REPUBLIC OF THE PHILIPPINES SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY GRADUATE SCHOOL ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City
FIL 604/A – PRINSIPYO, METODO, ISTRATIHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA
Pinasa nina: Charles Vincent G. Carbonell Maria Cecille E. Cael Kimberly C. Yray Angel Grace H. Bautista Mary Rose C. Suyat Sairah Mae V. Malabarbas Aisah U. Andang
Pinasa kay: Jovita M. Collado, MAED
ANG PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA
Madali lang ba talaga ang maging guro?
Mapanghamong propesyon ang pagtuturo.
Ang isang guro ay alagad ng agham at sining.
Nagbubunga ang mahusay at matalinong pagtuturo ng guro ng epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.
Paano natin maaaring simulan ang prosesong ito? Magsimula sa pagkilala sa mga mag-aaral na tuturuan.
Mahalagang simulan ang relasyong guromag-aaral sa isang magaan at palagayang sitwasyon. Sa sitwasyong ito, pumapasok ang mahalagang tungkulin ng guro- ang pagkakaroon at paggamit ng mga mabisang estratehiya sa pagganyak sa mga mag-aaral upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan.
Sa paggamit ng mga epektibong estratehiya, maaari nitong gisingin ang interes ng mga magaaral pati ang pagnanais nilang matuto pa.
Maaari nitong gabayan ang mga mag-aaral sa patuloy nilang pagtuklas ng bagong kaalaman.
Ang pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano matuto at kung paano magkaroon ng malayang kaisipan ay pinakamahalagang papel ng isang guro. Mga Terminolohiya Sa Wikang Filipino Kaugnay Ng Mga Estratehiya Sa Pagtuturo 1. Pagdulog (Approach) - ay set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng pagkatuto. 2. Pamaraan (Method) -
ay ang sunod-sunod na hakbanging
gumagabay sa guro sa kanyang pagtuturo ng tiyak na aralin. 3. Estratehiya (Strategy) - ay isang planadong proseso para sa isang particular na gawain.
4. Teknik (Technique) - ay ang tiyak na gawaing malinaw na makikita sa pagtuturo. Mga Mahahalagang Salik Na Nakakaapekto Sa Pagtuturo Sa Kaligirang Akademiko Guro -
Matalino,
Mapagmahal,
Masayahin ,
Malikhain,
Makabago Mag-aaral - Edad, Kasarian,
Ugali,
Kultura, Talino
Kagamitan o Materyal
1. GURO - Ikinikintal ng isang guro ang pagtitiwala at ginagawang isang kawili-wiling hamon ang pagaaral.
Matalino - Ang malawak na kabatiran at kaalaman ng guro sa kanyang ituturo at paraan kung paano ito ituturo ay mahalagang katangian ng isang epektibong guro. Magiging mahirap ang gagawing pagtuturo kung mismo ang guro ay walang ganap na pagunawa sa paksang kanyang itinuturo.
Mapagmahal -
Kinakailangan sa isang guro ang mataas na
pagpapahalaga at pagmamahal sa kanyang gawain at sa kanyang mga mag-aaral. Maging bukas ang isipan sa mga pagbabago upang lalong mapahusay ang gampanin at may magandang saloobin at pananaw sa pagtuturo at sa kanyang pagiging guro. Masayahin - Nag-uudyok ng kawili-wili at epektibong pagkatuto ang kaaya-ayang katauhan ng isang guro. Ang pagkakaroon ng masayang disposisyon o diwa ng paluwag tawa ay nagdudulot ng masiglang kapaligiran sa loob ng silid-aralan.
Malikhain -
Ang kaalaman sa mga paraan at estratehiya sa
pagtuturo ay lalong nagiging epektibo kung may malikhain at mayamang pag-iisip ang guro sa pagbabalak o pagpaplano ng kanyang aralin. Makabago - Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, nagiging mabilis ang takbo ng pamumuhay ng tao. Kinakailangan ng isang guro ang kakayahan niyang tumuklas ng mga bagong paraan sa pagtuturo na
aangkop sa kasalukuyang kalakaran ng kanyang gawain at katangian ng mga mag-aaral.
2. MAG-AARAL -
Laging isaisip na ang mga mag-aaral ay may
kanikaniyang katangian. Lahat ay may karapatang maturuan at matuto ng mga bagay na nararapat niyang matutunan. Maaaring magkaiba ang mga mag-aaral sa iba-t ibang aspekto ng kanilang katangian.
