Banghay Aralin sa Filipino 3 Layunin a. Natutukoy ang pang- abay na pamanahon sa talata. b. Nagagamit ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap. c.
Napapahalagahan ang oras sa bawat pagkakataon.
Paksang -Aralin Wika : Pang – abay na Pamanahon Sanggunian : Ikalawang Edisyon Pluma 3, Gintong Pamana 3 Kagamitan : Speaker , Laptop, Projector Lunsaran : Talata‘ Ang Mundo ‘ 1. Pagtalakay 2. Discovery Approach 3. Pag – awit 4. Sabayang Pagbasa Istratehiya A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati at Pagsusuri kung may liban 3. Pagbabalik Aral o Rebyu -
Pagbabalik aral sa tulang pinamagatang ‘ Pilipinong Kaming lahat ‘ Pilipino Kaming Lahat I. Ako ay Ilokano , isang Pilipino Sa Ilocos ang tirahan ko. Matapang akong tao. II. Ako ay Bikolano , isang Pilipino Sa Biko ang tirahan ko. Malambing akong tao. III. Ako ay Maranao , isang Pilipino Sa Mindanao ang tirahan ko. Matapang akong tao. IV. Ako ay Tagalog , isang Pilipino Sa Katagalugan ang tirahan ko. Mapagmahal ako sa magulang ko. V. Ako ay Ilokano. Ako ay Bokolano , Ako ay Maranao. Ako ay Tagalog .
Kaming lahat ay Pilipino. Pilipinas ang bansa naming. Nagtutulungan Kami upang mapaunlad ang kulturang Pilipino. Nagkakaisa kami upang Maging mapayapa ang lahing Pilipino.
Pagganyak na Tanong 1. Saan daw nakatira ang taong matipid ? 2. Sino raw ang taong malambing ? 3. Ano raw ang katangian ng isang Maranao ? 4. Saan kilala ang mga Tagalog ? 5. Ano an gpagkakapareho ng mga nabanggit na tao ? Paglinang na Gawain A. Pagganyak 1.Pangkatang Gawain Panuto : Hatiin sa apat ang klase. Magbibigay ang guro ng mga larawan o simbolismong nagpapahiwatig ng araw o selebrasyon. Pagsasama- samahin ng bawat pangkat ang mga larawan sa bilog ng dapat nilang kalagyan. •
Pasko
•
Kaarawan
•
Araw ng mga Patay
•
Araw ng mga Puso
2. Panuto : Pakinggan ang awitin ni Imelda Papin na pinamagatang Isang Linggong Pagibig. Pansinin ang mga pangyayari sa bawat araw na naganap. Lunes – nang tayo’y nagkakilala Martes - nang tayo’y muling nagkita Miyerkules – nagtapat ka sa iyong pag- ibig Huwebes – ay inibig din kita Biyernes – ay puno ng pagmamahalan, mga puso natin ay sadyang nag aawitan Sabado – tayo’y biglang nagkatampuhan at pagsapit ng Linggo- giliw akoy iyong iniwan
3. Sabayang Pagbasa : Sabay sabay basahin ang talata na pinamagatang ‘Ang Mundo ‘ Ang Mundo Napakaraming ginagawa ng mga tao sa mundo. Halos araw- araw mula Lunes hanggang Biyernes ay nagtratrabaho ang mga tao. Minsan kahit ang Sabado ay nagagamit na rin sa pagtratrabaho. Halos tuwing Linggo na lang nagpapahinga ang tao. Sa loob ng isang taon ay napakarami pang okasyon ang pinagkakaabalahang gawin. Sa buwan ng Disyembre abala ang mga tao sa paghahanda sa Pasko. Tuwing tag- init naman sa mga buwan ng Abril at Mayo ay napakaraming taong nagbabakasyon. Kapag pumasok naman ang buwan ng Hunyo, pasukan na naman. Ang daming gawain sa mundo, hindi ba ? Ngunit sa dinami dami ng ating gawain sa mundo ay huwag nating kalimutan ang tumulong sa ating kapwa. Ito naman talaga ang pangunahing dahilan kung bakit tayo dapat magdiwang, hindi ba? B. Paglalahad PANG – ABAY Ang pang- abay o adberyo ay mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang- uri o kapwa pang- abay. Mayroong ibat ibang uri ng pang- abay : ang pang- abay na pamanahon , pang- abay na panlunan, pang- abay na pamaraan, pang -abay na pang- agam. Bibigyang diin ng guro ang mga kasagutan ng mga mag- aaral. Ibibigay ang mga kahulugan ng pangabay at sasabihin na maraming uri nito. Sinimulang kilalanin ang Panlunan. C. Pagtalakay -
Muli nating balikan ang mga salitang may salungguhit mula sa awiting Isang Linggong Pag- ibig.
