Mga-batang-poz.docx

  • Uploaded by: Diane
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga-batang-poz.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,686
  • Pages: 7
MGA BATANG POZ BSA I-01 Members: Braza, Erika May Carandang, Edsel Coronado, Marc Dave Magnaye, Diane Ronalene Sanol, Marc Jonas

I.

PAMAGAT -

II.

PUBLIKASYON -

III.

Mga Batang Poz

Pabliser: Lampara Books Petsa: 2018 Edisyon: Unang Limbag ng Unang Edisyon Lugar: Manila, Philippines

NOBELISTA Segundo D. Matias, Jr. Bago pinasok ni Segundo Matias, Jr ang pagsusulat ng mga kwnetong pambata, dati na syang manunulat para sa telibisyon at pelikula. Nagkamit sya ng mga parangal sa Don Carlos Palanca Memorial Awards For Literature at sa Philippine Board on Books for Young People. Siya ay naging writing fellow ng UP institute of Creative writing. Siya ay miyembro ng writing studio ni Ricky Lee. Nakapagsulat na sya ng mahigit limampung kwentong pambata at isa sa kanyang mga akda ang Moymoy Lulumboy. Ang MGA BATANG POZ ay ang naging kanyang thesis para sa kanyang Masteral Degree sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

IV.

PANAHON AT TAGPUAN Ang panahon sa nobela ay nasa kasalukuyang panahon Tagpuan: 1. Starbucks - ang lugar na unang pinagtagpuan ng mga pangunahing tauhan Sina Luis, Enzo, Kenneth at Chuchay. 2. Mangan Tamu Quing Palaisdaan sa Sta. Rita,Pampanga - ang lugar na pinuntahan ng mga pangunahing tauhan upang tumakas sa kasalukuyang problemang kinakaharap. 3. Ospital - lugar na kung saan dinala ang mga tauhan na nahawa ng HIV. 4. Simbahan ng Bacolor, Pampanga - lugar na binisita ng mga tauhan sa ganda nito. 5. Bayan ng San Sebastian - lugar na pinagikutan ng istorya nina Gab, Kenneth at Via.

V.

MGA TAUHAN

Page 1 of 7

Luis - Ang tauhan na sadyang nagtataglay ng napakapusok na damdamin. At ang kapusukang ito ang nagdulot sa kanya upang mapabilang sa mga taong bitbit ang karamdamang sa kasalukuyan ay wala pang lunas. Enzo - Ang tauhan na labis ang pagkauhaw sa pagmamahal at atensyon na nanggagaling sa mga minamahal nyang tao. Ang pagkauhaw na ito ang naging dahilan upang hanapin nya ang pagmamahal na minimithi nya sa ibang tao. Nang ito ay tila kanyang nakita, nagkaroon sya ng palagay na ito ay hindi na dapat pakawalan pa. Gab - Ang tauhan na hindi aakalaing may pambihirang lihim. Lihim na tiyak ay magdadala sa mga mambabasa sa kung saan saan. Lihim na tiyak ay magbibigay rebelasyon at kulay sa kuwento. Chuchay - Tauhan na pangkaraniwan na nating makikita sa mga kalsada, school at kung saan saan paman. Ang katangian ng tauhang ito ay higit na mas madalas nating makita kaysa sa ibang tauhan na kabilang sa ito. May Pangarap sa buhay, Masiyahin at higit sa lahat ay gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang kapamilya. VI.

