Banghay Aralin sa Filipino 1 GLR-CT/GOLD/TS Inihanda ni Carla L. Dacuba L1: Filipino L2: English I. Mga Layunin A. GLR – CT Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Expressive Objectives 1. Nakikilala ang wastong pag-uugali sa kabila ng pagiging iba 2. Napahahalagahan ang pagsunod sa payo ng magulang 3. Napagtatanto ang kahalagahan ng pag-aaral nang mabuti 4. Nadarama ang kasiyahang dulot ng pagtatagumpay 5. Maaliw sa makukulay at nakatutuwang mga larawan sa aklat. b. Instructional Objectives 1. Naipakikilala ang pangunahing tauhan sa kwento. 2. Napaghahambing-hambing ang mga tauhan sa kuwento 3. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa kuwento. 4. Nakasusulat ng saloobin ng tauhan sa kwento sa pamamagitan ng pagsulat ng mga pangako 5. Nakalilikha ng isang sertipiko bilang parangal sa mabuting gawi ng tauhan sa kwento. X B. GOLD a. Grammar Objective 1. Matukoy ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap b. Language Objective 1. Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, pangyayari at lugar C. TS a. For the Basic Group 1. Mabigay ang tunog ng titik Ww 2. Matukoy ang mga salitang nagsisimula sa titik Ww 3. Maisulat ang malaki at maliit na titik Ww 4. Mabasa ang mga pangungusapa na binubuo ng mga napag-aralang titik 5. Makagawa ng sariling pangungusap gamit ang mga napag-aralang titik 6. Makasagot ng mga tanong tungkol sa kwentong napakinggan b. For the Average Group 1. Mabigay ang tunog ng titik Ww 2. Matukoy ang mga salitang nagsisimula sa titik Ww 3. Maisulat ang malaki at maliit na titik Ww 4. Mabasa ang mga pangungusap na binubuo ng mga napag-aralang titik 5. Mabasa ang isang maikling kuwento 6. Makasagot ng mga tanong tungkol sa kwentong binasa 7. Makasulat ng isang maikling kuwento c. For the Fast Group 1. Mabigay ang tunog ng titik Ww
Commented [e1]: Layunin para sa enrichment
Commented [e2]: Huwag lagyan ng 1 kung walang 2
2. 3. 4. 5. 6. 7.
Matukoy ang mga salitang nagsisimula sa titik Ww Maisulat ang malaki at maliit na titik Ww Mabasa ang mga salita at pariralang binubuo ng mga napag-aralang titik Mabasa ang isang tula Makasagot ng mga tanong tungkol sa tulang binasa Makasulat ng isang maikling kuwento
II. Subject Matter / Paksang Aralin GLR – CT Pamagat: May-akda: Guhit ni: Publisher: Year of Publication:
Si Wako Virgilio S. Almario Jess Abrera Jr. Adarna House, Inc. 2003
GOLD Mga Salitang Naglalarawan TS Titik Ww a. For the Basic Group – Pagbuo at pagbasa ng mga salita, parirala at pangungusap b. For the Average Group – Pagbuo at pagbasa ng salita, parirala, pangungusap at maikling kuwento c. For the Fast Group – Pagbuo at pagbasa ng salita, parirala, pangungusap, maikling kuwento at tula III. Mga Kagamitan Aklat: Si Wako (Adarna, 2003) Tsart ng mga salita at kahulugan Tsart ng pangkatang gawain Tsart ng mga halimbawang pangungusap Mga larawan at props (headdress, realia, clay, lobo, atbp.) IV. Pamamaraan GLR/CT A. Bago basahin ang kuwento 1. Paghahawan ng Balakid Salita naglakwatsa
Kahulugan Umalis; gumala
Pamamaraan context clues
pilyo naempatso kuwago maglagi
makulit Sumakit ang tiyan Isang uri ng ibon Manatili; huwag aalis
Context clues Context clues Larawan Context clues
