Tuntungan ng pagkahubog at pag-unlad ng lipunan ng isang bansa ang edukasyon. Ito ang mabisang sandata upang palayain ang sambayanan mula sapagkaalipin sa larangan ng kultura, ekonomiya at politika. Subalit sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan, masasalamin kung gaano-kawatak-watak ang mga Pilipino at kung paanong ang edukasyon ay tumutugon hindi sa interes ng sambayanan kundi sa interes ng dayuhang kapital. Bakit nangyari ito? Kung dahas at relihiyon ang ginamit ng mga Kastila upang sakupin ang Pilipinas, dahas at edukasyon naman ang ginamit ng Amerika upang bihagin ang kaluluwa ng sambayanang Filipino. Ang edukasyong ipinagkait ng mga Kastila sa ating mga kababayan ay siya namang ginamit na policy attraction ng Amerika upang payapain ang kalooban ng mga nag-aalasang mamamayan. Ang edukasyon
ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi