Epekto Ng Inflation Rate.docx

  • Uploaded by: Angelica Marie Diaz
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Epekto Ng Inflation Rate.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,768
  • Pages: 12
EPEKTO NG INFLATION RATE SA MGA MAG-AARAL NG OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

Isang Aksyon Riserts Na Iniharap sa Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Sining at Agham ng Our Lady of Fatima University Lungsod ng Antipolo

Bilang Pagtupad sa isa sa Pangangailangan sa asignatura ng FILP111-FILDIS

Ipinasa nina: DE GUZMAN, KRISTINE JOY

DELOS REYES, ANDREAA ROSE G.

DIAZ, ANGELICA MARIE D.

DUQUE, PRINCESS M.

DUQUILLA, APRIL JOY MM1Y2-4

Ipinasa kay: Gng. Amelia V. Bucu Guro OLFU ANTIPOLO

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT …………………………………………………………………………………. i. TALAAN NG NILALAMAN ………………………………………………………………. ii.

Panimula ……………………………………………………………………………… 1 Paglalahad ng Suliranin …………………………………………………………….. 2-3 Metodolohiya …………………………………………………………………………. 4 Konklusyon ………………………………………………………………………….. . 5 Rekomendasyon …………………………………………………………………… 6 Bibliograpiya …………………………………………………………………………. .7

EPEKTO NG INFLATION RATE SA MGA MAG-AARAL NG OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY Panimula: Madalas maririnig ang salitang inflation rate sa telebisyon, radyo o kaya naman mababasa sa iba't ibang pahayagan. Ngunit karamihan sa atin ay hindi nalalaman kung ano at gaano kalala ang inflation sa bansa. Ang inflation rate ay ang pagtaas at ng mga bilihin. Dahil dito walang magawa ang mamayang Pilipino kung hindi umapila na lamang. Marami din ang mas pinipili na lamang ang mag lakad kaysa sa sumakay at tiisin ang gutom. Iisa lamang ang hiling at sigaw ng bawat Pilipino, ibaba ang presyo. Ayon sa pag aaral, noong nakaraang taon 2018 mas lumala o tumaas ang bilihin sa merkado. Ikinagulat ito ng tao dahil ang inflation rate ay tumaas ng 5.2% nitong Hunyo 2018. Ngunit ayon naman sa Department of Finance (DOF) ang inflation ay magiging 4.9% lang sa hunyo 2018 mula sa 4.6% noong May 2018. Lalo lang itong tumaas at sumipa, naging 5.2%. Sa kasabay na pag aaral ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang mabilis na pag taas ng consumer prices ay epekto ng pagtaas ng presyo ng food, non-alcoholic beverages at tabacco, na nag rehistro ng 6.1% growth. Dahil dito hirap na hirap ang ilan sa mga mamayang pilipino sa pag titipid at ss kung paano kakain sa araw-araw 98% ng Pilipino ang nag sasabi na ramdam nila ang pagtaas ng presyo ng bilihin simula pag pasok ng 2018, ayon sa inilabas na resulta ng Pulse Asia survey na ginawa noong Marso. Samantalang, nasa 86% porsiyento ng mga tumugon na ramdam nila ang "matinding" epekto nito sa kanilang pamumuhay. Hindi lamang bilihin na pagkain ang naramdaman ng Pilipino, pati rin ang pagtaas ng petrolyo, pasahe, at kuryente. Dahil sa matinding epekto sa kanila ng pagtaas ng presyo ng bilihin, dumiskarte ang mga Pinoy. Ang ilang maliliit na negosyante, sari-saring paraan ang ginawa upang maibsan ang bigat ng presyo ng mga bilihin.

1

Paglalahad ng Suliranin:

Ang pananaliksik na isinasagawang ito, ay isang paraan upang maipakita at mapagaralan ang mga kalagayan o karanasan ng mga mag aaral at indibidual na naaapektuhan ng pag aaral na ito, na hindi lamang para maintindihan, kundi para malaman at mapag aralan din ito, upang makapag bigay ng kasagutan sa ibat ibang indibidual na naapektuhan ng problemang ito, at hindi mapasawalang bahala lamang. Ito rin ay maaring gamitin sa ibat ibang aspeto, lalo na sa ating bansa upang masagot at malaman, ang mga dapat o maaaring gawin, malaman ang epekto nito sa iba , upang masulusyonan ang mga suliraning ito na kinakaharap ng ibat ibang indibidual sa problema ng ating bansa, na hindi naiintindihan at nakikita ng mga matataas na tao sa ating lipunan. Sa pamamagitan nito, ay makikita ang mga epekto at suliraning kinakaharap ng bawat estudyante at indibidual sa nasabing problemang ito, at sa papamagitan ng mga ito ay malalaman ng bawat isa kung sa papaanong paraan nila ito nalulutas, at nasusulusyonan sa araw araw na gawain, at sa papaanong paraan sila naapektuhan lalo na ang mga estudyanteng wala pang sariling pera, upang makagastos sa araw araw. Ang mga kasagutan sa ilang mga katanungan gaya ng mga sumusunod ay tunay na makakasagot sa paksang ito: 1. Propayl ng mga Respondante 1.1 Edad 1.2 Kasarian 2. Ano-ano ang pangunahing sanhi ng pagtaas ng Implasyon sa ating bansa?