Edad - May mga batang-batang mag-aaral, mayroon ding may edad na, may dalaga/binata, at mayroon ding matandang mag-aaral. Bawat isa ay nagtataglay ng iba’t ibang lebel ng dapat na matutunan.
Kasarian - Ang interes ng lalaking mag-aaral ay iba sa interes ng mga babaeng mag-aaral. Marapat lamang na malaman ng guro ang kaibahang ito lalong-lalo na sa pagbibigay-halimbawa sa mga pagtalakay.
Ugali - Nagmula sa iba’t ibang tahanan at kapaligiran ang mga mag-aaral sa loob ng isang silid. Bawat isa ay natuto ng magkakaibang paraan ng pakikisalamuha sa kapwa. Mahalagang tungkulin ng guro ang pagiging pangalawang magulang sa loob ng silid-aralan.
Kultura - Kinakailangan sa isang guro ang pagiging sensitibo at mulat sa iba’t ibang kulturang maaaring pinagmulan ng kanyang mga mag-aaral.
Talino - Walang itinuturing na bobong mag-aaral. Bawat isa ay may kani-kaniyang talinong taglay. Kaiba man sa nakararami ngunit may sariling kakayanan ang bawat mag-aaral sa maraming bagay o aspekto.
3. Kagamitan/Materyal pagtuturopagkatuto
ang
Mahalagang anumang
salik
sa
kagamitan
nagagamit ng guro sa kanyang pagtuturo.
proseso o
ng
sitwasyong
URI NG PAKIKILAHOK NG MGA MAG-AARAL Pakikilahok Ng Mga Mag-Aaral Indibidwal- Indibidwal na mag-aaral at guro Buong Pangkat- Guro at buong klase Peer Tutoring- Mag-aaral at kapwa mag-aaral Team Learning- Maliit na pangkat ng mga mag-aaral
LEARNERS-CENTERED TEACHING (MULTIPLE INTELLIGENCES) Multiple Intelligence" Pagtuklas ng mga Talento at Kakayahan
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple Intelligence. Ayon sa teopryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino” at hindi, “Gaano ka katalino?” ayon kay Gardner, bagama’t lahat ay may angking likas na kakanyahan, iba’t iba ang mga talino bawat isa ay may kakayahang natatangi sa iba. Ang mga ito ay: “Visual
Spatial,
Verbal/
Linguistic,
Mathematical/Logical,
Bodily/Kinesthetic, Musical or Rhythmic, Intrapersonal, Interpersonal, Existentialist at Naturalist”.
1. Visual or Spatial- Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at mag-ayos ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan ito. May kakayahang siyan na makita sa kaniyang isip ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o makatuklas ng isang produkto o makalutas ng suliranin. May kaugnayn din ang talinong ito sa kakayahn sa matematika. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: artists, designers,
cartoonists,
story-boarders,
architects,
photographers,
sculptors, town-planners, visionaries, inventors, engineers, cosmetics and beauty consultants: (Pampaningin, nakikita, larawan, grapiko, imahe, larawang-diwa, drowing, tsart, disenyo, panaginip, pelikula, video, puzzle, imahinasyon)
2. Verbal/Linguistic- Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanang, pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali para sa kanya ang matuto ng ibang wika. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: writers, lawyers, journalists, speakers, trainers, copy-writers, english teachers, poets, editors, linguists, translators, PR consultants, media consultants, TV and radio presenters, voice-over artistes (Pagsasalita, mga
sinasalita,
pakikinig,
pagsusulat,
pagbabaybay,
gramatika,
pagsasalaysay, banyagang wika, tula, sanaysay, talumpati, newsletter, pahayagan)
3. Matematikal/ Logical- Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong may kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming at iba pang kaugnay na gawain. Gayunpaman, mas malapit ang kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns, at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: scientists, engineers, computer experts, accountants, statisticians, researchers, analysts, traders, bankers bookmakers,
insurance
brokers,
negotiators,
deal-makers,
trouble-shooters, directors (Lohika, pangangatwiran, pabuod, pasaklaw, katotohanan, pagtaya, pagtasa, ranking, katibayan, assessment, pagsasaayos, databases)
4. Bodily/ Kinesthetic- Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad
halimbawa ng pagsasayaw opaglalaro. Sa kabuun, mahusay siya sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay gaya ng pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng mga taong may ganitong talino. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: dancers, demonstrators, actors, athletes, divers, sports-people,
soldiers,
fire-fighters,
PTI's,
performance
artistes;
