Hapon Ayon sa Nihonji, isang kasulatan ng Hapon, nagkaroon tayo ng relasyon sa Hapon noong 645 A.D Ang ugnayan ng ating mga ninuno sa mga hapon ay naging laganap noong ika-13 siglo. May mga wako (mangangalakal na Hapon) na nagtungo sa Pilipinas upang makipagkalakalan at manirahan. Nanirahan sila sa Maynila, sa paligid ng Golpo ng Lingayen at sa Cagayan. Sa bayan ng Agno sa Pangasinan itinatag ang sentro ng kalakalang Pilipino at Hapon. Ang lugar ay tinaguriang “Daungan ng Hapon” Ipinamana ng mga Hapones sa atin ang kanilang magagandang katangian tulad ng katapatan, kasipagan at pagkamalikhain. Natutuhan ng mga Pilipino buhat sa mga Hapon ang maraming industriya tulad ng paggawa ng sandata, pagkukulay ng katad at maging ang artipisyal na pagpapalahi ng bibe at isda. Mga Pamana
Sinigang sa Miso Tempura Sushi Mickey Mouse Money Spa/Resort
= Wala masyadong naimpluwensiya ang mga Hapones sa Pilipinas sapagkat sila’y 3 taon lamang nanatili sa Pilipinas, di tulad ng mga Kastila at mga Amerikano. Gayun pa man hindi rin nagustuhan ng mga Pilipino ang trato ng mga Hapones sa kanila kaya hindi nila ninais na maimpluwensiyahan sila ng mga ito. =