NANINIWALA KA BA SA FOREVER?”-(tekstong argumentatibo) May FOREVER, at maniniwala akong may forever hangga’t may nagmamahal at minamahal. Ang Forever kase hindi lang naman yan nakatuon sa pagibig lang sa kapareha mo na dapat mo lang paglaanan, bagkus ito ay nakabase sa lawak at kakayahan mong magmahal sa mga nakapalibot sayo. Para sa akin maituturing mong forever ang pagmamahal kahit isa ka lang na nagmamahal, ibig sabihin mananatiling mahal mo siya kahit walang tugon ng pagmamahal mula sa iyong sinta. Hangga’t may kakayahan kang magmahal at may nagmamahal naniniwala ako at maniniwala parin ako sa forever. Sapagkat ang tao’y nabubuhay sa pagmamahal at pagmamahal lamang. Para sa akin isang kahibangan ang pagiging bitter, sila kase yung mga hindi naniniwala sa forever dahil nasaktan sila, pero ganoon naman sadya kapag nagmamahal, masasaktan at masasaktan ka dahil kaakibat nito ang sakit at kabiguan. “Hindi ka pa kase nagmahal at nasaktan kaya hindi mo alam ang pakiramdam ng isang bitter?”, alam ko ang pakiramdam na yan dahil lahat naman tayo nasasaktan kapag nagmamahal, pero hindi yun dahilan para itaga sa sarili mo na walang forever. Huwag mong ikulong ang galit at sakit na nararamdaman mo dahil lang sa nasaktan ka. Huwag mong ituon ang sarili mo o pagmamahal mo sa iisang tao lamanng dahil hindi mo namamalayan mahal ka ng mga taong nakapalibot sa iyo, yung mga taong hindi mo napapansin, yung mga taong nasa likod mo lang. Huwag nating ibase ang forever sa litiral na paraan, dahil Oo lahat may katapusan, lahat ay mamamatay, lahat ng bagay binibigyan ng life span. Pero hindi ito ang basehan na wala talagang forever. Ang pagmamahal ng Diyos sa atin, di ba forever yun?, ang pagmamahal natin sa pamilya natin, sa mga kaibigan natin, sa lahat ng taong mahalaga sa atin di ba forever yun? Hangga’t naniniwala ka at may pagmamahal kang nadadama, may FOREVER, maniwala ka.