Radzlan_1.docx

  • Uploaded by: Abram Jethro Polinar
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Radzlan_1.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,059
  • Pages: 11
Episcopal Diocese of the Southern Philippines BRENT HOSPITAL AND COLLEGES INCORPORATED R.T Lim Boulevard, Zamboanga City

MGA EPEKTO NG CYBERBULLYING SA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL SA BRENT HOSPITAL AND COLLEGES INCORPORATED

Dahon ng Pagpapatibay

Mga Mananaliksik: Hajim, Radzlan L. Polinar, Abram Jethro F.

Isinumite kay: G. Geron T. Lumapay

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Departamento ng Senior High School ng Brent Hospital and Colleges Incorporated Bilang Katugunan sa Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 2 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

March 2019

PANIMULA Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na ang lahat ng bagay sa mundo, hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis napagkatuto ng mga tao sa anumang bagay sa kanyang paligid, laganap ang isang di pangkaraniwang suliranin sa kagamitan ng mga teknolohiya na kung saan ang mga kabataan ang madalas na nabibiktima rito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na “cyberbullying”. Ang Cyberbullying o pagmamaton gamit ng teknolohiya ay kabilang sa bullying. Ito ay hindi isang karaniwang komunikasyon na maaring masangkot ng isang pagbaba ng tingin ng isang tao sa sarili o ang pinaka – malala ay isang panganib sa buhay dahil sa pagbabanta ng mga kaibigan o mga hindi kilalang tao. Ito ay tinuring na “kapag ginagamit ang Internet, teleponong selular at iba pa sa paghahatid ng mensahe o mga larawan na naglalayong manakit o magpahiya ng kapwa”. Ang ilan sa mga mananaliksik ay ginamit ang parehong lenggwahe upang ipaliwanag ang nasabing katawagan. Ang pagmamaton sa internet ay ang patuloy na pagpapadala ng mensahe sa isang tao na nagsasabing hindi nila kilala kung sino ang nasa likod nito na may kasamang pagbabanta, seksuwal na nilalaman, nakakainsultong pananalita, panghahamak at pagpapahatid ng mga maling pahayag na nagdudulot ng pagkawala ng kahihiyan ng isang tao.

Ang sikolohiya ay emosyonal na kinakalabasan ng Cyberbullying ay katulad sa tunay na buhay na pananakot o pangbubully. Ang pagkakaiba ng dalawa ay madalas nagtatapos sa totoong buhay ang pananakot kahit sa loob ng paaralan. Cyberbullying ay nagging malubhang problema para sa mga estudyante at maaaring maging sanhi ng pangmatagalang sa mga biktima at nananakot. Ito ay mahalagang ihinto at makakuha ng tulong sa mga tao na kasangkot, ngunit maaaring maging mahirap na malaman kung paano ito ihinto. Ang mga magulang at iba pang mga nag – aalaga at nagbabantay ay maaaring magtrabaho kasama ang mga kabataan na labag dito upang maiwasan o ihinto ang Cyberbullying. Dahil ito ay hindi nakakabuti sa kahit na sinong mamamayan dito. Ika-6 ng Hunyo 2013 nang ipasa ng mataas na kapulungan o Senado ng ika-15 Kongreso ang Senate Bill 2667 o mas kilala bilang Anti-Bullying Act of 2011. Enero 2012 naman nang ipasa sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 5496, o Anti-Bullying Act of 2012. Layon ng batas na maging pangangailangan sa lahat ng elementarya at hayskul sa buong bansa na pagkaroon ng mga polisiya upang mahadlangan at magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng pambu-bully sa kanya-kanyang institusyon. Ayon sa batas, ang pambu-bully ay mangangahulugan ng kahit anong paraan ng panggigipit na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa—pisikal man, berbal o mental— na naglulundo sa kawalang ganang o takot na pumasok ng isang estudyante sa eskuwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cyber-bullying.

Alinsunod sa batas. Ang bawat eskwelahan ay marapat na magkaroon ng mga pagsasanay para sa kaguruan at iba pang empleyado nito upang mapaunlad ang kaalaman at kahandaan hinggil sa pagpigil at paghadlang na maganap ang pambu-bully. Kung sa magkaibang eskwelahan naman nagmula ang estudyanteng nakagawa ng pambu-bully at ang biktima, kailangang magkausap ang administrasyon ng dalawang eskwelahan para sa karampatang aksyong kailangang maisagawa. Lahat ng mga kasong maitatala ng eskwelahan ay marapat na maiulat nang nakasulat sa Division Superintendent. Ang Division Superintendent nama'y titipunin ang lahat ng ulat upang iakyat naman ito sa Kalihim ng Kagawaran sa Edukasyon; ang Kagawaran naman sa Committee on Basic Education ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso. Binibigyan din ng batas na ito ang Kagawaran sa Edukasyon ng kapangyarihang magpatupad ng kaukulang parusa sa mga indibidwal o eskwelahang lalabag sa batas e.g. pagtatanggal ng permiso upang makapagpatuloy ng operasyon para sa mga pribadong eskuwelahan. Sa Cyberbullying, ito ay walang pinipiling edad. Kahit matanda, aritista, mga kristianyo at kung sino pa ang mga tao, lalong lalo na ang mga estudyante, ay nakaranas na din ng bullying o cyberbullying. Alam ko to ay hindi mahihinto ngunit pwede itong iwasan.

