Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao- Grade 9 January 22, 2019 I. LAYUNIN: Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan: • Natutukoy ang mga pagbabago sa iyong pansariling salik mula sa baitang 7 hanggang ngayon at naiugnay ang mga ito sa pipiliing track o kurso sa hinaharap; • Naipaliliwanag ang batayang konsepto; at • Nakagagawa ng hakbang upang paghandaan ang pipiliing track o kurso. II. NILALAMAN 1. Paksa: : Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay 2. Kagamitan: Tulong biswal, larawan at Video 3. Sanggunian: Modyul 13 p.p 218-229 III. PAMAMARAAN 1. Panimulang Gawain a. Pagbati ng guro b. Pagdarasal c. Pagtala ng liban 2. Paglinang ng Aralin a. Unang Gawain: Magpapakita ng isang larawan at pagbibigay ng tanong sa mga mag-aaral: Tanong: Ano ang kahulugan ng ipinapakita sa larawan? Ano ang koneksyon nito sa iyo bilang isang mag-aaral? b. Pagpapakilala sa paksa at sa mga layunin na inaasahan magawa ng mga mag-aaral pagkatapos ng aralin. c. Pagpapakita ng isang video patungkol sa pagpili ng kurso sa kolehiyo. d. Pag pili ng guro sa mga mag-aaral na magbabahagi ng kaisipan na kanyang na tutunan sa video na napanuod. e. Pagtatalakay: Tatalakayin ng guro ang patungkol sa mga salik na tamang pagpili ng kurso. e.1 Mga salik tulad ng talent, kasanayan, hilig, pagpapahalaga at Mithiin. e.2 Multiple intelligences ayon kay Howard Gardner
f. Pag sagot at pag bibigay ng interpretasyon sa resulta ng MI survey form. 3. Paglinang ng kaalaman Pagbuo ng grupo para sa pangkatang Gawain: g.1 Bawat grupo ay mag kakaroon ng gawain nag papakita ng kanilang talento Tanong: Paano mo ngayon pipiliin ang kurso na iyong kukunin sa senior high o sa kolehiyo? 4. Panapos na pagtataya: Babasahin at sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungan sa pisara. Isusulat ang sagot sa isang sangkapat na papel. 5. Takdang Aralin: Sagutin ang Tseklist ng kasanayan sa pahina 212-213. Isulat ang sagot sa isang buong papel.
Inihanda ni: Charlie C. Tocmo ESP 9 Teacher
Inobserbahan ni: Mrs. Luzviminda C. Catigara RSD-JHS Head