Kuwento Isang maulang araw, nagkasundo kaming magkakaibigang umalis ng bahay at gumala. Namasyal kami sa mall, naglaro sa arcade at nanood ng sine. Naglakwatsa kami. (Ano ang ibig sabihin ng naglakwatsa?) Isa sa aking mga kaibigan ay napakapilyo. Umakyat siya sa pababang elevator. Kinalat niya ang mga paninda. Tinawanan pa niya ang lahat ng taong makasalubong niya. (Ano ang masasabi ninyo sa kanya? Ano ang ibig sabihin ng pilyo?) Bumili rin at kumain ang pilyo kong kaibigan ng pagkarami-raming pagkain: pizza, ice cream, hotdog, buko shake, at shawarma. Maya-maya, dumaing siya na masakit ang kanyang tiyan. Naempatso ata siya! (Ano kaya ang ibig
sabihin ng naempatso?) Napaaga tuloy ang uwi namin. Sa daan, may napansin akong isang kakaibang ibong nakadapo sa puno. Sabi ng pilyo kong kaibigan, ito raw ay isang kuwago. Ganito ang kanyang hitsure. (Ipakita ang larawan. Ano ang masasabi ninyo sa ibong kuwago?) Pagdating sa bahay, sumalubong ang aking nanay. Hindi pala ako nagpaalam. Ang sabi niya, sa susunod sa bahay na lang ako maglagi kapag masama ang panahon. Huwag na raw akong maglalakwatsa at sa bahay na lang muna. (Ano ang ibig sabihin ng salitang maglagi?) 1. Pagganyak Habang nagpapahinga, nilapitan ako ng aking alagang pusa. (Ipakita ang larawan ng pusa.) Ibang-iba siya sa lahat ng pusa. Gulay ang hilig niyang kainin. Gusto rin niyang siya ay pinaliliguan araw-araw. Ang nakapagtataka pa ay may kalaro siyang daga. Kayo ba ay may alaga ring ibang-iba sa mga tulad nito? Bakit ito naiiba? 2. Tanong na Pangganyak Sa babasahin nating kuwento, alamin natin kung bakit ibang-iba sa lahat ang ating bida. 3. Pagbasa ng Kuwento Babasahin nang malakas ng guro ang kuwento sa mga mag-aaral. Habang binabasa ang kuwento, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong: a. Bakit naiiba sa lahat ng kuwago si Wako? (Iba ang mga hilig niyang gawin) p.3 b. Anu-ano ang mga hilig kainin ni Wako? (kendi at sopdrinks) p.7 c. Ano ang madalas isumbong ng kanyang guro sa nanay ni Wako? (Pilyo si Wako.) p.11 d. Bakit may mga sugat si Wako? (Kinagat siya nga aso at sinipa ng kabayo.) p. 19 e. Ano kaya ang mangyayari kay Wako? (Tatalino at magkakaroon ng award/parangal) p.23 4. Post Reading / Pagkatapos Magbasa ng Kuwento Engagement Activities / Pangkatang Gawain UNANG PANGKAT Ako si Wako 1. Ano ang pangalan ng bida sa ating kuwento? 2. Ano ang inyong masasabi sa ating bida? Panuto: Gumawa ng character profile para sa ating bida.Buuin ang puzzle. Ibigay ang mga hinihinging impormasyon.
IKALAWANG PANGKAT Si Wako at ang mga Kuwago a. Bakit naiiba si Wako? b. Tama ba ang kanyang mga ginagawa? Panuto: Paghambingin si Wako at ang ibang Kuwago. Gamitin ang Venn diagram sa paghahambing.
IKATLONG PANGKAT Sanhi at Bunga
Commented [e3]: Maaari pang mas gawing parallel
a. Bakit nagalit ang guro kay Wako? b. Ano ang ginawa ni Wako nang pagsabihan siya ng ina? Panuto: Iguhit ang mga nangyari kay Wako sa bawat pangyayari. Sumulat din ng isang pangungusap tungkol sa bawat larawan. IKA-APAT NA PANGKAT Pangako ni Wako a. Ano ang sinabi/ipinayo kay Wako ng kanyang ina? b. Ano ang naging pangako ni Wako? Panuto:Isulat ang pangako ni Wako para sa kanyang ina. Isulat ang mga bagay na kanya nang gagawin para maging isang mabuting kuwago.Bigkasin sa harap ng klase ang panunumpa nang nakataas ang kanang kamay na parang tunay na nanunumpa.
