Wika Sanaysay.docx

  • Uploaded by: Vina Marcos
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Wika Sanaysay.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 386
  • Pages: 1
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan. Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika. Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika. Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman. Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.

Ang temang “Filipino: Wikang Mapagbago” ay naaakma hindi lamang dahil sa ito ang nagsisilbing mantra ng kasalukuyang administrasyon. Ito ay dahil na rin sa katotohanang ang wikang Filipino ay patuloy na yumayaman dahil na rin sa mga pagbabago sa ating lipunan.

Maraming bagong salita ang nadadagdag sa ating bokabularyo taon-taon. Kabilang na dyan ang mga salitang tumutukoy sa mga imbensyon at gadgets (halimbawa, “IPhone” at “laptop”) at mga salitang hiram mula sa mga lokal at internasyunal na wika (halimbawa, ang mga salitang “bisexual” at “transgender”).

Ang “Google” nga na dati ay pangalan lang ng isang kumpanya sa Estados Unidos, ngayon ay ginagamit na bilang isang pandiwa na tumutukoy sa pagsasaliksik ng impormasyon gamit ang Internet. Paliwanag ng Linguistic Society of America, ang mga wika saan man sa mundo ay patuloy na nagbabago at umuunlad kaalinsabay sa pangangailangan ng mga gumagamit nito.

Related Documents

Wika
June 2020 3
Wika
November 2019 11
Wika Sanaysay.docx
December 2019 4
Wika 1 .pptx
November 2019 3
Tuga Ibu Wika (selvi)
June 2020 9

More Documents from "rahmani"