaming kahihiyan”. ••• Mga Tanong at Sagot prayle kundi magrasyon ng kaisipang luma? 1.Ano ang ibg sabihin ni Isagani na walang ginagawa ang mga Sagot

Huling-huli sa takbo ng panahon ang itinuturo ng mga prayle — bukod sa kakatiting pa. Batid ito ng kabataan dahil sa may ilang nanggaling sa Europa ang matapos maghambinghambing ay nakapagsabing huling-huli ang Pilipinas sa panahon. 2. Ano ang puna ni Rizal sa pagkakaroon ng ordeng Dominiko ng tanging karapatan sa pagtuturo sa mga Pilipino? Sagot Parang isinubasta raw ng pamahalaan ang pagpapaturo sa mga Pilipino at hindi man ginagawa ng Dominiko ang tungkulin ay di pinapansin ng pamahalaan dahil kapwa sila nakikinabang. Inihambing ni Rizal ang paraan ng pagtuturo ng Dominiko at ibang orden sa pagpapakain sa bilanggo na isinusubasta sa mga komersiyante. 3. Ang kahuluganng kasabihang latin na “Vox populi ,vox dei” ? Ipaliwanag. Sagot Ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos. Kung bayan na ang humihingi ng isang bagay ipinalalagay na iyon ay Diyos na rin ang may kahilingan. Ang paghihimagsik ng bayan ay paghihimagsik na rin ng Diyos laban sa may masamang pamamahala. 4. Bakit daw walang mangahas sa mga estudyante na gawin nang harapan ang pamumuna sa mga prayle ayon kay Isagani? Sagot Baliw raw ang sino mang gumawa niyon sapagka’t paguusigin. Pahiwatig ng kabanata: -May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at di-mabuting pagkilala sa mga Pilipino. Points of Note: Isagani is still in his first year at the University of Santo Tomas. He came from Ateneo de Manila.

During that time, the population of the Filipinos was roughly 8 million. The Dominican order is one of the groups that hold the authority to educate the youth during that time. After the Jesuits left Philippine soil, the Dominicans took over the job completely. The University of Santo Tomas and the College of San Juan de Letran are under Dominican administration. The Ateneo de Manila, on the other hand, is run by the Jesuits. Similar to what happened with Senor Pasta, Padre Fernandez could not win an argument with Isagani. Frequently Asked Questions: Question: What is Rizal’s opinion about the Dominicans monopolizing education in the country? Answer: According to Rizal, it seems as if the government is auctioning off Philippine education to the Dominicans and although the friars are not doing the job right, the government turns a blind eye because the fact remains that it continues to benefit from the arrangement. Question: What is the meaning of the Latin phrase, “Vox populi vox Dei”? Answer: It means “The voice of the nation is the voice of God.” If the nation itself is crying out and begging for something, it is as if God himself is asking for it. The revolt of the nation is also the revolt of God against an oppressive government. Question: According to Isagani, what do the students need from the friars? Answer: The students want to be treated with respect and to be given the proper education that they deserve from the friars.

Kabanata XXVIII Pagkatakot (Buod) Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan. Ito'y pinatunayan ng mga paskil. Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulbura't bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Darami ang madarakip at mabibilanggo. Marami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Nguni't di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan. Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan ng intsik ang sariling tahanan. Ayaw ring tumanggap si Don Custodio ng sinuman. Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita niya na nakapatong sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit. Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya't pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil noo'y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas. May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Anang isa'y sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon at ang lahat ay magsisipanhik ng bahay upang manahimik. Anang isa naman, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan. Kina Kapitan Tiyago. Una'y ibinilanggo na si Basilio at naghaluhog sa mga kasulatan ng binata. Nayanig ang kahinahunan ni Kapitan Tiyago. Saka ngayo'y dumating si Padre Irene at nagbabalita ng kung anu-anong mga nakatatakot. Nanginig sa takot ang matanda. Nakadilat ang mata na napakapit sa kura. Nagpilit bumangon. Nguni't di nakaya. Bumagsak na bumubula ang bibig. Patay na. Nasindak ang kura. Tumakbo. Nakahawak sa kanya ang patay na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid. Kinagabihan. Sa isang binyagan ay may nagsabog ng kuwalta. Nag-agawan ang mga bata. Nagkaingay sa may pinto ng simbahan. Isang opisyal ang nagdaan. Nabigla ito sa pag-aakalang gawa iyon ng mgs pilibusterilyo. Hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsimula na raw ang himagsikan.

Dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla. Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan. Di ito nangahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang makasugat sa gagamit. Isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng isang kawani na yaon ay estudyante. Isang bingi ang sinino sa Dulumbayan. Hindi ito sumagot. Binaril. Patay! Sa isang tindahan ay si Tadeo kaagad ang ipinakibalitaan. Binaril na raw, anang pinagtanungan. Napadaing ang babae. Malaki raw ang utang ni Tadeo sa kanya. Anang kausap ay baka raw madamay pa kay Tadeo ang may tindahan. Natahimik ang babae. Luku-luko raw si Isagani. Kusa pa raw nagpadakip. Babarilin daw malamang. Walang anuman daw sa kanya't walang utang sa kanya si Isagani, anang ginang na may tindahan. Ano raw kaya ang gagawin ni Paulita. Baka raw pakasal sa iba, anang tumugon. Halos lahat ng bahay ay may mga nagrurosaryo. Sa tirahan nina Placido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Gawa lang daw iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isa'y si Quiroga ang may gawa. May ibig daw ipasok na kontrabando si Quiroga at nasa look na sandaang libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi. May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay Quiroga. Kunwa'y binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating ay si Placido . Kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura si Simoun. Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi raw mangyayari iyon, anang isa, dahil si Simoun na siyang madalas magpayo niyon ay maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang bagong dating. Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay mga artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos hubad. Ngunit nakita man iyon ni Ben Zayb ay di na nabalita. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Ano ang palatandaan na takot ang mga prayle sa mga pangyayari? Sagot: Ni isa'y walang sumipot sa tindahan ni Quiroga gayong may mga bagong dating na panindang "nabibili" ni (nang walang bayad) sa intsik. 2. Bakit ayon kay Ben Zayb ay nakasisira ang pagtuturo sa Pilipinas? Sagot: Natututo raw na maging rebelde ang mga Pilipinong dumudunong. Iisa sila ng katuwiran ni Padre Damaso (Noli Me Tangere) 3. Ano ang balak ni Simoun sa mga baril at kartutsong ipinatago niya kay Quiroga? Sagot: Ipamamahagi iyon sa mga taong bayang sasanib sa kanyang paghihimagsik. 4. Bakit ayaw makipagkita si Simoun kahit kay Quiroga? Sagot: Siya ay sugatan. Ayaw niyang mausisa ukol doon. Masama rin ang kanyang loob sa mga pangyayari. Namatay si Maria Clara. Nasira ang balak na paghihimagsik. Mainit ang kanyang ulo. Kailangan niya ang mapag-isa , makapagisip-isip. Pahiwatig ng kabanata: -Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na pangyayari. Kalimitan, pag-nagpasalin-salin, ito'y marami nang dagdag. -Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang aring pagtakpan kahit ng mga pahayagan.

Points of Note: This chapter is a clear description of the image of a fearful society, and how this fear causes more damage than an actual battle. Here we see how news grows bigger and bigger through word of mouth. What is called the city of Manila during those days is the Walled City or Intramuros. Frequently Asked Questions: Question: What signifies the fear of the friars in recent events? Answer: Not one of them went to the house of the Chinese businessman Quiroga, despite the fact that there have been new arrivals for them to choose from and “purchase.” Question: Why does Ben Zayb say that teaching can destroy the Philippines? Answer: According to him, the Filipinos who grow in knowledge learn to become rebels. Ben Zayb shares the same opinion with Padre Damaso in Noli Me Tangere. Question: What does Simoun plan to do with the guns and cartridges he left with Quiroga to hide? Answer: He will distribute those among the men who will join him in the revolt. Question: Why doesn’t Simoun show his face to anyone, not even Quiroga? Answer: He is ill. He does not want to be questioned about his condition. He also does not feel good about the events that have transpired. Maria Clara is dead. The plan to revolt is compromised. His temper is short. Simoun wants to be alone, to think things through.

