DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL F. TORRES ST., DAVAO CITY
Filipino 7 IKALAWANG MARKAHAN SETYEMBRE 12, 2017
I.
Layunin: 1. Natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang teksto tungkol sa epiko sa Kabisayaan 2. Naibabahagi ang pagkakaiba ng dalawang tauhan sa akda sa pamamagitan ng Venn diagram. 3. Nakapagsasagawa ng komik strip kaugnay sa halimbawang epiko
II.
Paksang-Aralin Hudhud: Epiko ni Aliguyon
III.
Pamamaraan
A. Aktibiti Ididikit ng guro ang larawan ng pelikulang “Agimat” na pinagbidahan ni Ramon Revilla. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung napanood na nila ang nasabing pelikula. Pagkatapos ay kailangang bawat isa sa mga mag-aaral ay makapagbigay ng impormasyon (isang salita o parirala) kaugnay sa pelikula. Kailangang pabilisan sa pagbibigay ng mga impormasyon ang mga mag-aaral dahil bibigyan lamang sila ng tatlong segundo upang kanilang maibahagi ang kanilang ideya. B. Analisis Susuriin ng guro at ng mga mag-aaral ang kanilang ginawa Mga gabay na tanong: 1. 2. 3. 4. 5.
Ano-anong katangian ang nakita kay Aliguyon noong siya ay bata pa lamang? Bakit inihahanda si Aliguyon ng kanyang ama sa pakikidigma? Isalaysay ang naganap na labanan nina Aliguyon at Dinoyagan. Paano natapos o natigil ang labanan ng dalawa? Ano ang naging pakikitungo sa isa’t isa ng dalawang mandirigma matapos ang labanan?
C. Abstraksyon Pagtalakay sa paksa a. Tatalakayin ng guro ang kahulugan ng epiko.
b. Ipapabasa sa mga mag-aaral ang isa sa mga halimbawa ng epiko na pinamagatang “Ang Kuwento ni Aliguyon” na isang epikong-hudhod. c. Sa paraan ng pagbabasa ay hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa limang pangkat. Bawat pangkat ay aatasan ng guro ng isang talata na kung saan kailangan nilang basahin ng sabay-sabay.
D. Aplikasyon Ang klase ay hahatiin sa apat na bawat pangkat. Aatasan ang bawat pangkat na gumawa komik strip sa pamamagitan ng paggawa ng dialogue box kaugnay sa banghay ng epikong “Ang Kuwento ni Aliguyon”. Pangkat 1. Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan Pangkat 2. Unang Misyon, Unang Bahagi ng Pakikipaglaban Pangkat 3. Pagpapatuloy ng Labanan (Makipag-usap sa pangkat 2 para sa hatian ng eksena) Pangkat 4. Pagwawakas at Aral IV.
Ebalwasyon Pasasagutan ng guro ang pagpapayaman sa mga mag-aaral na makikita sa kanilang babasahin pahina 10.
V.
Takdang-Aralin Gumawa ng isang salaysay tungkol sa hindi malilimutang pangyayari sa buhay.
Ipinasa ni:
VIRGINITA R. MORAGA TEACHER III NAMASID NI:
AILEEN M. TURTUR MT - I