1. Lunes nang tayo’y nagkakilala 2. Martes nang tayo’y muling nagkita 3. Miyerkules nagtapat ka sa iyong pag- ibig 4. Huwebes ay inibig din kita 5. Biyernes ay puno ng pagmamahalan, mga puso natin ay sadyang nag aawitan 6. Sabado tayo’y biglang nagkatampuhan at pagsapit ng 7. Linggo giliw akoy iyong iniwan Ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap ay mga salitang nagsasabi kung kalian naganap o ginawa ang kilos. Salitang PAMANAHON ang tawag dito. Ito ay sumasagot sa tanong na KAILAN. Narito pa ang ibang halimbawa : 1. Dadalaw sina Darleen at Debbie sa pinsan nilang maysakit mamayang hapon. 2. Nag- aral ako kagabi. 3. Naglaro ng basketbol kahapon ng hapon sina Andrew, Jojo at TJ. 4. Papasok ako bukas.
5. Mamamasyal ang mag-anak na Narag sa Sabado. Halimbawa , sa unang pangungusap, sinasabing mamayang hapon ay dadalaw sina Darleen at debbie. Ang mamayang hapon ay nagsasabi kung kalian Dadalaw sina Darleen at Debbie. D. Paglalahat ( Pagbibigay ng kahulugan ng ng Pang- abay na Pamanahon sa mga mag- aaral ) Ay nagsasad kung kalian naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. E. Paglalapat -
Pagtatayang Gawain
Panuto : A. Salungguhitan ang pang- abay na pamanahon sa pangugnusap. 1. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi- gabi. 2. Anonood kami ng sine sa darating ng Linggo. 3. Si Jose ay darating mula sa Cavite samakalawa. 4. Araw – araw siyang nakikinig sa radyo. 5. Aalis mayamaya ang bus na papuntang Bikol. 6. Nagkita kami ni Marie kahapon sa kaarawan ni Justine sa Jollibee. 7. Namalengke kami ni Ate Daria kanina. 8. Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang pelikulang Spider- Man. 9. Magsisimula bukas ang aming pagsusulit sa paaralan. 10. Namitas ng mga gulay at prutas si Tita Dolly noong isang araw. B. Gawing kulay dilaw ang mga salitang pang- abay na pamanahon sa pangungusap. Kulay berde naman ang pandiwa na inilalarawan ng pang – abay. 1. Hiniram ni Mang ni Mang Berting ang diyaryo natin kahapon. 2. Tuwing magdaling- araw tumitilaok ang mga tandang ni lolo. 3. Sa Lunes gaganapin ang pulong ng mga guro. 4. Nagtitipun – tipon ang buong mag- anak sa bahay nina lolo at lola tuwing pasko. 5. Tuwing bisperas ng Bagong Taon, marami ang napipinsala ng mga paputok.
F. Takdang Aralin Panuto : Isulat sa patlang ang pang- abay na pamanahon na bubuo sa pangungusap Pumili ng sagot sa loob ng kahon. sa Abril at Mayo mula Lunes hanggang Biyernes nang iwan siya g kanyang ina tuwing Disyembre tuwing Linggo sa buwan ng Marso pagkatapos kong kumain sa buwan ng Hunyo tuwing umaga gabi – gabi sa ika- 14 ng Pebrero pagkatapos niya kaming ihatid 1. Ang Pasko ay ipinagdiriwang _______________________________. 2. ___________________ ang Araw ng mga Puso. 3. __________________ kami pumapasok sa paaralan. 4. Ang pasukan sa paaralan ay nagtatapos ______________________. 5. ____________________ang bakasyon ng mga mag- aaral. 6. ____________________ ang simula ng pasukan. 7. Maraming tao ang nagsisimba ___________________. 8. Kumakain ako ng almusal _______________________. 9. Nagsisipilyo ako ___________________. 10. Umiyak ang sanggol _______________________sa kuna.