Malikhaing Pagsulat Sa Filipino.docx

  • Uploaded by: Kent Ivan Florino
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Malikhaing Pagsulat Sa Filipino.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,235
  • Pages: 4
Mga Engkwentro ni Mario sa Loob ng Banyo

Mga sipi ng tula mula sa talaarawan ni Mario Dimakakimi

Agosto 12, 2019, Lunes Pagkahaba-haba na din ng aking nilakbay lulan ng treng pagkabilis-bilis ngunit pakarag-karag ang takbo. Mula sa kalupaan ng Laguna, haharurot patungong Sta. Mesa, nobenta kilometro, isandaan at dalawampung libong katao, babae, lalake, bakla, tomboy, pantay-pantay ang pagkatao sa bagóng pinaramdam sa’min ang buhay mananakay; mala-impyerno. Bibitbitin ako nito sa unibersidad na kung tawagin ng karamihan ay ‘Sintang Paaralan’ na huhubog sa aking kakayahan bilang isang produktibong mamamayan lingid sa tawag ng ibang tagapagsunog ng upuan, gobyerno’y kinakalaban, komunista. Tatapak ako sa pamantasan na buo ang aking kalooban, ngunit sa kasamaang palad at sa hindi inaasahang pagbabago ng mga pangyayari, kahit gaano pa mang ganda ng mga tugmang aking bibitawan, dulo’t dulo ay maantala ito dahil sa kalagitnaan ay nagtatampururot ang aking t’yan. Disclaimer: Pasintabi sa lahat ng kumakain d’yan. Pagbaba sa istasyon ay agad na karipas paloob patungong palikurang mukhang deka-dekada na rin ang nilipas. Mapanghing kubeta, pader na kalaswaan ang nakatinta, nag-iisang kyubikel na handang paginhawain ang aking puwerta. Ang ating panawagan, #BetterFacilitiesNow #FreeEducNow. Sampung minuto ang aking ginugol, tubig na lang ang hahabol. Subalit, sumambulat na lamang ang aking gulat nang Makita ang lahat. Hindi makapaniwala ang aking mga mata, nanlaki, nanlumo, naghinanakit; kung bakit nasaid ang likidong hihimod sa aking nanlilimahid na tumbong. Nakalulunod ang kahihinatnan ng kawalan ng tubig dahil paano na lamang ang mga sanggol na kailangan ng gatas? Ng magsasakang tubig ang pundasyon ng pag-aani? Ng babaeng buwanan kung datnan at duguin? Ng masang tubig ang panlaman sa kumakalam na t’yan dahil ang pagkain ay kayhirap kubrahin?

Isigaw natin, #CleanAndAccesibleWaterForAll.

Agosto 13, 2019, Martes Nagpapatuloy ang serye ng walang pigil na pilipit sa aking kalamnan. Nagkalat na din ang tisyu at wet wipes sa aking palikuran. Hindi matapos-tapos ang hikbi sa gabing madilim kayakap ang mainit na tubig na turo pa ng matandang ermitanyo sa aming baryong liblib. Nagmamantika na din ang aking mga palad, simot ang 2 botelya ng panghaplas. Naglaga na din ako ng tawá-tawá na pinitas pa sa dormmate kong mukhang hindi masaya sa ingay ng binubunsod ko kahit alas dose na. Gamot! Gamot ang tanging kasagutan. Kinabukasan, tumungo ako North Wing, binagtas ang South, dumako ng West, ngunit, niisang tableta at reseta, wala; pumalya lamang ang aking pag-aakala. Kinatok ko ang doctor ngunit naunahan na akong yawyawan ng mga nursing students na sa paulit-ulit kong pangangalabog ay tila ba’y naingayan:

“Sino ho bang hinahanap mo d’yan?” ani nursing student 1. “Ah baka si MIA,” ayon naman kay 2. Sa aking kuryosidad at desperasyon, tinanong ko na rin kaniyang apelyido nang agad nang mahalughog ang kaniyang pinagkukutan. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. “First name niya MIA. Apelyido, Missing-In-Action.” Tugon ng janitress habang ngumingiwi. “O baka si MIA M.D. ang hanap mo. Missing-in-Action na, Maling Diagnosis pa.” Sabay-sabay na nagtawanan ang kumpol na hindi nalalaman ang aking pinagdadaanan. Hindi siguro nila naranasan ni minsan sa kanilang buhay na maghugas ng sangkaterbang undies dahil sa minu-minutong pag-ipot. Ang ang ating itutugon, #HealthForAll #HealthIsARight. Agosto 14, 2019, Miyerkules Galit na galit na ako at hindi ko na nadadaluhan ang aking mga klase kahit wala naman talagang propesor, minsan umaabot hanggang buwan ng Setyembre. Gusto ko lang masipat ang aking mga kaklase at baka alam nila ang pwedeng solusyon sa t’yan na nakakdyahe. Ngunit ayoko rin naman silang madismaya na good looking nga, mabaho naman pala. Tsarot! Suspecha ko, dahil siguro ito sa kinain kong kangkong sa tagong samgyupsal shop na nakahilera lamang sa bangke-bangketa. Baka siguro inuod ang halaman o baka sa paglamutak ako na naman ay nasobrahan. Pa’no na lamang ang 7AM class ng estyudyante may pangarap na makagraduate with flying colors kung sa ikatlong araw na nang klase, hindi makagora dahil sa foul odor. “Patuloy tayong nagkakatipon upang irehistro ang panawagan na mahanap ang hustisya sa 14 na magsasaka sa Negros na pinatay ng pwersa ng kapulisaan.” Natigil ako pansumandali sa aking hysteria nang marinig ko ang boses ng mga rallyista. Saan nga ba ako kumukuha ng apog na na sumbatan ang mga taong nasa likod ng pagtatanim ng halamang nagpalusog sa aking mga laman? Anong karapatan kong magreklamo kung ang mga taong kinikitil ay kumakalam muna ang kalamnan?

#UringMagsasakaPangunahingPwersa #GenuineAgrarianReformNow

Agosto 15, 2019, Huwebes Kailangan ko ng taong aagpay sa aking araw na kaylumbay. Ika-nga nila, ‘no man is an island’. Cliché man pakinggan ngunit sa mga yugtong pamilya ang kailangan mong kasama, mapapaisip ka kung bakit pa ninyong maghiwalay sa isa’t isa? Kung nandito lang sana ang aking ina na siyang sa akin ay nag-aruga, malamang, mabilis lamang nang mabigyang lunas ang t’yang humihilab dahil sa uod na ‘di mautas-utas. Bakit pa kasi kailangang mamasukan sa tirahan ng mga dayuhan upang punasan ang kakarampot na dumi ng pinagkainan na magagawa naman ng isang taong responsible, buo ang pangangatawan, at higit sa lahat ay may pinag-aralan. Bakit kailangan pang sahuran kung ang kapalit ay ang mga gabing siya’y pagsasamantalahan? Baka siguro, kung nandito ang aking ina, hindi na ako nagmumukmok sa sulok at

nangungulila sa pangangalaga. Ngunit, kung isasakripisyo ko ang trabaho ng taong sa akin ay bumuo, ilang t’yan pa kaya ang sisikmurain dahil walang panglaman sa araw-araw na dadaan? Ilan kaya sa aming pamilya ang titirik ang mata, buto’t balat na ihihimlay?

Kailan pa magkakaroon ng #OportunidadSaTrabaho para sa #UringManggagawa #HukbongMapagpalaya.

Agosto 16, 2019, Biyernes Hindi ko na kaya. Tumatakbo, tumatalon, sumisigaw na ayoko na nito. