Unang Lagumang Pagsusulit Science III Ika-apat na Markahan Pangalan: ___________________________________________________ Iskor: _______________________
I.
Isulat kung tama o mali ang isinasaad ng bawat pangungusap.
_____ 1. Maraming bagay ang bumubuo sa ating kapaligiran. _____ 2. Ang kapaligiran ay binubuo ng mga bagay na nabubuhay lamang. _____ 3. Ang lupa, hangin at tubig ay mga elemento ng kapaligiran. _____ 4. Ang ating kapaligiran ay binubuo ng nabubuhay at di-nabubuhay na bagay na ating nakikita. _____ 5. Ang mga isda at korales ay makikita sa halamanan o hardin. _____ 6. May buhay ang mga batong nakalagay at nakikita natin sa ating hardin. _____ 7. Ilog ang pinakamalaking anyong tubig. _____ 8. Ang bukal ay anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa. _____ 9. Ang lupa ay binubuo ng bahagi ng bato na nahahati sa maliliit na piraso. _____ 10.Ang bato ay bagay na nabubuhay na matatagpuan sa hardin. II.Bilugan ang titik ng tamang sagot. 11. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain, tela para sa damit at gamot. A. hangin B. hayop C. Halaman 12. Ang mga halaman tulad ng puno ay mahalaga sapagkat _____. A. Ito ay pinagmumulan ng tubig. B. Ito ay pinagkukunan ng halamang dagat. C. Ito ay nagbibigay ng lilim at sariwang hangin. 13 Ang mga anyong lupa ay mahalaga sa tao, halaman at hayop sapagkat ito ay ____. A. Maaaring pagtaniman ng mga halamang pagkukunan ng kanilang pagkain sa arawaraw. B. Magsisilbing pook pasyalan ng mga tao. C.Ito ay nagsisilbing tapunan ng mga basura. 14. Kung ang halamang gamot ay nakapagpapagaling sa mga maysakit, ang mga halamang dagat naman ay_. A. Nakapagpapalusog B. Nakapagdudulot ng karamdaman C. Nakapagpapaganda 15. Sa patuloy na pagkawala ng mga puno sa kapaligiran,ito ay magdudulot ng ____ A. Baha B. Lindol C. Karangyaan
III.Pag-aralan ang mga sumusunod na bagay. Pagsamahin ang mga bagay na may buhay at walang buhay. Puno ng mangga
kaibigan
palengke
Mag-aaral
telebisyon
isda
Elepante
dahon
aklat
May Buhay
Walang buhay
16. ___________
19. ___________
17. ___________
20. ___________
18. ___________
bahay