BUOD Ang Love is Brave ay isang support group sa Facebook kung saan ang mga miyembrong kasali ay mayroong HIV/AIDS. Ang mga kasali dito ay kadalasang hindi ginagamit ang tunay nilang pangalan, gumawa pa sila ng bagong account at iyon ang ini-register sa grupo. Gumawa ang isang miyembro dito ng group chat na pinangalanang "Pete's Corner" at sinali ang lahat ng kilalang mayroong HIV upang magkaroon naman raw sila ng koneksyon sa isa't isa. Lahat ng nandito ay puro kabataan. Ngunit nung malaman nila kung bakit sila kasali doon, agad agad silang nagalisan. Iilan nalamang ang natira at napagdesisyunan ng mga ito na magkita kita. Apat lamang ang sumipot dahil ang iba ang busy raw o ano pang dahilan. Dito nagkakilala sina Green Bulb (Enzo), Mark Ryde (Luis), Sebastian Montefalco (Gab-Kenneth) at Red Lips (Chuchay). Noong una ay walang kibuan at nagkakailangan pa ang isa't isa. Maliban kay Red Lips na pinakamadaldal sakanilang apat. Pagkaupo at pagkaorder ay nagpakilala na ang bawat isa gamit ang kanilang tunay na pangalan. Matagal nanahimik ang lahat hanggang sa nagsalita si Enzo at sinabing tinigil nya na ang paginom ng gamot na agad naman ikinagulat ng kanyang mga kasama. Bigla naman nila napagisipan na umalis at magpunta ng malayong lugar. Naisip ni Enzo na sa Pampanga nalang dahil may alam syang lugar doon na mapayapa. Si Luis ay fifteen years old palamang at tinaguriang heartthrob sa kanilang eskuwelahan dahil maraming nagkakagusto sakanya. Mahigpit ang kanyang Page 2 of 7

mga magulang at hindi siya pwedeng makalabas ng basta basta ng hindi kasama ang buong pamilya. Pure Chinese ang kanyang tatay at half-chinese, half pinay naman ang kanyang ina. Si Luis ay mahilig sa mga porn o kung anoanong sites sa internet na bastos o kalibugan. Hindi siya tumitigil sa paghahalikot sa internet ng mga lalaking nakahubad o nagtatalik. Merong account si Luis sa Grindr, isang gay app kung saan pwedeng kang makipagchat sa magugustuhan mo. Kapag may account ka dito, matik na agad na pakikipagtalik ang habol mo. Pero sa dalawang taon nya ng miyembro dito, hindi pa siya nakikipag kita kahit sa kaninong nakakausap nya dahil takot sya na baka kaeskuwela nya o kakilala ang kanyang kausap. Hanggang sa dumating ang isang gabi na may nakachat syang may alter name na "Magic Mark". Naakit si Luis ng magsend ito ng picture ng kanyang muka. Pumayag siyang makipag kita rito. Hindi makapaniwala si Luis sa sobrang gwapo ni "Magic Mark" na nagpakilalang si Nathaniel. At dahil tumakas lamang si Luis sa kanyang magulang, matapos magpakilala ng saglit ang agad agad na silang nagtalik. Unang beses na maranasan ni Luis ito kaya nung una ay nagaalangan pa siya. Pinaalalahanan ni Nathaniel si Luis na kahit kanino siya makipagtalik, kailangan lagi syang magingat at gumamit ng condom. Simula ng makilala ni Luis si Nathaniel, nagkaroon na sya ng lakas ng loob. Sa gym ay marami syang nakaka-sex. Minsan pa nga ay group sex kumbaga. Sa kanilang bahay din, nagkaroon sila ng houseboy at binabayaran nya ito upang makipagtalik sakanya. Tinatamasa at nasisiyagan si Luis sa pagtugon sa tawag ng laman. Ang pagkakamali nya lamang ay hindi siya gumagamit ng condom kadalasan kapag nakikipagtalik sya. Mayroong kapatid na lalaki si Luis, si Paolo. Lingid sa kaalaman nila na bakla din si Paolo at may kinakasamang kasintahan sa Singapore. Pinipilit si Paolo ng kanilang tatay na magasawa na. Si Luis din ay sinabihang maghanap na ng girlfriend. Sinubukan ni Luis na maggirlfriend at niligawan ang isa sa mga nagkakagusto sakanya, si Hazel. Kahit anong pilit nya hindi nya talaga kayang magustuhan si Hazel. Hinahanap hanap padin nya ang lalaki. Biglang nilagnat at inubo si Luis pero hindi nya ito pinansin ng tatlong araw. Nang magpa check up siya ay ayos naman daw siya, walang dengue o kahit anong malalang sakit. Nagulat sya ng makita nyang pagpasok ng doctor sa kanyang kwarto, si Nathaniel na ang tunay na pangalan talaga ay Allan. Pinayuhan nito si Luis na magpakuha ng HIV test. Nalaman nyang sya ang "reactive", ibig sabihin ay positive na mayroon syang HIV. Kumakain ang buong pamilya ni Luis at nagbabalak na syang umamin ngunit biglang umamin si Paolo na siya ay bakla. Pinalayas sya ng kanyang tatay sa sobrang galit. Nagkausap si Paolo at Luis sa chat at napagdesisyunang magkita. Doon ay sinabi na ni Paolo kay Luis na alam nyang bakla rin sya dahil nakikita nya ang account nito sa Grindr. Si Gab ay may matagal ng kasintahan, si Via. Matuturing silang childhood sweethearts. Marami ang natutuwa at naiinggit sa kanilang relasyon. Merong Page 3 of 7