Bill Belsey (2011), ang Cyberbullying ay maituturing na isang gawaing bullying o pagmamaton. Ang pagmamaton ay isang uri ng pang-aapi o panunupil, na isang ring uri ng ugaling mapanalakay, mapaghandulong o agresyon na kinakitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon (sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, partikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan. Maaari itong kasangkutan ng panliligalig ng binabanggit, pagsasalakay o pamimigil na pangkatawan, at maaaring nakatuon nang paulit-ulit sa isang particular na biktima, marahil dahil sa lahi, relihiyon, kasarian, seksuwalidad, o kakayahan. Ang biktima ng pagmamaton ay paminsan-minsan tinuktukoy bilang isang “puntirya” o ang “pinupukol”. (https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagmamaton_sa_Internet) Bennett (2006), ang paghahari-harian ay kinabibilangan ng tatlong saligang mga uri ng pang-aabuso – emosyonal, sinasambit, at pisikal. Karaniwang itong kinasasangkutan ng mapitagang mga paraan ng pamumuwersa katulad ng pananakot o intimidasyon. Ang paghahari-harian ay maaaring bigyan ng kahulugan sa maraming iba’t ibang mga kaparaanan. Ang nagkakaisang kaharian ay kasalukuyang walang pambatas na kahulugan ng pagmamaton, samantalang ang mga estato ng Estados Unidos ay mayroon mga batas dito. Robert W. Fuller (2007), sumasaklaw ang paghahari-harian mula sa payak na isang tao sa isa pang tao na paghahari-harian (nag-aastang parang hari) sa mas kumplikadong pagmamaton kung saan ang maton ay maaaring mayroong isa o maraming mga 'tenyente' na tila nagnanais na tulungan ang pangunahing maton sa kanyang mga gawain ng paghahari-harian. Ang paghahari-harian sa paaralan at sa pook ng trabaho ay

tinatawag ding pang-aabuso ng kauri o pang-aabuso ng kapantay na tao. (https://tl.wikipedia.org/wiki/Paghahari-harian) Ayon sa mga mananaliksik sa kanilang natuklasan, na may mga taong naglalagay ng kanilang komento patungkol sa kanilang naranasan sa pagbubully gamit ang teknolohiya. “Sa ilang pindot lang sa kompyuter”, ang sabi ng 14 anyos na si Daniel, “pwede mo nang masira ang reputasyon ng isang tao – o pati ang buhay niya. Parang sobra naman ang mga salitang iyan, pero pwedeng mangyari iyan!” Kasali rin sa cyberbullying ang pagpapadala ng nakakahiyang mga litrato o text sa cellphone. Ngunit isang kabataan ay nagbigay ng tip para maiwasan ang mga bullies. Sabi ni Antonio “Iwasan ang mga lugar o sitwasyon kung saan madali kang mabu-bully. Tandaan din na may sariling mga problema ang mga bully. Kapag iniisip mo iyon, hindi ka masyadong masasaktan sa sinasabi nila”. (https://www.jw.org) Isa sa tatlong mga tinedyer na online ay nararanasan ang panliligalig. Ang mga batang babae ay mas nagiging biktima nito, ngunit karamihan sa mga estudyante ay sinasabi na sila ay mas nabubully na naka-offline kaysa naka-online. 32% ng mga tinedyer na gumagamit ng internet ay nagsasabing mayroon silang nagging target ng isang hanay ng mga nakakainis at potensyal na menacing online na mga gawain tulad ng pagtanggap ng nagbabantang mensahe; pagkakaroon ng kanilang mga pribadong e-mail o text message na nagpapasa na walang pahintulot; pagkakaroon ng isang nakakahiyang larawan na nai-post nang walang pahintulot sa kanila; o pagkakaroon ng mga hindi totoong kuwento tungkol sa kanila na kumalat.

