May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing: 1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay may patas na katangian. Hal. Pareho silang maganda. Magkasing puti ang blouse na iyon. 2. Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa itong uri: a.Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit. Hal. Di-gaanong mabigat ang bag ko ngayon kaysa kahapon. Hindi ko lubhang naintindihan ang turo ng bago nating titser. b.Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o naka hihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitang higit, labis at di-hamak. Hal. Labis ang saya ang naramdaman ni Ana noong nakita niya ang tatay niya. Di-hamak na mas maganda ang proyekto ni Ana kay Lito.