ANG EPEKTIBONG GURO AT MALIKHAING PAGTUTURO
•Ang GURO ay ang pinakamahalagang baryabol sa loob ng silid-aralan na nakapagsasagawa ng matagumpay at epektibong pagtuturo.
• Kailan ba natin masasabing epektibo at matagumpay ang pagtuturo? • Ano-ano ba ang mga katangiang dapat taglayin ang guro para magkaroon ng epektibong pagtuturo? • Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng isang epektibong pagtuturo?
AYON SA PAGSUSURI NINA WAYNE AT YOUNGS NOONG 2003, MAY LABINDALAWANG KATANGIANG DPAT TAGLAYIN NG ISANG EPEKTIBONG GURO.
1. WALANG ITINATANGGI •Pantay-pantay ang pagtingin ng guro sa kanyang mga mag-aaral
2. MAY POSITIBONG PAG-UUGALI •Pagbibigay rekognisyon sa bawat mabubuting gawi at hindi namamalayan sa mga pagkakamali ng mga mag-aaral
3. MAY KAGANDAHAN • May malawak na kaalaman ang guro sa paksang ituturo at may kakayahang iugnay sa iba pang larangan. Mabisa niyang nagagamit ang mga kagamitang panturo at matalino niyang nasasagot ang katanungan ng mga mag-aaral
4. MAY HAPLOS-PERSONAL •Dapat kilala ng bawat guro ang kan •yang mga mag-aaral
5.MASAYAHIN
•Marunong magpatawa at ngumiti sa klase
6. MALIKHAIN •Marunong mag-isip ng mga bagong gawaing pumupukaw sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral
7. MARUNONG TUMANGGAP NG PAGKAKAMALI
•May kababaang loob sa pagtanggap ng kamalian sa klase
8.MAPAGPATAWAD • May mahabang pasensiya at mabilis o madaling itinatama ng guro ang pagkakamaling nagawa ng mga mag-aaral. Hindi rin siya namimersonal bagkus binibigyang pagkakataong magpaliwanag ang mag-aaral sa pagkakamaling nagawa.
9. MAY REPESTO • Ginagalang ng guro ang ibat ibang katangian, abilidad, paniniwala , kahinaan,kalakasan at pinagmulan ng kanyang mga mag-aaral. Hindi rin siya nagbibitiw ng mga masasakit na salita sa mga mag-aaral
10. MAY MATAAS NA EKSPEKTASYON • May tiwala ang guro sankakayahan ng bawat mag-aaral. May mataas na pamatayan ang guro na nakakahamon sa mga mag-aaral na lalong magpursigi.
11. MAPAGMAHAL •Maalalahanin ang guro. Binibigyang tuon ang mga mag-aaral na nahihirapan sa klase
12. IPINAPADARAMANG KABILANG ANG BAWAT MAG-AARAL •Naghahanap ang guro ng paraan na maging kabilang ang bawat mag-aaral sa talakayan
AYON SA ISINAGAWANG PAGAARAL NINA BAILEY AT MURCIA, MAY APAT NA BAGAY ANG DAPAT NA ISAALANGALANG UPANG MAGING EPEKTIBO ANG PAGTUTURO
1. KALIGIRANG SOSYAL ( SOCIAL CLIMATE) •-binibigyang diin nito angg kapaligirang natural, kaayusang pisikal, sitwasyong instruksyonal at kaaya-ayang katauhan ng isang guro.
2. BARYEDAD SA GAWAING PAGKATUTO ( VARIETY IN THE LEARNING ACTIVITIES) • Tinutukoy nito ang baryedad o ang ibat ibang paraan ng paglulunsad ng aralin, sa paglinang ng Gawain at maging sa paraan ng pagtataya at ebalwasyon sa kakayahan ng bawat mag-aaral.
3. OPORTUNIDAD NG MGA MAG-AARAL SA PAKIKILAHOK ( OPPORTUNITY FO THE STUDENT PARTICIPATION •Nakatuon ito sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mga mag-aaral sa klase na makapagpakita ng kani-kanilang kakayahan at kasanayan
4. PAGWAWASTO AT PIDBAK (CORRECTIONS AND FEEDBACK) • Binibigyang diin nito ang mga sumusunod : –Ang sariling pagwawasto ng mga mag-aaral sa kanyang kamalian –Sariling pagwawasto ngunit may pagtulong ng kamagaral –Sariling pagwawasto sa tulong ng prompting o sa tulong ng pagtatanong
MGA KATANGIAN DAPAT TAGL AYIN NG GURO
GURO
•Ikinikintal ng isang guro ang pagtitiwala at ginagawang isang kawili-wiling hamon ang pag-aaral
KATANGIAN NG ISANG GURO • MATALINO - malawak ang kabatiran at kaalaman ng guro sa kanyang itututro at paraan kung paano ito itututro ay mahalagang katangian ng isang epektibong guro. Magiging mahirap ang gagawing pagtuturo kung mismo ang guro ay walang ganap na pag-unawa sa paksang kanyang itinuturo
KATANGIAN NG ISANG GURO • MAPAGMAHAL
-Kinakailangan sa isang guro ang mataas na pagpapahalaga at pagmamahal sa kanyang gawain at sa kanyang mga mag-aaral. Maging bukas ang isipan sa mga pagbabago upang lalong mapahusay ang gampanin at may magandang saloobin at pananaw sa pagtuturo at sa kanyang pagiging guro.