ergonomists, osteopaths, fishermen, drivers, crafts-people; gardeners, chefs, acupuncturists, healers, adventurers (Aksyon, pagkilos, pagsasagawa, isports, pagsali, drama, aktibiti, lumundag, itapon, hawakan) 5. Musical/Rhythmic- Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karansan Halimabawa ng mga taong may ganitong talino ay: musicians, singers, composers, DJ's, music producers, piano tuners, acoustic engineers, entertainers, party-planners, environment and noise advisors, voice coaches. (Musikal/ritmo/melodiya, tono, tenor, soprano, jazz, folk, classical, jingle, opera, choir, rock) 6. Intrapersonal- Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang nararamdaman at motibasyon. Malalimang pagkilala niya sa kanyang angking talent, kakayahan at kahinaan. At lahat ng tao na nasa proseso ng pagbabago ng pang-unawa sa sarili, sa paniniwala, at mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba, at sa komunidad na kanyang ginagalawan. (Nag-iisip, pag-iisa, lumikha, magnilay-nilay, binabalangkas na mga layunin, panukala, pangarap) 7. Interpersonal- Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong nabibilang dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motiobasyon, at disposisyon sa kapwa. Mahusay siya sa
pakikipag-ugnayan nang may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba. Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunod. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: therapists, HR professionals, mediators, leaders, counsellors, politicians, eductors, sales-people, clergy, psychologists, teachers, doctors, healers, organisers, carers, advertising professionals, coaches and mentors; (there is clear association between this type of intelligence and what is now termed'Emotional Intelligence' or EQ) (Makipagtalastasan,
makipag-usap,
bumati,
umunawa,
makiramay,
makisalamuha, makihalubilo, tumawag, bumulong, umiyak, salu-salo, piging, pangkat) 8. Naturalist- ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Botanist, farmer, environmentalists (Likas, kapaligiran, pagmamasid, isda, punongkahoy, hayop, dahon, bundok, lawa, ilog, dagat, nangaso, buhay na mga tao/bagay, ang sining ng pagkuha ng larawan, mga Bulaklak) 9. Existentialist- ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “ Bakit ako nilikha?” “Saan ako nanggaling?” Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?”. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating gingalawan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Mga pilosopo, theorist, mga pari o pastor
Ano ag wika? Bibigyang kahulugan natin ito bilag sining ng kumunikasyon. Ang wika ay hindi lamang nakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat. Ayon kay Sampson et. al, (1995:4) ang wika ay isang obra maestra ni Pablo Picasso, isang Komposisyon
ni Beethoven, o di kaya’y ang kahanga
hangang pagtatanghal ng dyimnast sa Olimpyada.
ANG MGA BATANG MAG-AARAL AT ANG PAGTUTURO NG WIKA
Ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa ating mga paaralan ay ang pag-unawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa paaralan pati na ang pagkakaroon ng kaalaman at pang-unawa kung paano natutuhan ang wika, una at wika man, at ang mga proseso sa pagkatuto nito. Naniniwala tayo mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata kaysa sa may mga edad nang nag-aaral. Sa ganitong paniniwala, nararapat lamang ang ilang kwalipikasyon. 1. Ang kaibahan sa pagkatuto ng wika sa pagitan ng mga bata at may edad na mag-aaral ay nababatay sa likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bata at kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyo ng wikang sasabihin. Samantalang sa may mga edad na mag-aaral ng wika, tahasang binibigyang niya ng pokus ang salitang bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang nayo ng wikang kanyang sasalitain. 2. May mga pag-aaral na nagsasabi na ang may mga edad ay may higit na kakayahan
sa
pagtatamo
ng
pangalawang
wika.
Magagawa
nilang
makapagsaulo ng higit na maraming talasalitaan kaysa sa mga bata. Maari silang gumamit ng mga prosesong deduktibo at abstraksiyon at iba pang konseptong panggramatika kaya sa kabila ng otomatikong pagpoprosesong ginagamit ng mga bata sa pagtatamo ng wika, maaaring magkaroon sila ng problema pag-aaral ng pangalawang wika. 3. Hindi malinaw ang hanggan ng edad ng mga batang bago pa lamang nag-aaral ng wika magsalita sa mga batang pre-pubescent. Lumilitaw na maraming pagkakataon na may mga batang totoong hirap sa pagtatamo ng pangalwang wika dahil sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa mga kadahilanan ay may kinalaman sa mga salik na personal, sosyal at politikal.