IKALIMANG PANGKAT Isang Parangal a. Ano ang nangyari nang magbago si Wako? b. Kung ikaw ay kaibigan ni Wako, ano ang iyong sasabihin sa kanya? Panuto: Gumawa ng isang parangal para kay Wako. Punan ng hinihinging impormasyon ang mga patlang. Magkaroon ng isang role play ng paggawad ng parangal kung saan ang isang kasapi ng grupo ay gaganap bilang si Wako, ang isang kasapi bilang ang guro, at ang ibang mga kasapi bilang kapamilya o magulang ni Wako. 5. Pagtalakay Mga Tanong
Inaasahang Sagot
GPU
Bakit ibang-iba sa mga kuwago ang ating bida?
Kakaiba ang mga bagay na hilig niyang gawin.
Literal
Ano ang pangalan ng ating bida?
Ang ating bida ay si Wako.
Literal
Ano ang inyong masasabi tungkol kay Wako. Ipakilala si Wako.
Engagement Activity #1: Ako si Wako
Creative
Masasabi ba ninyong isang karaniwang kuwago si Wako? Bakit?
Hindi po. Naiiba ang kanyang ugali sa ibang mga kuwago.
Evaluation
Sang-ayon ba kayo sa mga katangian ni Wako? Bakit?
Hindi po. Hindi maganda o nakatutulong ang kanyang mga ibang ginagawa.
Evaluation
Sa palagay ninyo, maaari bang maging kakaiba Opo. ngunit gumagawa pa rin ng tama at Sariling sagot nagpapakita pa rin ng wastong pag-uugali?
Evaluation
Paano naiiba si Wako?
Engagement Activity #2: Ang Mga Kuwago at Si Wako
Creative
Ano ang maaaring mabuting maidulot ng pagiging iba?
Sariling sagot.
Application
Sa iyong palagay, ikabubuti kaya ni Wako ang kanyang kaibahan sa ibang kuwago? Bakit?
Sariling sagot.
Evaluation
Dahil sa mga kakaibang ginagawa ni Wako, ano ang madalas na tawag sa kanya?
Siya ay pilyo.
Literal
Anu-ano ang mga ginawa ni Wako na nagdulot Engagement Activity #3: Ikaw ng masamang bagay? Talaga, Wako!
Creative
Ano naman kaya ang sinabi sa kanya ng ina nang siya ay umuwing sugatan?
Dapat hindi siya nakikipaglaro sa aso o kabayo kundi sa ibang kuwago.
Literal
Ano kaya ang ipinayo ng ina kay Wako?
Sariling sagot.
Inferrential
Sinunod kaya ito ni Wako? Paano mo nasabi?
Opo. Nagbago si Wako. Nag-aaral na siya at naging mas aktibo sa klase.
Inferential
Bakit mahalagang sumunod sa payo ng magulang?
Ang kanilang payo ay para sa ikabubuti ng anak.
Application
Kayo ba ay sumusunod din sa payo ng inyong mga magulang?
Sariling sagot
Application
Ano ang halimbawa ng payo ng magulang ang iyong sinunod/sinusunod ngayong araw?
Sariling sagot
Application
Ano naman ang ipinangako ni Wako sa kanyang ina?
Engagement Activity #4: Pangako ni Wako
Creative
Tinupad niya kaya ang kanyang mga pangako? Opo
Inferential
Kung kayo si Wako, gagawin ninyo rin ba ang kanyang mga ginawa? Bakit?
Sariling sagot.
Evaluative
Bakit mahalagang mag-aral nang mabuti?
Para matupad ang mga pangarap sa buha.
Application
Ano ang naging bunga ng pagbabago ni Wako?
Engagement Activity #5: Sertipiko ng Pagkilala
Creative
Ano kaya ang pakiramdam ni Wako nang matanggap niya ang kanyang parangal?
Masaya siya at ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili.
Inferential
Nais ninyo rin bang maging matalino at matagumpay katulad ni Wako? Bakit?
Sariling sagot
Application
Ano ang mga bagay na kailangan ninyong gawin upang makamit ito?
