Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY Davao City
DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL F. Torres St., Davao City Telefax No. (082) 227 9102
Banghay–Aralin sa Filipino Baitang 7 Ikalawang Kwarter Ika- 28 ng Agosto 2018
I.
Mga Layunin Sa loob ng isang-oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nakapagbibigay ng halimbawa ng antas ng pang-uri; b. Magamit ang (3) antas ng pang-uri sa pangungusap. c. Matukoy ang (3) tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap.
II.
Paksang –Aralin A. Paksa: Wika: Kaantasan ng Pang-uri B. Mga Kagamitang Panturo: Kagamitang biswal, mga larawan, chalk, laro, audio ng Tatlong Bibe, at iba pa C. Sanggunian: https://www.pdfcoke.com>mobile> doc www.wika.club>florante-at-laura Ona, Luzviminda,et. al., Hiyas sa Wika, Lexicon Inc., Tandang Sora, Quezon City, Phil.2003, pp.1-8 Emar Flojo D. Oras/Panahon na Inilaan: Isang -oras E. Pagdulog/Estratehiya/Metodolohiya Pangkatang-gawain, facilitating/ cooperative-Learning LARO, BRAINSTORMING
III.
Pamamaraan A. Panimulang Gawain: ( 5- minuto) 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagsusuri sa lumiban sa klase (Atendans) 4. Balik-aral ( 5 –minuto) Sino sa inyo ang nakakaalam sa kantang ang tatlong bibe? Tatayo at aawit ang mga mag-aaral ng awiting “Ang Tatlong Bibe” Ano- anong mga salita ang ginamit sa paglalarawan sa mga bibe? Ano ang tawag sa salitang iyon? Magbigay nga kayo ng mga halimbawa ng pangungusap ng ginagamitan ng pang-uri. B. Panlinang na Gawain: ( 5- minuto) Pagganyak Gawain: Tatawag ang guro ng tatlong estudyante at ipalalarawan at ipakumpara sa isa’t isa ang tatlong estudyanteng tinawag ng guro.
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY Davao City
DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL F. Torres St., Davao City Telefax No. (082) 227 9102
C. Pagtalakay: 1. AKTIBITI ( Tanungan at Sagutan o Q&A – 5 – minuto ) Mga Tanong: Paano niyo inilalarawan ang tatlo ninyong kaklase? Anong mga salita ang inyong ginamit sa paghahambing? Ano ang tawag sa mga salitang inyong ginamit sa paghahambing? Ano-ano ang tatlong antas ng Pang-uri? Lantay Pahambing Pasukdol 2. ANALISIS ( Diskusyon– 10 – minuto ) Gawain: Pagbuo ng TSART sa pisara upang mabisang maipaliwanag ang kaantasan ng pang-uri. Panuto: Susuriin ang mga binigay na mga halimbawa ng mga mag-aaral sa paghahambing pagkatapos ay ihahahanay nila ito sa tsart ng kaantasan ng pang-uri.
LANTAY
Kaantasan ng Pang-uri PAHAMBING
PASUKDOL
Ipababasa ang kahulugan ng lantay, pahambing at pasukdol upang masuri ng mga bata ang kanilang sagot sa pagbuo ng tsart.
D. Paglalahat: 3. ABSTRAKSIYON (Pasalita – 3 – minuto) Gawain: Magtanong Tanong: Ano nga ulit ang (3) tatlong antas ng pang-uri? Sa tingin niyo bakit kailangan nating matutunan ang tatlong antas ng pang-uri?
E. Paglalapat: 4. APLIKASYON ( Pangkatang- Gawain – 10 – minuto ) Gawain: Isang Laro (Kamay sa dibdib) Panuto: Ang mga salita ay nasa kaantasan ng pang-uri. Tukuyin sa tatlong pagpipilian ang inilalarawan nito base sa antas nito. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang representante. Sa paglalaro habang hindi pa naipakita ang larawan at naitanong ang kanang kamay ng manlalaro ay nasa dibdib. Ibababa lamang ito kung sasagot. Mga itinakdang-katanungan: 1. mainit : ( longganisa, araw, kandila) ___sagot: longganisa 2. pinakamatamis: ( cherry, saging, cake)___sagot: cake
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY Davao City
DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL F. Torres St., Davao City Telefax No. (082) 227 9102
IV.
3. mas malamig: ( yelo, north pole, ice cream)___sagot: yelo 4. mas mainit: (kape, araw, apoy)___sagot: apoy 5. mahaba: ( daan, ruler, lubid)___ sagot: ruler 6. mas malaki: ( elepante, baboy, dinosaur)__sagot:elepante
Ebalwasyon/ Pagtataya Indibidwal na Gawain ( 15 – minuto) Panuto: Kunin ang inyong modyul sa Filipino, buksan ito sa pahina 181, at sagutin ang mga gawain sa Subukin Pa Natin at Tiyakin Natin.
V.
Takdang-Aralin Pangkatang Gawain (2 –minuto na pagkopya) Panuto: Basahin ang pp. 182 ng inyong modyul, gawin ito bilang pangkatang gawain. Naisusulat ang isang alamat sa anyong komiks. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba. (ipaliliwanag sa mag-aaral) Pamantayan Sa Pagsulat Ng Isang Alamat Sa Anyong Komiks:
PAMANTAYAN 10 Napakahusay
PUNTOS 8 6 Mahusay Di-gaanong mahusay
4 Hindi mahusay
DESKRIPSYON Malinaw na nailalahad ang nilalaman ng alamat. Malikhain at masining ang presentasyon ng binuong komiks. Maikli ngunit nakakukuha ng interes ang kuwento at pamagat Lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Kulang ang mga detalyeng inilahad at hindi maipaliwanag ng taga-ulat ang kanilang ginawa.
Inihanda ni: Ilona Jane D. Marikit SST-I
Sinuri nina : Aileen M. Turtur Master Teacher-I
Antonia S. Doña MED-LT HT III, Filipino Department
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region XI
DIVISION OF DAVAO CITY Davao City
DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL F. Torres St., Davao City Telefax No. (082) 227 9102