2

3. Ano-ano ang mga epekto sa mga mag-aaral o iba pang indibidual ang pagtaas ng Implasyon sa ating bansa? 4. Ano-ano ang mga ahensya ang pamahalaan ang maaring hingian ng tulong sa pag taas ng Implasyon sa ating bansa? 5. Bakit mahalagang malaman ng mga mag aaral o iba pang indibidual ang tungkol sa pagtaas ng Implasyon sa ating bansa? 6. Sa papaanong paraan maiiwasan ang pagtaas ng Implasyon sa ating bansa?

3

Metodolohiya: Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa paksang “Epekto ng Inflation Rate sa mga Mag-aaral ng Our Lady of Fatima University” Gamit ang panlarawang pamamaraan, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sagutang papel o sarbey kwestyoner na sinagutan ng dalawampung (20) respondente. Ang mga mananaliksik ay nagsuri sa dalawa hanggang tatlong seksyon ng mga estudyanteng nasa unang taon sa kolehiyo ng Our Lady of Fatima University upang malaman ang naging epekto ng Inflation Rate sa kanilang pang araw-araw. Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik o tinatawag ding paraang palarawan kung saan ay ipinaliliwanag ang inflation rate sa pamamagitan ng nakuhang ulat sa iba’t ibang pinagkunan katulad ng internet, pahayagan, radyo, telebisyon at thesis. Tinangkang suriin ng pananaliksik na ito ang mga epekto ng inflation rate sa mga dalawampung piling mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo ng Our Lady of Fatima University. Ang mga mananaliksik ay gumamit nang matitibay na datos at impormasyon upang maisakatuparan ang mga ninanais ng mga mambabasa at matugunan ang kanilang ninanais na malaman. Ginawa ang pananaliksik na ito para maibahagi sa mga mambabasa ang paksang “Epekto ng Inflation Rate sa mga Mag-aaral ng Our Lady of Fatima University”. Upang makapagsagawa ng mga pag-aaral, ginamit ng mga mananaliksik and deskriptiv na uri ng pananaliksik. Gamit ang isang sarbey-kwestyuner na pinasasagutan sa dalawampung (20) respondenteng mag-aaral mula sa Our Lady of Fatima University. Mula sa datos na nakalap, sa dalawampung respondenteng mag-aaral, napatunayan na ang naging epekto ng inflation rate o ang patuloy at pabigla biglang pagtataas ng mga bilihin ay nahirapan sila paano pagkasyahin ang kanilang mga baon sa pang araw-araw. Ang lahat ng nakalap na datos ay isinulat at isinaayos sa Pamanahong Papel na ito.

4

Konklusyon: Batay sa resulta ng ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, napatunayan na makikita na halos karamihan sa mga nasa unang taon sa kolehiyo ng Our Lady of Fatima University ay nasa edad labing walo at labing siyam (18-19) mula sa mga piling mag-aaral na respondente. Makikita na karamihang baon sa pang araw-araw ng mga estudyante na nasa unang taon sa kolehiyo ay nasusukat simula sa 50-100 pesos. Base sa isinagawang serbey ng mga mananaliksik, Makikita na naging balanse, patas at malinis ang mga ginawang pagpili sa mga respondente upang makita kung ano ang epekto ng inflation rate o ang pagbiglang pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa mga mag-aaral. Makikita din na ang naging epekto ng inflation rate o ang pagbiglang pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa mga mag-aaral ay nagkukulang o nahihirapan sila sa pagba-budget ng kanilang mga baon sa pang araw-araw, dagdag din dito ang pagtaas ng pamasahe sa pampasaherong sasakyan. Ang sanhi ng pagtuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin ay dahil sa Train Law o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ng Duterte Administration. Ito ay opisyal na kinikilala bilang Republic Act No. 10963 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 19, 2017. Ito ay mahalaga na masolusyonan agad upang ang mga mamamayan lalo na ang mga mag-aaral ay maibsan na ang kakulangan sa kanilang mga gastusin sa pang araw-araw na buhay. Ang tamang pamamaraan na dapat sundin upang maibalanse ang pang araw-araw na baon ng mga mag-aaral ay iayon ang paglalabas ng pera o unahin muna ang mga bagay na kailangan keysa sa mga bagay na pang kagustuhan lamang. Sa mga kinauukulan ng Gobyerno ng Pilipinas ay maaaring mahingan ng tulong upang masolusyonan na agad ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin o ang Inflation Rate. Ito din ay para sa ikagiginhawa ng ating mga mamamayan lalo na ang ating mga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bayan. 5

