Kabanata 1
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Introduksyon
Tunay na di mapipigilan ang pagbabago ng ating mundo. Kaalinsabay nito ay patuloy din tayong binabago nito. Hindi mapagkakailang hinaplos nito ang pangaraw-araw na pamumuhay ng nakararami. Mas napapadali ang pag-uunawa sa mga makabagong kaalaman sa tulong ng mga educational videos na napapanood sa youtube. Kaya mula sa tradisyunal na pagtuturo ay unti-unting napapalitan ito ng makamodernong pagtuturo ng mga guro. Lubos na nakakatulong ito sa mga mag-aaral upang mas lalo nilang maunawaan at maanalisa ang mga kaalaman na hindi nila gaano naunawaan sa loob ng silid aralan. Ang pagkuha ng mga impormasyon ay napapabilis sa tulong ng mga educational na video na mapapanood online. Tunay na napakadali nalamang ngayon ang pagbabahagi ng mga impormasyon higit na sa mga mag-aaral. Mas higit nauunawaan ng mga mga-aaral ang kanilang mga pinag-aaralan sa pamamagitan ng panonood ng mga educational videos. Higit sa lahat, tinuturuan na maging praktikal sa pag-aaral ang mga mag-aaral sa tulong nito. Ang K to 12 Kurikulum (2012) ay ipinanukala upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at makasabay sila sa pandaigdigan kompetisyon. Ang pagbabagong ito ay nakatuon din sa pagbabago sa paraan ng pagtuturo ng mga guro sa iba’t ibang asignatura. Ang tradisyunal na paraan ay pinalitan ng mga makabagong estratehiya na mas gaganyak sa interes ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ayon kay
Mckenchie (2006) sa kanyang aklat na “Teaching Tips”, ang angkop na kasagutan sa tanong na “What is the most effective method in teaching?” ay nakadepende sa layunin, sa mag-aaral, sa guro at sa paksang aralin.
Paglalahad ng Suliranin
Ang mga mananaliksik ay nais na matukoy ang mga kasagutan sa mga sumusunod na katanungan ukol sa kanilang pananaliksik na inilunsad:
1. Ano-ano ang mga propayl ng mga kalahok sa pananaliksik na ito? 1.1 Kasarian 1.2 Edad 1.3 Kurso 2. Ano ang epekto ng educational videos sa larangan ng akademikong pag-aaral? 3. Ano ang implikasyon ng pag-aaral?
Pagbuo ng Palagay o haypotesis
Ang pag-aaral na ito ay may makabuluhang kaalaman na makakatulong sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito malalaman ng mga mag-aaral kung ano nga ba talaga ang tunay na epekto ng mga educational videos sa larangan ng edukasyon. Ang aming pag-aaral ay nakapokus sa “kursong edukasyon na nasa unang
antas partikular na sa mga nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino.” Ang gagamiting batayan sa pagtala ng mga datos ay naaayon sa kanilang edad, kasarian, at oras na kanilang ginugugol sa paggamit ng mga educational videos.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng educational videos sa akademikong pag-aaral. Ang saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa College of Education (COEd) Major in Filipino na nasa unang antas ng Tarlac State University na may bilang na 40.
Ang mga mag-aaral na ito ang siyang bibigyang pansin ng mga mananaliksik dahil sila ang makapagbibigay ng mga kasagutan ukol sa epekto ng mga educational videos sa kanilang pag-aaral.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makatutulong sa mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral - makatutulong ang pananaliksik na ito upang mas lalong lumawak ang kanilang kaalaman kung ano nga ba talaga ang epekto ng educational videos sa kanilang pag-aaral. Inaasahan na ang pananaliksik na ito ay makatutulong
ng malaki para sa epektibong paggamit ng mga educational videos sa kanilang pagaaral.
Sa mga guro - magkakaroon sila ng mas katibayan ng loob na magbigay paalala sa kanilang mga mag-aaral ukol sa epekto ng mga educational videos sa pag-aaral nila.
