Pokus Sa Filipino

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pokus Sa Filipino as PDF for free.

More details

  • Words: 754
  • Pages: 13
POKUS SA FILIPINO

Introduksyon Tinatawag na pokus ang pambalarilang kaugnayan ng pandiwa sa mga kaganapan nito. Nalalaman ang pokus ng pangungusap sa pamamagitan ng panlapi ng pandiwa at kung ano ang kaugnayan ng simuno sa pandiwang ito. Sa mga pangungusap na predikatibo, mga pandiwa ang ulo ng panaguri.

• • •

Sa mga ganitong uri ng pangungusap maaaring mabanggit ang mga kaganapan nito, mga pariralang pangngalan na may pambalarilang kaugnayan sa pandiwa ng pangungusap. Sa mga pangungusap na ang simuno ang siyang gumaganap o may kinalaman sa pagkakaganap ng gawain, maaaring isa o higit pa sa mga kaganapang ito ang matatagpuan sa isang pangungusap. Halimbawa: Nagpadala ng sulat sa kapatid si Richard. Kinuha ng lalaki ang aklat sa library para sa bata. Pumutol ng kahoy sa bukid ang matanda sa pamamagitan ng itak.

• • •

Alinman sa mga kaganapang ito ay maaaring gawing simuno ng pangungusap. Sa gayo’y nagiiba ang panlaping ginagamit sa pandiwa at ang gumaganap o may kinalaman sa pagkaganap ay hindi pinangungunahan ng “ang” o “si”, “ang mga” o “sina” kungdi ng “ng” o “ni”, “ng mga” o (kita, ko, mo, niya, natin, namin, ninyo, nila, niyan, noon). Halimbawa: Ibinili ng tatay ng sapatos sa SM sa pamamagitan ng tseke ang kanyang anak na babae para sa kaarawan nito. Ipinambili ng sapatos ng kanyang anak na babae sa SM ng tatay ang tseke para sa kaarawan nito. Binilhan ng sapatos ang SM ng tatay gamit ang tseke para sa kaarawan ng kanyang anak na babae.

Ang mga panlapi ay nagpapakita lamang kung alin sa mga kaganapan ng pandiwa ang binibigyan ng pokus o tuon. Ang bahaging mabibigyan ng pokus, ayon sa mga panlapi ng pandiwa ay ang mga sumusunod: • Tagaganap o aktor - Bumili ka ng gatas para sa bata. 4. Tagatanggap o tuwirang layon - Bilhin mo ang gatas para sa bata. 6. Ganapan o lokasyon - Bilhan mo ng gatas ang botika sa kanto.

4. Instrumento o kasangkapan - Ipambili mo ang pera ko ng gatas sa botika sa kanto. 5. Pinaglalaanan o benefaktibo - Ibili mo ng gatas sa botika sa kanto ang bata. 6. Dahilan o kosatibo - Ikinatuwa ng bata ang pagbili mo ng gatas sa botika sa kanto. 7. Resiprokal o gantihan - Kinasundo ng ina ang tindera ng gatas sa botika sa kanto.

Ang mga Panlapi sa Iba’t ibang Pokus •

Aktor Pokus – nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang pokus ng simuno ng pangungusap. -um – Tumulong sila sa mga biktima ng landslide sa Leyte. Mag – Nagbigay ng donasyon ang mga tumulong. Ma- Natatakot akong mawalay sa iyo. Mang – Manghihiram ako ng pera sa kapatid ko. Maki- Makibili na lamang kayo ng gamit sa kanila. Makapag- Makapagbibigay ka ba ng ganuon kalaking tulong?

2. Layon Pokus – nagtuturo ng layon bilang simuno ng pangungusap. i- Ibinigay ng tatay ang perang kailangan ng anak. -in/hin – Hiniram ng kaklase ko ang aking aklat. -an/han – Talian mo ang mga paa ng manok nang di ito makatakbo. Ma- Nakamit nila ang unang gantimpala sa contest. Paki – Pinakikidala ng guro ang aklat niya. Ipa- Ipinahiram ng guro ang kanyang aklat. Pa – an/han – Pabalutan natin ang aklat.

3. Pokus sa ganapan – nagtuturo na ang ganapan o lugar na pinangyarihan ang siyang simuno ng pangungusap. -an/han – Dinalhan niya ng pera ang kanyang kapatid. Pag-n/han – Pinagkunan ng bata ng aklat ang library. Mapag-an/han – Mapagkukunan ng bagong kaalaman ang computer laboratory. Ma-an/han – Nakukunan ng maraming sariwang gulay ang Baguio. Paki-an/han – Pakibantayan naman ang bahay habang wala ako.

4. Pokus na Pinaglalaanan – nakatuon sa bagay o taong nakikinabang ng kilos. Ipag – Ipaglaba mo nga ako. i- Igagawa ka raw nila ng project. Ipang- Ipanghiram mo ng pera ang iyong kaibigan. Ma+i – Maihihiram ko siya ng pera sa iba. i+paki – Ipakitawag naman ang matanda ng taksi.

5. Pokus sa Instrumento – nagtuturo sa gamit sa pagganap ng kilos. Ipang- Ipanghihiram ng magkapatid ang titulo ng lupa at bahay nila. Ma+ ipang – Maipangsasahog ang natitirang gulay sa putaheng lulutuin.

6. Pokus sa Kadahilanan – nakapokus sa dahilan ng pagkakaganap ng kilos. Ika- Ikinamatay ng mga biktima ang landslide. Ikinainis ng mga awdyens ang kawalang kaayusan ng pila sa ULTRA. Ikinagulat ng maraming tao ang pagkamatay ng mga tao sa stampede.

7.Pokus sa Resiprokal – nakatuon sa gantihang kilos ng mga kalahok. Ka-in/hin – kinagalit ng aso ang pusa. Nag – Nagsuntukan ang mga tambay sa kanto. Kinasundo ng matanda ang lalaki upang maikasal.

Related Documents

Pokus Sa Filipino
May 2020 8
Proyekto Sa Filipino
December 2019 15
Proyekto Sa Filipino
November 2019 11
Proyekto Sa Filipino
July 2020 12
Proyekto Sa Filipino
June 2020 7