bestfriend si Gab na si Kenneth. Hindi rin mapaghihiwalay itong dalawa dahil simula bata palamang ay magkasama na sila sa lahat ng bagay. Hindi alam ni Gab na may gusto pala sakanya si Kenneth. Wala syang ideya na ang kanyang matalik na kaibigan ay isang bakla. Isang araw, nalaman ni Kenneth na lilipat na silanng bahay at mapapalayo na siya kay Gab. Napagdesisyunan nito na aminin na kay Gab ang tunay nyang nararamdaman. Nakipagkita ito sa simbahan kung saan ipinakita nya ang jars na naglalaman ng mga sulat na ginawa nya para kay Gab. Ito ang araw-araw nilang buhay na magkasama. Noong una ay nagulat si Gab at nagalit kay Kenneth. Pilit nitong ipinapaliwanag kay Kenneth na hindi sya bakla at mahal na mahal nya si Via. Ngunit mahal na mahal ni Gab ang kanyang kaibigang si Kenneth at hindi nya kayang mawala ito. Lumambot ang puso nya rito ng mabasa nya ang ibang sulat ni Kenneth. May nangyare sakanilang dalawa ngunit pinipilit parinnni Gab na hindi siya bakla. Sinabihan nya si Kenneth na wag makipag talik sa ibang lalaki pero ayos lang kung gugustuhin nyang mag girlfriend. Isang araw ay may nakita si Via na videong kumakalat sa internet. Video ni Kenneth na nakikipagtalik sa ibang kalalakihan. Agad itong sinabinni Via sa kasintahan. Galit na galit si Gab dahil hindi siya makapaniwalang magagawa iyon sakanya ni Kenneth. Katwiran naman ni Kenneth na tawag lamang iyon ng laman at pampalipas oras lamang para makalimutan nya tuwing magkasama si Gab at si Via. Hindi ito ikinatuwa ni Gab at tuluyan ng nagalit sa kaibigan. Isang araw ay biglang nilagnat at ubo si Gab. Hindi ito mawala wala kaya napagpasyahan nila ng kanyang ina na magpatingin na sa doctor. Nang makuhaan sya ng kung ano anong test ay wala namang nakitang komplikasyon kaya pinayuhan sya ng doctor na magpa HIV test. Doon ay lumabas na sya ay "reactive". Hindi makapaniwala si Gab sa kanyang naging sitwasyon. Hindi nya iniisip ang kanyang kalagayan kundi ang kay Via. Natatakot sya na baka nahawaan nya na ito. Nalaman lamang ng ibang tao ang sitwasyon ni Gab dahil sa kapatid ng kanyang ina na nagpost sa Facebook tungkol rito. Napagpasyahan din ni Via na magpa HIV test upang makasiguro. Hindi na mapakali si Gab kaya maya't maya nya minemessage ang nobya. Bigla itong nagchat na siya ay positive din. Nagiwan ng mensahe si Via na mahal na mahal nya si Gab saka nya ito binlock. Sa sobrang pagmamahal ni Gab kay Via, hindi nya ito kayang mawala kaya't sya ay nagpakamatay. Si Enzo ay laging nagsasabi na walang sinuman ang kayang magmahal sakanya at hindi siya paborito ng kanyang magulang dahil sa naniniwala siyang pangit sya. Lalo nya itong napatunayan ng napagdesisyunan ng kanyang magulang na ilipat siya sa public school at hayaan nalamang ang kanyang kapatid sa private. Sobra ang pagkalungkot ni Enzo dito. Ang natatangi lang na kaya nyang ipagmalaki ay ang kanyang magandang katawan at malaking hinaharap. Isang beses ay nagpunta sya ng bar, sobrang tagal nya na doon ngunit wala pading nagpapakira ng interes sakanya hanggang lapitan sya ng isang nagngangalang Danny. Ito ang una nyang nakatalik. Simula noon ay nagkaroon sya ng kumpiyansa sa sarili. Naisip nya na hindi meron paring magkakagusto sakanya at hindi sya dapat mawalan ng lakas ng loob. Page 4 of 7

