Wika

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Wika as PDF for free.

More details

  • Words: 5,676
  • Pages: 15
Wika Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Kahalagahan Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.

Etimolohiya Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon. Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: linggow, mula sa Ingles]) ang wika

Kasaysayan at teorya Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing "ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan." Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal

na sapa. Dahil sa iba't ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng kalikasan" na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo

Mga katangian Ito ang mga karaniwang katangian ng wika: may balangkas, binubuo ng makahulugang tunog, pinipili at isinasa-ayos, arbitraryo, nakabatay sa kultura, ginagamit, kagila-gilagis, makapangyarihan, may antas, may pulitika, at ginagamit araw-araw.

Mga antas Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika: •

• • • •



Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish" Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook. Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Mga kagamitan Ito ang pitong kagamitan ng wika: •





Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pangakademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan



ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika. Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.

Kahulugan ng Wika Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin sa salig na umiiral ng mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Malawak ang saklaw ng wika sapagkat bawat bagay na ginagawa ng tao ay nagiging daan ang wika, upang magkaroon ito ng pagsasakatuparan. Bawat indibidwal ay may sariling iksena o dati ng alam sa sariling wika.Batay sa mga pananaliksik ng mga dalubhasa sa wika, iba-ibang kahulugan ang ipinahayag at nabuo tungkol dito. Batay sa kahulugan ni Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.Ayon kay Sapiro, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog. Kasaysayan ng Wikang Filipino Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na itunuturing na isang malayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino. Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa? Sang-ayon kay Dr. Isidro Dyan, isang dalub-wika mula sa Malaya - Polinesya, "Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nagaangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili. Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino. Ang kasalukuyang Filipino ay isang isyung naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga tagaCebu. Sabi ng mga Cebuano ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita lamang ng mga taong nasa katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino ay hindi Tagalog kundi ‘sing wikang nabuo at kinilalang "lingua franca" ng Kalakhang Maynila na lumaganap na sa buong kapuluan.

Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay pinananahanan sa kasalukuyan ng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 na iba’t ibang wika. Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao. Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang katutubong wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila ng pook ngunit mayroon din namang naniniwala na ang wikang Tagalog ay ginagamit hindi lamang ng mga katutubo sa pulo ng Luzon kundi sa iba pang mga pulo. Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong paraan, nakapg-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas. Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino laban sa mag Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang diwa." Kaya nga’t pinili nila ang Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati na punung-puno sa damdaming bayan. Kahit si Rizal at iba pang propagandista’y sumulat sa Kastila, batid nilang ang wika’y malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila. Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika. Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles. Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa." Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.

"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal." Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog. Ang sumusunod ay iba’t ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika: Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pagaaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa. Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940. Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon. Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin. Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino. Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75. Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan. Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika: Artikulo XIV - Wika Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic. Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili. Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon

din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

Wikang Filipino Ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas— ang Inggles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto na pamantayang bersyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure itong iba rito. Kasaysayan at sariling katangian Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:[1] 1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan. 2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. 3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo. 4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas. 5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1961, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (emphasis added).” Tiniyak pa ng isang resolusyon[2] ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang

sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. (emphasis added).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.

Mga naiibang pananaw at panukala Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng Tagal Antas ng Wika Ang wika at salitain ay nahahati sa apat na uri. Una, ang balbal, na siyang pinakamababa. Halimbawa ng balbal ay ang mga sumusunod: "epal (mapapel), iskapo (takas), istokwa (layas), haybol (bahay)at bomalabs (malabo)". Ikalawang uri naman ay ang lalawiganin. Kabilang sa antas na ito ay ang mga salitain ng mga katutubo sa lalawigan. May temang lalawiganin sa kani kanilang dila ang mga Kabiteño, Batangueno, Bicolano at iba pa. Aa paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog, matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ang pagkakaroon ng punto O sa ingles ay accent. Ang ikatlong uri naman ay ang Pambansa. Sa Pilipinas, laman pa rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing ito ay Filipino, samantalang ang iba naman ay may katwiran ding tawaging Tagalog lamang ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kung mauunawaan na ang Filipino at ang kaniyang alpabeto (Simpleng alpabeto) ay maunlad, at may mga hiram na titik. Ang Filipino naman ay kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino (tao) maging lalawiganin man, o balbal, mapa Tagalog man o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at hindi ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa. Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang Pampanitikan. Sa apat na antas ng wika, ito ang may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. idioma, eskima, tayutay at iba't ibang tono, tema at punto ay ginagamit sa pampanitikan. May isang eksperto sa wika ang