6

Rekomendasyon: Kaugnay ng mga suliraning nasilip sa pag-aaral na ito, narito ang ilang rekomendasyon ng mga mananaliksik na sana mabigyang pansin: Sa mga mag-aaral- Bigyang pansin ang pag-taas ng mga bilihin at matutong mag tipid. Hindi porket tayo ay binibigyan lang ng ating mga magulang ay hindi na tayo maaaring mag-tipid bilang mag-aaral maging responsable din tayo sa mga kinakailangan nating bilhin. Unahin ang kailangan kaysa sa kagustuhan lamang. Matutong tangkilikin ang sariling atin upang makatulong sa pag lago ng ekonomiya ng bansa. Kadalasan tayong mga millennial at post millennial ay fan ng mga dayuhang produkto kung saan mas pinag iipunan pa natin ang produkto ng ibang bansa upang mabili ito, kaya naman dapat maging wais tayo pag dating dito madaming mga lokal na produkto ang mabibili natin na tiyak naman na makakatulong sa ating lokal na negosyante. Matutong mag-hanap ng alternatibong produkto kung alam mong mahal ang isang produkto na iyong nais mag-hanap ng mas mura upang maka tipid tayo. Maraming mura pero swak sa ating panlasa at istyal na gusto. Sa paraang ito naka tipid kana nakatulong ka pa sa gastusin ng inyong pamilya na hindi naman nararapat paglaan pa ng malaking halaga. Sa mga kinauukulan- Dapat mas palakasin pa ng gobyerno ang ilan sa mga kasalukuyan na nitong programa upang makasabay sa pagsipa ng inflation rate. Maaari rin magpatupad ng subsidiya ang gobyerno sa pang-araw-araw na transportasyon ng mga mahihirap na manggagawa. Dapat din na mas paigtingin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtutok sa presyo ng mga bilihin sa merkado upang hindi abusuhin ng mga negosyante ang labis na pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto. Nararapat ring isulong ng labor group na ipako sa P800 ang minimum wage sa buong bansa upang makasabay sa pagmamahal ng presyo ng mga bilihin.

7

Bibliograpi/Sanggunian: INTERNET https://www.veritas846.ph/paghina-ng-ekonomiya-ng-bansa-epekto-ng-mataas-na-inflation-rate/ http://vincerapisura.com/paano-tipid-epekto-pagtaas-inflation/ PAHAYAGAN Beth Camia, BALITA ang nangungunang pahayagang tagalog sa Bansa (2018,September), Inflation rate, Lumubo sa 6.4% Bert De Guzman, BALITA ang nangungunang pahayagang tagalog sa Bansa (2018,July), Mataas ang presyo ng mga bilihin THESIS Elemparo Rome at Carl Myles Oliveros, Layunin ng Pananaliksik; Epekto ng pag-taas ng bilihin (Oktubre,2018) Mondriaan Aura College: Pagtuklas ng datos at impormasyon RADYO Vicencio, Lady. Aug. 10, 2018. Mga Estudyante, Umaaray na rin sa Inflation. ABS-CBN DZMM Santos, Jamil. Sept. 7, 2018. Diskarte ng isang College Student sanhi ng Inflation. GMA News Balitambayan TELEBISYON J. Manabat at K. Quintos, ABS-CBN News (2018, August) Inflation muling sumipa nitong Hulyo; mga konsumer nagbahagi ng tipid tips W. de Guzman, ABS-CBN News (2018, December) Inflation, bumagal sa 6 porsiyento nitong Nobyembre 8

9

Related Documents


More Documents from "rimmi"

Protocolo.docx
December 2019 9
Catalogo Nutritech.pdf
December 2019 48
Puc Niif.docx
October 2019 18