Sa mga magulang - ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak, ay makapag-iisip na nararapat lamang na mas pagtuunan pa nila ng pansin ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral. Upang hindi sila makagagawa ng mga hakbangin na kanilang pagsisisihan sa bandang huli.
Sa mga susunod pang mananaliksik - ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag-aaral, ay may mapagkukunan silang batayan para sa mas masusing pag-aaral nito at karagdagang kaalaman, at upang mabigyan ng impormasyon o babala kung ano ang epekto nito sa mga magaaral.
Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing paraan upang matulungan ang mga magaaral na imanage ang kanilang pag-aaral sa panonood ng mga educational videos na lubos na makatutulong sa kanilang pag-aaral.
Kahulugan ng mga Termino
Educational videos - ginagamit na instrumento sa mas malalim na pagkakaunawa sa iba’t ibang disiplina sa pag-aaral. Social media sites - iba’t ibang uri ng mga platforms ng internet na napapanahon na ginagamit sa panahong kasalukuyan. Internet - isang midyum ng pakikipagkomunikasyon na kung saan agaran mong maipapahiwatig ang isang impormasyon. Akademikong Pag-aaral - mataas na uri ng edukasyon na nangangailangan ng mas mataas na pokus at motibasyon sa pag-aaral. Kolehiyo/Kolehiyala - mga mag-aaral na nasa antas na ng pinakamataas na antas ng edukasyon ng tersarya. Magulang - espesyal na tao sa buhay ng isang mag-aaral na nangangailangan ng kanilang gabay upang maiwasang makagawa ng pagkakamali. Oras - sapat at naaayon na paggamit ng oras sa paggawa ng isang gawain.
Computer - isa itong teknolohiya na naimbento upang tumanggap ng impormasyon at maglahad ng resulta ay sa paraan ng pagproseso nito. Account - ito ay paggawa ng impormasyon tungkol sa iyong sarili upang gamitin sa social media. Youtube - isang platform ng social media na kung saan nakapaloob dito ang mga educational video ginagamit sa pag-aaral.
Kabanata 2 Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang bahaging ito ay naglalalaman ng mga akademiko at propesyonal na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng malinaw na kaalaman ang mgaa literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-aaral. Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa napapanahong isyu partkilar na sa larang ng Edukasyon.
Ang mga natuklasang pag-aaral hinggil sa educational videos na nagsilbing inspirasyon at nakunan ng ideya tungkol sa linggwistang pagsusuri ay ang mga sumusunod:
Kaugnay na Literatura Sa maka modernong panahon talamak na ang paggamit ng ba’t ibang social networking sites na kadalasan ay nagdudulot ng maganda at hindi kanais nais na pangyayari sa isang tao partikular na sa mga mag-aaral.
Ayon kay Aton (2007), ang edukasyon ay ang parte ng pag-aaral kung saan ang mga mag-aaral ay tumatanggap ng impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang media. Nagpapatunay lamang ang pag-aaral na ito na lubos na nakakatulong ang mga educational video sa larang ng edukasyon.
Batay kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang panturo, tulad ng midyang instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pagkatuto, halimbawa:
Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-aaral, nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at napapagaan ang proseso ng pagkatuto sa pagtuturo. Higit na nauunawaan ng mga mag-aaral ang isang paksa kung nakikita nila ito sa tulong ng mga video na mahahanap sa mga educational sites sa internet. Tama lamang na ipalaganap ang ganitong uri ng pagkatuto. Nagdudulot ito ng benepisyo sa mga mag-aaral at higit na sa mga guro.
Kaakibat ng mga ipinangakong pagbabago at pag-unlad ng ASEAN Integration 2015 sa bansa ay ang pagkakaroon din ng pagbabago sa larang ng edukasyon. Ang edukasyon ang may pinakamahalagang tungkuling ginagampanan tungo sa pag-unlad ng isang bansa ngunit ito ay naapektuhan ng pabago-bagong panahon, kapaligiran at kaugalian ng mga tao (Bracelo et al. 2007).
