Ang Exegesis

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Exegesis as PDF for free.

More details

  • Words: 1,567
  • Pages: 3
ANG EXEGESIS (PAGSUSURI) NG JUAN 3:16 SA KONTEXTO NG PAG-IBIG NG DIYOS (Exegesis of John 3:16 in the context of God’s Love) Juan 3:16 – “Dahil sa malaking pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, ibinigay Niya (inialay) ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang lahat ng sumampalataya sa Kanya ay huwag ng mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”. Sino nga ba ang tinutukoy sa Juan 3:16 na minamahal ng Diyos kaya ibinigay Niya dito ang Kanyang bugtong na anak para mamatay para dito, maligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan? Ang sangkatauhan o ‘world’ ba dito ay ang lahat ng tao o ‘all of humanity’? O possible kaya na ang talagang tinutukoy dito na tunay na minahal ni God ay ang “church” o iyong mga tunay na mananampalataya (world of believers) lamang? Nasa kanila kasi ang Espiritu ng Diyos at nanalig sila sa Diyos. Sa Bibliya ang ‘church o iglesia’ ay inihahalintulad sa mga sumusunod : Una: Ang ‘church’ ay ang babaeng mapapangasawa ni Hesus (Rev. 19:7 , Rev. 21:2). Si Hesus ay inialay ang kanyang buhay sa ‘church o sa Kanyang asawa at sinasabi sa Efeso 5:25-26 “Kayo namang mga lalaki ibigin ninyo ang inyo-inyong mga asawa na gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya (o church) . Dahil dito’y ibinigay Niya (ni Hesus) ang Kanyang sarili (namatay para sa iglesya) upang ito’y Kanyang mapabanal at malinis (ng Kanyang dugo) na hinugasan sa tubig at sa Salita ng Diyos atb….Sa Juan 3:16 inialay ni Hesus ang Kanyang buhay sa Kanyang minamahal. Ang ikalawang larawan o kahalintulad ng ‘church’ o iglesya ay: Bilang tupa at ayon sa Juan 10 sa talatang 11 at 15 si Hesus (ang Diyos) bilang isang mabuting Pastol ay ibinigay o inihandog ang Kanyang buhay para sa Kanyang mga tupa. Ito ang uri ng pagibig din na binanggit sa Juan 3:16 na inialay ng Diyos si Hesus bilang handog para sa Kanyang minamahal. Ang ikatlong kahalintulad ng ‘church o iglesya’ ay: Bilang katawan o katawan ni Cristo gaya ng nasa Efeso 5:29 at sinasabi dito “Walang taong nasusuklam sa sarili niyang katawan, kundi pinakakain niya iyon at inaalagaan. Gayon din ang ginagawa ni Cristo para sa Kanyang iglesya. At tayo’y bahagi ng Kanyang katawan. Ang sinuman ay di pwedeng kalugdan ng Diyos kapag siya ay di nananalig at sumusunod sa Diyos.Ayon sa Hebreo 11:6 “Imposible na kalugdan tayo ng Diyos kung wala tayong pananalig sa kanya (NIV Bible) At ayon sa Banal na Salita ng Diyos sa Bibliya kapag wala sa atin ang Espiritu Santo ng Diyos di tayo pwedeng magkaroon ng pananalig na kailangan natin upang kalugdan at mahalin ng Diyos dahil tayo ay patay spiritually, kaaway ng Diyos at ang sinusunod natin ay ang hari ng himpapawid na si Satanas. Basahin natin ang Efeso 2:1-3 “Noong una’y patay kayo dahil sa inyong pagsuway at mga kasalanan. Nabubuhay kayo noon sa kasalanan at kasama kayo sa agos ng sanlibutan. Ang sinusunod ninyo noon ay si Satanas na prinsipe ng kapangyarihan ng hangin at siyang gumagawa sa puso ng mga taong ayaw magpasakop sa Panginoon. Lahat tayo’y dating katulad nila na nabubuhay sa masasamang hilig ng laman. Sinusunod