Gumawa si Enzo ng alter account sa twitter. Naisipan nitong magpost ng video ng nakahubad at magisang inaaliw ang sarili pero hindi kita ang kanyang muka. Nagulat ito sa dami ng nanood, naglike at nagretweet ng kanyang video. Marami ang pumupuri sa kanyang maganda katawan. Dahil sa magaganda feedbacks, naisipan pa nyang magpost ng iba pang video at naging malikhain pa sya kaya't lalong nagustuhan ng mga tao. Merong nagmessage sakanya at gustong makipagkita na pinaunlakan nya naman. Nagpakilala ito sakanyang si Rj. Meron syang nobyo, si Romer, pero dahil sa trabaho ay laging out of the country. Gumagawa din si Rj ng mga video kagaya ni Enzo pero hindi kasing galing nito. Inalok ni Rj na magcollab sila. Madalas nila itong ginawa at ipinopost na nagugustuhan naman ng mga manonood. Napamahal na si Rj kay Enzo at ng malamang ni Romer ang kanilang ginagawa, natakot ito na baka ilayo na si Rj sakanya. Ngunit imbis na ganon ang mangyare, naisipan pa nilang tatlo na mag threesome at ipost. Ito rin ay naging madalas na nilang gawain hanggang sa isang araw ay hindi na siya kinausap nila Rj at Romer. Nang magkita silang muli, napagalaman ni Enzo na pareho silang may HIV kaya't pinayuhan nila ito na magpa test na rin. Si Chuchay ay laki sa hirap. Hindi sila biniyayaan ng magandang buhay. Alam ng buong pamilya na sya ay bakla. Hindi hadlang ang kahirapan upang mag-aral ng mabuti si Chuchay. Nahiligan nya ang mag make up dahil sa kanyang kaibigan na parlorista. Binigyan ito ng trabaho doon kaya't kahit kakaunti ay may naiaabot sya sa magulang. Subalit biglang nagkaroon ng maganda raket ang kaibigan nya at kinailangang lumipat na sya sa ibang lugar. Giniba ang bahay nila Chuchay kaya wala silang magawa kundi tumira sa sementeryo. Tuwing pagkakatapos ng klase ay pumupunta si Chuchay sa bahay ng kanyang matalik sa kaibigan sa eskuwelahan. Doon ay nagmemake up sila at kung ano ano pa. Nabigyan din ng pagkakataonnsi Chuchay na magtrabaho at magdeliver ng tubig sa kanilang kakilala. Isang bumbay ang kanyang amo at binigyan si Chuchay ng cellphone kung makikipagtalik ito sakanya. Madalas na itong nangyare at binibigyan sya ng pera pagkatapos. Isang araw, nagpost si Chuchay ng kanyang selfie na may make up at maraming natuwa. Nainterview pa siya sa isang show. Akala niya ay umpisa na ito ng pagkaginhawa ng kanilang buhay ngunit bigla nalamang syang nagkasakit. Nang magpatingin sya ay napagalaman nyang sya ay may HIV. Umamin na si Kenneth sa tatlo na hindi Gab ang tunay nyabg pangalan. Nalulungkot lamang daw siya sa nangyare at mahal na mahal pa rin nya si Gab. Si Enzo naman ay pinaniwala ang tatlo na gustong manghawa ni Rj ng HIV sa ibang tao kaya agad agad nilang hinanap at pinuntahan ito. Yun pala ay niloko nya lang sila at gusto nya lang makita si Rj. Hindi rin totoo na meron siyang HIV. VII.

