Dula.pptx

  • Uploaded by: kim yray
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Dula.pptx as PDF for free.

More details

  • Words: 258
  • Pages: 10
MGA URI NG DULANG PANTANGHALAN AYON SA ANYO

Ayon kay Aristotleang dula ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.

KOMEDYA-

–Katawa-tawa , magaan ang mga paksa o tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.

TRAHEDYA–Ang tema o paksa nito’y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak , nakalulunos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan. –Karaniwang nagwawakas nang malungkot.

MELODRAMA–Ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi pawang problema at kaawa-awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa araw-araw.

TRAGIKOMEDYA-

Magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli ay nagiging malungkot dahil sa kasawian o kabiguan ng mahahalagang tauhan.

SAYNETE–Ang paksa nito’y tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo , sa kanyang pamumuhay, pangingibig , at pakikipagkapwa. Hal. La India Elegante Y Negrito Amante ni Francisco Baltazar

PARSE-

–Dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento –Ang mga aksiyon ay puro slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan, maghampasan , at magbitiw ng mga kabalbalan. Karaniwang napapanood sa mga comedy bar.

PARODYA–Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita , at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit may tama sa damdamin ng kinauukulan.

PROBERBYO-

–Dula na hango sa bukambibig na salawikain , ang kuwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

More Documents from "kim yray"