natin noon ang bawat maibigan ng ating laman at masamang isipan. Likas tayong masama at nasa ilalim ng hatol ng galit ng Diyos tulad ng lahat” (Efeso 2:1-3) Ang Panginoong Hesus ayon sa Juan 3:16 ay inihandog ang Kanyang buhay para sa Kanyang minamahal at makikita natin na binabangit sa ating mga pinag-aralang mga talata sa itaas na si Hesus nga ay inialay ang Kanyang buhay para sa Kanyang church o iglesya na Kanya ring mapapangasawa sa Kanyang pagbabalik at nalaman din natin na inialay ni Hesus ang kanyang buhay at pag-ibig sa Kanyang mga “tupa na isang larawan ng Kanyang church o iglesya. Ayon sa Bibliya may mga katangian (attributes) ang pag-ibig ng Diyos ( na pwede rin nating sabihing God’s grace o God’s mercy) At ang limang (5) mga katangian ng pag-ibig ng Diyos ay ang mga sumusunod: Una – Ang pag-ibig ng Diyos ay sacrificial. Ikalawa – Ang pag-ibig ng Diyos ay nagliligtas. Ikatlo – Ang pag-ibig ng Diyos ay di nabibigo Ikaapat – Ang pag-ibig ng Diyos ay nasusuklam sa kasamaan. Ikalima – Ang pag-ibig ng Diyos ay laging konektado sa pananalig o faith.. Ang limang katangiang ito ng pag-ibig ng Diyos ay nasa Juan 3:16 at ang pag-ibig na ito ng Diyos para sa kanyang minamahal ay may sakripisyo (nagalay siya ng buhay ng Kanyang anak na si Hesus). Ang pag-ibig na ito ay nagliligtas. At ang pag-ibig na ito ay di nabibigo. Ang pag-ibig na ito ay nasusuklam sa kasalanan at ang pag-ibig na ito ay laging konektado sa faith o pananalig. Ito ang isa sa mga ebidensiya sa Bibliya na ang talagang minahal ng Diyos sa Juan 3:16 ay ang church o “world of Christian believers” Sa bahaging ito ay nais kong masusing talakayin ang nabanggit kong ikatlong katangian ng Diyos at ito nga ay: “Ang Pag-ibig ng Diyos na Di Nabibigo”. Ito ay nabanggit sa 1 Corinto 13:8. Sa Juan 3:16 ang pag-ibig ng Diyos sa Kanyang minamahal dito ay di pwedeng mabigo (o ma-disappoint) dahil kung ang Diyos ay nabibigo kokontrahin nga nito ang nakasulat sa 1 Corinto 13:8 tungkol sa pag-ibig (ng Diyos) na di nabibigo. Ang pag-ibig ng Diyos sa Juan 3:16 ay 100% na tagumpay. Lahat ng binayaran ng dugo ni Hesus ay maliligtas. Ang pag-ibig ng Diyos sa Juan 3:16 ay ibinigay (gave) at desisyon mismo ng Diyos at di ng tao. Di ito iniaalok. Ang kaligtasan o buhay na walang hanggan ay di pwedeng ialok dahil di pwedeng ialok ang kaligtasan sa isang patay spiritually. Lahat ng tao ay patay spiritually bago naging believers o Kristiyano. Kaya nga kailangan munang ma-born again o pagkalooban ng Espiritu Santo bago manalig at magkaroon ng kaligtasan o buhay na walang hanggan.. Kung ang pag-ibig ng Diyos sa Juan 3:16 ay tumutukoy nga sa ‘church o iglesya ang pagibig nga ng Diyos ay di pwedeng mabigo sapagkat lahat ng miyembro ng iglesya o church ay maliligtas dahil sa kanilang pananalig na regalo sa kanila ng Diyos dahil nga sa pagkamatay ni Hesus sa krus ng Kalbaryo. Sila ay pinagkalooban ng Diyos ng Kanyang Banal na Espiritu na tunay na ebidensiya ng pag-ibig ng Diyos. Ang isang taong walang Espiritu Santo ay di pwedeng mahalin ng Diyos dahil siya ay kaaway ng Diyos at bihag ni Satanas. Ang paraan lang para siya ay ibigin ng Diyos ay kapag ipinagkaloob na ng Diyos sa kanya ang Kanyang Espiritu Santo at siya ay mulang nabuhay spiritually (born again) dahil siya dati ay patay spiritually, kaaway ng Diyos at bihag ng diablo. Binayaran

