Binging Tenga, Bulag Na Walang Pagpapahalaga

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Binging Tenga, Bulag Na Walang Pagpapahalaga as PDF for free.

More details

  • Words: 404
  • Pages: 1
Binging Tenga, Bulag na Walang Pagpapahalaga By ASSOCIATE EDITOR Ika-apat noon ng hapon, hayun ang mga tsismosang kapit-bahay, to d' max ang huntahan, kabi-kabila nanaman daw ang patayan, karamihan ay kadalagahan—sa tulay may natagpuan, hati-hating piraso ng katawan. “Aray! g*go ka, f**k you! Tama na!”, sigaw ni gagsky sa Ama, gangster yan dito sa kanto, maraming hirap na ang pinagdaanan, lamog na ang katawan—nahiwa ng bote ang talampakan, nasuot sa rayos ng bike ang paa, inihagis sa ilog, nakatikim ng sandamakmak na latay, pero hayun, wala paring dala! At ngayon, bugbog sarado nanaman siya, nanapak daw ng tambay! Ilang taon na nga ba si Gagsky? Ah, labindalawang taong gulang! Si Tinang, ginabi nanaman, rumampa daw siya dun sa dulo kaya busog nanaman ang bulsa. Abot tenga ang ngiti ni aling Aning, malaki-laki kasi ulit ang pondo niya sa majong at may pantaya pa sa jueteng at pamBingo, naolatz kasi siya nung nagdaang araw. Si Tinang? Desi-sais anyos. Wala na siyang ngipin, nalagas na ang natitirang dalawang bulok! Muntik na daw siyang masalvage, buti nalang at nakatakas, napagkamalan kasing kriminal, wasted! Yan si Felipe, maagang naulila kaya namuhay ng mag-isa, pakalat-kalat sa lansangan.... Si Felipe? Ah, desi-siyete! “Pun**ta kang bata ka, halika nga dito, manang-mana ka sa ama mong batugan! Pareho kayong walang silbi!” Yan ang birada ni Klaring sa kanyang mga anak, mukha na siyang losyang, ang anak ay tila hagdanan, sunod-sunod kasi, magkakaiba nga lang ng ama— may negro, kano, hapon, at meron dins chinitong masikip ang bulsa. Pero matapos siyang gawing palipasan ng sarap, ayun, inabandona, iniwan ang sangkatutak na anak. Dose pa lamang siya ng magkaanak, maaga kasing lumandi ang bruha! Ngayon, bente dos na siya! Si Carding, bangag nanaman! Astig... Limang piso lang, may tsongke na siya, parang shampoo lang diba? Yan ang HOBBY niya kapag walang magawa, it's worth a while daw, yun nga lang, lagi siyang walang magawa. Miyembro rin siya ng mga sikat na samahan— ang akyat bahay gang, sunog baga, at Philippine's most wanted. Si Carding? Trenta anyos! Noong isang linggo, kapapanganak lang ng asawa ni Carding, isang batang lalaki. Anong propesyon naman kaya ang pipiliin ng batang iyon? Gangster na kagaya ni Gagsky? Kapit-patalim na kagaya ni Tinang? Sugarol na gaya ni Aling Aning? Tambay na kahanay ni Felipe? Pabrika ng bata na katulad ni Klaring? Adik na kagaya ng ama? O mas hihigitan pa ito? Dug pusher ika nga? Hay... Ilang taon pa kaya?

Related Documents