KATANGIAN NG ISANG GURO •MASAYAHIN -Nag-uudyok ng kawili-wili at epektibong pagkatuto ang kaaya-ayang katauhan ng isang guro. Ang pagkakaroon ng masayang disposisyon o diwa ng paluwag tawa ay nagdudulot ng masiglang kapaligiran sa loob ng silid-aralan.
KATANGIAN NG ISANG GURO •MALIKHAIN –Ang kaalaman sa mga paraan at estratehiya sa pagtuturo ay lalong nagiging epektibo kung may malikhain at mayamang pag-iisip ang guro sa pagbabalak o pagpaplano ng kanyang aralin.
KATANGIAN NG ISANG GURO • MAKABAGO –Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya,nagiging mabilis ang takbo ng pamumuhay ng tao. Kinakailangan ng isang guro ang kakayahan niyang tumuklas ng mga bagong paraan sa pagtuturo na naangkop sa kasalukuyang kalakaran ng kanyang Gawain at katangian ng mga mag-aaral.
MGA SALIK SA PAGTUTURO • MAG-AARAL
–Laging isaisip na ang mag-aaral ay may kani-kaniyang katangian. Lahat ay may karapatang maturuan at matuto ng mga bagay na nararapat niyang matutunan. Maaaring magkaiba ang mga mag-aaral sa ibat –ibang aspekto ng kanilang katangian
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL • EDAD - May mga batang-batang mag-aaral,mayroon ding may-edad na, may dalaga/binata, at mayroon ding matandang mag-aaral. Bawat isa ay nagtataglay ng ibat-ibang lebel ng dapat na matutunan
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL •KASARIAN -ang interes ng lalaking mag-aaral ay iba sa interes ng mga babaeng mag-aaral. Marapat lamang na malaman ng guro ang kaibahang ito lalong-lalo na sa pagbibigay-halimbawa sa nga pagtatalakay.
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL • UGALI
- nagmula sa ibat-ibang tahanan at kapaligiran ang mga mag-aaral sa loob ng isang silid. Bawat isa ay natuto ng magkakaibang paraan ng pakikisalamuha sa kapwa. Mahalagang tungkulin ng guro ang pagiging pangalawang magulang sa loob ng silid-aralan.
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL •KULTURA - Kinakailngan sa isang guro ang pagiging sensitibo at mulat sa ibat-ibang kulturang maaaring pinagmulan ng kanyang mga magaaral
ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL • TALINO -walang itinuturing na bobong mag-aaral. Bawat isa ay may kani-kaniyang talinong taglay. Kaiba man sa nakararami ngunit may sariling kakayanan ang bawat mag-aaral sa maraming bagay o aspekto
KATANGIANG DAPAT IWASAN NG GURO
1.Mahilig magkumpara sa kaniyang mga istudyante 2.Hindi marunong magpatawad 3.Palaging siya lamang ang tama 4.Galit parati 5.May negatibong ugali
ANG PAGHAHANDA NG KAGAMITANG PANTURO ( ANG CONE OF EXPERIENCE)
SIMBOLONG BERBAL • ito ay mga kagamitang tumutukoy sa mga nalimbag na kagamitang nagagamit sa pagtuturo ng guro. • Rekording ng mga awitin, tula, talumpati o ano pa mang kasangkapan sa paglinang ng pakikinig kabilang na ang mga larawang ‘di gumagalaw na naglalahad ng ano mang bahagi
KAGAMITANG BISWAL • larawang ‘di gumagalaw, grapiko, karton, komik istrip, flashkard, tsart, poster, mapa, bulletin bord, diorama, modelo, mock-ups, slide, film strip, at iba pa. • Mahalaga at makabuluhang usapan, panayam
• Tinatawag na EKSIBIT ang mga artipaks, mga kasangkapan, kasuotan atipaks, mga kasangkapan, kasuotan at iba pang mga materyal na mahalagang aspekto ng kultura
•PAGLALAKBAY ng mga mag-aaral sa mga museo at makasaysayang mga lugar
•Panghahaya ng mga bagay-bagay o gawain upang magkaroon ng TUWIRANG KARANASAN ang mga mag-aaral. •AKTWAL NA PAKIKILAHOK ng mga mag-aaral sa makabuluhang gawain na magdudulot ng tuwirang karanasan