Sariling sagot
Application
3. Pagpapalalim (Enrichment Activity) Tulad ni Wako, kayo rin ay maaaring magtagumpay sa pag-aaral. Ngunit bago marating ang tagumpay, anu-ano ang maaari mong gawin bilang isang mag-aaral? Sa gawaing pansining na ito, gagawa kayo ng isang kuwago. Sa malilikha ninyong kuwago, ididikit ninyo ang papel kung saan inyong isusulat ang mga bagay na maaari ninyong gawin upang makamit ang tagumpay sa pag-aaral. Ito ay magsisilbing paalaala sa inyo upang lagi kayong magsumikap bilang mga mag-aaral. Gawaing Sining: Kuwago sa Paper Plate Mga Kagamitan: 3maliliit na paper plate gunting 2 malaking googly eyes Brown poster paint pandikit brush Dilaw na construction paper Pamamaraan: 1. Hatiin sa gitna at gupitin ang isang paper plate. 2. Pagdikit-dikitin ang mga paper plate upang makabuo ng isang kuwago. (1 para sa ulo, 1 para sa katawan, ang 2 hinating bahagi ng paper plate para sa mga pakpak) 3. Pinturahan ng kayumanggi ang nabuong kuwago. 4. Idikit ang googly eyes. Gumupit ng dilaw na art paper para sa tuka at mga paa ng kuwago. Idikit ito sa kuwago. 5. Punan ng sagot ang papel na ibibigay ng guro. Idikit ang papel sa katawan ng kuwago. 5. Patuyuin sa loob ng 20-30 minuto. GOLD A. Pagpapakilala Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. 1. Si Wako ay isang matalinong kuwago. 2. Siya ay may pulang bola. 3. Madilim na sa gubat na tirahan ni Wako. 4. Napakasaya ng araw ng pagtatapos ni Wako. 5. Si Athena ay isang magandang diyosang may alagang kuwago. B. Pagtuturo/ Pagmomodelo (Ipaskil sa kaliwang bahagi ng tsart ang mga salitang ngalan at kanang bahagi naman ang mga salitang naglalarawan.) Anong uri ng kuwago si Wako? Ang salitang matalino ba ay naglalarawan sa kuwago? Anong uri ng salita ang “kuwago”.
Matalino. Opo.
Anong kulay ang kanyang bola? Ang salitang pula ba ay naglalarawan sa bola ni Wako? Anong uri ng salita ang “bola”?
Pula Opo.
Anong salita ang naglalarawan sa gubat na tirahan ni Wako? Anong uri ng salita ang “gubat”?
Madilim.
Anong salita ang naglalarawan sa Araw ng Pagtatapos ni Wako?
Napakasaya
Ngalan ng hayop.
Ngalan ng bagay
Ngalan ng lugar
Anong uri ng salita ang “Araw ng Pagtatapos”?
Ngalan ng pangyayari
Anong salita ang naglalarawan kay Athena? Anong uri ng salita ang “Athena”?
Maganda Ngalan ng tao
kuwago bola gubat Araw ng Pagtatapos Athena
Ano ang tawag sa mga salita na nasa kaliwang bahagi ng tsart? matalino (Salitang ngalan) pula (Isulat ang Salitang Ngalan sa taas madalim ng mga salita sa kaliwang tsart.) napakasaya Ano naman kaya ang tawag sa mga maganda salita sa kanang bahagi ng tsart? (salitang naglalarawan) (Isulat ang Salitang Naglalarawan sa taas ng mga salita sa kanang tsart.)
Ang salitang matalino, pula, madalim, napakasaya at maganda ay tumutukoy o naglalarawan sa mga salitang ngalan. Tinatawag itong mga SALITANG NAGLALARAWAN. C. Pagsasanay na may Gabay Tawagin isa-isa ang bawat pangkat. Hahanapin nila ang nakatagong larawan ni Wako sa isang bahagi ng silid. Ang makakahanap ng larawan ang siyang magsasagot sa pagsasanay. Ipaskil sa pisara ang tsart ng pagsasanay. Tukuyin at bilugan ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap. Araw ng Pagtatapos ni Wako. 1. Maraming bisita ang dumalo sa pagdiriwang. 2. Dumalo ang mabait na kaibigan niyang si Wago. 3. Dilaw na kamiseta ang regalo nito. 4. Kasama din niya ang masipag na kaklase. 5. Isang supot ng kendi ang dala nito. 6. Masayang-masaya si Wako. D. Pangkatang Pagsasanay Maglagay ng panimula (sa bandang likod o dulo ng silid) at panapos na linya (sa harap ng silid) sa sahig. Paupuin ang bawat pangkat sa panimulang linya. Ang unang manlalaro ng bawat pangkat ay bibigyan ng salamin (plastic/ improvised eyeglasses). Isusuot nila ito at sa hudyat ng guro, sila ay aarteng lilipad patungo sa panapos na linya. Isusulat nila sa whiteboard ang salitang naglalarawan na nasa pangungusap na ipapaskil ng guro sa pisara. Ang makasasagot ng tama ay magkakamit ng isang puntos. Babalik ang mga manlalaro, habang umaarte pa ring lumilipad, sa panimulang linya at ipapasa ang salamin sa susunod na manlalaro. Ang pangkat na magkakamit na pinakamaraming puntos ang siyang tatanghaling panalo sa laro. 1. Si Wago ay isang masipag na ibon. 2. Makapal ang librong binabasa ni Wago. 3. Malayo ang kanyang paaralan. 4. Maaga ang pasok niya sa eskwela. 5. Tuwang-tuwa sa kanya ang matandang guro.
