Buod Ng Prologue Ng Exes' Club (pdf Version)

  • Uploaded by: Carlo Palmes
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Buod Ng Prologue Ng Exes' Club (pdf Version) as PDF for free.

More details

  • Words: 1,448
  • Pages: 6
BUOD NG PROLOGUE NG EXES’ CLUB Ni Carlo Palmes, may-akda ng “Elehiya” at iba pang mga tula sa GalunggongExpress.

http://galunggongexpress.blogspot.com/ http://charlespost.blogspot.com/

PRAISES FOR BUOD NG PROLOGUE NG EXES’ CLUB:

“A bestseller in the making.” --Mang Romy, may-ari ng Car Aircon Repair shop sa may kanto

“Naks. Akalain mo ‘yun. Nakabuo ng ganito si Carlo. Galing!” --Joebert, isang magtataho sa may Tomas Morato

“A classic.” --THE DAILY TEASER

“A-ano ‘yun?? Pakiulit nga’t hindi kita marinig.” --Mrs. Cruz, isang librarian

“Talaga lang ha. Akalain mong serious pala si PJ diyan. ‘Kala ko lokohan lang.” --“Raven”

Para kina Tuesday, Rachel, Paris at Raven ng totoong buhay.

Maraming bagay sa mundo ang pansamantala lamang. Halos lahat. Tulad ng ilang mga bagay na hindi natin mapigilang gawin, halimbawa na riyan ay ang mahabang paghahanap ng isang tao sa kanyang soul mate. Sa araw-araw ay hindi natin maiiwasang ang sarili na magtanong, “siya na ba?” hanggang sa tayo ay tumanda na’t nahanap na ang tunay na makakapagpaligaya ng ating puso. Ngunit sa paglalakbay na iyon ay marami tayong natututunan—mga leksyong kung minsan ay pinagsasaluhan ng dalawang tao—at siyempre, marami tayong nakikilalang tao na hindi natin alam kung kaibigan ba talaga natin o hindi. Narito ang isang istorya sa buhay ni PJ, na kanyang naranasan magmula noong siya’y binata pa. First year high school si PJ nang makilala nito si Tuesday. Magkaklase sila sa pinapasukan nilang paaralan. Noong una’y walang nararamdaman si PJ sa kanya ngunit hindi nagtagal ay nahulog na ito sa dalaga dahil lagi silang magkasama noon sa mga groupworks. Tinadhana nga raw, sabi pa noon ni PJ. Ilang buwan ang lumipas, naging sila ni Tuesday. Ngunit masyado pang bata noon si PJ. Para siyang tatanga-tangang sundalong walang dala ni isang sandata na sasabak sa giyera. Wala siyang alam sa kanyang pinasok na relasyon, kaya nanlamig si Tuesday sa kanya. Hindi alam ng mga kaklase ang estado ng pagsasama ng dalawa, dahil dito ay maraming nanligaw kay Tuesday na lingid sa kaalaman ng binata. At tuluyan nangang nabihag ni Roman ang puso ni Tuesday. Si PJ naman, wala nang pakialam kay Tuesday mula nang mabalitaan nito ang panliligaw nina Roman, Neville at Sam (hindi nagtagumpay ang dalawang huli; si Sam ay may girlfriend noong mga panahong iyon, si Sky). Ito ay nagbunga ng madaliang paghihiwalay ng dalawa. Lumipas ang ilang buwan, si PJ ay nasa kanyang ikalawang taon sa high school. Hindi niya maiwasang ma-insecure tuwing makikita sina Roman at Tuesday na magkasama. Imbis na malungkot, kanyang binuhos ang oras sa kawang-gawa at sa mga katropang sina Joselito (pinakamagaling ‘yan sa pakikipagtalo) at Rin Tin Tin (Tsinoy siya na magaling sumayaw). Nakilala naman noon ni PJ si Rachel, na ipinakilala ng isang church choir member na si Dina. Magkalayo ng tinitirhan sina PJ at Dina, ngunit dahil sa lintik na cellphone ay naging sila bagamat tatlong linggo pa lang silang nagkakilala. Mistulang rebound lang ni PJ si Rachel dahil hindi masyadong nagre-reply ang lalaki kapag nangungulit sa text si Rachel. Naging maganda ang plano ni PJ dahil ilang araw lang ang lumipas ay hindi na siya nai-insecure kapag nakikita sina Roman at Tuesday—o kung minsan, sina Sam at Tuesday kapag parehong busy ang mga partner nila. Isang beses lang nagkita si PJ at Rachel sa buong buhay nila, ngunit tumagal ng halos limang buwan ang “pekeng relasyon” ng dalawa. Hindi na nakatiis si PJ,

