NAME: Villaceran, Tristan Loyed I. Enero 2009 KURSO, TAON AT SEKSYON: BSN-1W Macol
PETSA: Ika-14 ng GURO: Gng. Vilma C.
SIKWENSYAL Ang Nursing noong una ay isang trabahong ginagampanan bilang parusa sa mga kababaihang inaresto dahil sa paglalasing sa publiko at paggawa ng mga imoral na gawain. Kinalaunan, ang trabahong ito ay sinalo ng mga madre mula sa iba’tibang orden upang mapabuti ang pangangalaga sa mga maysakit. Sa mga panahong iyon, kulang pa ang mga kaalaman at kasanayan sa tamang pangangalaga ng mga may karamdaman. Sa kagustuhang mapabuti ang kalagayan ng mga pagamutan, di sinasadyang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga tagapamahala at mga doktor sa ilang mga ospital. Ang mga tagapamahala ay nagpokus sa mga pangekonomikong responsibilidad, at ang mga doktor naman sa mga prosesong terapyutiko at pagtuturong medikal. Dumating din sa wakas ang transisyon ng mga ospital tungo sa medikalisasyon. Dahil dito, umiral ang ebolusyon sa mga pagamutan nang tangkilikin ito ng ilan pang mga taong maysakit bukod pa sa mga mahihirap. Tumaas ang bilang ng mga nagpapagamot sa mga ospital. Nagkaroon ng malaking pangangailangan sa mga nars. Ang mga nangarap mag-nars ay lumikha ng demand para sa pagtuturo ng mga kaalaman at kasanayan sa aspetong pisikal, mental, emosyonal, moral, at paghahanda para sa masasalimuot na pangangailangan ng kursong nursing. KRONOLOJIKAL Noong 1854, sa pagsisimula ng Digmaang Crimea, pinakiusapan ni Sidney Herbert, Kalihim Pandigma ng Britanya, si Florence Nightingale na pumunta sa Scutari. Si Nightingale ang naging “Superintendent of the Female Nursing Establishment of the General Hospitals” sa Scutari, Turkiya. Sa pagbalik niya sa Britanya noong 1859, ipinalimbag niya ang kanyang aklat na “Notes on Nursing”, na naglalaman ng mga pantulong sa mga ina sa pangangalaga ng maysakit at sa pamilya. Taong 1860 nang buksan ni Nightingale ang Nightingale Training School ng St. Thomas Hospital. Kumalat ang balita tungkol sa tagumpay ng naturang programa, at noong 1873, binuksan ang unang Nightingale School ng Estados Unidos sa New York Training School ng Bellevue Hospital. 1889 nang buksan ni Isabel Hampton ang Johns Hopkins Hospital, na nagsanay ng 105 na mga estudyanteng nars sa unang apat na taon. Mula 1890 hanggang 1920, tumaas ang bilang ng mga paaralang pangnars mula 35 hanggang 1,775. PROSIDYURAL Ang Information Technology o IT ay nakatutulong sa mga nars na makapaglaan ng mas maraming oras sa mga pasyente at hindi sa paglalagom ng mga datos lamang. Halimbawa, ang mga monitoring systems na ginagamit sa mga bagong silang na kulang sa buwan ay ang siya nang nagkokolekta at nagrerekord ng mga biometric data, at binibigyan ang nars ng oras upang mahimas pa ang likod ng sanggol. Ang Nursing at IT ay nakikitaan ng isang produktibong relasyon, at para gumana ang ganitong uri ng pagtutulungan, ang nurse ay kailangang sumunod sa babanggiting proseso. Una, marapat na palawakin ng nars ang kanyang kaalaman. Sa pagpasok ng isang nars sa kanyang propesyon, dapat niyang matutunan ang iba pang mga disiplinang makatutulong upang mapadali at mapabuti ang kanyang trabaho, gaya na lang ng IT. Ikalawa, sikaping makakuha ng sertipikasyon bilang isang Certified Informatics Nurse. Ang ganitong klase ng nars ay may sapat na
kaalaman sa mga gawaing may kinalaman sa “Information Handling” sa nasabing propesyon. Ikatlo at panghuli, maging mapagmatyag. Walang solusyong pang-IT ang makahahalili sa “clinical judgment” ng isang nars. Gumagamit man siya ng mga makina pantulong sa pagkompleto niya ng ilang gawain, nananatili pa rin siyang responsible sa tama at naaayong pagkolekta ng datos, analisis ng mga nakolektang impormasyon, at sintesis ng mga ito.