E. Indibidwal na Pagsasanay Maglagay ng isang kunwa-kunwariang pugad sa harap ng klase. Ilang piling mag-aaral ang tatawagin upang bumunot ng larawan mula sa pugad. Sila ay bubuo ng isang pangungusap na gumagamit ng mga salitang naglalarawan. Mga larawan: bag, palengke, pista, sanggol, pusa F. Pagtatasa I. Hanapin at bilugan ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap. 1. Malawak ang gubat. 2. Mayayabong ang mga puno dito. 3. Dito nakatira ang matapang na agila. 4. Dumating dito ang malakas na bagyo. 5. Maraming puno ang nasira. 6. Naging malungkot ang mga hayop sa gubat. II. Isulat sa patlang ang angkop na salitang naglalarawan para sa bawat pangungusap. Piliin mula sa kahon ang iyong sagot. mayaman
malamig
tahimik
maamo
malinis
1. __________ ang buhay sa gubat. 2. __________ ang simoy ng hangin dito. 3. __________ ang tubig mula sa ilog. 4. __________ ang ilang hayop dito. 5. Tunay na __________ ang ating kalikasan.
TS A. Pagpapakilala Pakikinig sa Kwento: (Ipapaskil ang mga larawan habang binibigkas ang kwento.) Narito si Wako. Dinalaw siya ng kanyang kaibigang si Wilma. Si Wilma ay isang batang Waray. Nakatira siya sa Leyte. Waray din ang tawag sa kanilang wika.(Wika ang tawag sa salitang ginagamit ng mga tao sa isang lugar. Hal. Ang salita ng mga taga-Maynila ay wikang Tagalog.) Siya ay isang batang masipag. Araw-araw, nililinis niya ang kanilang bahay gamit ang walis tambo. Nililinis niya rin ang kanilang bakuran gamit ang walis-tingting. Isang araw sa kaniyang paglilinis, nakapulot siya ng isang kakaibang pera. May nakaukit ritong isang malaking bulaklak na tinatawag na waling-waling. Sa likuran naman nito ay may nakaukit na isang watawat. Tuwang-tuwa siya nang makakita pa siya ng ilan pang barya. Walo lahat ang baryang kanyang nakita. Ipapakita niya ang kanyang mga barya kay Wako kaya dinalaw niya ito. B. Pagtuturo/ Pagmomodelo Balikan natin ang kwento ni Wilma at Wako. 1. Ano ang tawag sa wika ni Wilma? 2. Anong uri ng bata si Wilma? 3. Ano ang ginagamit niya sa paglilinis? 4. Ano ang napulot niya habang siya ay naglilinis? 5. Anu-ano ang mga nakaukit sa barya? 6. Ilan lahat ang napulot niyang barya?
Waray Masipag Walis tambo at walis-tingting Barya Waling-waling at watawat Walo
a. Pagkilala ng pangalan ng titik (Salungguhitan ang mga salitang nagsisimula sa titik Ww) Ano ang napansin ninyo sa mga salitang sinalungguhitan ko?