nagsabi na ang Panitikan ay "Kapatid na babae ng Kasaysayan", dahil ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at may kakayahang tumaliwas sa kasaysayan dahil sa kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o hindi totoo. Malayang magamit sa pagkatha ng dula, palabas, at iba pang likhangpampanitikan ay kadalasang nagaganap. I.

ANG EBOLUSYON NG WIKANG FILIPINO

Kung papaanong ang text message ay naipapadala mula sa isang cellphone tungo sa isa pa ay misteryong sinasagot ng agham. Subalit sa pasalitang pakikipagtalasasan, ang wika ang tagapagdala ng ideya tungo sa mabisang pakikipag-ugnayan. Kung kaya, ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay tulay upang ang isang bansa ay magkaisa at makamit ang minimithing kaunlaran. Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’tibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Ang Baybayin na tinatawag ring Alibata ay malaon nang ginagamit ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Kastila. Ayon kay Jose Villa Panganiban (1994) ang alibata ay malaganap na ginagamit noong 1300 sa mga pulo ng Luzon at Kabisayaan samantalang Sanskrito ang ginagamit sa Mindanao at Sulu. Ang mga epiko ng mga Bisaya, Tagalog, Iluko, Ipugaw at Bikol ay nasusulat sa alibata; samantalang ang mga epiko ng Magindanaw ay nasusulat sa Sanskrito. Lumilitaw na bagamat hindi pa matatawag na bansa ang ating mga lupain noong mga panahong iyon malinaw na may pundasyon ng panitikan at kulturang umiiral na ginagabayan ng mga wika ng bawat pangkat-etniko. Sa artikulo ni Senador Blas Ople na lumabas sa pahayagang Kabayan noong Ika-17 ng Agosto, 2001 ipinahayag niya na ang ebolusyon ng pambansang

wika ay isa sa mga matatagumpay na kabanata sa kasaysayan ng bansa mula nang ito ay ipanganak bilang kauna-unahang republikang konstitusyunal noong 1898. Idinagdag naman ni Dr. Batnag sa kanyang artikulong may pamagat na “Wikang Filipino: Kasangkapan sa Pagpapahayag ng Ideolohiyang Filipino” na nalathala rin sa nabanggit na pahayagan na mahigit isang daang taon na ang nakalilipas, sariling wika --- ang Tagalog, at di ang wika ng mga dayuhan ---- ang ibinabandilang tagapagpahayag ng mga mithiin ng Himagsikang Pilipino at naging opisyal na wika ng bagong tatag na Konstitusyon ng Malolos. Noong Ika-13 ng Setyembre, 1936 nang sa bisa ng Commonwealth Act No. 184 ay naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Naging kinatawaan ng Surian sina: Jaime C. de Veyra Bisaya-Samar-Leyte Tagapangulo Lope K. Santos Tagalog Kagawad Santiago Fonacier Ilokano Kagawad Casimiro Perfecto Bicolano Kagawad Felix B. Salas Hiligaynon Kagawad Cecilio Lopez Tagalog Kagawad Hadji Buto Moro Kagawad Isidro Abad Bisaya-Cebu Kagawad Zoilo Hilario Kapampangan Kagawad Jose Zulueta Panggasinense Kagawad Ang mga nabanggit na kasapi ng Surian ng Wikang Pambansa ang nagsagawa ng pag-aaral upang makapili ng wikang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Napagkasunduan nila na piliin ang Tagalog sapagkat; 1.

ito ang gamit na wika sa Maynila na siyang sentro ng pamahalaan at kalakalan;

2.

