Uri Ng Pangungusap Ayon Sa Kayarian-payak, Tambalan, O Hugnayan.pptx

  • Uploaded by: Maricson Bas
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Uri Ng Pangungusap Ayon Sa Kayarian-payak, Tambalan, O Hugnayan.pptx as PDF for free.

More details

  • Words: 785
  • Pages: 29
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian Maria Ruby De Vera Cas Pasong Buaya II E/S Imus City, Cavite

ISIPIN Dang, nakawiwili palang manood ng mga paninda sa bahay-tindahan ng mga Bikolano, ano?

Oo nga, Alma. Nakawiwili ring panoorin ang mga dalaga’t binatang umaawit ng Lubi-Lubi.

BASAHIN Lubi-Lubi Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre Lubi-Lubi. Kun dai si abaniko Patay na ining lawas ko Lawas ko ay, ay, madidismayo Kun dai si abaniko.

BASAHIN Ang sampung pares ng dalaga’t binata ay gumawa ng isang malaking bilog. Sa gitna ng bilog ay may isang pareha. Sumasayaw sila at pumapalakpak naman ang iba. Kapag tapos na ang pareha, kumukuha sila ng ibang pareha.Isinusuot nila sa bagong pareha ang kanilang suot na sambalilo.

BASAHIN Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong pareha at sila naman ang sasayaw. Patuloy ang sayaw hanggang sa lahat ng pareha ay makapunta sa gitna.Mabilis ang sayaw at masigla ang lahat. “ Masayahin pala ang mga Bikolano, ano?” sabi ni Alma.

BASAHIN

“Masasaya at masisipag sila,” sagot ni Dang. “Tingnan mo ang mga paninda nila. Yari sa abaka ang mga tsinelas, bag, lubid, sinturon, placemat, kulambo, at kurtina.” “Alam mo kung anong ibig ko?” ani Dang. “Bibili ako ng matamis na pili.” “Ako rin,” sagot ni Alma.

TALAKAYIN

1.Bakit masasabing masayahin ang mga Bikolano? 2. Paano patutunayang masisipag din sila? 3. Ano ang sinasabi ng awit?

ALAMIN Ayon sa gamit, napag-aralan nating ang pangungusap ay maaaring paturol, pautos, patanong, at padamdam. Ayon naman sa kayarian, ang pangungusap ay maaaring payak,tambalan,o hugnayan.

ALAMIN

a. Ang payak na pangungusap ay nakapag-iisa. Halimbawa: Nagpunta sina Alma at Dang sa bahay-tindahan ng mga Bikolano.

ALAMIN b. Ang tambalang pangungusap ay may dalawa o higit pang ideyang inilalahad. Halimbawa: Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong pareha at sila naman ang sasayaw.

ALAMIN c. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at di-sugnay na nakapag-iisa. Halimbawa: Pagkatapos na magsayaw ang pareha,kumukuha sila ng ibang kapareha.

Tandaan • Ang payak na pangungusap ay nakapag-iisa.Malayang sugnay ito na may simuno at panaguri. Maaaring dalawa ang simuno o panaguri ngunit iisa pa rin ang diwa ng pangungusap. Payak pa rin ito.

Tandaan • Ang tambalang pangungusap ay may dalawa o higit pang ideyang inilalahad. Ginagamitan ng mga pangatnig na at, ngunit, at o ang pag-uugnay sa dalawang payak na pangungusap. Dalawang malayang sugnay ang tambalang pangungusap.

Tandaan 1. Ginagamit ang at kung magkasimpantay o magkasinghalaga ang mga ideya ng dalawang malayang sugnay. Halimbawa: Umaawit ang mga dalaga’t binata at sumasayaw sila ng Lubi-Lubi.

Tandaan 2. Ginagamit naman ang ngunit kung magkasalungat o di-pares ang ideya. Halimbawa: Mahilig sa pagsasaya ang mga Bikolano ngunit may panahon din sila sa kanilang gawain.

Tandaan

3. Ginagamit naman ang o kung may pagpipiliang alinman sa dalawang ideyang nakalahad. Halimbawa: Sasayaw ka ba o aawit ng LubiLubi?

Tandaan • Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na dinakapag-iisa. Ginagamit na pangugnay ng mga sugnay ang mga pangatnig na kung, kapag, pag, nang, upang, dahil sa,sapagkat.

ALAMIN

a. Sugnay na makapag-iisa-lipon ng mga salitang may buong diwa. b. Sugnay na di-makapag-iisa-lipon ng mga salitang walang buong diwa at bahagi lamang ng pangungusap.

ALAMIN

Halimbawa: SM

Magbabakasyon ako sa Baguio SDM kung sasama ka.

ALAMIN

Halimbawa: SM

SDM

Nagkasakit si Lola dahil nabasa ng ulan.

SABIHIN A. Mag-usap kayo ng kamag-aral mo. Pag-usapan ninyo kung ang sumusunod na mga pangungusap ay payak, tambalan, o hugnayan. Magpalitan kayo sa pagsagot. 1. Masigla kaming naglalaro nang biglang bumuhos ang ulan. 2.Nalilibang si Totoy sa paglalaro.

SABIHIN 3. Hindi gaanong matalino si Marie ngunit matiyaga siyang mag-aral. 4.Siya ang nagpapasaya sa amin. 5. Ako ang magtatanim at ikaw ang magdidilig.

GAWIN A. Sabihin kung payak, tambalan, o hugnayan ang sumusunod na mga pangungusap. 1. Ang sampung pares ng dalaga’t binata ay gumawa ng malaking bilog. 2. Mabilis ang sayaw at masigla ang lahat.

GAWIN 3.Sumasayaw sila at pumapalakpak naman ang iba kapag natapos na ang isang pangkat. 4. Isinusuot nila sa bagong pareha ang kanilang suot na sambalilo. 5. Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong pareha at sila naman ang sasayaw.

GAWIN B. Suriin ang sumusunod na tambalang pangungusap. Ibigay ang dalawang sugnay na nakapag-iisa na bumubuo sa pangungusap. Halimbawa: 1. Masasaya ang mga bata at masisigla silang naglalaro. a. Masasaya ang mga bata. b. Masisigla silang naglalaro.

GAWIN 2. Matataas ang puno ng saging at mahahaba naman ang dahon ng punong abaka. 3. Maraming isda ang nahuhuli sa Albay ngunit maraming alimango at sugpo sa Sorsogon. 4. Sagana sa puno ng niyog ang Quezon at bihira roon ang pili at abaka.

GAWIN

5. Bibili ba kayo ng matamis na pili o maglalaro kayo ng lutulutuan?

Related Documents


More Documents from "Venia Valdez Galasi"