TEORYANG PAMPANITIKANG GINAMIT Isa sa mga teoryang pampanitikan inilahad sa Akadang Batang Poz ay ang Teoryang Pampanitikan na Moralismo kung saa ay Ipinalalagay na ang akda Page 5 of 7

ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal na katotohanan kundi mga panghabangbuhay at unibersal na mga katotohanan. Ipinapakita na ang Sakit na HIV sa kasalukuyan ay marami parin mis Konsepsyon kapag natatalakay ito madalas na naihahaluntulad sa Aids ngunit sa Akda ay mas lalong pinakita ang katotohanan patungkol sa HIV na wag itong pandirihan, at tanggapin sa ating Lipunan ang may mga sakit nito sapagkat hindi naman ito nakakahawa kung pwera lamang ay ikaw ay makikipagtalik sa may sakit na HIV. Mahalagang malaman ng mga mambabasa ang gawat detalye at isyu na ito sapagkat sa nobela na ito ay maaring mabuksan ang isipan at mas mapalawak pa ang pang unawa sa sakit na HIV VIII.

PAGPAPAHALAGA SA MGA TAUHAN Sinasalamin ng mga pangunahing tauhan sa kwento - sina Luis, Enzo, Chuchay at Kenneth ang mga batang punong-puno ng pangarap sa buhay na kung saan binibigyang-pansin ang edukasyon upang matupad ang kanilang hangarin sa buhay. Binigyang-diin din sa nobela ang naging tugon ng mga batang ito sa pagharap sa kanilang suliranin - ang pagkakaroon ng sakit na sa umpisa ay gustong magpakamatay ngunit sa huli at piniling mabuhay na lamang at harapin ang suliranin na maaaring ihalintulad sa mga millenials sa kasalukuyan na madaling panghinaan ng loob sa minsang mga suliranin sa buhay. Sa huling bahagi ng nobela, nagpakilala si Pete bilang tagapagsalaysay sa apat na buhay ng apat na tauhan sa kwento, mapapansin sa kaniyang parte na malaki ang kanyang gampanin upang maipaabot ang mensaheng ang pagniniig ng dalawang katawan ay isang kapangyarihan at kasabay noon ay ang pagpapayo na bigyang halaga ang sarili at katawan.

IX.

PAGPAPAHALAGA SA BUHAY/LIPUNAN Ang nobelang ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa buhay at lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon. Isinaad dito kung ano ang mga paraan upang maiwasang magkaroon ng HIV. Kasama rin dito ang mga paraan kung paano ito maipapasa sa iba at pagtalakay sa mga miskonsepsyon tungkol dito. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagbibigay ng impormasyon sa kung paano at saan dapat magpa-test at kung positibo ay ano ang proseso ng gamutan. Binigyang diin din dito na kung sasailalim sa gamutan ay hindi na ito hahantong sa AIDS.

X.

KABUOANG KAISIPAN Ang Nobelang Batang Poz ay may layon na mas lalo pa tayo mamulat kung ano nga ba ang Tunay na kahulugan ng HIV at ang mga taong nakakaranas nito. Layon nito na mapalalim pa ang kaalaman sa isyung ito at wag pandirihan ang mga taong nakakaranas nito bagkus tanggapin sa lipunan.

Page 6 of 7

More Documents from "Diane"