Chapter 1 Walang Template.docx

  • Uploaded by: Alyssa Villaluz
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Chapter 1 Walang Template.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,502
  • Pages: 15
PAGBUO AT BALIDASYON NG MODYUL SA FILIPINO NG IKAWALONG BAITANG SA DIBISYON NG CABUYAO

ALYSSA B. VILLALUZ MAED – FILIPINO

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang edukasyon ay para sa lahat at ito ang isa sa pinakamahalagang bagay na kailangang

makamit ng bawat indibidwal, bata man o matanda. Kasabay ng pagbabago ng panahon ay pagbabago rin ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Mula sa “teacher-centered” ay naging “student centered”. Ayon kay Handres (Bernales, 2008) “Higit na dumarami ang matatalinong

mag-aaral kung ang guro ay matimpi, mapagbiro, palatanong, at gumagamit ng galaw ng katawan at ekspresyon ng mukha kaysa gurong awtoritaryan, palautos para igalang at sundin.” At kung

mapapansin din ay maaring maikumpara ang kaibahan ng mga kabataan noon sa kabataan ngayon,

ayon na rin ito sa mga batikang guro sa pagtuturo. Marami sa kanila ay nagiging mausisa at

matanong tungkol sa mga bagay-bagay at minsan mas matalino pa sila sa paggamit ng mga

teknolohiya. Kaya naman mahalagang ang sistema ng edukasyon ay mas mapaunlad at

mapagyaman nang sa ganoon ay hindi mapag-iwanan ng nagbabagong panahon. Maraming

pagbabago ang nangyari sa larangan ng edukasyon maging ang pamamaraan at estratehiya ng

pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na kinahaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon

ng teknolohiya at agham.

Binigyang pansin ni Jocson ang kahalagahan at layunin ng K-12 kung saan, ayon sa kanya

ay kailangang mahubog at malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo at maipakita ang

pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng mga babasahin sa aklat at teknolohiya. Patuloy

ang paglinang nito upang makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa ating paligid. Dahil dito,

kinailangan ng mga guro ng mga karagdagang pantulong o supotang aangkop sa estratehiya sa

pagtuturo. Sinalaysay ni Abad (1996) na binanggit sa pag-aaral ni Jason Mallonga (2016), ang

mga karanasan at bagay na ginagamit ng guro na pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan,

kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral upang

maging kongkreto, daynamiko, at ganap ang pagkatuto.

Ang kagamitang pampagtuturo ay isa sa pinakamahalagang instrumento sa pagtuturo tungo

sa lubusang pagkatuto ng bawat mag-aaral. Isa ang modyul sa pinakamahahalagang instrumentong kailangan ng guro sa pagtuturo. Tinatawag din ang modyul na “sariling linangan kit” na naglalaman ng iba’t ibang gawain sa pagkatuto. Nilalaman nito ang iba’t ibang pamamaraan ng

pagkatuto at malawak ng pagpili ng media at mga estilo sa paglinang ng mga nilalaman at

pamamaraan. Sa pamamagitan din ng modyul ay nagiging makabago ang pamamaraan ng

pagtuturo na nakatutugon sa mga pangangailangan ng bawat mag-aaral, kagyat nakalilinang ng

kaalaman, kasanayan, at halagang pangkatauhan at gawain ng mga mag-aaral.

Hindi sumasapat ang presensya lamang ng isang guro sa loob ng silid. Mahalagang

masusing napag-aralan ang mga layunin at kompetensing lilinangin sa paksang kanyang ituturo

nang sa ganon ay makamit ang ninanais na matutunan ng mag-aaral sa isang partikular na aralin.