Nakapaloob pa sa libro ni Sampath et al., (2007), “Learning usually involves both a student and a teacher. But in some of the recent innovations of the educational system, the teacher needs not be physically present to teach.” Kung kaya’t gumagamit narin ng iba’t ibang makabagong kagamitan ang mga guro sa tulong ng teknolohiya upang mas mapabilis ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Nabanggit din ni Jonassen (2008), “Knowledge is embedded in the technology ad technology presents that knowledge to student.” May kaugnayan ito sa ipinahayag nina Halal and Leibowitz (1994) na, “a powerful combination of earlier technologies that constitutes anextraordinary advance in the capability of machines to assist the educational process.” Sinasabi dito na malaki ang maitutulong ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ng mga guro. Gaya nalamang ng mga iba’t ibang video na makukuha sa online na nakapaloob sa mga educational na video.
Isa pang dahilan kaya’t ginagamit ang differentiated instruction ay nang naipasa ang Individuals with Dissabilities Education Act (IDEA) 1975, na nagsisigurong lahat ng kabataan na may kapansanan ay magkaroon ng karapatang makapag-aral sa mga pampublikong paaralan. Nagbibigay klaro lamang na sa pamamagitan ng mga educational video ay agaran ng makahanap sa internet ng mga pag-aaral ay magiging madali narin na maging maalam ang mga bata na may kapansanan upang sila rin ay maging alerto sa mga iba’t ibang kaalaman na natutunan sa paaralan ng mga kapwa nila bata.
Sa tulong ng youtube ay nakakapanood tayo ng mga educational video na ginagamit sa panahong kasalukuyan sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Kadalasan ang mga gumagamit ay pinapayagang manatiling nakasubaybay at mangasiwa sa rekord na nagawa ng mga propesyonal at baguhan na blogger sa youtube. Sa madaling salita ang youtube ay isang modernong pamamaraan ng pagtuturo para mapadali ang proseso ng pagkatuto. Kung wala ang youtube ay hindi makakalap ng mga
educational video ang mga guro at ang mga mag-aaral. Sa patuloy na pagbabago ng panahon ay tunay na marami narin ang nagbabago sa pagtuturo ng mga guro. Ngunit kahit na madami na ang nagbago ay maganda naman kadalasan ang nagiging resulta ng mga pagbabagong ito. Ayon kay Marmay (2002). "Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itunuturo sa loob ng klase . Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo .Iba't ibang klase ng teknolohiya ang gingamit sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o paksa ang kanilang pinag aaralan . Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong . Ito ay may kakayahan na tagapagturo.
Ayon sa isang mananaliksik, higit na nakakatulong ang paggamit ng mga educational video upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga aralin batay kay Willmot et al (2012). Ang educational video ay magiging isang malaking tulong para sa mga guro upang mas maibigay ang pangangailangan at kaalaman sa kanilang mga estudyante. Magiging mas epektibo ang kanilang pagtuturo kapag ang kanilang paraan ay naaayon sa hilig ng kanilang mga tinuturuan. Matutukoy din dito ang mga estratehiya upang lalong mapabilis ang pagkatuto ng mga estudyante at paraan upang mas maging interesado sila sa pamamagitan ng panunuod ng educational video.
Pinag-aralan ni Kay (2012), nagbigay ng malawak na rebyu sa pananaliksik tungkol sa mga bidyo program na nagbibigay ng balangkas tungkol sa edukasyon at pagkakaroon ng bagong midya. Higit sa lamat, nararapat na pagyamanin ang mga educational video sa midya ng youtube.
