Banghay Aralin sa Filipino II February 26, 2019 Tuesday I.
Nagagamit ng wasto ang pang-ukol na ayon kay at ayon sa F2WG – IV – g – j – 8 II. Wastong gamit ng Ayon sa at Ayon kay III. K – 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino p.37 Filipino 2 TG p. 158 Filipino 2 LM p. 434 - 436 Materyales: Batayang Aklat Kartolina Larawan strip ng papel IV.
Pamamaraan A. Pagganyak : Narito ang iba’t – ibang uri ng libro – Matematika, Ensayklopidya, Bible Story Book, Children’s Story Book, Saligang Batas Tanong: 1. Kilala ba ninyo kung ano ang mga aklat na ito? 2. Anu – anong kaalaman ang makukuha sa mga ito? Narito ang iba’t – ibang uri ng mga kilalang tao sa bansa – Jose Rizal, Duterte, Victor Magtanggol, Kardo Tanong: 1. Kilala ba ninyo kung sino ang mga taong ito? 2. Anu – anong pahayag ang inyong nalalaman na sinabi ng mga taong ito? B. Paglalahad: Narito ang isang halimbawa ng mga pahayag na mula sa aklat ng ating Saligang Batas at ang ating bansang bayani na si Jose Rizal.
Ayon sa Republic Act 428 ng Saligang Batas ay ipinsgbabawal ang pagbebenta o pagbili ng isda o ibang yamang – dagat na pinatay sa sa pamamagitan ng dinamita o paglalason. Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, “Ang hindi maruning magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at masansang isda. C. Pagtatalakay: Tanong: 1. Ano ang nais ipahiwatig ng unang pahayag? Ang ikalawa? 2. Ito ba ay nakabubuti o nakasasama sa mga tao? 3. Bakit sa tingin ninyo kailangan nating itong sundin? Pansinin natin ang mga salitang may mga salungguhit. Paano ginamit ang mga ito? Ano ang tinutukoy ng ayon sa sa unang pahayag? Ang ayon kay sa ikalawang pahayag?
D. Paglalahat: Ang pang – ukol na ayon sa ay ginagamit kapag ang siniping pahayag o impormasyon ay mula sa isang tiyak na aklat, pahayagan , at iba pa. Ang pang – ukol na ayon kay ay ginagamit kung ang pinagkukunan ng pahayag o impormasyon ay isang tiyak na tao. E. Paglalapat: Gamit ang strip ng mga papel tukuyin kung anong pang – ukol ang gagamitin. 1. _________ mga doktor, nararapat na palaging malinis ang ating mga kamay upang makaiwas sa sakit. 2. _________ mga pulis, walang nangyaring krimen tuwing laban ni Pacquiao. 3. _________ PAGASA mayroong parating na Super Bagyo sa mga sumusunod na araw. 4. _________ Maria ang malapit na raw dumating ang kanyang ama mula Maynila. 5. _________ Raul kailangan nating magsikap upang makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay. 6. _________ kwento ni Peter Pan walang imposible kung naniniwala. 7. _________ mga kaklase ni Dindin hindi nanamit ng naaayon sa okasyon si Dindin. 8. _________ Pagong si Matsing ay isang tusong unggoy. 9. _________ Manuel masarap magluto ang kanyang ina. 10. _________ kwento ni David at Goliath maliit man ay nakakapuwing din. V.
VI.
Pagtataya
Buksan ang aklat sa Filipino at buksan sa pahina 434 – 435. Sagutin ang Gawain Natin A sa papel.
Gawaing Bahay Sagutin ang Linangin Natin sa pahina 436.
Inihanda ni: Catherine A. Montes Guro