Limang (5) kategorya na may kinalaman sa paglaki at pag-unlad ng mga mag-aaral na maaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga praktikal at istratehiya sa pagtuturo ng wika
1. Intelektwal na Pag-unlad 2. Tagal ng Pagkawili (Attention Span) 3. Pakilusin ang Iba’t ibang Pandamdam (Sensory Input) 4. Mga Salik na Apektib (Affective Factors) 5. Awtentiko, Makbuluhang Wika
5 KATEGORYA NA MAY KINALAMAN SA PAGLAKI AT PAG-UNLAD NG MGA MAG-AARAL NA MAAARING MAKATULONG SA GURO SA PAGPILI NG PRAKTIKAL NA TEKNIK AT ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA 1. Intelektwal Na Pag-Unlad Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad labinsiyam) sa ganitong edad ay nasa yugto pa rin ng tinatawag ni Piaget na “concrete operations”, dapat lamang na isaalang-alang ang kanilang mga limitayson. Ang mga tuntunin at mga paliwanag tungkol sa wika ay kailangang gamitin nang may ibayong pag-iingat. Hindi masyadong pinapahalagahan ng mga bata sa ganitong yugto ng paglaki ang nosyon ng mga edad ng “kawastuhan” at along higit na hindi nila mauunawaan ang mga pagpapaliwanag ng tungkol sa mga konseptong panglinggwistika.
Ilang mga tuntunin para sa mabisang pagkaklase:
Iwasan ang paggamit ng mga teknikal na salita sa pagpapaliwanag ng ilang kaalamang pambalarila ( e.g. ponolohiya, morpema, atp) Iwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa mga nag-aaral.
2. Tagal Ng Pagkawili (Attention Span) Isang kapansin-pansing kaibahan ng mga may edad sa mga bata ay ang tagal ng panahon ng kanilang pagkawili. Mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng tagal ng panahon ng pagkawili: Paupuin mo ang mga bata sa harapan ng TV na ang palabas ay ang paborito nilang cartoon at asahan walang tatayo ni isa man sa kanila hanggang hindi natatapos ang palabas. Kaya’t hindi ka maaaring magbigay ng isang paglalahat na maikli lamang ang tagal ng panahon ng pagkawili ng mga bata. Mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili kung ang pagkaklase ay nakasasawa at walang kabuhay-buhay. Dahil mahirap minsan ang paksang pinag-aaralan sa wika, tungkulin mong gawin itong kawili-wili, buhay, at masaya. Paano mo ito gagawin? Mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata. Maglahad ng mga makabago at iba’t ibang gawain. Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-oober-akting dahil kailangan ito ng mga bata para sila’y maging gising at listo. Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili ng kanilang kawilihan.
Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng mga bata upang mapanatili ang kanilang kawilihan.
3. Pakilusin Ang Iba’t Ibang Pandamdam (Sensory Input) Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at mga laro. Gumamit ng iba’t ibang kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapatibay ng mga kaisipang natamo. Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language. 4. Mga Salik Na Apektib (Affective Factors) Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila ng pagkakamali sa pagsasalita, pagbabasa at pagsulat habang nag-aaral ng isang wika. Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta upang magkaroon ng tiwala sa sarili ang bawat mag-aaral, ngunit maging tiyak sa mga inaasahang matatamo ng iyong mag-aaral Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-aaral lalo’t higit iyong mga tahimik sa klase upang mabigyan sila ng maraming pagkakataon na subukin ang iba’t ibang gawain sap ag-aaral ng wika. 5. Awtentiko, Makabuluhang Wika Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko at di makahulugan. Magaling ang mga bata sa pahalata ng wikang di awtentiko; dahil dito, iwasan hangga’t maari ang mga dekahon o di natural na paggamit ng wika. Ang mga pangangailangan pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang nakapaloob sa isang konteksto. Gumagamit ng mga kuwento, sitwasyon, mga tauhan at mga usapang pamilyar sa karanasan ng mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang atensyon at mapatatag ang kanilang retensyon. Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliit nitong mga sangkap dahil mahihirapan ang mga batang Makita at kabuuan nito. Bigyang-diin din ang pag-uugnayan ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