Kabanata XXIX Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago (Buod) Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre Irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni

Kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni Padre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa. Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan. Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita. Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hangang paraan. ••• Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Lahat ng tadhana ng testamento ni Kapitan Tiyago ay gawagawa ni padre Irene Sa ganitong paraan nagkakamal ng malaking lupa at kayamanan ang mga orden, at ang simbahan at kadalasan ang mga anak ng namatay na mayaman ay nangauulila maging sa pamana. 2. Pati sa damit na isusuot ay nagtipid si Padre Irene. Mababawasan pa ang kanyang makakaparte. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Ano ang kahulugan ng tanong ni Quiroga kay Primitivo: Sigulo puede contalata aliendo galela con kilisto, ja? Cuando mia muele mia contalatista, ha? Tugon Ito’y nagpapakita ng kataliman ng intsik sa negosyo, mapagkakakitaan; walang bawal-bawal. Ito ri’y nagpapakitang ang intsik na ilan, kaya nagkristyano ay di dahil sa pananampalataya kundi sa lalong ikaluluwalhati ng kanilang nagosyo. At totooito sa karamihan ng mga intsik na nagsisikuha ng pagmamamayang pilipino-sa ikaluluwag lamang ng kanilang kabuhayan. Ito ang kahulugan o salin ng pagagong kastila ni Quiroga: Kung mamatay ako, maaari marahil na ako’y makipagkontrata kay kristo sa pagtatayo ng sabungan sa langit, ha? ••• Pahiwatig ng kabanata: -Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene. -Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa

mga bagay na idiniin sa isipan ng mga mananampalataya. Points of Note: Everything that is stipulated in Capitan Tiago’s last will and testament is fabricated by Padre Irene. This way, the church gets the most out of the riches of the deceased, and his loved ones and relatives are greatly bereaved, and deprived even of their rightful inheritance. It can be observed that even in his garments Padre Irene has gone overly frugal. Frequently Asked Questions: Question: What does Quiroga’s question to Don Primitivo mean: “Surely, one can make a contract for a cockpit with Kilisto, ha? When I die, I’ll be the contractor, ha?” Answer: This shows the sharp mind of the Chinese when it comes to business. If there is a way to earn money, there are no boundaries as to what can be done and what cannot be done under the law. This also shows that some Chinese businessmen who have chosen to convert to Christianity, have done so not because of a change of heart or a change in faith, but simply for the sake of their growing businesses. And this is true to those Chinamen who took upon themselves Filipino citizenship just so they could have a more luxurious lifestyle. This is what it means when Quiroga says, “When I die, I may have to argue with Christ about having to open a cockpit in heaven, ha?”

Kabanata XXX Si Huli Buod Nabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio. Dinamdam ng bayan nang higit ang huli. Maari raw ipatapon o patayin ang binata. Enero rin daw nang bitayin ang tatlong martit sa Kabite. Mga pari na iyon, nabitay pa. Tiyak daw na bibitayin din si Basilio. Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil di nag-aagwa bendita sa Simbahan dahil narurumihan sa tubig. Hindi raw nakasasakit ang agwa bendita. Nakagagaling pa nga raw ito. May ilan pa ang nanisi rin sa binata. Ngunit marami ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay Basilio.Tahimik ito. Naghihiganti raw lamang ang mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli na anak ng tulisang si Tales. Mabuti raw at pinaalis na niya si Huli, ani Hermana Penchang. Ayaw daw niyang magalit ang mga prayle sa kanya. Ang totoo’y di niya ibig ipatubos si Huli. Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng tungkol kay Basilio. Hinimatay pa si Huli dala ng balita. Sa Pilipinas ay kailangan ang ninong sa ano mang pagkilos. Wala nang tagatangkilik si Basilio sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago kaya’t tiyak na mabubulok sa bilangguan si Basilio o mabibitay wala mang kasalanan. Naisip niyang tulungan si Basilio. At may kung anong nagbulong sa kanya na patulong kay Padre Camorra, ang nakapagpalaya kay Tandang Selo. Kung sabagay, nang pasalamatan niya ang kura ay di ito nasiyahan. Humingi ito ng “ pagpapasakit” pa. Mula noo’y iniwasan na ito ni Huli. Gayunman, may mga binatang binambo ni Padre Camorra nang mangharana ang mga iyon sa dalaga. May nangagsapantaha na ng di mabuti kay Huli ukol kay Padre Camorra.Pinarunggitan siya sa paglalakad niya. Mula noo’y naging malungkutin si Huli. Minsa’y naitanong kay Hermana Bali kung nahuhulog sa impiyerno ang nagpapakamatay. Di natuloy ang balak niya. Natakot siya sa impiyerno.

Ipinayo ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal. Kaunting pabagsak lang daw at papayuhan na sila nito. Ngunit ang tagasulat ay walang nagawa o naipayo kundi patunguhin ang dalawang babae sa hukom pamayapa. Sa wakas ay nagpayo ang hukom: “ Ang tanging makapagliligtas kay Basilio ay si Padre Camorra – kung iibigin niya”, sabay turo kay Huli. Hindi kumibo si Huli. Inaakala ni Hermana Bali na tumpak ang payo. Ayaw ni Huli na magtuloy sila sa kumbento. Batid ni Hermana Bali ang dahilan. Si Padre Camorra ay tinaguriang Si Kabayo – sadyang malikot sa babae. Nakiusap si Huli na ang manang na lamang sana pumasakumbento. Wika ng hukom ay higit na mabisa ang pamanhik ng isang dalagang may mukhang sariwa kaysa mukha ng isang matanda. Nanaog ang dalawa. Nang nasa daan na’y ayaw na naman ni Huli. Ang pagpapakasakit na hinihingi ni Padre Camorra ay pinagbingihan ni Huli mangahulugan ng di kapatawaran ng sariling ama. Ngayon ba’y gagawin niya iyon dahil kay Basilio? Magiging isa siyang lusak. Maging si Basilio’y mandidiri sa kanya. May ilang nagparunggit na di siya papatulan ng kura. Maraming dalaga sa bayan. Aanhin nito ang isang taganayon lamang. At babarilin si Basilio! Binangungot si Huli nang gabing iyon. Dugo! Sindak! Mga putok. Nakita ang ama. Si Basilio’y naghihingalo. Kinahapunan ng sumunod ng araw ay kumalat ang balitang may mga binaril na sa mga estudyante. Ipinasiya ni Huli na kinabukasan uli ay magsasadya na siya sa kumbento, mangyari na ang mangyari. Ngunit nang mag-uumaga na’y di rin siya nagtungo sa kumbento. Dumaan ang mga araw. Umasa si Huli sa isang himala. Gabi-gabi’y di siya pinatulog ng mga pangamba. Sa wakas ay dumating ang balita mula sa Maynila na si Basilio na lamang ang nabibilanggo. Nakalaya ng lahat ang kasamahan. Ipatatapon na raw sa Carolinas si Basilio. Ito ang nag-udyok kay Huli na hanapin si Hermana Bali. Nagbihis ng pinakamahusay na damit. Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon. Tumalon sa bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento si Tandang Selo. Itinaboy ito ng palo at tulak. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nasabi ni Hermana Penchang na mabuti nang napaalis niya si Huli? Sagot Hindi totoong pinaalis niya si Huli. Masama ang loob niya nang tubusin ni Basilio ang dalaga. Ayaw niyang kasamaan siya ng loob ng mga prayle. May kaunting katwiran siya. Noo’y madaling madawit sa isang suliraning pampulitika at pangsimbahan at dahil dinakip si Basilio, at kasintahan ni Basilio si Huli, maaring madawit si Hermana Penchang na siyang pinaglilingkuran ng dalaga. 2. Ano ang hiningi ni Padre Camorra na kapalit ng pagtulong nito sa pagkapalaya kay Tandang Selo? Sagot Ang pagkababae ni Huli, ang puri ng dalaga na malaon nang pinagmimithian ng kura.

lady. She does not want to have any trouble with the friars. During those days it is quite easy to be implicated in a political or religious uprising and since Basilio is captured and Juli is Basilio’s lover, Hermana Penchang might be implicated since Juli is in her service. Question: What did Padre Camorra ask in return for helping and releasing Tandang Selo? Answer: He wanted Juli to lay with him, so he could have her as he had wanted for a long time. Question: What is it that Padre Camorra asked for in return for releasing Basilio that Juli had already anticipated and expected would be the price for such a favor? Answer: The same thing he wanted in return for releasing Tandang Selo – for her to lay with him.

3. Bakit sa simula pa lamang ay alam na ni Huli na magiging kabayaran ni Padre Camorra sa paglaya ni Basilio? Sagot Tulad ng hiling ni Padre Camorra nang tulungang palayain si Tandang Selo – ang katawan at puri ng dalaga. 4. Bakit nagtungo pa rin sa kumbento si Huli? Sagot Una, sa malaking pag-ibig at utang na loob kay Basilio. Nais niyang lumaya ang binata. Ikalawa, ang pagtiyak ni Hermana Bali na walang masamang mangyayari.

Question: Did Juli really give herself to Padre Camorra? Justify. Answer: Surely, she did. Rizal had prepared the readers for this from the beginning. How? a. Padre Camorra is depicted as one who is fond of women.

Pahiwatig ng kabanata: -Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang lahat maging ang mga may tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan. -Walang natitira sa mg kawawa kundi ang mamundok at manulisan. -Makapangyarihan ang pag-ibig.

d. Juli dies, and at the same time Hermana Bali runs outside screaming in the street. If Juli had killed herself before the friar raped her, Hermana Bali would not have behaved in such a way. Padre Camorra had done the act in front of Bali.