Batayang Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay naglalahad ng mga maiuugnay na teorya na makatutulong nang

lubos sa paghahanda ng modyul para sa baitang 8. Gagamiting batayan ang teorya ni Tomlinson

sa pagkatuto at pagtuturo, teorya ukol sa mga katangian ng kagamitang pampagtuturo, teorya sa

pagtataya ng kagamitang pampagtuturo at ang pagtuturo ng Filipino sa batayang pangkurikulum. Binigyang – diin ni Tomlinson (2001) na ang pagdedebelop ng kagamitan ay isang larangan at gawain. Bilang larangan ito’y pag-aaral sa mga prinsipyo at hakbangin sa pagbuo ng

kagamitang panturo, implementasyon at ebalwasyon nito. Bilang gawain, kinasasangkutan ito ng

produksyon, ebalwasyon at paggamit ng mga guro ng kagamitang panturo sa kani-kanilang

klasrum.

Unang dapat na isaalang-alang ang pagkatuto at pagtuturo ng mga mag-aaral. Inilahad ni

Tomlinson (2003) na ginamit ding batayan sa pag-aaral ni Setubal (2012) ang teorya ukol sa

pagkatuto at pagtuturo sa mga mag-aaral. Ito ay ang mga sumusunod: Nagiging matagummpay

ang mga mag-aaral ng wika kung ang pagkatuto ay isang karanasang positibo, relaks, at

nakawiwili. Ang mga guro ng wika ay nagiging matagumpay sa pagtuturo kung nagiging kasiya-

siya sa kanila ang kanilang gampanin bilang guro maging ang mga kagamitang panturong

ginagamit. Nawawalan ng tiwala ang mga mag-aaral sa mga kagamitang panturo kung nahahaka

nilang hindi ito pinahahalagahan ng kanilang guro. Iba-iba ang mga uri ng mga-aaral sa loob ng

klasrum kung ang pag-uusapan ay ang kanilang personalidad, motibasyon, pag-uugali, kakayahan,

karanasan, interes, pangangailangan, kagustuhan at estilo ng pagkatuto. Sa bawat araw ay nag-

iiba-iba ang motibasyon, pag-uugali, pangangailangan, kagustuhan at kasiglahan ng mga mag-

aaral. Magkaiba ang kultura ng mga mag-aaral subalit mayroong unibersal na paraan para sa

matagumpay na pagtuturo at pagkatuto. Ang matagumpay na pagtuturo ng wika sa klasrum ay

nakabatay sa pagpapanatili ng kasiglahan ng mga mag-aaral ang mga talagang kailangan nilang

matutuhan at ang mga nais nilang matutuhan. Ang mga mag-aaral ay nakapagkukuro,

nakapagsasalita, nakapag-iisip kung binibigyan sila ng karanasan o maging ng teksto kung saan

kailangan nilang magbahagi ng pananaw o opinyon. Ang mahalagang gamit ng mga kagamitang

panturo ay yaong nakatutulong upang magamit ng mga mag-aaral ang kanilang natutuhan sa loob

ng klasrum sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Inilathala ni Tomlinson sa aklat ni Villafuerte at Bernales (2008) ang mga simulain ukol

sa pagkatuto at pagtuturo sa mga mag-aaral. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Ang mga kagamitang

panturo ay dapat magkaroon ng impak. Nagkakaroon ng impak ang mga kagamitang panturo kapag ang mga ito’y may kapuna-punang epekto sa mga mag-aaral o kapag nagkaroon ng interes,

atensyon, at kuryosidad ang mga mag-aaral. May impak ang mga kagamitang panturo sa pamamagitan ng: a) Novelty gaya ng di – pangkaraniwang paksa, ilustrasyon at mga gawain, b)

Barayti gaya ng pag-aalis ng monotono ng routine sa yunit nang may di-inaasahang gawain; paggamit ng iba’t ibang uri ng teksto mula sa iba’t ibang mapagkukunang gamit; paggamit ng

maraming tinig ng guro na isinateyp, c) Kalugud-lugod ba presentasyon gaya ng paggamit ng

makatawag pansing kulay, maraming puting espasyo at paggamit ng mga kinunang larawan, d)

Nakasisiyang nilalaman gaya ng mga paksng nagbibigay ng interes sa mga mag-aaral; mga

paksang nagbibigay ng posibilidad ng pagkatuto ng bagong bagay, pagkilala sa maikling kuwento,

pandaigdig at lokal na sanggunian. 2. Ang mga kagamitang panturo ay dapat makatulong sa mga

mag-aaral kung maiuugnay ng mga mag-aaral ang mga teksto at ilustrasyon sa kanilang kultura.