nagtataglay ang tagalog ng pinakamayamang talasalitaan at panitikan; 3. madali itong mapag-aralan at maintindihan 4. pinakamalaganap itong ginagamit sa kapuluan Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa. Idinagdag niya na Starting in 1940, the Tagalog- based national language was taught in all public and private schools. The language Pilipino was the Filipino National Language (in 1943) that was based on Tagalog beginning in 1959 when Department order No. 7 was passed by then Secretary Jose Romero of the Department of Education. The same name (Pilipino) was also used for the official language, the language

for teaching and subject national language starting 1959. This stopped only when Filipino was approved as the national language. Filipino was the name used to call the national language in 1987 Constitution. Ngunit ano ba ang pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino? Ayon pa kay Constantino: It was apparent that Pilipino was also Tagalog in concept and structure and there was no Pilipino language before 1959. Also, there was no Filipino language before 1973. Pilipino is different from Filipino even though both became national languages because these are different concepts --- one was based on only one language and the other on many languages in the Philippines, including English and Spanish. Samakatuwid, teknikalidad sa Saligang Batas ang naghihiwalay sa Pilipino at Filipino bukod pa sa ang Pilipino ay wikang nakabatay lamang sa Tagalog bilang Pambansang Wika samantalang ang Filipino ay ang kabuuang bunga ng ebolusyon ng wikang Pilipino kasama ang pagbabago dulot ng impluwensiya ng wikang Kastila at Ingles. Ayon naman sa aklat na Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2000, Bob Ong ) hanggang ngayon ay mahirap pa ring resolbahin ang isyu sa Wikang Pambansa dahil iba-iba pa rin ang sinasabi sa mga dyaryo, magazine at libro ukol dito. Idinagdag pa sa aklat na si dating Governor Osmeña ay nagpahayag na hindi patas kung pipiliting mag-Tagalog ang mga hindiKatagalugan. Pero ipinaliwanag din sa aklat na: sa dating ginawang survey sa Ateneo de Manila University, 98% na ng mga Pilipino ang kayang umintindi ng Tagalog, samantalang 51% lang ang nakakaintindi ng English. Patunay lamang na malaganap na ang paggamit ng Filipino sa kasalukuyan sa ating bansa. Batay na rin sa Saligang Batas noong 1987, binago ng Surian ng Wikang Pambansa na kilala ngayon bilang Komisyon ng Wikang Pambansa ang ang pagbabaybay ng mga pantig sa Wikang Filipino halaw sa alfabetong English. Nagkaroon din ng mga pagtatalo ukol dito subalit sa kasalukuyan ang Modernong Alfabetong Filipino ay binubuo 28 letra kasama ang Ñ na hango sa Kastila at ang Ng na hago sa sinaunang Baybayin (Alibata). Noong taong 2001 ay nagpalabas ang Komisyon ng Wikang Filipino ng pamantayan sa wastong paggamit ng mga hiram na titik at pagsasalin ng mga salita mula sa ibang dayuhang wika. Subalit taong 2007 nang muling ipahinto ng bagong pamuuan ng KWF, ang pagpapalaganap ng mga pamantayang ito sapagakat maging ang mga dalubwika sa iba’t-ibang pamantasan ay nagtatalo pa ukol dito. II. ANG WIKANG FILIPINO AT ANG ISYU NG GLOBALISASYON Ayon kay Dr. Pamela Constantino (Kabayan, Marso 14, 2003) sa artikulo niyang may pamagat na “Folklore at Wika” hindi na bago ang globalisasyon sapagkat matagal na tayong nasa ilalim ng globalisasyon sa anyo ng kolonisasyon, migrasyon at ekonomikong globalismo. Napailalaim na tayo sa