Frequently Asked Questions: Question: Why does Hermana Penchang say, “What a good thing I did when I drove her from my house! I don’t want to have any trouble with the friars, so I urged her to find the money.” Answer: It’s not true that she drove Juli out of the house. She didn’t like it when Basilio saved the young

b. The friar had already asked Juli to give herself to him when she begged for the release of Tandang Selo, although the young lady never gave in to his request. c. Juli is greatly anxious and doubtful about asking for the friar’s help.

e. This assault against Juli is part of the novel’s intention to awaken the hearts of the people to hatred towards the evil friars. We can point out plenty of weaknesses in Juli's character. However, these so-called "flaws" are not absolute or exclusive; what some consider weakness, others count as strength. To point out a few of these: 1. What she could have solved in all practicality, she addressed in great sentiment. Instead of selling the locket

that her beloved Basilio had given her, Juli chose to do manual labor to get money instead. We eventually discover in the story the unfortunate role of this locket in Simoun's vendetta. 2. She was too naive for her own good. Although Juli was

aware that Padre Camorra desired her, and that the curate was notorious for being a womanizer, she still went to him for help. This led to an attempted rape, which led to her death.

Kabanata XXXI Ang Mataas na Kawani (Buod) Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye. Una’y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio. Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas. Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito. Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo: “Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo”. Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo (bapor). ••• Mga Tanong at Sagot 1. Bakit Matanglawin ang naging bansag kay Kabesang Tales? Sagot Sinasabing ang lawin ay may napakatalas na mga mata. Parang lawin naman ang mga mata ni Kabesang Tales sa likod ng kanyang baril.Bawat matingnan, napatatamaan. 2. Sino ang unang nakalaya sa mga estudyante? Sino ang huli? Sino ang hindi nakaalpas? Bakit? Sagot Sa tulong ng kanyang salapi, una sa lath ng nakalabas sa bilangguan ay si Makaraig. Huli si Isagani dahil sa malayo ang kanilang bayanat natagalan bago dumating ang amaing pari. Si Basilio ang tanging naiwan sa kulungan. Wala siyang padrino o ninong na nagmalasakit. 3. Bakit nagiging tila maka-Pilipino ang Mataas na Kawani? Sagot Una, siya’y isang taong marangal at may puso. Ikalawa, naniniwala siyang ang pagbibigay ng katarungan sa mga Pilipino ay higit na nakapagpapadakila sa bansang Espanya. 4. Ano ang kahalagahan ng Mataas na Kawani sa nobelang ito? Sagot Sa tulong ng paglalarawan sa Mataas na Kawani ay naipakita ni Rizal ang kanyang kawalang–pagkiling sa pamumuno niya sa mga sakit ng bayan. Binatikos niya ang masamng Kastila; Pinuri niya ang marangal at dakila. Pahiwatig ng kabanata: -Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang

pagpapatunay na may ilan ding Kastilang may ugaling marangal. -Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito ang larawan ng katarungan sa ating bansa. Frequently Asked Questions: Question: Why do people call Kabesang Tales “Matanglawin”? Answer: They say that the lawin (hawk) has very sharp eyes. Tales’s eyes are likened to those of the lawin; whever he spots, he shoots without missing. Question: Who is the first student to go free? Who is the last? Who didn’t make it out? Why? Answer: Because of his wealth, the first to get out of prison before everyone else is Macaraeg. Isagani gets out last because it takes quite some time for his uncle (a priest) to make it to town. Basilio is the only one left in prison. He has nobody to vouch for him. Question: Why does the high official seem to be proFilipino? Answer: First of all, he is a man of honor. Second, he believes that giving justice to the Filipino people would be an honorable act of Spain. Question: Is Rizal totally opposed to the justice brought about by a revolution? Answer: No, he is not. Rizal agrees that a revolution is in order if the nation already suffers from too much abuse and maltreatment from the government.

Kabanata XXXII Ang Ibinunga ng mga Paskin Buod Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay din a nagpaaral ng mga anak. Buti pa ang maglimayom o kaya’y masaka. Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isagani’y sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.

Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan. Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng iba’y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita. Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila. Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala. Ito’y ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilalakay Simoun upang sila’y anyayahan sa piging. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Anong pangunahing pangyayari ang ibinunga ng mga paskil sa mamamayan ? Sagot Pagkakatakot, pambayang pagkakatakot. 2. Ano ang nangyari kay Isagani, Makaraig, at Basilio matapos silang dakpin ? Sagot Si Isagani ay nakapasa sa asignatura ni Padre Fenandez lamang, si Makaraig ay kumuha ng pasaporte at nagtungo sa Europa at si Basilio ay nanatili sa bilangguan. 3. Pano nabalitaan ni Basilio ang nangyari kay Huli ? Sagot Sa tulong ng kutserong si Sinong na dumalaw sa bilangguan. 4. Bakit nalimot ni Paulita si Isagani ? Sagot Natakot siya sa kagitingan ni Isagani. Maaring may nakatulong pa si Donya Victorina sa pagsulsul sa dalaga na limutin ang kasintahan at si Juanito na ang ibigin. Magkalayo ang daigdig ni Isagani na tinagurian ni Paulita na rin, na “mga pangarap “ samantalang ang kawalang isip at pagkamakasarili ni Paulita ay kataliwas sa pagmamalasakit ni Isagani sa ibang tao at sa bayan. Pahiwatig ng kabanata: -Si Paulita’y larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila ni Isagani. Hindi siya makapaghintay sa katuparan ng mga “pangarap” ng binata. -Ang dalaga’y makasarili, ang binata’y makabayan.

Frequently Asked Questions: Question: What is the foremost effect that the pasquinades brought to the people? Answer: Fear, and a great panic. Question: Who was behind the posting of the seditious and revolutionary posters? Was it Simoun? Was it the friars? Was it the government? Answer: a. Could it have been the governor-general, so that his rule would be lengthened in the event of civil unrest? It was not him. The governor-general is depicted as too dimwitted to have been able to come up with such a plan. Truth is, he could not have even been able to stay in office and govern the land if it were not for his advisers telling him what to do. b. Simoun? Simoun was ill. The posters were spread just a day after Simoun fell ill. But was it possible that Simoun could have odered Placido Penitente and the former teacher of Tiyani to do the deed for him? c. The friars and the Dominicans? Only Simoun and the friars were strongly against the establishment of a Spanish academy. A petition had already been signed to keep this plan from happening, but why were the posters necessary? Wasn’t it the plan of Don Custodio to place the academy under the administration of the University of Santo Tomas? Question: How could Paulita have ended things with Isagani? Answer: She grew fearful of the youth’s valor and heroism. Dona Victorina also could have gotten help from Paulita’s friends to finally convince her to let go of Isagani and be with Juanito instead.

Kabanata XXXIII Ang Huling Matuwid Buod Araw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya sa Kapitan Heneral. Nakahanda na ang kanyang dadalhingmga alahas at lahat na. Paniwala ng marami na hindi makapangahas magpaiwan si Smoun. Maring paghigantihan siya ng mga galit sa kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral. Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw dapat tanggapin kundi si Basilio. Dumating ang binata. Pinatuloy siya sa utusan Kay laki ng ipinagbago ni Basilio. Payat na payat, gusot ang buhok at walang ayos ang pananamit. Wala ang dating kaamuan sa kanyang mga mata.Matalim na ang mga iyon. Para siyang bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay naging masama na anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay pinarusahan ng Diyos. Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang pag-iwas niya sa gulo na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang pagkabilanggo Sasanib na raw siya kay Simoun. Noon lamang nagsalita si Simoun . Nasa sa panig daw pala niyang talaga ang katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio. Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi niyang matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-aatubili. Sinabi ni Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak. Kung noon sana’y nagkatulungan na ang mga nasa sa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.Sa mga imbi niya natagpuan ang kanyang mga katulong. Kung sila man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa sapat nang simulan nila ang paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila.