ni Hesus ng Kanyang banal na dugo ang Kanyang minamahal na church o iglesya at ipinagkaloob din dito ang Kanyang Espiritu Santo na ebidensiya ng Kanyang pag-ibig na kaylanman ay di pwedeng mabigo. Walang sinumang tao na makapagsasabi na siya ay karapat-dapat na mahalin ng Diyos. Lahat ng tao kasama na ang sumulat nito ay may pusong suwail, pusong sinungaling gaya ng sinasabi sa Jeremiah 17:9, at may pusong ayaw sumunod sa utos ng Diyos. Ang pagibig o awa o biyaya ng Diyos ay di karapatang kayang angkinin ninuman. Isang malaking kalapastanganan o kayabangan kung sasabihin nating “nararapat lamang na mahalin ako ng Diyos dahil dapat lamang na mahalin niya ako na isang mabuting tao dahil siya ay Diyos ng pag-ibig”. Walang sinumang taong karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos dahil tayo ay may pusong suwail at makasalanan at ayon nga sa Bibliya ang isang ugali ng Diyos ay ang Kanyang pagkapoot sa kasalanan ng tao.Kaya nga sinabi sa Roma 9:15 “Sapagkat sinabi Niya kay Moses: Mahahabag ako sa ibig kong kahabagan; kaaawaan ko ang ibig kong kaawaan. Ang church ay maliligtas lang dahil sa awa ng Diyos Kung tunay na ang minamahal ng Diyos ay lahat ng taong makasalanan kasama si Hitler, Esau, Pharaoh of Egypt, Abu Sayaf ang Diyos ay bigong-bigo dahil maraming tao ang kaylan man ay di nagmahal sa Diyos dahil wala nga silang kakayahan kung di sila pagkakalooban ng Espiritu ng Diyos na ang Diyos lamang ang may karapatang magbigay. Si Hitler, Esau at sino mang tao ay pwedeng pagkalooban ng Espiritu ng Diyos kung nais o gusto ng Diyos na gawin ito. Kaya nga ang kaligtasan ay dahil lamang sa biyaya o awa ng Diyos. Sa salitang Ingles “salvation is by grace alone (Efeso 2:8). Si Nebuchadnezzar, si Jacob, si Abraham, si David at lahat ng tunay na mananampalataya ay naligtas lang ‘by God’s grace o dahil sa awa ng Diyos. Kaya nga ang Juan 3:16 ay tumatalakay sa mga taong minahal na Diyos bagama’t di sila karapat-dapat mahalin. Minahal lang sila (church o world) dahil kinahabagan sila ng Diyos. Ang church (sanlibutan o sangkatauhan) sa Juan 3:16 ay mga makasalanang mga tao na pinili ng Diyos bago pa likhain ang mundo upang maging banal at walang kapintasan gaya ni Kristo Hesus (Efeso 1:4) At ang church nga o iglesya ang object o tumatanggap ng pagibig ng Diyos na di nabibigo sa Juan 3:16. Note: Kung ano mang puna o kritisismo sa artikulong ito ay tatanggapin ng maluwag ng sumulat nito. Lahat tayo ay may magkakaibang antas ng pag-kaunawa na galing sa Diyos kapag teolohiya ang paguusapan Ang ating teolohiya ay di magliligtas sa atin kundi ang ating may pagmamahal na relasyon kay Hesus na ating Panginoon. Velmat 4/14/09

Related Documents

Ang Exegesis
May 2020 7
Ang
May 2020 30
Ang Aso At Ang Uwak
May 2020 35
Ang Unggoy At Ang Kamelyo
November 2019 40