Ipinahayag ni Richards sa pag-aaral ni Setubal (2012) ang mga katangiang marapat na

taglayin ng mga kagamitang panturong ginagamit ng guro sa loob ng klasrum. Ayon sa kanya, ito

ay ang mga sumusunod: Nakapagbibigay sa mga mag-aaral ng mga bagay na matutuhan sa aralin;

Nakapagtuturo sa mga mag-aaral ng mga bagay na kanilang magagamit; Nakapagbibigay sa mga

mag-aaral ng esensya ng tagumpay; Nakapagsasanay sa mga mag-aaral na matuto nang may

kasiya-siya at sa makabagong paraan; Nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na

magamit ang kanilang natutuhan; Nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga na suriin ang natutuhan.

Inilahad ni Cox (2014) ang tesis ni Zamora 2016, na sa kasalukuyang panahon, ang

impormasyon, media at teknolohiya ang pangunahing pangangailangan ng kasalukuyang sistema

ng edukasyon. Kung bibigyan ito ng pokus, mas magkakaroon ng paglalapat sa lipunang

ginagalawan ng mga mag-aaral at mas nakagagamit ng mga awtentikong kagamitan. Idinagdag pa

ni Cox na mas nagkakaroon ng malinaw na tunguhin, mapanghamong gawain upang malinang ang

mga matataas na antas ng kasanayan na ibinabatay sa konteksto ng isang komunidad.

Paradima ng Pag-aaral

ANALYSIS





Pagsusuri sa pamantayang pangnilalama n at mga kasanayang pampagkatut o na angkop sa mga magaaral na gagamit Pagtukoy sa mga komponent ng ika-21 siglong kasanayan

DESIGNING AND DEVELOPING PHASE







Pagpili at pagpapasya sa disenyo ng modyul para sa baitang 8 sa Dibisyon ng Cabuyao Pagtitiyak sa mga layunin at bahagi ng modyul na bubuuin Paghahanda ng panimula at panapos na pagtataya

VALIDATION AND IMPLEMENTATION 







Pagsangguni at paghingi ng mungkahi sa gurong tagapayo at mga gurong eksperto sa binuong modyul Pagrerebisa sa unang nabuong modyul batay sa iminungkahi ng mga eksperto. Pagtataya sa balidasyon at lebel ng pagtanggap Panimula at panapos na pagtataya

EVALUATION 







Pagtataya sa fidbak ng mga eksperto Pagkolekta ng mga datos mula sa mga eksperto Pagwawasto sa panimula at panapos na pagtataya at pag-aanalisa ng resulta batay sa tseklist indicators Rebisyon ng modyul batay sa resulta ng pagtataya

Figyur 1: Ang Modelo ng ADDIE

Ipinakikita sa Figyur 1 ang mga bahagi ng modelo ng ADDIE na magiging gabay ng

mananaliksik sa paghahanda at pagtataya ng modyul para sa baitang 8. Binubuo ito ng apat na

kahon na sumasaklaw sa mga hakbang na dapat sundin upang makabuo ng modyul. Una rito ang

planning phase na kinapapalooban ng pagsusuri sa pamantayang pangnilalaman at mga

kasanayang pangnilalaman at mga kasanayang pampagkatuto na angkop sa mga mag-aaral at

pagtukoy sa mga kasanayang angkop sa mag-aaral sa baitang 8. Ikalawa, ang designing and

developing phase na kung saan kabilang ang pagpili at pagpapasya sa disenyo ng modyul,

pagtitiyak sa mga layunin at bahagi ng modyul na bubuuin gayundin ang paghahanda ng panimula

at panapos na pagtataya. Ikatlo, ang validation and implementation kung saan sasangguni ang

mananaliksik sa tagapayo, mga gurong eksperto upang humingi ng mungkahi sa binuong modyul.