Di maunawaan ni Basilio si Simoun. Nagtuloy sila sa laboratoryo. Sa mesa roon ay may isang kakaibang ilawan. Ang pinakalalagyan ay anyong Granada, may bitak at naiino pa ang mga tila buto nito. Tinanggal ni Simoun ang mitsa. Bakal na may dalawang sentimetro ang kapal na sisidlan na may isang litrong gas. Binuhusan ito ni Simoun ng likido. Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng likido – nitroglisirina. Tumango si Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak na dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na luha ng mga api na siyang panglaban nila sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si Basilio. Hindi makakibo ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot na kasangkapang inilagay sa ilawan.Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa isang pista. Pagkaraan ng 20 minuto ang liwang nito’y mangungulimlim at kapag ginalaw ang mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa kainan at walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan. Nabigo ang pagkakagulong katulong sana ang mga artilyero dahil sa kawalan ng pangangasiwa.Ngayon kailangan niya si Basilio upang mangunguna sa labanan. . Kukunin nila sa tindahan ni Quiroga ang mga baril at patayin ang lahat ng kalaban at ayaw sumama at patayin. Hindi na sinuri ni Basilio ang narinig. Binulag na siya ng tatlo’t kalahating buwang pagkabilanggo.Nais niyang maghiganti. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Ano ang paniwala ng maraming mapamahiing Pilipino ukol kay Simoun at sa Kapitan Heneral? Sagot Si Simoundaw ay isang demonyong nagkatawang tao at siyang kumukubabaw sa Kapitan Heneral at nang-uupat sa huli sa paggawa ng kaimbihan. Kaya sa pag-alis ng Kapitan Heneral ay kasama ring aalis si Simoun. 2. Ano ang malaking ipinagbago ng anyo ni Simoun sa loob ng dalawang buwan Sagot Nawalan siya ng sigla dala ng malaking pag-aalinlangan sa katuwiran ng kanyang paghihiganti. Hindi tulad ng una, may layunin siya sa paghihimagsik—pagbibigay ng bagong –buhay kay Maria Clara. Nguni’t ngayon ay wala na iyon. Isa na lamang payak na pagnanasang pumatay at magsabog ng lagim upang mabawasan ang matinding hapdi ng awa niya sa sarili na lagi niyang ipinagkakamaling para sa kapakanan ng bayang naaapi. 3. Bakit nasabi ni Simoun na nasa mga imbi natatagpuan niya ang kanyang mga katulong? Sagot Ang pinakamalaking tulong na nakuha ni Simoun ay mula sa imbing pamahalang sibil at sa simbahan. Ang kasamaang ipinakita ng mga ito, sa tulong na rin ng kanyang panunulsol, ay siyang lalong nagpabulok sa bayan., lalong naghanda sa bayan sa di-maiiwasang paghihimagsik. Nakatulong din niya ang imbing kawal dahil sa kanyang imbing pagsisinungaling na pagtangkilik kunwa sa imbing heneral. Naroon din ang mga imbing manong sa kanilang mga kamangmangan. 4. Ipaliwanag ang sinabi ni Simoun na kailangang baguhin ang lahi. Ang amang duwag ay magkakaanak lamang ng alipin. Sagot Ang ibig sabihin ni Simoun , hindi dapat magkaanak ang mga amang hindi sasama sa paghihimagsik niya sapagka’t duwag ang mga itoat ang amang duwag ay mananatili sa pagkaalipin, samakatuwid , maging alipin din ang mga anak nito. Dahil dito,kailangang pagpapatayin ang lahat na ayaw sumapi sa himagsikan dahil ang mga iyon ay mga duwag na kailangang mamatay upang di magbunga ng marami pang alipin. Pahiwatig ng kabanata: -Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais

nilang maipaghiganti ang sariling kaapihan. -Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling sa mga maruruning at mayayaman. Ito’y pinatutunayan ng kasaysayan. -Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa pamamaraan. Hindi baling masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin. Nalimutan niyang ito’y labag sa alituntunin ng kagandahang-asal. Points of Note: Simoun had previously approached Basilio and had asked the youth to join him in his plan of revolt. That was some time in April, near the close of the semester. The students were taken to prison at the middle of April. Basilio was in jail for three and a half months. Frequently Asked Questions: Question: Why doesn’t the governor-general want to lengthen his stay in office? Answer: According to him, he is afraid of what people might say about him behind his back. The real reason is, the governor-general had already saved enough money for himself and surely, with his recent association with Simoun, the jeweler had advised him not to exert any more effort and invest any more money in trying to lengthen his term. In Simoun’s interest, however, the governor-general had already caused enough trouble to the nation to corrupt the social system and finally make it ready for a revolution. Question: What do most people believe about the relationship of Simoun with the governor-general? Answer: They say that Simoun is a demon in human flesh who controls the governor-general and seduces him to do dishonorable things. That’s why, when the governor-general leaves the country, Simoun will leave with him. Question: What has changed in Simoun in the past two months? Answer: He has lost his spirit and his vitality, brought about by his doubts regarding the true object of his planned rebellion. It wasn’t like before, when he had a clear objective to reclaim and rescue Maria Clara. Now things were different. With the maiden gone, the rebellion was purely intended to satisfy the lust to kill and exact vengeance in order to somehow dull the searing pain of pity for himself that he had always claimed was for the aggrieved and oppressed Filipinos.

Kabanata XXXIV Ang Kasal Buod Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani nguni’t hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.

Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon.May binanggit na kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito. nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaginng sumama sa kanya si Isagani.Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya. Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral,ang nangyari kay Huli. Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal. Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat – sa bahy ni Kapitan Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun. Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay luluklok.Naroon ang pinakamasarap at pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni Don Timoteo. ••• Mga Tanong at Sagot 1.Saan naroon si Isagani at wala sa pinangangaserahan? Sagot Mababasa ito sa kasunod na kabanata. 2. Ano ang katunggakan at pagka-isip alipin ni Don Timoteo sa sining ang ipinakita ni Rizal? Sagot Ang tungkol sa pinturang larawan na tinutulan niyang ilagay ni Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago bilang kapalit ng mga inalis na mga santo. Baka raw pagkamalan siya na tumatangkilik sa mga pintor na Pilipino pagkat kaya ng mga ito ang gumuhit ng larawan na wala naman siyang kamuwangan. Inibig pa niya ang mga palamuting kromo dahil hindi gumagawa nang gayon ang mga Pilipino. 3. Ano ang kahalagahan sa pag-unawa ng mga pangyayari ng pagiging kutsero ni Simoun si Sinong? Sagot Lalong lumilinaw na may kinalaman si Simoun sa matagal na pagkapiit ni Basilio. Si Sinong ang laging dumadalaw sa estudyante sa bilangguan at nagiging taga-hatid balita, lalo na ang ukol kay Huli.Ang tangang si Sinong , sa sariling kusa, ay hindi makapangahas dulaw sa bilangguan ng isang may’malaking’ pagkakasalang tulad ni Basilio. Maari siyang idawit ng mga may kapangyarihan. Ang pagdalaw niyang iyon ay isang misyon para kay Simoun – upang dagdagan ng pait ang pagkabilanggo ni Basilio at tuluyang lasunin ng ngitngit ang isip nito at damdamin. Pahiwatig ng kabanata: Ang kabanatang ito’y naglalarawan ng sakit ng ating lipunan: -Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang nagpapaanak sa

mataas na tao kahit ito’y di lubhang kakilala. Ikinararangal nila iyon at ipinagmamalaki. Sa katotohanan ang mga ito ay hindi nakagaganap sa kanilang tungkulin bilang ninong pagkat nin hindi natatandaan ang inaanak. -Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan, binyagan at ano mang pisata dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang kanilang makakaya. Ang iba’y kahit na mangutang. Points of Note: From Simoun’s house in Escolta, Basilio goes to Anloague where Capitan Tiago’s house was. Frequently Asked Questions: Question: Where is Isagani if he is not at home? Answer: This can be read in the next chapter. Question: Why is it important to remember that Sinong is Simoun’s coachman in order to have full understanding of the events? Answer: It becomes clearer that Simoun was the reason why Basilio had been detained for so long. Sinong was the one frequently visiting the students in prison and had become the messenger, especially of the news about the death of Juli. The dumb Sinong, on his own accord, did not dare visit the one with grave charges – Basilio. He could have been easily implicated by those in power. When he did finally pay the youth a visit, it was as a favor to Simoun – to add to the bitterness of his situation and to poison his heart and mind with hatred against those who put him there.

Kabanata XXXV Ang Pista Buod Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay pinagpupugayan ni Don Timoteo. Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi nguni’t wala pa ang Heneral. Nais tumungo ni Don Timoteo sa palikuran nguni’t di siya makaalis at wala pa ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon saw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan. Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May nagsabi na ang araw ng kapitan dahil natititigan na tio nang harap-harapan. Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naiisip na bigyan ng babala ang mga iyon. Nguni’t siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Slavi at Padre Irene. Nagbago siya ng isip.

Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako’y may utang na loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay nila. Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sial na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio. Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si Simoun. Nguni’t nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basilio. Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang nangasabahy. Nguni’t hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. Sa Eskolta. Matulin! Mabilis ding lumayo si Basilio. Nguni’t may nakita siyang isang lalaking tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako lalayo Bukas ay hindi na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio. Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog ang bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito. Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat. MANE THACEL PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARRA Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura nanlambot sa takot. Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral. Walng nakita kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwang hindi takot. Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin ang isang pagbibiro. Nguni’t nagsalita si Don Custodio. Ipinalagay kong ang kahulugan ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi . Di nakakibo ang lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo. Binitiwan ang mga kubyertos. Lumabo ng ilawan. Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na pimasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog, May humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon sa rin sa ilog. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Ano ang kahulugan ng Mane Thacel Phares? Tugon Tulad ng pamagat na Noli Me Tangere, ito ay hango rin sa Bibliya, sa Lumang Tipan, Daniel, Kapitulo 5, bersikulo 2528. Ayoin dito, ang Haring Belshazzar ng Babilonya ay nagdaos ng isang malaswan pagtitipon. Samantalang nagkakatuwa sa kalaswaan ang mga tao ay nakita nila ang isang kamay na buong hiwagang sumusulat sa pader ng: Mane, Mane, Thacel, Upharsin , isang babalang nagsasabing Tinakdaan na ng Diyos ang Babilonya at nabibilang na ang mga araw ng kahariang ito. Di nagtagal at ang Babilonya ay sinakop ng ibang kaharian at pinaghatian ng mga Mane at mga Persiyano. Sa kabanatang ito, ang pakahulugan marahil sa isinulat ni Ibarra o Simoun ay: Hinukuman na na ang paghahari ninyo rito at napagpuang nagkasala at kayo’y nahatulan ng kamatayan. 2. Kanino naianyo ni Basilio si Simoun samantalang dala niyon ang ilawan ng kamatayan? Tugon Sa isang demonyo o kay Satanas na naliligid ng apoy. 3. Bakit si Padre Salvi lamang ang nakakilala sa lagda ni Ibarra? Tugon Siya lamang ang nakakita na ng lagda ni Ibarra sa sulat ng binata kay Maria Clara na ibinigay sa kanya ng dalaga bilang kapalit ng 3 liham ng ina nito kay Padre Damaso. Ito ay kaniyang hinuwad sa mga kasulatang nagdawit kay Ibarra sa himagsikang kagagawan nila ni Lucas.

4. Bakit di sumabog ang ilawan? Tugon Hindi nagalaw ang pihitan ng mitsa na siya sanang magpasabog sa lalagyan ng nitroglisirina. 5. Paano nakapasok sa nahay si Isagani? Tugon Maayos ang kaniyang bihis. Inakala ng mga tanod na siya ay isang panauhin. 6. Sino ang kumuha ng ilawan at naghagis noon sa ilog? Tugon Si Isagani. 7. Bakit hindi nakita ni Basilio si Isagani sa bahay ng huli nang kanyang paroonan ang kaibigan? Tugon Tulad ng di iilang nabigo nang napakapait sa isang tapat at matinding pag-ibig, si Isagani marahil ay nagtungo sa isang lugar na mag-isa ay malaya siyang makapagmumuni-muni ukol sa kanyang kalagayan. Saka siya nagtungo sa pagdarausan ng piging upang makita man lamang si Paulita sa mga huling sandali nito sa pagkadalaga. Pahiwatig ng kabanata: -Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa mga piling panauhin. Sinasabing “Bilang na, natimbang na, hati ang inyong kapangyarihan.” Nangangahulugang nabibilang na ang araw ng mga maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang wakas, sapagkat natagpuang nagkulang at nakqkasala. -Magnum Jovem- Dakilang Jupiter. Si Jupiter ay ang Diyos ng kalangitan, ayon sa relihiyong Romano.

Frequently Asked Questions: Question: What does “Mane Thacel Phares” mean? Answer: Just like the title, “Noli Me Tangere,” this is taken from the Bible (Daniel 5:25-28). In these verses, King Belshazzar of Babylon holds a vulgar feast. While the guests indulge themselves in indecent and salacious activities, a hand then writes majestically on the wall: “Mane, Mane, Thacel, Upharsin,” a warning that means, “The Almighty God has marked Babylon, and the days of this city are numbered.” Not long after, Babylon is overcome by another kingdom and divided between Mane and Persia. Question: Why is it that Padre Salvi alone is able to recognize Ibarra’s signature?

Answer: He is the only one who has seen Ibarra’s signature – in the letter written by the youth to Maria Clara, which the lady had given to the friar in exchange for the three letters her mother had written to Padre Damaso. Question: Why doesn’t the lamp explode? Answer: The crank intended to set the fuse isn’t set. This is supposed to set off the explosion. Question: How does Isagani enter the house without question? Answer: Isagani is decently and elegantly dressed. The guards think he is one of the guests invited to the wedding feast.

Kabanata XXXVI Mga Kagipitan ni Ben Zayb Buod Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral. Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari. Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob dawn g maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha ang isang prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-guni ni Ben Zayb. Gagawin niyang bayani ang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang ginamit laban sa mga tulisan. Nagtungo siya sa Pasig. Natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra. Doon siya pinapagtika sa kasalanang ginawa sa Tiyani. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang mga magnanakaw na may taglay ng gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan. May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi’y kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik. Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang hudyat daw ay isang malakas na putok. Walang putok. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang. Nagsiurong ang ilan Ang iba’y nagsibalik sa bundok. Balak nilang maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay nagpasiyang manloob. Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila. Nguni’t si Simoun ay di matagpuan sa bahay niya . Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun. Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Bakit daw ayon kay Ben Zayb, nagtungo sa ilalim ng mesa si Padre Irene nang pumasok ang umagaw sa ilawan ni Simoun? Sagot Para raw mabilis at walang sagabal na mahabol ang di kilalang tao. Ang totoo: para magtagodahil sa takot. Doon niya nakita ang mga balutan ng pulbura sa ilalim ng mesa. 2. Bakit daw hinimatay si Padre Salvi? Sagot Dahil daw hindi nagbunga ng mabuti ang mga sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng mga sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng mga sermon niya sa pagpapakabuti, may mga indiyo pang nagiging pangahas at masama. 3. Ano pa ang ibang laman ng balita ni Ben Zayb ukol sa handaan sa kasal nina Paulita at Juanito? Sagot Pawang pagpuri sa “kagitingan at katapangan” ng mga Kastila - taong pamahalaan mula sa Kapitan Heneral hanggang sa mga prayle. 4. Ano ang naging parusa kay P. Camorra dahil sa ginawa niyang paghalay kay Huli sa Tiyani? Sagot

Inilayo siya. Pinapagpahinga siya sa bahay-liwaliwan ng mga prayle sa Pasig. Higit na paglalayo lamang sa kanya sa kapahamakan ng paghihiganti, lalo na ni Kabesang Tales, ang gayon kaysa isang pagpaparusa. Pahiwatig ng kabanata: -Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong panahong iyon. Points of Note: In this chapter Rizal gives light to the false and biased method of delivering news during those days. This is the first time that Simoun’s disguise is compromised. This is the first time that he is suspected. All the clues lead to him and all the fingers are pointing at him. Frequently Asked Questions: Question: According to Ben Zayb, why did Padre Irene rush to hide under the table when the man who grabbed the lamp barged into the room? Answer: According to him, the priest did it to get out of the way of the men who were chasing the youth. The truth: The friar hid because of fear. That was when he saw the pack of gunpowder hidden underneath the table.

Question: According to Ben Zayb, what had caused Padre Salvi to faint? Answer: According to him, the friar fainted because his sermon to the Indiyos had been in vain. After he had given a long, drawn-out speech about goodness and kindness to others, there were still Indiyos who did nothing but evil.

Question: What had been Padre Carmorra’s punishment for raping Juli in Tiyani? Answer: He was sent away. He was made to stay in the rest house of the priests in Pasig.

Kabanata XXXVII Ang Hiwaga Buod Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura . Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat - palihim nga lamang. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan. Ayon daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon-isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito. Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani. Anang may-aring si Kapitan Loleng ay magtago si Isagani. Ngumiti lamang si Isagani. Nagpatuloy si Chikoy. Dumating daw ang mga sibil. Wala namang mapgbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na iyon. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan sa imbestigasyon. Naku, kung may isa man lang daw na nanigarilyo sa mga trabahador, sasabog ang buong daan ng Anlogue. Kung sumabog daw ang mga pulbura ang noong gabi. Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino ang pinaghihinulaan. Mga prayle. Si Quiroga. Isang estudyante. Si Makaraig. At tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ani Chikoy: ayon sa ilang kawani, si Simoun. Nagtaka ang lahat. Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago magsimula ang hapunan. Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang ito’y pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao. Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuo’y namamatayan ng ningas. Nagpayo’t dito sa silid ni Isagani.Nagpatuloy si Chikoy.Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan ay siyang magpapasiklab sa pulbura. Nahintakutang gayon na lamang si Momoy. Nguni’t nang makita ang kasintahang si Siensa na nakatingin sa kanya ay nagtapangtapangang nagsabi: Masama ng ginawa ng magnanakaw. Mamatay sanang lahat! Nag-antanda sa takot ang lahat ng matanda at babae. Lumapit si Momoy kay Isagani. Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na mahiwang nakangiti. Kung nalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang nilalayon .kung siya ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang gayon. Pantayan man ng kahit ano . Hindi ako tatayo s kanyang kalagayan! Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi na bumalik pa sa kanyang amain. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Bakit pinapagtatago ng mga kasamahan si Isagani? Tugon May hinalang siya ang naglagay ng mga pulbura sa bahay ni Kapitan Tiyago upang paghigantihan si Juanito. Ito’y hindi totoo. Napatunayan ding si Simoun ang may kagagawan niyon. 2. Bakit hindi nailihim sa sambayanan ang kaguluhan sa bahay ni Don Timoteo at ang kaugnayan dito ni Simoun? Tugon May mga manggagawa, mga kawani sa pamahalaan, nangakakita’t nagakasaksi sa mga pangyayari sa gabi ng hapunan at nang magtanggalan na ng mga gamit sa piging. May pakpak ang balita; may tainga ang lupa. 3. Patunayan na si Isagani ang kumuha ng ilawan at nagtapon nito sa ilog. Tugon (a) Siya ang huling kausap ni Basilio na tanging nakababatid ng layunin ng ilawang iyon. Ang hindi niya naisisip ay ang layunin ni Simoun sa pagpapasabog sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang tanging nasa isip niya nuon ay si Paulita. Si Isagani ang pumasok sa bahay nang makaalis na si Basilio.

