Structures 1957 Linggwistika.docx

  • Uploaded by: kim yray
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Structures 1957 Linggwistika.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,403
  • Pages: 5
Republic of the Philippines MINDANAO STATE UNIVERSITY COLLEGE OF EDUCATION Fatima, General Santos City

Inihanda Ni: Aida A. Kamensali 2nd Year BSEDFILIPINO

Pabuod na Kasaysayan ng Dalawang Modelo 1. STRUCTURES 1957 

1951 at 1955- samantalang nag-aaral sa Harvard University bilang isang Fellow si Chomsky ay nagkaideya na ang pag-aaral ng sintaks o palaugnayan ng isang wika ay maaaring isagawa sa paraang autonomous o hiwalay sa ibang antas ng wika.



Bago rito, ang interes ni Chomsky ay tungkol sa tinatawag sa Ingles na “ Mathematical theory of formal Languages”.



1957- Pagkatapos niyang mahantad sa mga kilalang Linggwistang tulad nina Harris, Quine, Halle, atbp.



Nagpalabas si Chomsky ng isang monograp na may pamagat na SYNTACTIC STRUCTURES. Isang kaganapan ng kanyang matibay na paniniwala na ang gramatika ay mapag-aaralan nang hiwalay sa kahulugan.



Nang lumabas ito, nayanig ang pundasyon ng Istrukturalismo sa Amerika.



Magugunita na nang mga panahong iyon, ang daigdig ng linggwistika sa Amerika ay nadodominahan ng Istrukturalismo na pormal na nagsimula nang ipalathala ni Bloomfield ang kanyang aklat na may pamagat na Language noong 1933. Lumaganap nang lumaganap at nagging palasak sa Amerika ang Istrukturalismo makaraan ang mga dalawampung taon.



Sa kabuuan, ang mga istrukturalista ay nagbibigay-diin sa istruktura o anyo at hindi sa kahulugan. Para sa kanila ang semantika ay hindi lubhang mahalaga bagama’t hindi nila kailanman ikinaila na ang wika ay binubuo ng tunog (sound) at kahulugan (meaning).

Bloomfield 

Sinabi mismong “ in human speech, different sounds have different meanings. To study this coordination of certain meanings is to study language”.



Ito ang maaaring matibay na dahilan kung bakit sa karamihan sa gawa ni Bloomfield ay tungkol sa ponolohiya o palatunugan na nagpapatotoo sa sabi ng makabagong mga linggwista na si Bloomfield at kanyang mga kasama ay sobra ang ginagawang pagpapahalaga at pag-aaral sa palatunugan (phonetic bias).

Neo-Bloomfieldians 

O ang mga pangkat ng mga makabagong linggwista na naniniwala pa rink ay Bloomfield ay nagsasabing ang iba’t ibang antas ng wika ay maaaring pag-aralan ng hindi na kailangang isaalang-alang pa ang kahulugan.

Harris 

Halimbawa na kilala bilang “ transitional figure” sa mga naniniwala sa istrukturalismo at sa transpormasyonalismo ay nakilala pa rin nitong dakong huli dahil sa kanyang “philosophical reductionism” na ang ibig sabihin ay sa pamamagitan lamang ng mga tunog na inilalarawan niya ang isang wika.

Balik kay Chomsky: 

Sa aklat ni Chomsky ay nagpakita siya ng isang modelo, isang paraan ng paglalarawan sa “competence” ng isang tao sa paggamit ng wika.



Katumbas ang “competence”, sabi niya ng tinatawag ni Humbolt na “Form”.



Ang anyo ng wika,ayon kay Chomsky ay yaong walang pagbabagong salik na nagbibigaybuhay at kahalagahan sa bawat particular na pagsasalita.



Ang sabi pa ni Chomsky: “ A generative grammar is an attempt to represent, in a precise manner, certain aspects of the form of language, and a particular theory of generative grammar is an attempt to specify those aspects of form that are a common human possession-in Humboldtian terms, one might identify this latter with the underlying general form of all language”.

Sa STRUCTURES 1957 

Tiningnan ni Chomsky ang wika sa isang paraang matematikal.



Ginamit rito ang kanyang kaalaman sa matematika, tulad ng tinatawag na probalistic theory, set theory, finite state theory, concatenation algebra, graph theory at iba pa.



Ginamit niya rin dito ang kanyang kaalaman sa “Computer Languages” at symbolic logic.



Sinabi niyang ang kanyang modelo sa gramatika ay tulad ng isang automaton na magpapalabas (generate) ng lahat ng maaaring palabasing tamang pangungusap sa isang partikular na wika.



Ang pamamaraan ni Chomsky ay maituturing na di natural na paraan ng paglalarawan sa wika, lalo na ng mga di nakaunawa sa kanyang ginagawa.



Sa kabuuan ay tinangka ni Chomsky na bumuo ng isang modelo ng panggramatika sa antas ng sintaksis na tinawag niyang “ phase structure”.

Immediate Constituent (IC) 

Ang sabi nga ni Chafe tungkol sa modelo ni Chomsky: “ Chomsky’s notion of phrase structure seemed to me at best to be a caricature of the IC model as I understand it.