Pagkatapos ng rebisyon batay sa mungkahi ng mga eksperto, ipamamahagi ng mananaliksik ang

nabuong modyul at talatanungan upang mataya at mapagtibay ang balidasyon at lebel ng

pagtanggap ng mga tagasagot. Sa bahaging ito rin isasagawa ang panimula at panapos na pagtataya

sa nabuong modyul. Ikaapat ang evaluation, sa bahaging ito kokolektahin at matataya ang fidbak

ng mga eksperto, pagwawasto sa panimula at panapos na pagsusulit at pag-aanalisa ng datos batay

sa tseklist indicators. Sa huli ang pinal na rebisyon ng modyul batay sa resulta ng isinagawang

pagtataya.

Paglalahad ng Layunin

Nilalayon ng mananaliksik sa pag-aaral na ito na makapaghanda at makabuo ng isang

modyul na gagamtin ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang sa Dibisyon ng Cabuyao. Inaasahang

makatutulong ang modyul na ito upang mapaunlad at mas maging epektibo ang mga kagamitang

pampagtuturo ng mga guro.

Ang mga sumusunod ay pagsusumikapang sagutin mula sa pag-aaral na isasagawa

1. Masuri ang kasanayan na nakapaloob sa modyul na bubuuin sa Filipino baitang 8.

2. Makabuo ng makabuluhang modyul sa Filipino baitang 8.

3. Mapagtibay ang balidasyon ng pagtanggap sa modyul na binuo.

4. Pagtataya sa pamamagitan ng pasimula at panapos na pagsusulit hinggil sa modyul na

binuo.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginagabayan ng mga sumusunod na saklaw at limitasyon:

1. Layunin ng pag-aaral na ito na makapaghanda at makapagtaya ng modyul sa Filipino sa

ikawalong baitang.

2. Ang paghahanda ng modyul ay limitado sa nakapaloob na pamantayang pangnilalaman

batay sa kurikulum sa Panitikan sa ikalawang markahan sa Filipino 8.

3. Ang kabisaan ng inihandang modyul ay nakabatay sa layunin, konsepto, panuto, mga gawain

sa pagkatuto at paksa.

Hinuha ng Pag-aaral

1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang isinagawang pagtataya ng mga respondente

hinggil sa kabisaan ng inihandang modyul ng mananaliksik para sa baitang 8.

2. Walang makabuluhang pagkakaiba ang isinagawang pagtataya hinggil sa lebel ng

pagtanggap sa inihandang modyul ng mananaliksik para sa baitng 8.

3. Walang makabuluhang pagkakaiba ang isinagawang pagtataya sa pauna at panapos

na pagsusulit ng inihandang modyul ng mananaliksik para sa baitang 8.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Pangunahing layunin ng mananaliksik na makapaghanda at makapagtaya ng modyul sa

ikawalong baitang sa Dibisyon ng Cabuyao.

Ang pag-aaral na ito ay may silbing kahalagahan sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang mas mapaunlad at mapalawig ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa baitang 8, mas maging epektibo ang pagkatuto gamit ang iba’t

ibang estratehiya at pamamaraang batay sa modyul at matugunan ang pangangailangan batay sa

mga nakalahad na kompetensi.

Sa mga Guro. Ang magagawang modyul ay magiging kapaki-pakinabang na maaaring

maging karagdagan o supplementary na magagamit sa pagtuturo tugon sa mga pangangailangan

sa kurikulum ng K to 12. Matututo ang guro ng mga makabagong pamamaraan, teknik, at

estratehiya sa pagtuturo upang mas maging masigla at epektibo at pagkatuto ng mga mag-aaral

Sa Administrasyon ng Paaralan. Sa pagsuporta ng paaralan sa kurikulum na

K to 12 ay mas mapabubuti ang pagtuturo at mapauunlad ang modyul sa Filipino 8 sa paglipas ng

panahon na maaaring magamit ng paaralan sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaaral.