Balangkas Konseptwal Ang konseptwal na balangkas o “conceptual framework” ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng input-process-output model. Inilalahad ng input frame ang uri ng educational video. Ang process frame ay tumutukoy sa sa mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang interbyu at dokumentasyon ng mga nakalap na resulta. Nais ng mananaliksik na mapag-aralan kung pano nga ba ito nakakaapekto sa pamumuhay at pag-aaral ng mga mag-aaral ng TSU at kung ano ang kahalagahan nito.
Input:
Process:
Output:
Uri ng educational video:
Pagsasarbey ukol sa nasabing input
Pamumuhay ng mga magaaral:
1. Pang-akademikong video
Pagsasama-sama ng mga tala na nakuhang sagot sa sarbey
2. Makabagong kagamitan sa pagtuturo
Batayang Teoretikal
Pag-aanalisa ng mga datos
1. 2.
Pag-aaral Grado
Sa pananaliksik na ito napili ng mga mananaliksik ang educational videos ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante (Gannaban, 2013). Sinasabing hindi lamang sa mga mag-aaral nakakatulong ang mga educational video pati narin sa mga guro. Batay naman sa pagaaral ni Abainza (2014), ang educational video ay isang daan na maaaring makapagdudulot ng maganda sa mga kabataan. Nagpapatunay lamang ito na tunay na epektibo ang educational video sa larang ng edukasyon. Ngunit mas nakakaapekto ito kalimitan sa mga mag-aaral.
Ang proseso ng pananaliksik na ito ay dadaan sa masusing pag-aaral. Kung ang educational video nga ba talaga ay nakakaapekto sa pa-aaral ng isang estudyante.
Kabanata 3 Pamamaraan o Metodolohiya Inilalahad ng kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa mga hakbang na isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan sa epekto ng social media sa pag-aaral.
Disenyo ng pananaliksik Ang
naisagawang
pananaliksik
ay
gumamit
ng
deskriptibong
metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondents.
Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mga mananaliksik na maging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.
Lugar ng pag-aaral Ang mga mananaliksik ay nais na isakatuparan ang kanilang pag-aaral sa paaralan ng Tarlac State University na ander sa kursong edukasyon. Naniniwala ang mga mananaliksik na lubos na makakatulong ang mga mag-aaral ng TSU sa kanila upang maisakatuparan nila ang kanilang pag-aaral.
Kalahok sa pag-aaral Ang mga mananaliksik ay nangangailangan ng 40 respondents na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Napili nila ang mga nasa unang antas na nagpapakadaluhasa sa wikang Filipino. Naniniwala ang mga mananaliksik na sila ang may sapat na kakayahan upang magbigay ng mga datos na higit na makakatulong para sa kanilang pag-aaral.
Instrumento sa pag-aaral Ang instrumento na gagamitin ng mga mananaliksik ay pagbuo ng talatanungan o Questionnaire. Ito ang pinaka mabisang paraan upang makuha ang mga datos na kanilang kinakailangan sa lalong madaling panahon. At ito rin ang akma para sa disenyo ng kanilang isinasagawang pag-aaral.
Paraan sa pagkalap at pag-aanalisa ng mga datos Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga talatanungan na may akmang mga katanungan para sa mga kanilang mga respondents. Naging mabilis lamang ang
pagkuha ng mga datos dahil sa partisipasyon na ipinakita ng mga respondents ng kanilang pag-aaral. Una ay inayos muna nila ang mga datos na nakuha na ayon sa kasarian, at edad ng mga mag-aaral. Kasunod nito ay tinaling may ganyak na pagaayos ang mga datos na nakalap.
Statistical tools na ginamit Ang ginamit ng mananaliksik ay ang frequency distribution. Ito ang makakatulong sa kanila sa pag-aanalisa ng mga datos na kanilang nakalap sa mga mag-aaral. Ito ay naglalaman ng percent %, f = frequency, at N number of cases. Ito ay naglalayong malaman ang porsyento ng mga mga-aaral na naapektuhan ng educational video sa kanilang pag-aaral.