pagtungtong ng junior year ay nakipagkalas agad ito. Iyak raw ng iyak noon si Rachel, ngunit mistulang walang pakialam si PJ dahil mukhang na-in love na ito sa ibang babae. At iyon ay si Raven, isang transferee at naging kaklase nina PJ, Joselito, Rin Tin Tin, Tuesday, Roman, Neville, Sam at Sky. Doon na napagtanto ni PJ kung ano ang ibig sabihin ng “first love”, “true love”, at “love at first sight.” Magmula noon ay lagi nang nakikita itong kumakanta ng mga masasayang love songs habang may group work o vacant periods. Ilang linggo ring kinimkim ni PJ na may gusto siya sa dalaga, ngunit dumating ang isang pagkakataong ‘di na niya matiis aminin iyon. Hindi rin nagtagal, naging sila. Naging masaya at masasabing smooth sailing ang pag-iibigan ng dalawa. Lagi silang may bonding time at constant ang komunikasyon nila sa isa’t-isa. Dumating na nga ang pag-iisip ni PJ sa puntong si Raven na talaga ang babaing para sa kanya at sila pa rin hanggang sa huli. Dahil isa si PJ sa mga miyembro ng School’s Finest, isang pangkat ng mga magaaral na ipinapadala sa iba’t-ibang lugar para sa mga paligsahan at patalasan ng utak, naging abala ito sa ibang lugar, na naging dahilan ng pagkasabik ni Raven na magkaroon ng lalaking makakapiling. Nagkataon namang nakilala ng dalaga si Manuel, at dahil doon napunta na kay Manuel ang atensyon nito. Si PJ naman, walang kaalam-alam na may nanliligaw na sa kanyang girlfriend. Ang masama pa, tinamaan pa ito ng H1N1 virus kaya naka-self quarantine ang ating bida ng halos dalawang linggo. Sa kanyang pagbabalik, parang niragasa ng bagyo ang kanyang buhay dahil: 1) nahuli na siya sa mga leksyon sa paaralan, at 2) may mahal nang iba si Raven. Dahil masyadong nawindang si PJ sa mga pangyayari, hindi na nito nagawang kausapin si Raven (dahil alam niyang wala na rin namang saysay) at nakipagkalas na ito. Alam niyang hindi na siya makakabawi sa kanyang iniibig kaya kahit na masakit, nakipaghiwalay siya rito. Naging masidhi ang damdamin ni PJ sa mga nangyari. Mabuti na lang at to the rescue si Rin Tin Tin na hilig magbigay ng puting kuneho sa mga taong nabibigo. (Bigo rin noon si Rin Tin Tin. Lingid sa kaalaman ng iba naging matindi rin ang tama nito kay MJ, na girlfriend noon ni Peter Parker. Kaya kinailangan nitong lumayo sa dalaga.) Halos maging suicidal ang magbarkadang PJ at Rin Tin Tin, buti’t naagapan sa tulong ng mga kaibigan at ang crush ni PJ na si Amy. Sayang nga lang at hindi nagkatuluyan sina Amy at PJ kahit na naging maganda ang pagkakaibigan ng dalawa. Kahit na limang buwan na ng lumipas, iniisip pa rin ni PJ si Raven. Medyo huli sa balita si PJ, pero alam nitong nagkahiwalay si Manuel at ang dalaga, at matapos ang apat na linggo ay may bagong boyfriend si Raven, si Don. Matindi pa rin ang wishful thinking noon ni PJ na makakasabay nito si Raven sa LRT ng nag-iisa, at magkabalikan sila ulit. Ngunit hanggang pangarap na lang talaga si PJ. Dahil sa takot na mabigo at ma-in your face ng todo, inilihim na lang ni PJ ang kanyang damdamin. Na sa huli’y kanyang pinagsisihan.

Senior year. Walong buwan mula nang magkahiwalay sina PJ at Raven ay nakilala ng binata si Paris, schoolmate ngunit hindi kaklase. Dahil sa pagpupumilit na makapag-move on, naging sila ni Paris kahit tatlong oras pa lang silang magkakilala. [Ang totoo’y si Paris ang nanligaw kay PJ.] Ngunit natauhan rin si PJ. Hindi talaga niya mahal si Paris. Napansin niyang nawala ang tiwala sa kanya ng ilang tao mula nang maging sila ni Paris, marahil ay dahil sa hindi magandang reputasyon at pag-uugali ni Paris. Kaya kinailangan nitong kumalas sa dalaga dahil pakiramdam niya’y nasasakal na siya sa mga kasalanang hindi naman talaga niya ginawa. Tinanggap naman ni Paris iyon ng maluwag, pero muntik na siyang maghuramentado sa bahay nina PJ. Naging masaya ang buhay ni PJ kahit nag-iisa siya. Hindi siya naiinggit kapag nakikitang magkasama sina Roman at Tuesday, Sam at Sky, MJ at Peter Parker, at Neville at January. Sa totoo nga’y pinapayuhan pa niya ang kaibigang si James (na idol ang Cleveland Cavaliers) hinggil sa relasyon nito kay Narda (na sa huli’y hindi rin nagtagal). Ngunit lalo pang tumindi ang pag-iisip ni PJ na balikan si Raven ilang buwan bago sila mag-graduate. Gustung-gusto pa rin niyang makasama ang dalaga, pero alam niyang imposible na. Iniisip niyang puwede niyang makasabay si Raven ng nag-iisa sa LRT, pero alam niyang kahit magkaganoon ay baka may iba na itong mahal. Hanggang sa dumating ang graduation na walang nangyari sa pagitan ng dalawa. Nasa unang taon na ng kolehiyo si PJ gayundin sina Joselito, Rin Tin Tin, Roman, Tuesday, Neville, Sky, Sam, MJ, Peter Parker, Paris, January, James, Narda at Raven. May kanya-kanya na silang buhay matapos ang high school. Magkasama pa rin sina Roman at Tuesday, Sam at Sky, at MJ at Peter Parker. Naging magkabarkada sa Pamantasan sina Joselito, Rin Tin Tin at Roman (at kadalasang hindi magkasundo sina Roman at Joselito) samantalang madalang nang magkita ang tatlo at sina PJ, Sam, Neville, Sam at James. At si PJ, nag-iisip pa rin na baka habang nakasakay siya sa LRT ay makita niya si Raven na nag-iisa. At sa huli’y maging sila ulit. --cip Manila. 15-Jul-2009.

Related Documents


More Documents from ""

Miss Ko Na Ang Dati
July 2020 19
Pirelli 2008
November 2019 25
Madness Trumpet.pdf
October 2019 32
Publicitats
November 2019 23