Adelanto: progreso (pangngalan) -Malaki ang posibilidad na makamtan ang adelanto ng pilipinas. Adorno: dekorasyon;palamuti;gayak (pangngalan) -Puno ng adorno ang entablado. Aeronautica: nabigasyong panghihimpapawid (pangngalan) -Mahalaga ang aeronautica sa mga eroplano. Agam-agam: alinlangan; kaba; pag-aalala (pangngalan) -Agam-agam ang sanhi ng kanyang pagkataranta. Agap: liksi; dali; listo (pangngalan) -Dapat maging agap sa panahon ngayon. Agrimensor: manunukat-lupa (pangngalan) -Isa siyang agrimensor. Agwasa: bulwak ng tubig; umaapaw na tubig (pangngalan) -Agwasa ang nasaksihan pagkatapos ng bagyo. Alahero: mag-aalahas; gumagawa ng alahas (pangngalan) -Alahero ang trabaho ng kaniyang tatay. Alampay: bandana; balabal; panwelo (pangngalan) -Kailangan na nating magsuot ng alampay ngayong taglamig. Antak: kirot; hapdi; nanunuot sa sakit (pangngalan) -Antak ang kanyang naramdaman ng siya’y nadapa Apula: hadlang; pigil; tigil (pandiwa) -Pilit nilang inaapula ang apoy sa kagubatan. Arka: daong (pangngalan) -Isang arka ang dumaan sa dagat ng Pilipinas. Baak: biyak; hati (pandiwa) -Binaak niya ang prutas na kanyang kakainin. Bagwis: pakpak (pangngalan) -Mahaba ang bagwis ng agila. Bahagya: kaunti (pang-abay) -Bahagya lamang ang may gusto sa kanya.
Bakas: marka; gunita; tanda (pangngalan) -Isang bakas ng kasaysayan ang Intramuros. Bakil-bakil: magaspang; baku-bako (pang-uri) -Bakil-bakil ang daan na ating tinatahak. Batugan: tamad (pang-uri) -Siya ay isang batugan. Dagta: katas (pangngalan) -Masarap ang dagta ng pinya. Dagubdob: apoy (pangngalan) Dambana: altar (pangngalan) -Maluwang ang dambana ng simbahan. Disidido: tiyak (pang-uri) -Disidido na siya sa kaniyang pag-alis. Diwara: kasawian (pangngalan) -Diwara ang nararamdaman ng mga taga-Marawi. Duplo: diskusyong patula (pangngalan) -Duplo ang paligsahan na kanyang lalahukan. Estrelya: bituin (pangngalan) -Napakagandang tingnan ang mga estrelya sa langit. Etika: ukol sa kaasalan (pangngalan) -Meron siyang magandang etika. Etnolohiya: agham ukol sa pinagmulan ng tao (pangngalan) -Etnolohiya ang kaniyang pinag-aaralan. Gahol: kapos sa oras (pang-uri) -Gahol na ang lalake sa kanyang minamahal. Gapos: posas; tali (pangngalan) -Nakatakas siya sa kaniyang pagkakagapos. Gutay: punit-punit; wasak (pang-uri) -Gutay ang papel na ipinasa ni Anjo. Habag: awa (pangngalan) -Habag ang kulang sakanya. Habla: akusa; demanda (pandiwa) -Inihabla siya ng kanyang kamag-anak.
Huwad: palsipikado (pang-uri) -Huwad ang kanyang pagkatao. Isod: urong (pandiwa) -Sakit ang dahilan ng kanyang pag-isod sa laban. Itsa: hagis; tapon (pandiwa) -Patuloy ang kaniyang pag-itsa sa mga damit niyang marurumi. Iwi: angkin (pangngalan) -Iwi nila ang kabilang bayan. Kumpites: kendi (pangngalan) -Kumakain siya ng matamis na kumpites. Kusa: boluntaryo (pang-uri) -Kusa siyang tumulong sa mga taga-Marawi. Laganap: kalat (pang-uri) -Laganap ang pagnanakaw sa siyudad. Lumat: bagal; hinay (pangngalan) -Lumat siyang matuto. Masugid: masigasig (pang-uri) -Masugid siyang nagtatrabaho. Muralya: kuta; moog (pangngalan) -Sa timog ang kanilang muralya. Noble: dakila (pang-uri) -Isa siyang nobleng ina. Nombramyento: pag-hirang (pandiwa) -Isinasagawa ang kaniyang nombramyento bilang pangulo. Orakulo: hula (pangngalan) -Nagbigay siya ng kahindig-hindig na orakulo. Punyagi: sikap (pandiwa) -Walang kapantay ang kaniyang pagpupunyagi. Rurok: taas; tayog (pangngalan) -Rurok ang kanilang estado sa buhay. Salakata: palatawa (pangngalan) -Siya ay isang salakata. Tuwang: tulong
(pandiwa) -Nagbigay siya ng tuwang sa nangangailangan. Yapos: yakap (pandiwa) -Iniyapos niya ang kaniyang ina. Yupapa: kumbaba (salitang-ugat) -Humihingi siya ng yupapa sa kaniyang guro.