(b) Sa salita na rin niya na kung ang magnanakaw ay nakababatid lamang ng layunin ng pagsabog ng ilawang iyon o kung makapaglimi lamang ito ng bahagya . Hindi sana ginawa ng ginawa ng magnanakaw na iyon ang gayon! At sa salita niyang Pantayan man ako ng kahit ano ay di ako lalagay sa tayo ng magnanakaw! ay isang paghihiwalay niya sa katauhan ng lito at baliw sa pag-ibig na Isagani at ng Isaganing nagsisisi at nalason na ng poot at pait ng pagkabigo at paghihiganti. Sa katauhan niya ngayon, ang ibig sabihin ni Isagani, ay hindi niya gagawin ang kanyang gingawang pagkuha sa ilawang iyon. ••• Pahiwatig ng kabanata: -Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang lihim na hindi nahahayag. . Frequently Asked Questions: Question: Why did Isagani’s friends put him into hiding? Answer: There were rumors going around that Isagani was responsible for putting the gunpowder in Capitan Tiago’s house to get back at Juanito for taking Paulita away. This, however, was not true. Eventually it was proven that Simoun was the person behind it all.

Question: Why couldn’t the trouble at the house of Don Timoteo and Simoun’s connection to it be kept a secret from the people? Answer: There were workers, government officials, and witnesses on the night of the feast. News has wings; the ground has ears. Question: Prove that Isagani was the one who took the lamp and threw it into the river. Answer:

a. He was the one who had last corresponded with Basilio, and the only other person who had known the purpose of the lamp. b. He said, “If the thief had only known the true objective of that explosion, or if he had only taken a moment to think it over… he would not have done such a thing!” His words, “If I were to be paid a price – any price at all – I would never consent to be in the shoes of that thief!” clearly separate his two conflicting sides: the Isagani who had loved Paulita to death, and the Isagani who now regrets the failed plan of sweet revenge. From what he says, it is clear that he now regrets throwing the lamp into the river.

Kabanata XXXVIII Kasawian Buod Buong Luzon halos ang nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang panunulisan. Siya’y pumatay sa hukom pamayapa sa Tiyani, nanunog, nangulimbat. Ngayo’y sa Batangas, bukas ay sa Kabite, di maglilipat-araw ay sa Tayabas, pagkatapos ay sa Panggasinan o sa Albay. Laging naliligtasan ni Matanglawin ang mga habol sa kanya. At sa kawalangkaya ng mga sibil sa dumakip sa mga tulisan ay mga magsasakang walang sala ang kanilang dinarakip. May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil matapos ang isang pagsalakay ni Kabesang Tales. Abut-siko at kabit-kabit ang gapos ng mga ito na inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan ng Mayo walang sombrero at nakayapak. Ang pawis nila’t alikabok ay nagpuputik sa kanilang mukha ang magkahalong poot at kawalang pag-asa. Ni hindi nila mapahid ang mahapding pawis na sumisigid sa kanilang mga mata. Kung may isang nabubuwal sa hapo at gutom ay hinahagupit silang lahat at ang nabuwal ay makakaladkad sa kanilang pagtakbo. Sumisigaw ang nabuwal na patayin na siya. Umiiyak. Parang bata. Isinusumpa ang oras ng kanyang pagsilang. Nilalait pa sila ng mga guwardiya sibil. Nguni’t may isang sibil na tutol sa gayong pagmamalupit. Nang di makatiis ay sumisigaw na rin ito sa mapagparusa: Hoy, Mautang, bayaan mo silang magsilakad nang payapa! Nagpakikilalang bago ka nga lamang Carolino patuya pang tugon ni Mautang. Ano ba ang ginagawa ninyo sa mga bihag ng digma? Pinakukundanganan namin. Tugon ni Carolino: Mangyari’y kaaway na nagsilaban ang mga iyon ang mga ito’y mga kababayan natin! ganti ng mapagpahirap. At bumubulong kay Carolina: Ginaganyan natin iyan upang lumaban o tumakas at nang barilin na lamang natin. Isang bilanggo ang sinumpong ng pagdumi o pag-ihi marahil at nakiusap na payagan muna siyang makatigil nang sandali. Di siya pinayagan. Mapanganib daw ang lugal na iyon. Naliligid sila ng bundok. Higit kang malupit pa kaysa mga Kastila, anang bihag. Isang putok nang narinig. Gumulong-gulong si Mautang tutop ang dibdib na nilabasan ng dugo sa bibig Alto! Sigaw ng kabong putlang-putla. (matatapang lamang sa walang laban). Isang putok pa at ang kabo naman ang tinamaan sa bisig at namaluktot sa sakit. Itinuro ng kabo ang mga bilanggo. Fuego! sigaw niya. At ang mga bihag ay pinagbabaril. Saka pa lamang lumaban ng putukan sa mga nasa batuhan sa bundok. Ang mga nasa batuhan ay tinayang may tatatlong riple lamang. Lumusob ang mga sibil. Ang unang umakyat patungo sa pinangungublihan ng mga di kilalang kalaban ay gumulong-gulong na pababa. Hala, Carolino! Nahan ang mabuti mong pagpapatama! pasigaw na wika ng kabo. Isang lalaki ang biglang lumitaw sa ibabaw ng isang talampas. Nagwawasiwas ito ng baril. Paputukan! sigaw ng kabo kasabay sa pagmumura. Tatlong kawal ang nangagputok. Patuloy na may isinisigaw ang lalaki. Hindi siya mauunawaan. Natigilan si Carolino. Parang nakilala niya iyon. Tinutukan siya ng baril ng kabo. Ipinagbabaril sa kanya ang lalaki. Tumalima si Carolino. Gumulong at nawala sa talampas ang lalaki. May isinigaw ito. Natulig si Carolino. Parang nagsitalilis ang mga nagtatago sa itaas. Lumusob ang mga sibil. Isa pang lalaki ang lumitaw, sa talampas. Iniamba ng lalaki ang sibat. Pinaputukan siya ng mga kawal. Nabulid ang lalaki. Ang unang umabot sa kaitaasan ay may dinatnang matandang lalaking naghihingalo. Binayuneta ito. Di man lamang kumurap ang matanda. Nakatingin kay Carolino. Nakaturo ang daliri sa likod ng talampas. Gulila’t at putlang-putla si Carolino. Nakilala niyang ang matanda’y ang ingkong niyang si Tandang Selo. Nakita niyang ang mga nanlalalim na mata ng matanda ay mga salamin ng matinding hinanakit. At nang mamatay ito ay patuloy na may itinuturo sa likod ng talampas.

••• Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Noon pa man ay isa nang parusahan o tapunan ng bilanggo ang Siberya sa Rusya. Ayon ka Rizal, ang kalamigan ng Siberya ay mainam pa marahil kaysa parusang tinatanggap ng mga dinarakip ng mga sibil gapos na pinalalakad nang walang pandong at walang sapin sa paa sa kainitan maalikabok na lansangan sa kaparangan kasaby ng mga paglait at paghagupit. 2. Dito’y inilalarawan ni Rizal di lamang ang katangahan ng mga sibil kundi ang kanilang kalupitan sa mga kababayan. Basahin ang sinabi ng sibil ka Tano kung bakit daw pinagmamalupitan nila ang mga bihag. At ang wika ng bihag sa sibil: malupit ka pa kaysa sa mga kastila. Katutubo kaya sa atin ang ganitong kalupitan? Makatutukoy ang mga kalupitan ng Pilipino noong panahon ng Hapones. 3. Ang mga guwardiya sibil, liban sa mga puno nito ay karaniwang mga Pilipino rin. (Ang bumaril kay Rizal ay isang pangkat ng mga sibil na Pilipino.) 4. Si Tano, tulad ng hula ng marami, sa simula pa lamang kanyang pagkakawal ay naging guwardiya sibil. Matapos ang kanyang paglilingkod sa Carolinas ay nagsibil na siya at tinawag siyang Carolino o galing sa Carolinas. 5. Ang kabanatang ito ay maihamahambing sa kabanatang Noche Buena sa Noli Me Tangere sa taglay na damdamin pagkikita ng matagal na nagkawalay na mag-anak na humantong sa trahedya. Sa kabanatang ito ay may parikala o irony ng Tadhana. Si Carolino o si Tano na rin ang nakapatay sa kanyang ama, kay Kabesang Tales. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit pinatay ni Matanglawin ang hukom sa Tiyani? Tugon Ito ang humatol na pag-aari ng mga Dominiko ang lupain ni Kabesang Tales. 2. Bakit naging mapanagumpay ang panunulisan ni Kabesang Tales? Tugon Walang pananggol ang bayang hindi pinagkatiwalaan ng sandata. Walang ginagawa ang mga tao noon kundi umalis sa kanilang bayan at pabayaan ang kanilang mga bukid at kabuhayan sa sandaling mabalitang sumalakay si Kabesang Tales sa malapit na bayan. (Ganito rin ang nangyari ngayon. Ang mga mabuting mamamayan ay sumusunod sa utos na bawal ang pag-iingat ng baril. Samantala, hindi masamsam ng pamahalaan ang mga baril ng mga gangster at mga tulisan, kasama rito ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon, kaya’t ang mga mamamayan ay laging nasa anino ng lagim at pangamba sa mga sandatahang pangkat na ito.) 3. Anuo-anong ang ibinunga ng panunulisan ni Kabesang Tales? Tugon Tulad ng nais mangyari ni Simoun, ang bnayan ay lalong naging lugami. Natitiwangwang ang mga bukirin, nagkakamatay ang mga hayop sa pagsasaka, namamayani ang madudugong pagpatay at nagkatakot ang sambayanan. Namamatay ang negosyo o kalakalan sa bawa’t pook na litawan ni Matanglawin. Lumilitaw ang kawalang kaya ng pamahalaan. Mga dukha at mangmang at walang salang magbubukid ang madalas na dinarakip ng mga sibil upang pagbintangang tulisan o kinaalam ng mga tulisan dahil di nila inaabutan at madakip sina Kabesang Tales. Lalong nahihinog ang bayan sa paghihimagsik.

4. Bakit daw pinahihirapana ng mga sibil ang nangabihag na magsasaka? Tugon Ayon ka Mautang ay upang magsilaban at tumakas at nang pagbarilin na lamang nila. 5. Bakit kaya Mautang ang ipinangalan ni Rizal sa guwardiya sibil na ito? Tugon Marami nga marahil ang utang nito. 6. Sino ang itinuturo ni Tandang Selo kay Tano? Tugon Si Kabesang Tales. Mapupunang nang bumagsak ang unang lalaki sa talampas ay nagpulasan na ang mga kasamahan nito. Nangangahulugang puno nila ang napatay. Walang taong lalantad nang gayon sa mga kalaban liban na lamang kung dala ng matinding damdaming sandaling nakapagpawala ng matinong muni o isip. Naging gayon si Kabesang Tales sa diinaasahang pagkakakita sa anak. Tangi sa rito, may isinigaw ang lalaking iyon na nakatulig kay tano. Marahil ang sigaw ay Tano o anak ko! ••• Pahiwatig ng kabanata: -Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa sa mga Kastila. Walang pakundangan sa kanilang mga kababayan.

Points of Note: Siberia in Russia hand long been the place where convicted felons were thrown out and punished. According to Rizal, the cold Russian climate is an even more effective punishment than what is given to those captured by the civil guards – walking around the searing hot ground chained and without footwear, enduring the mockery thrown at them by passers-by. In this chapter Rizal describes not only the dimwittedness of the civil guards, but also their cruelty towards their fellowmen. The civil guards, apart from their leaders, are mere Filipinos. (The people who shot Rizal are a group of Filipino soldiers). Tano, like many others, had become one of the civil guards. After serving in Carolinas, he joined the guardia civil. That’s how he got his name – Carolino – which means “from Carolinas.” This chapter is similar to the chapter “Noche Buena” in Noli Me Tangere, in terms of its underlying and predominant emotion – that of reunion after a long separation of two family members, which meets a tragic end. This chapter is a manifestation of the irony of fate. Frequently Asked Questions: Question: Why did Matanglawin kill the judge in Tiyani? Answer: This was the judge who gave away his lands to the Dominican order. Question: Why did the civil guards subject the farmers they captured to great suffering? Answer: According to Mautang, so that they would try to escape or fight their way out when gunshots are fired at them. Question: Why do you suppose Rizal named this guard Mautang? Answer: He probably has so many debts to pay.

Kabanata XXXIX Katapusan Buod Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama: “Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte”. Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si Simoun may dalawang araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi pa nakabalita ang pari ng nangyari sa Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan Heneral ay may nagtangkang maghiganti kay Simoun. Ang sugat niya’y buhat daw sa kawalang-ingat, ayon sa magaalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At nakatulong ang hinala ng pari na si Simoun ay tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang telegrama. Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr. de Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun. Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip. Naisip ni Padre Florentino na isang taong palalo si Simoun. Dati’y makapangyarihan, ngayo’y kahabag-habag. Nguni’t bakit sa kanya pinili ni Simoun na makituloy? At darakpin na lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Inisip ni Padre Florentino kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong noong kapanahunan nito ay humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo. Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang nakalilipas upang tulungang makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang pagaasawa ni Paulita kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay Simoun. Nguni’t parang walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili. Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang anyo sa mukha ni Simoun. Waring isang lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng mag-aalahas. Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang pari. Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw na sinabi ng mag-aalahas na huwag na silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang dala niya ang kanyang lihim. Ang pari ay lumuhod sa kanyang reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at nanalangin sa paanan ng imahen ni Hesukristo at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang makinig. Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at pag-asa.Pinatawad ang mga nagkasala sa kanyang ama pabayaan lamang siyang mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.: pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang kaibigan. Tinika niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan ng kanyang magulang at siya’y nangangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang kapitan heneral na noon ay kumandante pa lamang. Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang maging kapitan heneral ang kaibigan at naging sunud-sunuran sa kanya dahil sa katakawan sa salapi.Inupatan niya ang kapitan sa paggawa ng maraming kabuktutan. Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari ang katahimikan. Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos Mahinahong nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay dahil masama ang kanyang pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at kasamaan.Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay mga salarin ang nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig. Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali. ngunit naitanong niya ng dahil ba sa magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap.Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang tugon ng pari. Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga hindi pa nakaranas ng pagtitiis at paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit. Sinabi ng pari ay ito raw ang isang Diyos na makatarungan.Diyos na nagpaparusa sa kakulangan natin ng pananalig at sa mga gawa nating masama.Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at karangalan ng tao.. Gumawa tayo ng mabuti , tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan. Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan. Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si Padre Florentino; “Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan ? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”

Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa durungawan. May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si Simoun. Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na.Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino. sa silid si Padre Florentino Kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun. Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon. ••• Mga Tanong at Sagot 1. Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun? Sagot Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa iba. 2. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang mabatid niyang siya ay darakpin kinagabihan? Sagot Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal. 3. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan? Sagot Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa gayon, hindi siya mapipilit ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa magaalahas sapagkat yaon ay lihim ng kumpisalan. 4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun. Alin ang una, pangalawa at pangatlong pagkabigo? Sagot Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si Simoun. Hindi niya naisagawa ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa kawalan ng ingat sa maaring mangyayari. Ang ikatlo ay dahil sa kaparaanang lubhang mahiwaga.

-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas. -Binibigyang diin ang katotohanang kung walang kalayaan ay walang katarunga. -Ang kalayaa’y maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng katuwiran at ng karangalan ng tao. -Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan. Points of Note: Both the last chapter of the Noli and the last chapter of the El Fili are untitled. The sun is about to set when Simoun reveals his true identity and life story to Padre Florentino. Frequently Asked Questions: Question: Why did Simoun go to Padre Florentino? Answer: Simoun felt that the priest was the one who could understand him more than anyone else. Question: What could have caused Simoun’s wounds? Answer: He could have gotten it from the tulisanes who thought they were being played again by Simoun in the jeweler’s plan to revolt. Read what Padre Florentino says: “--- from the hands of those you urged you have been given punishment for your wrongs.” Question: What was the mystery behind Simoun’s sad and cynical smile when he learned he was to be arrested that night? Answer: He has made up his mind to end his own life.