ANG MGA MAY EDAD NA MAG-AARAL AT ANG PAGTUTURO NG WIKA Bagamat maraming “tuntunin” sa pagtuturo ng mga bata na maaaring ilapat kung may edad na mag-aaral ang tuturuan, dapat pa ring alalahanin na maraming pagkakaiba ang dalawang pangkat na ito ng mag-aaral na kailangang alam ng isang guro. Mas higit ang kakayahang kognitibo may edad kaysa mga batang mag-aaral kayat maaaring
ng mga
mas magiging
matagumpay sila sa ilang mga gawaing pangwika sa loob ng klasrum. Mapapagalaw nila nang mabisa ang kanilang pandamdam (“imahinasyon” sa pagsamyo ng bulaklak vs. totoong amoy ng bulaklak) na hindi pa kaya ng mga bata. Maaaring pareho ang antas ng kanilang pagiging mahiyain pero higit na may tiwala sa sarili ang mga may edad na mag-aaral. Kung may limang salik na isinasaalang-alang sa pagtuturo ng wika sa mga sa mga bata, mayroon ding mga mungkahing dapat isaalang-alang kung may edad na mag-aaral ang tuturuan. a. May kakayahan na ang mga may-edad sa pag-unawa ng mga konsepto at mga tuntuning mahirap unawain. Pero kailangan pa rin ang pag-iingat. Maaaring
kainisan ng mga ito ang masyadong mahirap o masyadong madali
na paglalahat at tuluyan silang mawalan ng gana sa pag-aaral. b. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga gawaing maikli at ayon sa kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan. c. Hangga’t maaari’y gisingin ang lahat nilang mga pandamdam upang ang klase ay maging masigla at laging buhay. d. May taglay din silang kaunting tiwala sa sarili kaya’t hindi masyadong kritikal ang kanilang pagiging maramdamin. Subalit hindi dapat iwaksi ang mga salik emosyunal na kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika.
IMPLIKASYON SA PAGTUTURO NG PAG-ALAM NG PAGKAKAIBA NG MGA BATA AT MGA MAY-EDAD NAMAG-AARAL NG WIKA 1. Igalang ang mga damdaminh emosyunal ng mga mag-aaral lalo na iyong medyo mahina sa pagkatuto.
2. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na mag-aaral. 2.1 Huwag silang tawagin na “mga bata”. 2.2 Iwasan ang pagkausap sa kanila na parang bata.
3. Bigyan
sila
ng
maraming
pagkakataon
para makapamili
at
magkapagbigay ng sariling desisyonhinggil sa ung ano ang maari nilang gawin sa loob at labas ng klasrum.
4. Huwag disiplinahin ang mga may edad na parang mga bata. Kung may lumalabas na suliraningpandisplina (di-paggalang, pagtawa, pag-aabala sa klase, atbp.) laging ipalagay na may edad ang iyong tinuturuan atmay kakayahan silang umunawa at magpaliwanag sa bawat kilos at galaw na ipinapakita nila sa loob at labas ng klasrum.
ANG MGA TINEDYER AT ANG PAGTUTURO NG WIKA “Bagets” o Tinedyer May edad mula 12-19 ang tawag sa pangkat na ito ng mga mag-aaral sa Sekundarya. “Sakit ng ulo” ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa ganitong edad. Ito ang yugto ng paglaki na sila’y lito, kimi at kakikitaan ng maraming pagbabago sa kanilang anyong pisikal at intelektuwal. Ito ang edad tungo sa pagbibinata at pagdadalaga. Ilang Paalala sa Pagtuturo ng mga Tinedyer:
1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin ang mga proseso sa abstraktong pag-iisip kaya’t maari na silang ilayo nang unti-unti mula sa kongkretong paglalahad ng mga gawain tungo sa sopitikadong pagpoproseso ng mga kaisipan subalit mahalaga pa ring isaisip na ang pagtatagumpay sa anumang gawaing intelektuwal ay nakasalalay sa antas ng kawilihan o atensyong ibinibigay dito. 2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal na rin bunga ng kahustuan ng kanilang pag-iisip subalit maaari itong maging panandalian din dahil sa maraming pabago-bagong nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer. 3. Maglaan din ng iba’t ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga pagkakataong kailangan ito ng mga mag-aaral.
4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng kanilang pagpapahalaga sa sarili. Isa sa mga mahahalagang tungkulin ng guro sa paaralang sekundarya ang mapanatiling mataas ang pagpapahalagang-pansarili ng kanyang mga tinuturuan sa pamamagitan ng mga sumusunod: pag-iwas na ipahiya sila sa klase; pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansariling talino at kalakasan; pagiging
maluwag
sa
mga
pagkakamaling
nagagawa
sa
pagkaklase; pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa di-pagkakaunawaan; at paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan maaari silang makipagsapalaran sa paglahok na hindi magiging kahiya-hiya kung magkamali man sila sa pagsagot. 5. Hangga’t maaari’y maging maingat sa pagbibigay ng puna at mahihirap na gawin lalo na doon sa may kahinaan sa pag-aaral.
