Ang Mga Batang Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika Naniniwala tayo mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata kaysa sa may mga edad nang nagaaral. Sa ganitong paniniwala, nararapat lamang ang ilang kwalipikasyon. 1.Ang kaibahan sa pagkatuto ng wika sa pagitan ng mga bata at may edad na mag-aaral ay nababatay sa likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bata at kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyo ng wikang sasabihin. Samantalang sa may mga edad na mag-aaral ng wika, tahasang binibigyang niya ng pokus ang salitang bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang nayo ng wikang kanyang sasalitain. 2.May mga pag-aaral na nagsasabi na ang may mga edad ay may higit na kakayahan sa pagtatamo ng pangalawang wika. Magagawa nilang makapagsaulo ng higit na maraming talasalitaan kaysa sa mga bata. Maari silang gumamit ng mga prosesong deduktibo at abstraksiyon at iba pang konseptong panggramatika kaya sa kabila ng otomatikong pagpoprosesong ginagamit ng mga bata sa pagtatamo ng wika, maaaring magkaroon sila ng problema pag-aaral ng pangalawang wika. 3.Hindi malinaw ang hanggan ng edad ng mga batang bago pa lamang nag-aaral ng wika magsalita sa mga batang prepubescent. Lumilitaw na maraming pagkakataon na may mga batang totoong hirap sa pagtatamo ng pangalwang wika dahil sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa mga kadahilanan ay may kinalaman sa mga salik na personal, sosyal at politikal. Limang (5) kategorya na may kinalaman sa paglaki at pag-unlad ng mga mag-aaral na maaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga praktikal at istratehiya sa pagtuturo ng wika 1.Intelektwal na Pag-unlad 2.Tagal ng Pagkawili (Attention Span) 3.Pakilusin ang Iba’t ibang Pandamdam (Sensory Input) 4.Mga Salik na Apektib (Affective Factors) 5.Awtentiko, Makbuluhang Wika
Ang mga may Edad na Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika •
Mas higit ang kakayahang kognitibo ng mga may edad kaysa mga batang mag-aaral
•
Mapapagalaw nila nang mabisa ang kanilang pandamdam na hindi pa kaya ng mga bata
•
Higit na may tiwala sa sarili ang mga may edad na mag-aaral
MUNGKAHING DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTUTURO SA MAY EDAD NA MAG-AARAL: 1. Maaaring kainisan ng mga ito ang masyadong mahirap o masyadong madali na paglalahat at tuluyan silang mawalan ng gana sa pag-aaral. 2. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga gawaing maikli at ayon sa kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan 3. Gisingin ang lahat nilang mga pandamdam 4. May taglay din silang kaunting tiwala sa sarili kaya’t hindi masyadong kritikal ang kanilang pagiging maramdamin. Subalit hindi dapat iwaksi ang mga salik emosyunal na kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika Ang mga tinedyer at ang pagtuturo ng wika
“Bagets” o Tinedyer May edad mula 12-19 ang tawag sa pangkat na ito ng mga mag-aaral sa Sekundarya. “Sakit ng ulo” ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa ganitong edad. Ito ang yugto ng paglaki na sila’y lito, kimi at kakikitaan ng maraming pagbabago sa kanilang anyong pisikal at intelektuwal. Ito ang edad tungo sa pagbibinata at pagdadalaga. Ilang paalala sa pagtuturo ng mga Tinedyer: (1) May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin ang mga proseso sa abstraktong pag-iisip kaya’t maari na silang ilayo nang unti-unti mula sa kongkretong paglalahad ng mga gawain tungo sa sopitikadong pagpoproseso ng mga kaisipan subalit mahalaga pa ring isaisip na ang pagtatagumpay sa anumang gawaing intelektuwal ay nakasalalay sa antas ng kawilihan o atensyong ibinibigay dito. (2) Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal na rin bunga ng kahustuan ng kanilang pag-iisip subalit maaari itong maging panandalian din dahil sa maraming pabago-bagong nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer. (3) Maglaan din ng iba’t ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga pagkakataong kailangan ito ng mga magaaral. (4) Tandaan palagi na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng kanilang pagpapahalaga sa sarili. Isa sa mga mahahalagang tungkulin ng guro sa paaralang sekundarya ang mapanatiling mataas ang pagpapahalagangpansarili ng kanyang mga tinuturuan sa pamamagitan ng mga sumusunod: pag-iwas na ipahiya sila sa klase; pagpapahalaga sa kanilang gawi at pansariling talino at kalakasan; pagiging maluwag sa mga pagkakamaling nagagawa sa pagkaklase; pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa di-pagkakaunawaan; at paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan maaari silang makipagsapalaran sa paglahok na hindi magiging kahiya-hiya kung magkamali man sila sa pagsagot.
(5) Hangga’t maaari’y maging maingat sa pagbibigay ng puna at mahihirap na gawin lalo na doon sa may kahinaan sa pag-aaral. Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kaung hindi mahusay na mahusay ang modelo- ang mga guro.”