NOLI ME TANGERE KABANATA XXXIV ANG NANGYARI SA TANGHALIAN Narrator: Si Kapitan Tiago ay naghanda ng marangyang pananghalian para sa mga kilalang tao sa lipunan.<papasok sina Alperes, padre Salvi, Ibarra, padre martin etc>Kapitan Tiago: Halina, tuloy! Tuloy kayo!
Narrator: Masaya ang lahat. Masiglang nagbabahagi ng kani-kanilang kwento, nagtatawanan, at maganang kumakain. Isangkatulong ang lumapit kay Kapitan Tiago habang dala-dala ang isang papel.
Katulong: Kapitan Tiago, may telegramang dumating.
Kapitan Tiago: Mga ginoo, ang kanyang kamahalan ang Kapitan Heneral ay darating at sa aking bahay tutuloy.
Padre Martin: Dapat sa kumbento tumuloy ang kapitan Heneral.
Narrator: Nakatanggap din ng telegrama ang alperes, alkalde at kapitan. Ganoon rin ang nilalaman: darating ng ikaapat ng
hapon ang Kapitan Heneral.
Kapitan: Napakaganda ng sermon kanina ni Padre Damaso. Bakit nga pala wala siya dito?
Tenyente Guevarra: Siguro napagod.Padre Martin: Upang makapagsermon ay kailangan ng gayong kahaba at kailangang magkaroon ng mga baga na gaya ngkay Padre Damaso.
Alkalde: Naalala ko pala, ang kusinero ni G. Ibarra ang pinakamagaling magluto sa buong lalawigan. Hindi ba, G. Ibarra?Crisostomo: O..Oo. Tama po kayo sa iyong sinabi.
Narrator: Iba t ibang paksa ang kanilang pinag-usapan nang tanghaling iyon. Makalipas pa ng ilang sandali, napansin nila na
dumating si Padre Damaso.
<Papasok si Padre Damaso. Ngingiti sa mga makikita pero mawawala ito nang makita si Crisostomo>
Padre Damaso: Mukhang mahalga ang inyong pinag-uusapan kanina? Bakit hindi niyo ipagpatuloy?