Ang mga pagmamaton gamit ang teknolohiya o “cyberbullying” ay pag-uugali na maaaring maging tunay na pagbabanta, minsan nakakainis o hindi kaaya-aya. Ngunit ang ilang mga huwaran ay malinaw: ang mga batang babae ay mas nabubully kaysa sa mga lalaki; at ang mga tinedyer na ibinabahagi ang kanilang mga pagkakakilanlan at mga saloobin sa online ay mas maging target kaysa sa mga tahimik lang ang buhay. Sa Cyberbullying ng mga tanong, ang pinakamalaking bilang ng mga estudyante na nagsasabi na sila ay nagkakaroon ng isang pribadong komunikasyon na ipinapasa o pampublikong post nang walang pahintulot nila. Isa sa anim na tinedyer (15%) na nagsasabi sa amin, meron isang tao na nagpopost ng komunikasyon na kahit alam niya na pribado. Tungkol sa (13%) ng mga tinedyer na nagsasabi sa amin na ang isang tao ay nagkakalat ng mga balita na tungkol sa mga online na tao at isa pang (13%) na nagsasabi na ang isang tao ay nagpapadala sa kanila ng isang pagbabanta o agresibo e-mail, IM o text message. Ang ilang mga (6%) ng online na tinedyer ay nagsasabi sa amin na ang isang tao ay nagpopost ng isang nakakahiyang larawan na walang pahintulot sa kanila. Ang karamihan ng mga estudyante, (67%) sinabi na pananakot at panliligalig ang mangyayari sa mga taong naka-offline kaysa naka-online. Mas mahaba sa isa sa tatlong mga tinedyer (29%) sinasabing ang iniisip nila na bullying ito at mas malamang ang mangyayari sa mga naka-online, at tatlong porsiyento ang nagsasabi na inisip nila ito na pwede itong mangyari kahit online at offline sila. Ang mga resultang ito ito ay nagmula sa isang nationally-representative phone survey na 935 na mga tinedyer ang hakilahok sa Pew Internet & American Life Project. (http://www.pewinternet.org)

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Nais namin na ipaalam sa inyo ang cyberbullying sa aming papel – pananaliksik: 1. Ano ang epekto ng cyberbullying sa mga tao? 2. Sino-sino ang mga taong na bubully gamit ang teknolohiya? 3. Bakit nila ito ginagawa at ano ang dahilan? 4. Ano-ano ang anyo ng cyberbullying? 5. Ilan na ang taong na cyberbullying dito sa ating bansa? 6. Ano ang kaugnayan ng cyberbullying at bullying? 7. Ano ang solusyon dito? Ito ang mga tanong na gusto naming ipahayag sa inyo upang mas makilala at malaman ninyo ang aming napiling paksa sa aming papel – pananaliksik. Ang cyberbullying ay madaming epekto sa atin hindi lamang sa pisikal, meron din itong epekto sa kaisipan lalong lalo na sa emosyon pero ito ay madaling hanapan ng solusyon para ito ay maiwasan. Kahalagahan ng Pag-aaral Kahalagahan sa Estudyante Unang una sa lahat, dapat agad nilang malaman ang mga epekto at solusyon sa cyberbullying dahil dito nagsisimula ang pagcyberbullying sa kapwa estudyante. Madaming estudyante ang nagpakamatay dahil sa cyberbullying at dapat sila ay mabigyan agad ng kaalaman patungkol sa mga epekto ng cyberbullying.

Kahalagahan sa Paaralan Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng patakaran ng buong paaralan na may kinalaman sa pambubully gamit ang teknolohiya.

Ang

ganitong

patakaran

ay

kailangang

maisulong

sa

pakikipagtulungan ng mga tauhan ng paaralan, nagtuturo man o hindi nagtuturo, at sumasangguni sa mga magulang at mag-aaaral. Kailangang malinaw na maunawaan ng lahat ng mga kinauukulan ang mga layunin ng patakaran, mga tungkulin at mag nais makamtan. Kahalagahan sa mga Guro ng Filipino Kailangan din ito ng mga guro para ito ay maibahagi nila sa mga estudyante o kaya sa mga kabataan na nangangailangan ng payo kung paano ito maiiwasan o masolusyunan. Kailangan din nila malaman ang mga epekto nito. Kahalagahan sa Mananaliksik Makatutulong ang pag-aaral na ito para magiging gabay at sanggunian sa mga isasagawang kaugnay na papel – pananaliksik. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa epekto ng Cyberbullying sa pag-aaral ng mga estudyante ng Grade-11 Senior High School ng Brent Hospital and Colleges Incorporated.

Depinisyon ng mga Termino 

Anti-Bullying Law of 2013 ay batas na ipinatutupad sa mga paaralan na nagbibigay proteksyon sa sino mang mabibiktima ng mga pang-aabusong berbal, pisikal at emosyonal o bullying.



Batas Republika ay mga batas sa Pilipinas na nilikha ng Kongreso at nilagdaan ng Pangulo.



Bullying ay ang paggamit ng puwersa, pagbabanta, o pamimilit sa pangaabuso, manakot, o agresibo mangibabaw. Ang pag-uugali ay madalas na paulit-ulit at kinagawian.



Cyber Bully ang taong nagsasagawa ng pambubully gamit ang internet.



Cyber Bullying isang anyo ng pang-aapi o panliligalig gamit ang elektronikong anyo ng teknolohiya.



Emosyon ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal.



Internet ay ang mga magkakabit na mga kompyuter network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo.



Social media ay ginagamit ng mga Social Networkers para ipahayag ang kanilang damdamin sa mga tao na gumagamit din ng Social Media tulad ng Facebook, Twitter, etc.



Teknolohiya ay ang paggamit ng makabagong gadyet tulad ng cellphone, laptop, kompyuter, at iba pa.

More Documents from "Abram Jethro Polinar"

Radzlan_1.docx
May 2020 1
Affidavit Of Non Loss
August 2019 19
Icu.docx
November 2019 12
Elec Law Newspaper.pdf
October 2019 12