Pagmamahal na Walang Kapalit
I Buhay mo ay nabingit sa kamatayan Noong ako’y nasa yong sinapupunan Tinik nawala ng ako’y nakita Karga-Karga mo na kahit nanghihina II Unang salita ko ika’y nakaabang Inalalayan sa aking unang hakbang Todo pag-iingat sa aking katawan Parang ginto na pinahahalagahan
III Pag nakikita mo akong lumuluha Matamis mong yakap aking nadarama Patatahanin ako sa’king pag-iyak At sasabihin mong “Mahal kita Anak” IV Minsan ako’y nagiging palasagot Pangaral mo’y parang bulang nalilimot Di ka man lang nagsalita laban sakin Isinukli mo pa ay ako’y mahalin