Pagtatapat Ng Dalawang Matsing

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pagtatapat Ng Dalawang Matsing as PDF for free.

More details

  • Words: 247
  • Pages: 2
PAGTATAPAT NG DALAWANG MATSING (Naisatitik sa giya ng tulang Evolution)

Ni Adrian D’ Cruz Balagot

Minsan ay nag-usap ang dalawang matsing Sa puno ng niyog habang naglambitin… Wika ng isa sa kaniyang kasama… “Katoto alam mo ba ang bali-balita? Na itong tao raw sa atin nagmula.” “Kayhirap isipin ng balitang iyan… Masasabi pa ngang… isang kahunghangan… Bakit kamo igan? Ang tanong ng malay Sa munti kong damlay… na nagugulumihanan.” “Isipin mo ito! Sabad niyang muli, Oo nga… ang matsing ay pauli-uli Di naman iniwan sa dusa’t pighati Ang mahal na anak sa ibang kandili.” “Matsing ba’y nagbakod ng puno niyog Hinayaang bunga’y sadyang mangabulok Sa labi ng iba’y kaniyang pinagdamot Panighaw sa uhaw… pamawi nang pagod.” “Sa lahi ba natin… ay may mapag-imbot. Ari ng iba… pilit na inabot Nungkang ang kapalit karangalang handog Nang kinkilalang mahabaging Diyos.” “Bagama’t sa atin ay may pagdaramdam Di naman nauwi… sa walang hanggang kaguluhan Tunay ngang dadaming… normal sa nilalang Ngunit hindi daan ng libong kamatayan. “Lahi ba natin… kapwa ay siniil? Sa maling paratang, hatid ay hilahil Di lang sa sarili… maging sa kapiging Pati na sa mga mumunti nilang anghel.” “Tayo ba’y nangwasak nang buhay ng iba At hayaang mata’y mamugto sa luha Nang mumunting supling na nangaulila Sa bisig ng inang sakbibi ng dusa.”

Sa kamangmangan nga… tayo umiiral Sa balat ng lupa sa mundong ibabaw Ngunit sa ati’y wala damdaming gahaman… Diwang mapangwasak… pusong sukaban.” TAO… Mag Isip Ka! Ikaw ba… sa amin nagmula??? ******************************************************************** *****************

Related Documents