mga makapangyarihang bansa mula pa noong ika-16 na siglo hanggang sa kasalukuyan. Ang ating mga kababayan ay nasa iba’t-ibang panig na ng mundo at marami nang korporasyong multinasyonal ang matagal nang nagpapatakbo ng negosyo sa ating bansa. Hindi na rin bago sa atin ang mga terminong privatization, oil deregulation, IMF-Worldbank, CNN, Coke, Mc Donald’s, import liberalization at iba pa. Idinagdag pa niya mula pa sa pagpapalit ng siglo ay ginagamit na ang at pangunahing midyum na ng edukasyon at opisyal na komunikasyon ang Ingles. Kung kaya ano pa nga ba ang bago sa isyu ng globalisasyon at Wikang Filipino? Bakit muling tinututulan ang deklarasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na paigtingin ang pag-aaral ng English sa paaralan na nakasaad sa E.O 210? Ayon sa Samahan ng mga Kolehiyo at Unibersidad sa Filipino (SANGFIL) sa artikulong nalathala sa pahayagang Kabayan noong Pebrero 12, 2003, ang hakbang na ito ng pangulo ay sumasalungat sa mga siyentipiko at makabagong prinsipyo sa edukasyon partikular ang katotohanang mas mabilis matuto mga bata sa ikalawang wika kapag literado na sila sa sariling wika. Naniniwala ang SANGFIL na hindi makatutulong na hindi dapat sisihin sa Wikang Filipino ang paghina ng kakayahan ng mga mag-aaral sa English. Sa pahayagan ding Kabayan noong Pebrero 14, 2003 ay nagpalabas ng manipesto ang Sentro sa kahusayan sa Filipino, Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon ng DLSU na nagsaaad na ang English ay hindi solusyon sa problema ng edukasyon sa Pilipinas. Nakasaad sa manipesto na matagal nang panahong ginagamit ang English bilang pangunahing wikang panturo ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang problema ng bansa sa ekonomiya at edukasyon. Dapat nating alalahanin na ang sagot sa mga ganitong problema ay nakasalalay sa pagpapatibay ng karunungan ng mamamayan at ito ay makakamit sa wikang Filipino. Ang ganitong ideya ay pinatutunayan ng mga lokal at internasyunal ng mga riserts (pananaliksik) na mas mabilis ang pagkatuto ng mga bata kapag sa sariling wika nag-aral at ng mga bansang umuunlad na gamit ang sariling wika sa pagsasalin ng kaalaman. Nabanggit din sa manipesto na posibleng ang pahayag ni GMA ay pagtalikod sa responsibilidad ng pamahalaan na bigyan ng pagkakataon ang mamamayan na paunlarin ang buhay sa sariling bayan bagkos ay pinapag-aral tayo ng Wikang English upang ipagtabuyan tayo sa ibang bansa. Isa itong nakalulungkot na senaryo na habang tayo ang tambakan ng produkto ng iba’tibang mga bansa, ang atin naming inieeksport sa kanila ay mga OFW’s upang maiangat ang ekonomiya ng ating bansa. Ganun pa man, upang makalangoy sa dikta ng globalisayon, hindi rin naman dapat ipagwalang bahala ang pag-aaral ng English bilang universal na wika. Ayon kay Satoko Iwasaki, isang guro sa Tokyo, Japan, batay sa istatistiks noong 1996, ang wikang Chinese ay ginagamit ng 999 milyong tao, 487 milyon ang gumagamit ng English, 457 milyon ang gumagamit ng Hindu, 401 milyon ang nagsasalita ng Spanish at 280 milyon naman ang gumagamit ng wikang Russian. Patunay ito nang paglaganap ng English.