Commented [e4]: Hindi ito tugma sa nauang bahagi; ibang kasanayan ito
Ano ang umpisang titik ng bawat salita? (Nagsisimula sa titik Ww.) Tama! Ito nga ang titik Ww. Dahil may bago tayong kaibigang titik, papalitan natin ang simulang tunog ng ating mga pangalan. Ako na ngayon si Teacher Warla. b. Pagbigay ng tunog ng titik Ano ang tunog ng titik Ww? Sabihin uli natin ang pangalan ng bawat larawan. Bigkasin ang /w/. c. Pagsulat ng titik Ww. Gamit ang ating mahiwagang lapis, isulat (sa hangin) ang malaking titik W. Ngayon naman, isulat ang maliit na titik w. Tumayo ang lahat. Gamit naman ang ating katawan (bewang, siko, paa, ulo, atbp.), isulat ang malaking titik W. Ngayon naman, isulat ang maliit na titik w. C. Guided Practice / Practice Exercise / Individual Practice Basic
Average
Fast
Oral Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Hanapin sa kahon ang mga larawang tinutukoy ng bawat pangungusap.
Seatwork 1 Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Seatwork 1 Panuto: Basahin ang tula. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Seatwork 1 Panuto: Pagmasdan ang larawan. Ikahon ang wastong pangungusap para sa bawat larawan..
Oral Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Pagsunud-sunurin ang mga ito upang makabuo ng isang kuwento.
Seatwork 2 Panuto: Bakatin ang daan ni Wilma papunta sa Walter Mart. Gamitin sa pagbuo ng isang kuwento ang mga salitang madadaanan ni Wilma.
Seatwork 2 Panuto: Pagpares-paresin ang mga salita sa kahon. Gamitin ang bawat pares ng salita upang makabuo ng isang pangungusap. Gumuhit din ng larawan tungkol sa nabuong pangungusap.
Seatwork 2 Panuto: Ayusin ang mga larawan ayon sa wastong pagkakasunudsunod ng mga ito. Isulat ang 1-3 sa loob ng bilog. Gumawa ng maikling kuwento tungkol sa larawan.
Oral Panuto: Basahin nang malakas ang kuwento. Dugtungan ang kuwento sa pamamagitan ng isang skit o role play.
Guide for Lesson Plans using the 4-Pronged Approach
5=Excellent 4=Very Good 3=Good 2=Fair 1=Poor NA= Not applicable Rating Scale GLR PRE-READING ACTIVITIES Unlocked all unfamiliar words and sources of difficulty Used appropriate and efficient unlocking methods Developed a purpose for reading Correct formulation of the motivation – motive question tandem Sub-total 20 GLR DURING READING ACTIVITIES Choice of story was appropriate to level taught Guide questions (3-5) were included Students'predictions are encouraged at strategic points in the text Sub-total 15 CT POST READING Engagement activities were appropriate Discussion was well-crafted and according to the objectives Processing of the group outputs are integrated All comprehension levels covered by discussion The lesson is properly synthesized and closed Sub-total 25 Total for GLR/CT 60 GOLD Presentation Lesson was drawn from the story Ample examples were given The examples clearly show the skill focus Children derived the grammar rule by themselves Explicit teaching of the rules was clear The activities are scaffolded as needed The activities give students the chance to practice the skills taught Practice exercises were fun Independent work was direclty related to the preceding content and activities Instructions for activities were clear Total for GOLD 50 TRANSFER STAGE Basic Group Lessons were appropriate to level Play was integrated into oral work Seatwork content was directly related to each other and to oral work
Eng
Fil
5 5 5
5 5 5
5 20
4 19
5 5
5 5
5 15
5 15
5
5
5 5 5 5 25 60
5 5 5 5 25 59
5 5 5 5 5 5
5 5 5 5 5 5
5 4
5 5
3 5 47
4 5 49
4 5
5 5
5
5
Instructions were clear Seatwork activities and content was at the independent level of performance Average Group Lessons were appropriate to level Play was integrated into oral work Seatwork content was directly related to each other and to oral work Instructions were clear Seatwork activities and content was at the independent level of performance Fast Group Lessons were appropriate to level Play was integrated into oral work Seatwork content was directly related to each other and to oral work Instructions were clear Seatwork activities and content was at the independent level of performance Total Score for TS 75
5
5
4
5
5 5
5 5
5 5
5 5
4
5
5 5
5 5
5 5
5 5
4 71
5 75 Transmutation
GLR/CT GOLD TS
Computation Total Score / 60 X 35 Total Score / 50 X 30 Total Score / 75 X 35
35 28.2 33.13
34 29.4 35
TOTAL
96.33
98.82
Transmutation
1
1
96-100 91-95 86-90 80-85 74-79 68-73
1 1.25 1.5 1.75 2 2.25
62-67 56-61 50-55 40-49 0-39
2.5 2.75 3 4 5