Pahiwatig ng kabanata: -Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao.

Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa iba't ibang kaligiran Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa sa iba't ibang kaligiran? Simulan natin sa pamagat at kung sino/ano ang nakapagimpluwensya sa pagsulat ng dalawang nobela. >Noli Me Tangere- "Huwag Mo Akong Salingin" na galing sa ebanghelyo ni San Juan Bautista. > Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. >El Filibusterismo- "Ang Subersibo" na isinulat niya para sa kaibigan niyang si Ferdinand Blumentrit. >Ang "El Filibusterismo" naman ay buong puso niyang inalay sa tatlong pareng martir na lalong kilala sa bansag na GomBurZa. Pangalawa: Saan naisulat ang mga nobela?

>Noli- Sinimulan ito sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela. >El FIli- Sinimulan niya ito sa Calamba, Laguna habang nagpapraktis ng medisina. Itinuloy niya ito sa London at gumawa ng napakaraming pagbabago sa plot at ipinagbuti pa ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy niya ito sa Paris, Madrid, Brussel at natapos sa Biarritz. Pangatlo: Saan Nailimbag ang mga nobela >Noli- Sa Impentra Letre nailimbag ang Noli na ipinautang ni Dr. Maximo Viola. >El Fili- Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891. Pang-apat: Iba't ibang pagkakaiba ayon sa aking pagsasaliksik. Gaya ng sinasabi ng marami, para sa akin ay talagang mas angat sa mga katangiang pampanitikan at panlipunan ang Noli Me Tangere kaysa sa El Filibusterismo. Tulad ng Noli Me Tangere, ang El Filibusterismo ay may layuning panlipunan. Ang dalawang nobelang ito ay kapwa bunga ng isang uri ng pagbabangon sa katauhan ng bayani, na noong panahong iyon ay maituturing na isang matapang na hakbang sapagkat alipin ang mga Pilipino.

Ngunit kakaiba sa Noli Me Tangere, ang paghahain ng katotohanan sa El Filibusterismo ay naglalayong ang bayan ay magising at maghimagsik, at hindi upang mangarap lamang ng pagbabago. Sa Noli ay may pangarap, may ganda, may damdamin ng pag-ibig, may awa. Sa Fili ay walang madarama kundi ibayong poot, kapaitan na tumitigid sa bawa't munting bahagi ng aklat, na bahagi ng bawat karanasan ng mga mahahalagang tauhan ng nobela.

dahil sa galit niya sa Espanyol, ay nagpaplano ng rebolusyon para palayain ang Pilipinas. Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya tulad ng pag-recruit sina Basilio at Tales at iba pa. Si Kabesang Tales naman ay nagalit sa mga Espanyol dahil sa mga abusong ginawa nila sa kanya tulad ng pataas ng pataas ng tax. Dahil sa galit niya, kinuha niya ang rebolbo ni Simoun at pinatay niya ang tatlong tao. Sa kabuuan, ang galit ng isang tao ay nagpapagawa ng masama o mabuting gawain.

Sa unang bahagi pa lamang ng nobela ay madarama na ang bumabasa ang tumutupok na damdamin ng pagbabangon. Ito ay kinakatawan ng mayamang mag-aalahas na si Simoun na nilalason ang puso ng layuning gisingin ang bayan upang makapagbangon laban sa pamahalaan. Muling nabuhay si Crisostomo Ibarra ng Noli sa katauhan ni Simoun sa Fili hindi upang mabuhay na muli ang kanyang sinasagisag na ideyalismo, ang kanyang magagandang pangarap sa buhay at pag-ibig. Sa kanyang pagkabuhay, namatay ang katauhan ng isang baguntaong matapos mag-aral nang mahabang panahon sa Europa ay nagnasang magpunla ng pagbabago sa bayan, hindi dahil sa pag-ibig sa bayang inaalipin kundi udyok ng mga dahilang pansarili. Ayon nga sa mananalaysay na si Rafael Palma, "Si Crisostomo Ibarra ng Noli ay hindi katulad ni Simoun ng Fili. Si Ibarra ay nagtitiwala, naghihintay at umiibig. Si Simoun ay hindi na napapadaya, hindi nagtitiwala at napopoot. Si Crisostomo Ibarra ay humihiling na pagbabago, lumalapit sa katarungan at sa kabutihan ng pamahalaan. Si Simoun ay hindi humihiling bagkus nagmamalupit, bumubulok, nagpapabangon sa karahasan, sumisira at nagpapakamatay."

Sa lipunan ng El Fili, makikita natin na ang diskriminasyon ay madalas na nangyayari. Katulad ng kutsero, ilang mga Indio ay natatakot sa mga gwardya sibil. Sa ating lipunan ngayon, marami pa ring mga kaso kung saan nadidiskriminate ang mga iba't-ibang lahi. Ang mga mayaman ay ayaw magtulong sa mga mahihirap. Hindi dapat ganito tayo. Lahat tayo ay tao, mahirap man o mayaman o kahit anumang lahi, lahat tayo ay pantay lang. Dahil dito, lahat tayo ay dapat magtulungan para mas maganda ang lipunan nating tinitirahan.

Madaling maunawaan kung bakit may malaking agwat ng pagbabago sa pagitan nina Crisostomo Ibarra ng Noli at Simoun ng Fili. Ang kondisyon ng isip ni Dr. Jose P. Rizal ang magpapaliwanag nito. Maraming malulungkot na karanasan at mapapait na kabiguan ang dinadanas ng ating bayani samantalang sinusulat niya ang El Filibusterismo, at ang mga iyon ay ang mga sumusunod: 1) ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga magsasaka ng Calamba at sa kanyang pamilya; 2) ang pagkamatay ng dalawang Pilipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan niyang si Jose Maria Panganiban; 3) ang away nina Dr. Jose Rizal at Antonio Luna dahil sa isang babae, si Nelly Bousted; 4) ang tunggalian sa pagitan nina Dr. Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng Samahan ng mga Kastila at Pilipino; 5) at ang pinakamatindi, ang pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera sa isang inhinyerong Inggles na si Henry C. Kipping.Sa gitna ng mga ganitong kabiguan, kanino kayang puso ang hindi magkakawindang-windang? Gayunman, natapos pa ring isulat ni Dr. Jose P. Rizal ang El Filibusterismo at maluwalhating naipalimbag. Ngayon, bakit dapat basahin ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo? Ano ba ang mapapala natin sa dalawang aklat na ito? Una, mataas na uri ng panitikan ang dalawang aklat na ito, partikular na ang Noli. Pangalawa, wala nang iba pang nobelang sinulat tungkol sa lipunan at lahing Pilipino na may sinlawak at singlalim na pagtalakay na tulad ng sa Noli at Fili. Pangatlo, magsisilbi itong salamin upang makita natin ang tunay nating mukha bilang mga Pilipino dahil ang kanser noon ng ating lipunan ay kanser pa rin nating mga Pilipino sa kasalukuyang panahon. Napapanahon pa rin ang mga paksa dito, akma sa ating kalagayan at angkop sa ating sitwasyon. Pang-apat, tigib ito ng mga sindi ng pag-ibig sa bayan na magpapalagablab ng ating nahihimbing na damdaming makabayan. Maraming mga maidudulot sa nobelang El Filibusterismo. Sa unang sampung kabanata pa lang, marami na akong natutunan tungkol sa akin, sa lipunan at sa Pilipinas. Para sa akin, natutunan ko na ang galit ay nakakapag-udyok na maggawa ng mabubuting o masasamang gawain. Si Simoun,

Sa bansa naman natin, nakikita natin na mabagal ang pagunlad nito. Nakalipas na ng labintatlong taon, ngunit sinabi ni Simoun na parang wala pa ring pagbabago. Lahat ng mga mahirap ay mahirap pa rin. Kung ikukumpara mo ang ating bansa sa mga iba tulad ng Europa o Amerika, makikita mo na hindi tayo kasing-advanced katulad nila. Bilang isang bansa, dapat nating gawin ang lahat para tayo ay isang bansa na advanced katulad ng Europa at Amerika. Ang ilang mga proyekto natin ay nasimulan na dati pa, tulad ng MTR, ngunit hanggang ngayon hindi pa gaano kaayos ang MTR natin. Ang nobelang El Filibusterismo ay tunay na maganda. Maraming mga aral ang maidudulot sa nobelang ito. Kahit matagal na nasulat ang nobelang ito, magagamit pa rin ang mga aral na makukuha natin dito sa lipunan natin ngayon.

Related Documents

El
October 2019 122
El
November 2019 97
El
October 2019 98
El
November 2019 96
El Noi El Gos
June 2020 28
El Es El Rey
November 2019 66

More Documents from ""

Cve Reporting.pptx
December 2019 16
Woah Ekonomiks.docx
December 2019 11
El Filibusterismo.docx
December 2019 65
Kruse Cookbook
November 2019 17