Filipino Interbyu Buod Sintesis.docx

  • Uploaded by: Marie Denise Esguerra
  • 0
  • 0
  • July 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipino Interbyu Buod Sintesis.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,270
  • Pages: 12
Republika ng Pilipinas Nueva Ecija University of Science and Technology General Tinio Campus College of Nursing

Pag-iinterbyu, Pagbubuod At Paggawa ng Sintesis

Ipinasa nina:

Ipanasa kay:

Jean Karlo Cabalbag

Bb. Alexandra Joyce P. Imbag

Chris John David Claudio Christian Dayao Marie Denise Esguerra Joycelyn Gagarin Laarni Mangahas

INTERBYU

Flocerfida C. Cabalbag 53-taong gulang Mananahi

1. Anu-anong katuturan ng tiyak na kagawiang pangkomunikasyon sa inyong buhay bilang tao at bilang Pilipino? “Ang katuturan ng kagawiang komunikasyon sa atin bilang tao o bilang Pilipino ay dito nagkakaroon tayo ng pangkalahatang mailahad ang nilalaman ng ating isipan, kalooban at damdamin, sa pamamagitan din nito makakakuha tayo ng kaalaman o impormasyong nakakatulong sa ating buhay.”

2. Anu-ano ang maiaambag ng kagawiang pangkomunikasyon sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng inyong pamayanan? “Ang gawaing pangkomunikasyon ay nakapagaambag sa pagpapatatag o pagunlad ng isang pamayanan sa pakikisalamuha sa ibat ibang tao na maaari na makapagbigay tulong kung ikaw ay may talentong hindi mo alam kung paano sisimulan.”

Gorgonia R. Ocampo 79-taong gulang Nagbebenta ng bigas

1. Ano-anong katuturan na kagawiang pangkomunikasyon sa inyong buhay at bilang Pilipino? “Pagpapahayag ng mayos sa sarili tulad ng pakikipag talakayan, pikikipag ugnayan at pagkakaunawaan ng bawat tao.” 2. Ano-ano ang maiaambag na kagawiang pangkomunikasyon) sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng inyon pamayanan? “Mas makikilala ang bukal na pagmamahalan, inspirasyon ng bawat mamamayan tungo sa isang mapapaya at maulad na pamayanan.”

Kristina Santiago 24-taong gulang Kahera (7-Eleven Convenience Store) 1. Anu-anong katuturan ng tiyak na kagawiang pangkomunikasyon sa inyong buhay bilang tao at bilang Pilipino? - "Bilang kahera ng isang convenience store, mahalaga para sa akin ang paggamit ng mga tiyak na kagawiang pangkomunikasyon dahil ito ang nagiging daan para magkaroon kami ng palitan ng mga mensahe at pagkakaintindihan ng aming mga customers. Karaniwan na sa akin ang pagpapahayag ng mga pagbating gaya ng "magandang umaga po" o 'di kaya naman ay "maraming salamat po, balik po kayo". Sa araw-araw kong pagtatrabaho ay nakasanayan ko na ang paggamit ng "po" at "opo" kahit na hindi tiyak kung ang customer ay mas bata sa akin. Bilang Pilipino, mahalaga na sanayin natin ang ating mga sarili ang paggamit ng mga salitang gaya nito bilang paggalang at pagpapakita ng respeto sa ibang tao, matanda man o hindi at mayaman man o mahirap." 2. Anu-ano ang maiaambag ng kagawiang pangkomunikasyon sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng inyong pamayanan? - "Ang kaunlaran ay hindi lamang nababase sa mga materyal na bagay, o naglalakihan at nagtataasang mga imprastraktura na matatagpuan dito sa aming pamayanan sa Cabanatuan, kundi ito ay base rin sa mga tao, higit sa ugali ng bawat isa. Masasabi ko na ang kagawiang pangkomunikasyon ay pwedeng maging pundasyon ng pamayanan kung patuloy lamang na paiiralin ang mga mabubuting mga salita na gaya ng "po at "opo". Ang pagpapakita ng paggalang at respeto ay matatawag na din na "kaunlaran", hindi lamang sa sarili, pati na rin bilang tao. Bukod pa rito, ang mga gawing pangkomunikasyon na alam ko ay dumadami at patuloy na umuunlad at lumalawak sa araw-araw kong pakikipagtagpo mula sa iba't-ibang klase ng tao.”

Jannelle Tangalin 19-taong gulang Mag-aaral

1. Ano ang katuturan ng tiyak na kagawiang pangkomunikasyon sa iyong buhay bilang kabataan at bilang Pilipino? -“Bilang isang kabataang nabubuhay sa moodernong panahon, napakahalaga saken ng pakikipagkomunikasyon sa bawat taong aking nakakasalamuha at sa aking pangaraw araw na pamumuhay. Sapagkat sa pamamagitan nito malaya kong naipapahayag ang aking saloobin at aking mga nais sabihin. Tunay ngang napakahalagang instrument upang tayo’y magkaintindihan at magkaunawaan sa lahat ng bagay.” 2. Anu-ano ang maiaambag ng kagawiang pangkomunikasyon sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng inyong pamayanan? -“Napapalakas o napapatatag nito ang relasyon ng bawat isa ng aming pamayanan. Halimbawa na lamang nito ay kapag magkakaroon ng mga pulong pangbarangay lumalahok ang lahat upang malaman ang mga nais ipabatid sa kanila. Sa pamamagitan nito Malaya silang makapagtanong at nakakapagbigay ng mga ideya tungkol dito. Mas nagiging malawak at malalim ang pakikipagtkapwa tao ng bawat isa dahil sa maganda at mahusay nilang pakikisalamuha at pakikipagkomunikasyon sa isatisa.”