Malinaw na hindi nagpapangita ang pananaw nina Chomsky at Chafe. Sa gramatikang “phase structure” ay tinangka ni Chomsky na remedyuhan ang alam ng karamihang kakulangan sa modelong IC sa pamamagitan ng paggamit niya ng mga transpormasyon.

Halimbawa: The man hit the ball. 

Isang halimbawa ng pangungusap na kernel ( a simple declarative sentence in the active voice from which both simpler and more complicated English sentences may be derived by transformation).



Ito ay nabuo sa pamamagitan ng tinatawag niyang “phase structure rules”.

The ball was hit by the man. 

Isang transporm ng pangungusap na kernel na siyang pinaghanguan.



Anyong passive



Ayon kay Chomsky, ato ay mabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng opsyunal na tuntuning “passive transformation”. Ibinigay niya ang sumusunod bilang halimbawa ng kanyang tinatawag na “phase structure rules”.

(i.)

Sentence NP + VP

(ii.)

NP  T + N

(iii.)

VP  Verb + NP

(iv.)

T  the

(v.)

N  man, ball, etc.

(vi.)

Verb  hit, took, etc.

Ang nasa ibaba ay ang unang komponent ng gramatika heneratibo ( generative grammar ) ni Chomsky, ayon sa kanyang STRUCTURES 1957. Binubuo ito ng phase- structure rules na magpapalabas ng pangungusap na kumakatawan o nagrereprisinta sa balangkas ng isang pangungusap (isang pangungusap na kernel).



(i)

NP + VP

(ii)

T + N + VP

(iii)

T + N + Verb + NP

(iv)

the + N + Verb + NP

(v)

the + man + Verb + NP

(vi)

the + man + hit + NP

(vii)

the + man + hit + T + N

(ii)

(viii)

The + man + hit + the + N

(iv)

(ix)

the + man + hit + the + ball

(v)

ito ay ang pangalawang component ng modelo ni Chomsky ay binubuo ng mga tuntuning transpormasyonal. Sa pamamagitan ng mga tuntuning transpormasyonal na ito ay maaaring isagawa ang mga sumusunod: 1. Permutasyon –pagbabagong ayos ng mga salita sa pangungusap, e.g. ang pangungusap na tahas (active) ay gagawing balintiyak (passive). 2. Pagdaragdag (adjunction) – pagdaragdag ng mga salita sa pangungusap. 3. Pag-uugnay (conjoining) – pagsasama ng dalawang pangungusap. 4. Pagbabawas (deletion) – pagkakaltas ng mga salita sa pangungusap. 5. Pagpapalit (substitution) – pagpapalit sa isang salita o parirala ng ibang salita o parirala.



Kinlasipika ni Chomsky ang lahat ng transpormasyon sa dalawa : 1. Singulary – isa-isang ginagamit ang mga tuntunin upang makabuo ng pangungusap na katumbas ng unang pangungusap. 

Magbibigay na halimbawa ang transpormasyong singulary na kung ang The man hit the ball na isang pangungusap na active ay gagawing passive, magagamit ang opsyunal na tuntuning “ passive transformation “ , gaya ng sumusunod: Structural Analysis: NP1 – Aux – V – NP2 Structural change: X1 – X2 – x3 – X4  X4 – X2 + be-en – X3 – by + X1 

Ang ibig sabihin nito ay kung gagawing passive ang pangungusap, pagpalitin ang pusisyon ng NP1 at NP2 ; pagkatapos ay idagdag ang wastong anyo ng pandiwang be at ang preposition na by sa pagitan ng V at ng NP1.

2. Generalized – ay ang pagbuo ng isang pangungusap na ang isang tuntuning transpormasyonal ay nagagamit sa dalawang “ phrase markers”. 

Si Chomsky mismo ay nagbigay ng ng magandang halimbawa kung paanong ang isang modelong nagbibigay-diin sa balangkas at hindi sa kahulugan ay makapagbibigay ng maling pangungusap:

Colorless green ideas sleep furiously. 

Ang ikatlo at panghuling component sa modelong 1957 ni Chomsky ay binubuo ng isang set ng mga tuntuning morpoponemiko na nagtuturo kung paano bibigkasin ang pangungusap. Ibinigay na halimbawa ni Chomsky ang sumusunod:

(i)

walk  /wↄk/

(ii)

take + past  /tuk/

(iii)

hit + past  /hit/

(iv)

/. . .D/ + past  /. . .D/ + / I / ( where D= /t/ or /d/)

(v)

/. . .Cunv/ + past /. . .Cunv/ + /t/ (where Cunv is an unvoiced consonant)

(vi)

Past  /d/

(vii)

Take  / teyk / Etc.



Pansinin na mahalagang mahalaga rito ang wastong pagsusunod-sunod ng mga tuntunin. Halimbawa, kailangang mauna ang Tuntunin (ii) sa Tuntunin (v) o (vii) upang hindi lumabas ang anyong / tykt / para sa anyong pangnakaraan ng take. 

Malalagom ang modelong 1957 ni Chomsky, gaya ng sumusunod: Initial element (S)

Phrase structure component

Transformational component

Morphophonemic component

Phonological representation of S

Related Documents

1957
May 2020 15
1957-04
June 2020 11
1957 Schwan
June 2020 14
Structures
July 2020 33
1957-01
June 2020 11

More Documents from ""