Sa mga Susunod pang Mananaliksik. Upang magkaroon ng batayan at saligan ang mga

mananaliksik at mas mapalawak pa ang pag-aaral patungkol sa pagpapaunlad at balidasyon ng

modyul sa Filipino 8.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Upang maunawaan nang lubos ang pag-aaral na ito, minabuti ng mananaliksik na bigyang

katuturan ang mga katagang ginamit:

Modyul. Ito ay isang kagamitang pagtuturo at pagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at

naglalahad ng mga tiyak na takdang gawain sa isang kaparaang sistematiko.

Pagtataya. Ito ay isang prosesong kinasasangkutan ng pagsusuri ukol sa kabisaan at lebel ng

pagtanggap sa modyul ng Filipino 8.

Kompetensi. Ito ay tumutukoy sa kindergarten at anim na taon sa elementarya at anim na taon sa

sekondarya (apat na taon ang junior high at dalawang taon ang senior high). Gumagamit ng spiral

na kurikulum (Luistro, 2012)

Estratehiya. Ito ay mahusay na pamamaraan sa paggawa ng isang bagay.

Balidasyon. Isa itong pamamaraan upang matukoy ang katumpakan ng isang pag-aaral.

Kurikulum. Ito ay ang mga kursong pag-aaralan, o kaya programang pag-aaralan. Sa ingles ito

ay tinatawag na syllabus.

Sariling Linangan Kit. Isang makabagong kagamitan ng mga guro at mag-aaral na kakamit sa pamantayan ng kurikulum na K – 12 mula sa Departamento ng Edukasyon.

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Ang mga sumusunod na literatura ay mga nalikom na impormasyon mula sa iba’t ibang

awtor, mga aklat, at mga pag-aaral. Sa kabanatang ito ipinapahayag ang mga karagdagang

kaalaman, impormasyon na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik.

Kaugnay na Pag-aaral

Sa panulat ni Yarcia (2002) na binigyang pansin sa pag-aaral ni Cruz (2013), ang guro ang

pinakaimportanteng tao na nagtuturo at nagbibigay ng edukasyon. Dagdag pa niya, ang gawaing

pagtuturo ay hindi madaling gawin. Hindi sapat na maituro ng isang guro ang mga aralin o paksang

nakapaloob sa kanyang silabus kundi kung paano niya ito maituturo at matututunan ng mga mag-

aaral. Mahalaga ang mga kagamitang pampagtuturo upang mas maging kapaki-pakinabang ang

pagkatuto ng mga mag-aaral ngunit hindi ito sasapat kung hindi nakakamit ng guro ang layuning

kailangan nitong makamit sa isang partikular na aralin. Binanggit ni Fortunato (2006), na ang

tagumpay ng isang guro sa kanyang pagtuturo ay nakasalalay rin sa mahusay niyang pagpaplano

at sa mga layuning nabuo mula sa aralin o paksang tatalakayin.

Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang kawilihan at pamamaraan sa pagkatuto at

mahalagang matukoy iyon kanilang guro. Kaya naman ang pagbuo ng modyul ay mahalagang

nakabatay sa kawilihan at naaayon sa panahon nang sa ganoon ay nakakasunod ang mga mag-

aaral sa bawat paksang tinatalakay nang may kawilihan at walang pagkabagot. Ayon kay

Chambliss mula kay Lapie (2015) ay nakaatang sa balikat ng ating mga guro ang kasanayan ng

mga mag-aaral kung paano bumaba, mapataas ang antas ng kanyang kakayahan ayon sa kawili-

wili, mabisa at mahusay na paraan ng pagbabasa niya para matuto. Bilang pagbibigay halaga rito,

ang kakayahang ito ay kailangang malinang sa pamamagitan ng pagbubuo o pagpapalawak ng mga

programa at mga gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan nito.

Related Documents

Walang P
October 2019 32
Walang Sugat.docx
May 2020 28
Tahanang Walang Hagdanan
November 2019 17
Tahanang Walang Hagdanan
November 2019 19
Negosyong Walang Lugi
May 2020 10

More Documents from "paul"