Earl Lindsay P. Bondoc 21 College Student

1. Ano-ano ang katuturan ng tiyak na kagawiang pangkomunikasyon sa inyong buhay bilang tao at bilang Pilipino? - Si Earl ay isang studyante at ayon sa kanya, ang isa sa tiyak niyang paggamit ng kagawiang pangkomunikasyon ay kanyang paggamit ng salitang Filipino, kung hindi naman kinakailangan makipagusap sa iba gamit ang ibang lenggwahe tulad ng Ingles. Ginagamit niya ang salitang Filipino sa pakikipagusap sa kanyang kapwa mag-aaral at kanyang mga guro sa loob ng kanilang paaralan. Para mas maipahayag ng malinaw ang mensahe at mas magkaintindihan ang bawat isa. Ayon sa kanya, ang kagawian niyang ito ay masasabi niya na siya’y isang tunay na Pilipino. 2. Ano-ano ang maiiambag ng kagawiang pangkomunikasyon sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng inyong pamayanan? - Ayon sa kanya, ang paggamit ng wikang Fillipino ay nakakatulong sa paglago ng isang indibidwal na tulad niya bilang isang Pilipino. Hindi lamang sa magaaral na katulad niya, kundi sa lahat ng mga Pilipino. At iyon ay nakakatulong sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng isang pamayanan.

BUOD

Si Gng. Cabalbag, isang mananahi, ay naniniwalang lubos na mahalaga ang pakikipagkomunikasyon lalo na sa kanyang trabaho. Ito ang nagiging daan sa pakikipagpalitan niya ng nararamdaman sa kanyang mga nakakausap. Bukod dito, malaya ang kanilang mga saloobin kung ano nga ba ang katuturan ng tiyak na kagawiang pangkomunikasyon sa kanilang buhay bilang isang Pilipino.

Si aling Gorgonia "Onya" ay ng titinda ng bigas sa kanilang lugar gumagamit siya ng tiyak na komunikasyon sa araw-araw lalo na pag may mga bumibili sa kanya, tinatakay niya ang mga mamimili pag sila ay naguguhulan o kaya hindi alam ang pinagkaiba ng kayang tinitinda, dahil dito madalas siya makipag ugnayan, at kakaintindihan sila ng kanyan mamimili.

Si Bb. Kristina, kahera sa isang sikat na convenience store, ay gumagamit ng mga tiyak na pangkomunikasyon sa araw-araw niyang pakikisalamuha sa mga customers. Ayon sa kanya, mahalaga ang paggalang at pagpapakita ng respeto sa pamamagitan lamang ng wastong paggamit ng mga salita sa pakikipag-usap. Mahalaga para sa kanya ang pagbati sa tuwing siya ay nakikipagpalitan ng salita. Ang lahat ng ito ay sapat na basehan para masabi na ang pagiging isang mabuting kahera gaya ni Bb. Kristina ay siya ring sumasalamin sa pagiging isang mabuting Pilipino.

Si Janelle, isang mag-aaral, ay malayang nailalabas ang kanyang mga saloobin o nagkakaroon ng pagkakatoon na maipahayag ang kanyang kaisipan, kalooban at damdamin sa pamamagitan ng mga kagawiang pangkomunikasyon. Bukod dito, mas napapaigting ng mga ito ang pakikipagtalastasan at nakakabuo siya ng isang matibay na relasyon sa kausap. Siya ay naniniwala na napakahalagang malaman na ito ay lubos na napakahalaga sa loob ng bawat pamayanan at saan pang komunidad. Iminumungkahi din niya na dapat mas pagigtingin ito upang mas magkaroon ng pagkakaunawaan at mas malalim pang ugnayan sa bawat isa.

Si Earl Bondoc ay isang kolehiya na patuloy ang paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagusap. Ito ay para sila’y magkaintindihan ng husto. At dahil dito, ang patuloy na paggamit ng wikang Filipino ay sinasabi nyang nakakatulong sa paglago ng isang indibidwal na tulad niya sa kapwa nya mga Pilipino at syang magpapaunlad at pagpapatatag ng isang pamayanan.

SINTESIS Kahit saan man galing sektor ang isang indibidwal, lalo na kung siya ay Pilipino, tiyak na siya ay gumagamit ng mga kagawiang pangkomunikasyon. Sadyang mahalaga ang kagawiang pangkomunikasyon sa kanilang hanap-buhay o kasalukuyang pag-aaral at tila ito ang kanilang ginagamit upang magbahagi ng kanilang mga saloobin, sagot sa mga tanong ng kanilang mga mamimili at pagpapakita ng respeto sa kanilang parokyano. Sa kadahilanang ito, nagagawa nila ng husto ang kanilang trabaho o gawain sa eskwelahan na alam nilang sila ay makakatulong sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng kani-kanilang pamayanan.

Related Documents

Buod
June 2020 10
Filipino
November 2019 31
Filipino
June 2020 24
Filipino
November 2019 34
Buod Sa El Fili
May 2020 10

More Documents from ""