NASYONALISMO SA EDUKASYON ANG TANGING SOLUSYON Higit na dapat patatagin ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa edukasyon. Sa kabila ng pagtutol ng ibang sektor, ito lamang ang tanging paraan upang ang edukasyon ay maging instrumento sa paghubog sa mga kabataang magtataguyod ng kapakanan ng bansa. Kailangan din tiyakin ng gobyerno ang edukasyon para sa lahat na pumapanday sa pagpapatatag ng ating kultura . Ang English bilang pansamantalang unibersal na wika ay dapat pa ring pag-aralan subalit hindi siyang dapat na maging sentro ng edukasyon. Ang agham at matematika ay kailangan ding higit na pagtuunan ng pansin upang buhayin ang pambansang industriya. Dapat ding bigyan ng magandang insentibo ang mga guro sa halip na ang mga militar. Lahat ng mga makadayuhang patakaran sa edukasyon ay kailangang wasakin at buuin ang isang programa ng edukasyong nakasentro sa pagpapaunlad ng kabuhayang hindi nakabatay sa dayong kapital. Maaring ang lahat nang ito ay panaginip at imposible para sa mga di naniniwala ngunit ang kaunahang kabiguan ay ang hindi pagtatangka.
Edukasyon
Sukatin ang gawain Ang edukasyon ay ang pangunahing problema ng sangkatauhan. Kung mabigyan natin ng wastong anyo ng edukasyon at pagtuturo ang kahit isang henerasyon, matitiyak natin na ang lahat na mga darating na henerasyon ay mapalaking maayos at mamuhay sa sukdulan. Ito ay dahil sa ang bawa't henerasyon na makatanggap ng wastong paraan ng edukasyon ay maaari at magkaroon ng sapat na kakayahang palakihin ang susunod na henerasyon. Sa kabilang dako, ang kabiguan sa pagpapalaki sa gayong henerasyon sa kahit isang lipunan, at pagmasdan ang bawa't susunod na henerasyon na mas mababa kumpara sa kanyang sinusundan, nagbigay testigo sa katotohanang ang sangkatauhan ay hindi kamakailan man nagkaroon ng wastong pamaraan ng edukasyon.
Pamaraan ng Edukasyon Ang wastong pamaraan ng edukasyon ay kailangang nakabase sa pang-unawa: 1. Ang wagas na kalikasan ng sangkatauhan, lipunan, at tao (ang orihinal na anyo; 2. Ang karaniwang layunin ng sangkatauhan, lipunan, at bawa't tao (ang kahuli-hulihang anyo); 3. Ang mga pamaraang magdala ng bawa't tao, lipunan at sangkatauhan sa layuning ito. 1. Hindi buo ang pagkakilala natin sa ating tunay na kalikasan. Ang karanasan sa buhay ay nagpahintulot sa ating magpasya na ang mga tao ay makasarili at sakim, na ang lahat ng bagay na ating ginawa ay para lamang sa kasiyahan ng ating mga pangangailangan. 2. Ang layunin ng ating buhay, o ang guhit ng ating kapalaran, ay hindi natin alam. Nagkulang tayo ng kaalaman sa kahuli-hulihang anyo ng pag-iiral, ang layunin na siyang ating pinagsikapan, at organisasyong nasa pinakamabuting kalagayan ng lipunan at ng mundo. Maaari lang nating ipalagay na hawak ng kalikasan ang gayong impormasyon hinggil sa ating darating na mga anyo, na naglalaman ng kaalaman tungkol sa layunin ng pag-iiral ng bawa't tao, lipunan at sangkatauhan.
3. Ang paraan upang maabot ang layuning ito ay di maaaring maisakatuparan hanggang sa makita natin ang tungkol dito: "Ano ang layunin ng ating pag-iiral?" Ang alamin ang ating wagas orihinal na kalikasan at ang kahuli-hulihang anyo kung alin, ayon sa plano ng paglikha, ang kailangang maabot, ang magbigay sa atin ng pang-unawa ano ang mga katangian na ating kailangan para maisakatuparan ang mga pagbabagong ito. Ito din ang magpasya ng anyo ng pundasyon ng edukasyon na dapat nating kunin.