Subalit, malinaw na dapat itanim sa isipan ng mga mag-aaral na ang pag-aaral ng English ay bahagi ng pagtatangka nating matuto sa larangan ng teknolohiya at hindi kailan man bilang bahagi ng pagpapailalaim sa imperyalismong US. Ayon kay Paolo Freire sa aklat niyang A Pedagogy for Liberation (1987), because of the political problem of power, you need to learn how to command the dominant language, in order for you to survive in the struggle to transform the society. Kung kaya ang pagbabago ng lipunan tungo sa pag-unlad ng mamamayan ay nangangailangan ng pag-aaral ng English sa antas na ang bansa ay makakasabay sa daloy ng mundo nang hindi nalilimot ang sariling kultura at pagkatao. III. WIKANG FILIPINO MULA ALIBATA HANGGANG TEXT MESSAGING Batay sa teorya ni Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Language Acquisition Device (LAD. Idinagdag niya na everyone is born with some sort of universal grammar in their brains------basic rules which are similar across all languages. Ang sinaunang balarila na nakabatay sa Baybayin ay may pamantayan ding sinusunod. Iyon nga lamang, hindi ito lumaganap dahil sa kolonisasyon ng Kastila sa ating bansa. Kung kaya’t kung pagtatangkaang muling pag-aralan nag Baybayin sa kasalukuyan, ang iniisip ng marami na mahirap itong maunawaan ay isang kasinungalingan. Kahit ang mga preschoolers sa kasalukuyan ay matututo nito kung agad tuturuan. Kung kaya, ang pagkatuto ng wikang Filipino gamit ang alibata ay isang ambisyong sa tingin ng iba ay hindi praktikal subalit posible. Sapagkat hindi ba magiging lubos ang pagkakaroon natin ng sariling pagkakakilanlan sa wika kung muli nating bubuhayin ang alibata? Sapagkat kahit si Rizal sa El Filibusterismo ay ginamit si Simoun na nagpahayag ng mensaheng: Anong lahi kayo sa kinabukasan? Isang bayang walang kaluluwa, isang bayang walang kalayaan na lahat nang bagay ay hiram ultimong ang kasalanan at kabiguan? Marami na ang pagtatangka na buhayin ang alibata. Ayon kay Bayani Mendoza De Leon, ang makabayang si Aurelio Alvero na kilala rin sa tawag na Magtanggol Asa (pinatay si ng mga Hapon dahil sa kanyang sinulat) at ang kasamang si Jose Sevilla ang bumuo noong 1940 ng SALITIKAN NG WIKANG PAMBANSA. Noong 1972 ang iskultor na si Guillermo Tolentino ay naglimbag ng kanyang akalta na Baybayin, a Syllabary. Noon namang 1978, si Ricardo Mendoza sa kanyang aklat na Pinadaling Pag-aaral ng Katutubong Abakadang Pilipino ay nagpaliwanag na dapat isama sa kurikulum ng edukasyon ng Pilipinas ang pag-aaral ng alibata upang ang kasalukuyang Filipino ay malinawan hinggil sa kanyang pagkatao. Idinagdag pa ni de leon na sa isang artikulong Bathala and our Baybayin na kasama sa publikasyon ng Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc, binigyang linaw ni Guillermo Tolentino ang bawat karakter sa alibata. Sinimulan niya ang paliwanag sa salitang BATHALA kung saan ang BA, isinusulat na ay simbolo kasarian ng babae, kung kaya ang unang pantig sa salitang BABAE. Ang LA ay sagisag naman kasarian ng lalake habang

ang TA ay mula sa hitsura ng sinaunang martilyo na gamit sa paghampas o pagdurog na bato. Ilan pa sa paglalarawan ni Guillermo ang sumuasunod: MA -isang sinaunang pana na tanging ang malakas lamang ang nakagagamit KA WA

-dalawang linya na itinaling bilang isa, basehan ng salitang kasama, kaugnay, kakabit, kabiyak at katipunan - represents the turning back of the end of the thread from a spool. It describes nihilistic impulse to turn against oneself to yield to the dark forces of

destruction, NGA DA

to deny life and existence. Hence it is found in such words as WAKAS, WALA, WASAK and WATAK - nagpapakita ng ingay ng hayop tulad ng baka at kalabaw na nag-iingay nang UNGA - nagpapakita ng dalawang linya, tuwid o nakaliko na repleksyon ng dinaanan ng tao o hayop. Kung kaya

