Paalam Sayo Ni Marian Joy B. Custodio
Sa buhay natin ay may maraming dumarating at marami ring nawawala, masakit man sa atin ay kailangang tanggapin kung ano ang kinahinatnan ng isang sitwasyon na kahit kalian ay di naipaalam sa’yo at huli na saka mo nalaman ang katotohanan. Ako’y isang anak –mayaman, lahat ng luho ko ay naibibigay ng aking mga magulang, napaka-mitekolosa ko, sinusuri ko muna ng mabuti ang lahat ng bagay na mapapasa-akin. Maging sa pagibig ay mapili ako sa magiging kasintahan ko. Gusto ko kasi kung sino na iyong una kong nagging kasintahan ay sya na rin yong taong pakakasalan ko at makakasama sa habang buhay. Nasa ikalawang antas ako ng sekondarya noon, nang una kong makilala si Nolie. Bago lang sya sa paaralan naming, naging sentro ng atraksyon ng mga kababaihan, nguni’t isa sa kanila ay wala syang pinansin. Sa araw-araw ay malimit ko syang nakikita na kasama ang mga kabarkada. Sya lang ang natatanging tahimik sa grupo. Kung ako’y papipiliin, mas gugustuhin ko pa yong maingay pero alam kong ako’y magigiging masaya sa kanya, hindi katulad ni Nolie…siguro kung
ganyan ang taong makakasalamuha mo sa araw-araw, ang buong mundo’y puno ng katahimikan. Isang araw, habang ako’y naglalakad sa campus, di sinasadyang nahulog ang mga gamit ko, wala pang ibang tao kundi si Nolie lamang na syang mismong nasa likuran ko. Agad nya kong nilapitan at tinulungang limutin ang mga gamit ko. Una kong impresyon ko sa kanya ay talagang napaka-tahimik at torpe pagdating sa babae. Sa paglilimot ng mga gamit ko ay nahuli ko syang nakatingin sa akin at ibinaling ang tingain sa iba. “maraming salamat”, wika ko. “wala namang anuman yon”, ang mahinang sagot niya at walang pasabi ay inihatid nya ako sa aking silid aralan. Lumipas ang araw at buwan, sa tuwing magkikita o magkaksalubungan sa daan ay nagbabatian kami, hanggang sa nagkapalagayan na kami ng loob. Palagi kaming nagkikita, sabay kaming kumain sa tanghali at sabay rin kami sa paguwi. Marami na ngang nagaakalang magkasintahan daw kami. Napapatawa at nagkakahiyaan na lang kami sa isa’t-isa. Magkapatid na kami kung magturingan. Ngunit isang araw, niyakag niya akong kumain sa labas, napakatahimik nito at
parang balisa. “ok ka lang?”, wika ko. “hoy!, di mo ba ako kakausapin?, aalis na lang ako”. Tatayo ako at…”Joy! Mahal kita”, ang malakas na sambit niya. Nagulat at napatahimik na lang ako. Inirespeto ko ang nararamdaman nya. At doo’y nagpaalam sa akin kung pwede syang manligaw, pumayag ako at binigyan sya ng pagkakataon. l\umipas ang taon ay masigasid pa rin syang nanliligaw sa akin. Ang tatag nya at doon nya napatunayan na totoo sya sa nararamdaman nya para sa akin. Pakiramdam ay ligtas ako sa tuwing kasama ko sya. Sa pagkakataong yaonay pareho naming nararamdaman na mahal na mahal naming ang isa’t isa, ang kulang na lang ay ang matamis kong “oo”. Sa paaralan ..”Nolie,’wag kang mawawala sa Graduation Day ko ha “ wika ko. “oo naman, palalampasin ko ba naman yon, ‘kaw pa”, sambit nya. Sa wakas dumating na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng pagtatapos. Masayang masaya ako at maging ang mga kaklase ko, sapagkat lilisanin na naming ang paaralan na kung saan ko unang nakilala si Nolie. Nagsisimula na ang program ngunit wala pa si Nolie, lumapit ako sa mga kaibigan
niya at tinanong ko kung nasaan na si Nolie ngayon, sabi nila ay pupunta daw sya dahil alam nga nila na hindi papayag na hindi makakapunta si Nolie sa aking Graduation Day. Napanatag naman ang aking loob. Ibinigay na ang aming diploma, nguni’t ni anino niya’y ‘di ko nasulyapan. Habang kumakanta kami ng goodbye song ay luminga-linga ako sa paligid… bigla akong nabuhayan at tumulo ang mga luha nang makita si Nolie sa likuran ng audience. Nakatayo ito at kulay puti ang kasuotan. Nakatingin sa akin si Nolie at may halong lungkot at saya ang mukha niya, nguni’t di ko na masyadong pinansin ‘yon. Pagkatapos naming kantahin ang goodbye song ay agad akong bumaba sa entablado at pinuntahan si Nolie sa kinatatayuan. Niyakap ko sya ng mahigpit at nahalata ko ang tuwa sa kanyang mukha. Iniabot nya sa akin ang regalong nababalutan ng kulay rosas sapagkat alam nyang ito ang paboroto kong kulay. Kakaunti na ang tao sa campus at…”halika, maupo muna tayo at may mahalaga akong sasabihin, tiyak na matutuwa ka, ba’t ba ang tagal mong dumating akala ko’y napaano ka na e, ang masaya kong sambit. Lumingon ako sa
likod sa pagaakala kong kasunod ko pa sya. Nagulat na lang ako sapagkat bigala na lanfg syang nawala at hinanap ko sya sa buong campus. Naisip kong pumunta sa bahay niya. At doo’y sa malayo pa lang ay tanaw na ang maraming tao, wari’y nagpupuyos ang mga kalooban nila, at pawing malulungkot ang mababakas sa mga kilos nila. Dali-dali akong kumatok sa sa pinto at nanay nyang umiiyak ang nagbukas ng pinto para sa akin. “nasaan po si Nolie?” wika ko “hindi mo pa ba lam?, halika at pumasok ka na lang” sa pagpasok ko ay isang kabaong ang lumantad sa akin, lumapit ako at tiningnan ito, mukha ni Nolie ang nakita ko.Napahagulgol ako ng iyak at nang mahimasmasan ako ay kinausap ako ng nanay niya. “namatay sya kaninang tanghali kasalukuyang nasa paaralan ka, matagal na nyang nararamdaman ang sakit na dulot ng leukemia. Ngunit simula ng makilala ka nya, siya’y lumaban at malaki ang pinagbago niya, naging positibo siya sa buhay, kaya maraming salamt sayo Joy. At kahit papano’y nakapiling pa naming sya ng matagal at mahigpit na ipinagbilin sa akin ni Nolie na ibigay ko raw sayo ‘to, sandali lang at kukunin ko”, “tita ito po
ba yong tinutukoy mo?” “oo yan nga, paano napunta sayo ang regalo?”,pagtatakang sambit niya. “marahil po ay pinilit po niya na makapunta sa Graduation Day ko sa pamamagitan ng kaluluwa nya,” tumahimik ang buong kapaligiran. Napagtanto at naglaro sa aking isipan na “sayang” ito ang malaking panghihinayang ko, sa tagal ng kanyang paghihintay sa akin na sana’y ito na ang araw sya’y aking sasagutin. Kung alam ko nga lang na kukunin sya ng maaga ng poong maykapal ay matagal ko ng sinabi sa kanya ang matamis kong “oo”.