Filtan1

  • Uploaded by: Stan Israel Loyed
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filtan1 as PDF for free.

More details

  • Words: 785
  • Pages: 2
PANGALAN: Villaceran, Tristan Loyed I. KURSO,TAON AT SEKSYON: BSN1-W

PETSA: Ika-16 ng Pebreo, 2009 GURO: Ginang Vilma C. Macol

Ang Pagdiriwang ng Sinulog sa Cebu Viva Pit Señor! Ito ang mga katagang madalas na nababangit sa pagsapit ng araw ng Sinulog. Tuwing Enero, ang isla ng Cebu ay dinarayo ng mga deboto at turistang galing pa sa ibang lupalop ng mundo , o ‘di kaya’y sa iba pang bahagi ng bansa. Ito ay upang masaksihan ang pinakaprestihiyosong festival sa buong Pilipinas na napabantog sa makulay, masaya, at engrandeng selebrasyon ng kapistahan ni Sr. Santo Niño. Tampok sa naturang kasiyahan ang katang-tangi at magagandang gayak ng mga mananayaw na umiindak sa indayog ng mga bombo at gong. Bagama’t ang pinakaprominenteng parte ng Sinulog ay ang Mardi Gras, ang kapistahan ni Sr. Sto. Niño ay hindi nagsisimula at nagtatapos sa mismong araw ng pista. Makukulay at makasaysayang mga seremonya at tradisyon ang ginugunita bago ang araw ng pista, at maging sa pagkatapos nito. Ika-7 ng Abril taong 1521 nang dumating si Ferdinand Magellan at ipinagkaloob ang imahen ng batang Hesus, ang Sto.Niño bilang regalo sa binyag ni Hara Amihan, asawa ni Rajah Humabon. Kasama ng dalawa, nabinyagan din ang 800 na mga katutubo tungo sa Katolisismo. Nananatiling palaisispan kung papaano nakaligtas ang imahen ng Santo mula sa sunog na umubos ng humigit kumulang sa apat na raang mga kabahayan, limang siglo na ang nakakaraan. Ika-28 ng Abril taong 1565 nang matagpuan ni Juan Camus, isang sundalong kastila, ang isang imahen ng batang Hesus mula sa isa sa mga nasunog na bahay. Ang kanyang natagpuang imahen ay walang iba kundi ang mismong Sto. Niño na inihandog ni Magellan sa unang mga Pilipinong naging Katoliko. Ang Sinulog o Pista Senyor ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Enero bilang pagsamba at pagpapasalamat kay Sr. Sto. Niño. Siyam na araw bago ang araw ng pista, dumadagsa ang mga deboto ng batang Hesus sa Basilica Minore del Sto.Niño para sa taunang Misa Novena. Sinisikap ng mga deboto na kumpletuhin ang siyam na araw ng pagsisimba bilang isang panata at petisyon sa Patron para sa kanilang mga pangangailangan. Ang araw ng Disperas ay sinisimulan ng Fluvial Procession kung saan ibinabyahe ang imahen ng Niño sa isang galyon na may kasamang plotilya. Sa parehong araw ginaganap ang lakarang prusisyon. Ang Sto.Niño, kasama ng ilan pang mga imahe at sakay ng isang magarang karosa na pinalamutian ng mga bulaklak, ay dumadaan sa mga piling lansangan ng Cebu. Ang mga kalsada ay napupuno ng mga deboto na sinusundan ang karosa, dala ang kanilang mga imahen ng Niño at daing ang kanilang mga panalangin. Ang prusisyon ay nagtatapos sa pagbalik ng Sto.Niño sa Basilica. Sa pagdating ng Niño, kinakanta ang pamilyar na Gozos, kasabay ang maluhog na kaway ng mga deboto. Dito sinisimulan ang pagdaraos ng Misa Disperas. Sa pagbigay ng huling benediksyon, umaalingawngaw sa buong Pilgrim Center ang kilalang ritmo ng mga tambol, hudyat ng tradisyunal at relihiyosong pagsasayaw ng Sinulog. Ang ambiyansya ng kagalakan ng buong madla ay sinasabayan ng isang kamangha-manghang Fireworks Display.

Sa araw ng pista, inaabangan ng lahat ang Sinulog Mardi Gras. Tampok dito ang mga kalahok na galing pa sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas na sasabak sa kompetisyon. Bago ang showdown sa Sports Complex, ipinaparada at pinasasayaw ang mga kalahok sa mga lansangan ng Cebu. Matapos ang kanilang paglilibot, diretso naman sila sa Abellana Sport Complex na kung saan nagaganap ang Showdown Proper. Dito nila ipinapamalas ang bunga ng kanilang matinding paghahanda at pag-eensayo para sa nasabing patimpalak. Sa buong araw at gabi ng pista Senyor, mistulang ‘di mahulugan ng karayom ang mga pangunahing kalye ng Cebu City sa dami ng mga taong nakikipiyesta. Isang linggo matapos ang piyesta, ang Hubo o ang pagbibihis ng Sto. Niño ay ginaganap sa Basilica Pilgrim Center. Ang sagradong ritwal na ito ay isinasagawa sa kalagitnaan ng misa. Lahat ng mga kasuotan ng Niño ay pinapalitan ng bago, at kasabay sa pagsusuot ng mga bagong saplot at artikulo ang mga karampatang panalangin. Ang mga seremonyang ito ay kumakatawan sa pagwawaksi ng mga masasamang ugali tungo sa pagsisimula ng isang bagong buhay. Samakatuwid, ang pagdiriwang ng Sinulog ay maraton ng mga gawaing inaalay sa kadakilaan at kabanalan ng batang Hesus. Ito ay isang pagbubunyi at pasasalamat sa kasaganaang natamo mula sa mga dalangin kay Sr. Sto. Niño. Ang bawat seremonyang napapaloob sa Sinulog ay may kaakibat na kahulugan. Ito ang mga bagay na dapat nating pagnilayan at maisabuhay upang tuluyang mabigyan ng kabuluhan ang naturang pagdririwang. Ang lahat ng prestihiyo ng Sinulog ay marapat lamang para sa batang hawak ang mundo, ang kapayapaan, at ang kapangyarihan sa kanyang mga kamay. Sa imahen ng Sto. Niño masisilayan ang mapagkumbabang Hesukristo na mapagtalima sa mga kagustuhan ng Ama.

Related Documents

Filtan1
April 2020 1

More Documents from "Stan Israel Loyed"

Tanfil
April 2020 2
Filtan1
April 2020 1
Tanfil2
April 2020 2
Cwts
April 2020 3