DOKUMENTASYON NG PAG-UULAT NG UNANG PANGKAT
REPLEKSYON NG UNANG PANGKAT SA PAGKATUTO AT PAGTUTURO NG WIKA Sa mahabang panahon na ako ay nagtuturo ng asignaturang Filipino, makailang beses na ring naitatanong sa akin ang tungkol sa pagtuturo nito. Ang kadalasang tanong ay, “Mahirap ba itong ituro?” o “Paano ba ito itinuturo?” Ngunit ang mas mapanghamong tanong ay, “Bakit kailangang ituro ang Filipino?” Sa ganang akin, ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng kaalamang balarila o gramatika at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto at makabuluhang pangungusap at pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang FILIPINO bilang asignatura ay pagpapalalim ng ating wika at kultura. Ang susunod na katanungan, marahil, sa pahayag na ito ay “Bakit? at Paano?” Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga kuwentong naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay sayang isipin na nauunawan ng mga batang Pilipino ang kanilang kultura gamit ang wikang Filipino? Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa kanilang
pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang pakikipagtalastasan sa iba. Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang naglalarawan. Mas mabuting ipalarawan sa mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan kaysa ipaisa-isa sa kanya ang mga salitang naglalarawan. Sa ganitong paraan, babaunin niya ang kaalaman at kasanayang natutuhan upang sa kanyang paglabas sa paaralan ay magamit niya nang wasto at makabuluhan. Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan niyang ilarawan ang kanyang sarili sa oras ng panayam o anumang gawaing may kinalaman sa pagpapakilala, kakayanin niyang gawin ito dahil hindi naman itatanong sa kanya kung ano ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa kanya ang kanyang sarili. Ayon kay Gng.Reyes guro sa aking pinagtratrabahuang paaralan, "Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan." Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May kakayahan siyang makipag-ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa. Minsan isang tanghalian, habang ako ay teacher prefect sa aking mga mag-aaral, naitanong sa akin ng isa kong estudyante kung bakit pa raw niya pag-aaralan ang Filipino kung magiging CEO naman siya ng kanilang kumpanya balang-araw. Sinagot ko muna siya ng isang tanong bago ko sagutin ang totoo niyang tinatanong. “Gusto mo bang maging isang mahusay at mabuting CEO sa iyong mga manggagawa?” Sa simpleng tanong kong ito, nakita ko ang pagkunot ng noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay. At habang ipinaliliwanag ko ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino upang makipag-ugnayan mula sa simpleng manggagawa hanggang sa mga aral at dalubhasang kasamahan sa kumpanya, nakita ko rin ang unti-unting pagliwanag ng kanyang mukha. Napalitan ng ngiti at matamis na “Salamat Ma’am” ang natanggap ko mula sa kanya.
Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila ito.
Mga sanggunian:
A. MGA AKLAT Badayos, Paquito Ph.D (1999). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika, Mga Simulain at Istratehiya. Makati City: Grandwater Publications and Research Corporation ____________________, (2003).
Metodolohiya sa Pagtuturo ng Filipino.
Philippine Normal University, Philippines. Belvez, Paz M. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Rex Book Store, Inc., 20013. Paz M. Belvez, Ed.D. Sining at Agham ng Pagtuturo: Aklat sa Pamamaraan ng Pagtuturo ng Filipino at sa Filipino. Rex Book Store, Inc., 2000. Sandoval, Mary Ann S. Ph D. at Teresita Semorlan, Ph. D (2013). Paghahanda
ng Instruksyunal na mga Kagamitan (Salik sa Mahusay na
Pagtuturo at
Masbisang Pagkatuto. Rex Book Store, Inc., 20013.
Semorlan, Teresita P. 2010. Intruksyunal na kagamitan: Salik sa Mahusay na Padtuturo at Mabisang Pagkatuto. Iligan City:
Departamento
ng
Filipino at iba pang Wika, MSU-IIT. Villafuerte, Patrocinio V. at Rolando A. Bernales. (2008). Pagtuturo ng/sa Filipino: MGA TEORYA AT PRAKTIKA. Valenzuela City.
Mega
Jesta Prints, Inc.
https://isabelgonzales1104.wordpress.com/2015/11/20/wika-mga-teorya-at-pa niniwala-sa-pagkatuto/