ang salitang DAAN ay nagpapakita ng direksyon tulad ng DOON, DITO, DIYAN at DULO. Gaano man katumpak o kalihis ang paliwanag ni Guillermo Tolentino tungkol sa alibata ay hindi maitatatwang tiyak na may pinagmulan ang bawat naimbentong titik ng ating mna ninuno. Higit pa sana itong napagyaman at napaunlad kung marami ang nagsikap at nagtangkang paunlarin ito. Ganun pa man ay hindi pa huli ang lahat. may mga guro pa rin na nagsisikap na ituro ito sa paaralan at maging sa internet ay may web site na nagpapaliwanag sa epektibong paggamit ng alibata. Hinggil naman sa text messaging, may malaking pagkakatulad ang proseso ng paggamit nng salita sa cellphone at ang pagbabaybay gamit aang alibata. Sa cellphone ang pagpapantig at pagpapaikli ng salita ay tulad rin sa prinsipyo ng pagpapantig gamit ang Baybayin. Halimbawa, kung itatayp sa cellphone ang pangungusap na PUPUNTA AKO SA BAHAY, tiyak na ganito ito paiikliin sa PPUNTA AKO S BHY. Malinaw na ang texting at ang paggamit ng alibata ay parehong nakabatay sa konsepto ng pagpapantig. Magiging kumplikado ang lahat kung taglish ang pagtetext, halimabawa, PPUNTA ME SA HAWS katumbas ng naunang halimbawa. Hiwalay sa paksa ng Baybyin, nababahala ang mga lingguwista sa tinatawag nilang pagkawasak ng balarila sa wikang English man o sa Filipino. Kung tutuusin ay wala namang problema dito kung nagkakaunawaan naman ang dalawang nagpapalitan ng text messages ngunit lumilitaw ang problema sa mga estudyante kapag sila ay naatasang gumawa ng sulating pagsasanay sa Filipino. Ang panghalip na niya ay nagiging nya at ang siya ay nagiging sya. Mas malala pa ang pagkasira ng konsepto ng pamanahunan ng pandiwa at ang maling

paggamit ng pang-ugnay na nang na bunga na rin ng pagkasanay ng mga magaaral sa pagpapaikli ng mensahe sa cellphone. Kung kaya ang panukala sa ganitong sitwasyon ay mahigpit na pagwaswasto ng mga guro sa mga munti mang pagkakamali ng mga mag-aaral sa pagsulat nila ng mga pormal na komposisyon upang matiyak na ang mga batas sa balarila ay naipatutupad. Sa ganitong paraan ay mapipigil ang pagkasira ng mga panuntunan sa wika. Kung talagang susuriin ay hindi naman talaga bago ang texting ayon kay Dr. Isagani Cruz. Sa kanayang artikulong may pamagat na ANG TXTNG BLNG TXTO na lumabas sa MALAY XVII (1) noong Agosto 2002, ipinaliwanag niya na ang proseso ng texting ay walang ipinagkaiba sa speedwriting noon pa mang unang panahon sa England. Ang nabago lang ay ang teknolohiya ng paggamit ng speedwriting sa cellphone. Binigyang diin din ni Dr. Cruz na maging sa Baybayin o Alibata ay may istruktura ng texting lalo pa sa Bisayang alibatang pagbabaybay ng mga pagbating maayong aga, maayong buntag, maupay na aga, daghang salamat na higit na mauunawaan pag binisita ang web site ng (alibataatpandesal.com). Anupa’t ang ebolusyon ng wikang Filipino mula sa alibata patungong text messaging ay sadyang malinaw na masasalamin kung pagtutuunan ng pansin. Kung kaya, kung patuloy na payayabungin ang paggamit ng alibata, hindi kataka-takang balang araw ay magkaroon na ng espesyal na cellphone na ang keypad ay may alibata o kaya naman ay computer na may lengguwaheng gumgamit ng alibata. Ang kailangan lamang ay ating pahalagahan ang paggamit nito at huwag isipin ang depinisyon ng praktikalidad na nakabatay sa dikta ng dayuhan sa ating ekonomiya at kultura. Kung patuloy na payayabungin ang Wikang Filipino at gagamitin ang Baybayin, ang susunod na henerasyon ang makikinabang sa pagpupunyaging maaaring pasimulan natin ngayon sa kasalukuyan.

Related Documents

Wika
June 2020 3
Wika
November 2019 11
Wika Sanaysay.docx
December 2019 4
Wika 1 .pptx
November 2019 3
Tuga Ibu Wika (selvi)
June 2020 9