Tanfil

  • Uploaded by: Stan Israel Loyed
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Tanfil as PDF for free.

More details

  • Words: 584
  • Pages: 2
Pangalan: Villaceran, Tristan Loyed I. Kurso, Taon at Seksyon: BSN1-W

Petsa: Ika-9 ng Enero 2009 Guro: Ms. Vilma C. Macol

PANGANGALAGA SA KALIKASAN Tungkulin ng lahat ang pangangalaga sa kalikasan. Ang pakikinabang sa mga yaman ng kalikasan ay nalalakipan ng mga tungkulin sa pangangalaga nito. Wala ni isang tao sa buong mundo ang hindi nakatikim ng alinmang handog ng kalikasan. Sa katunayan, ito ang tumutustos sa ating mga pangunahing pangangailangan sa pangaraw-araw. Tiyak, tayong lahat ay nakinabang sa mga yamang handog ng kalikasan. Dahil dito, ang pangangalaga sa ating likas na kapaligiran ay hindi lang nakatalaga para sa iilan. Ito ay isang responsibilidad na dapat gampanan ng buong sangkatauhan. Hindi na bago sa atin ang makarinig ng mga balita tungkol sa untiunting pagkasira ng ating mga likas na yaman. Ang mga naturang pagkasira ay mga banta sa masaganang kaloob sa atin ng mundo. Kung sa gayon, marapat lang na sa maikling panahon ay maagapan ang kapinsalaang tayo rin ang maykagagawan. Nandito ang ilan sa mga paraan o kaisipang dapat nating matutunan at maisagawa. Una, bago gawin ang isang bagay, marapating suriin muna ang mga magiging epekto nito sa kapaligiran. Ikalawa, sikaping mangibabaw ang organik na sistema sa paggawa ng mga bagay-bagay. Ikatlo at panghuli, bilhin lamang ang mga bagay na kailangan at tiyak na magagamit. Bago gawin ang isang bagay, marapating suriin muna ang mga magiging epekto nito sa kapaligiran. Kinakailangan ang masusing pagtatantiya ng mga kabutihan at kasiraang madudulot ng pagsasagawa ng isang bagay sa kalikasan. Bukod pa rito, kailangan rin ang kasanayan sa paunang kasilayan sa mga maaaring mangyari dulot ng isang aksyon. Sa ganitong paraan, maaari nating maiwasan ang mga kapinsalaan sa kapaligiran, at ang pagdami at paglala pa ng mga ito. Gaya na lang ng pagputol ng mga puno. Sa pagsusuri ng mga maaaring mangyari dulot ng naturang aksyon, mahihinuha natin na maaaring maapektohan nito ang posibilidad na magkaroon ng mga pagguho dulot ng mahinang kapit ng lupa. Maaari rin ang pagkaubos ng ilang species ng mga endangered na ibon dulot ng kakulangan nila ng tirahan. Sadyang maraming buhay at kayamanan ang maiililigtas dahil sa ganitong kaisipan. Sikaping mangibabaw ang organik na sistema sa paggawa ng mga bagaybagay. Ang organic na sistema ay yaong mga pamamaraang hindi banyaga sa natural na komposisyon ng kalikasan. Ang mga bagay na organik ay mas madaling idecompose ng kapaligiran kaysa mga bagay na produkto ng mga artifisyal na sistema. Bukod pa rito, ang sistemang organik ay ang natural na pamamaraan ng mundo upang maibalik ang mga sustansyang nakuha ng isang bagay, tungo sa lupa kung saan ito ay muling mapapakinabangan. Wika nga, ang anumang galing sa lupa, ay dapat ibalik sa lupa. Bilhin lamang ang mga bagay na kailangan at tiyak na magagamit. Sa paraan at kaisipang ito mababawasan natin ang pagdami ng basura. Ito ay dahil sa pamamaraan ng paggawa ng mga kasangkapan, hindi lang tayo umaangkat ng mga natatanging materyales mula sa kalikasan at nagiging banta sa pamamalagi ng mga yamang ito; tayo rin ay nakadaragdag sa sukal na dulot ng mga pabrika at pagawaan. Sa mataas na demand para sa mga kasangkapan, tumataas din ang demand sa paggawa at ganun din sa kabuuang basurang dulot ng industriyalisasyon. Kaya, kapag maari pang magamit ang isang bagay at hindi pa naman nasisira, sulitin muna ang paggamit nito at huwag agad bibili ng bago. Bukod sa pagbawas sa

polusyong dulot ng industriyalisasyon at pagtitipid sa mga likas na yaman, higit sa lahat, tayo pa ay makakatipid sa pera kapag susundin natin ang kaisipang nabanggit.

Related Documents

Tanfil
April 2020 2

More Documents from "Stan Israel Loyed"

Tanfil
April 2020 2
Filtan1
April 2020 1
Tanfil2
April 2020 2
Cwts
April 2020 3