Ang dahilan ng mga pagkabigo sa edukasyon Ating maintindihan mula sa nabanggit na hanggang sa darating tayo sa kamalayan ng pangangailangang linawin ang layunin ng paglikha, at saka pagpasyahan ang paraan para maabot ang layunin, lahat ng ating mga pagsusumikap para likhain ang wastong paraan ng edukasyon ay di magtatagumpay. Ang pagkamakasarili ng tao ang magiging sanhi sa kabiguang ito kung patuloy ang pagtubo nito mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod, at para sa kapakanan ng kanyang pribadong makasariling katuparan, lalamunin ng makasariling ugali ng tao ang lahat.
Kalutasan sa problema ng edukasyon Kailangang imbestigahan ng malawakan ang kalikasan ng tao para ang malawak na mga samahan ng lipunan ay magiging kumbinsido na tayo, sa totoo, ay mga makasariling mga nilalang. Kahit na gayon ang kalikasan ng ating mundo, ang mga tao, salungat sa natira sa kalikasan, ay hindi pinagkalooban ng panloob na pag-uugaling programa, at sa gayon tayo ay nangangailangan nito. Ang mga hayop ay hindi nangangailangan para sa kanilang mga anak na sumailalim sa gayong edukasyon, dahil ang kanilang mga pag-uugaling kilos na likas ay naitalaga sa loob ng kanilang kalikasan. Ito ay sapat para sa kanila para kumilos ng maayos sa kanilang buong buhay. Sa lahat ng mga buhay na mga nilalang, ang mga tao lamang ang kulang sa programa ng kalikasan para sa wastong pag-uugali; ang mga tao lamang ang may kalayaang pumili ng kanilang mga gawain. Ang bawa't tao na nagkulang sa kamalayang ito ay namuhay sa partikular na pananaw sa buhay, kasama ang sariling-gawang mga layunin at sariling-gawang katangiang mga gawain. Ang ganoong tao ay pumili at lumikha ng kanyang sariling sistema ng edukasyon, at ang lahat na sistemang iyon ay makaranas ng pagbagsak. Ang lugar ng nawawalang napagkalakhang mga batas ng pag-uugali ay kailangang punuin ng wastong paraan ng edukasyon. Hanggang sa mapag-aralan natin ang mga batas ng kalikasan, at mapag-aralan kung paano mamuhay ng maayos sa mundo, wala tayong maipasa sa susunod na henerasyon. Sa karagdagan, tayo ay mananatiling alanganin kung pinalaki ba natin ang susunod na henerasyon sa maayos, at ang buong buhay natin ay magiging sunod-sunod na pabalik-balik na mga kamalian. Ibig sabihin nito na tayo ay pinilit na imbestigahan ang ating kalikasan at layunin, at sa basehan sa gayong mga pag-iimbestiga, likhain ang programa ng pag-uugali para sa ating buhay sa mundong ito; at pagkatapos ituturo ito sa ating mga anak.
Edukasyon – pagkakatugma sa pinakamakapangyarihang kalikasan Kung obserbahan natin ang kalikasan ng ating mundo, makita natin na ang bawa't uri ng nilalang, kung anong buhay na bagay, selula, o organo man, ay naglingkod sa pangangailangan
ng iba. Ito ang natural na mekanismo sa mundo, sa santinakpan, at sa katotohanan. Lahat ng buhay ay kumilos gaya ng saradong sistema ayon sa iisang programa. Para mamuhay ng maalwan sa sistemang ito, ang sangkatauhan ay kailangang magkaroon ng pagkakahawig, homeostasis, at pagkapareho nito. Ito ay maabot sa pamamagitan ng wastong balanse sa pagitan ng pagtanggap at pagbigay sa bawa't tao na may kaugnayan sa nakapaligid na kalikasan at lipunan. Ang wastong pormula ng pag-uugalli sa bawa't tao, depende sa natural na mga katangian at nakapaligid na mga pagkakataon ng bawa't tao ay pinag-aralan sa siyensya ng Kabala. Kaya, kung wala ang kaalaman sa siyensyang ito, hindi natin maabot ang wasto at balanseng pakikisalamuha sa mga taong nakapaligid sa atin, sa kalikasan at sa lipunan. Wala din tayong maituturo sa ating mga anak.