Republic of the Philippines Department of Education Region XI Division of Davao City DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL F. Torres St., Davao City Telefax No. (082) 227-9102 Banghay-Aralin sa Filipino Grade 9 I.
Mga kasanayang Pampagkatuto: 1. Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan [ F9PT-1f-42]. 2. Nasusuri ang padron ng pag-iisip sa mga ideya at opinyong inilahad sa binasang sanaysay [F9PB-1f-42].
II.
Paksang-Aralin A. Paksa: Kay Estella Zehandelaar, isinalin sa Filipino ni Ruth Elynia S. Mabanglo – Sanaysay ng Indonesia B. Sanggunian: Panitikang Asyano 9,pp. 53-56 C. Mga kagamitang Panturo: ICT, Kartolina, Pentel pen at Batayang aklat
III.
Yugto ng Pagkatuto A. Panimulang Gawain: 1. Panalangin, pagtala sa mga lumiban, kalinisan at kaayusan sa loob ng klase. 2. Paglalahad sa mga Kasanayang Pampagkatuto 3. Pagbabalik-tanaw sa kultura at tradisyon ng Indonesia B.Pagtatalakay sa Paksa:
a. AKTIBITI 1. Ipababasa ang sanaysay 2. Paglinang ng talasalitaan *Sasagutin ang Gawain 4, bibigyang- kahulugan ang mga salita katulad ng: @EMANSIPASYON @NABIBILANG @IKAHON @ BAGONG PANAHON @LUMUWAG ang TALI 3. Concept Webbing- isusulat ng mga mag-aaral ang mga ideya mula sa binasa (gagawin ito nang mabilisan; paunahan ng bawat hanay)
KAUGALIANG JAVANESE
b. ANALISIS: Susuriin ang nilalaman ng sanaysay sa pamamgitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong : 1. Paano ninyo ilalarawan ang prinsesa? 2. Ano-ano ang mga nais ng prinsesa na mabago sa kaugaliang Javanese para sa kababaihan? c. ABSTRAKSYON: Sagutin ang mga tanong: Nagkaroon ba ng katuparan ang mga ninanais at hinahangad ng prinsesa? Patunayan. d. APLIKASYON Tanong: Kung ikaw ang prinsesa ng Java, maiisip mo rin ba ng iniisip niya? Bakit? IV.
EBALWASYON Ang mga mag-aaral ay ng maglalahad ng kanilang sariling reaksyon at opinyon sa sanaysay na nabasa sa paraang pasalita
V.
KASUNDUAN Basahin ang dalawang halimbawa ng sanaysay sa pahina 57 ng inyong aklat
Inihanda ni:
Sinuri at namasid ni:
MARILOU M. YACO
EMELYN O.ALINEA
Teacher III
Master Teacher 1 Naitala ni:
ANTONIA S. DONA Head Teacher III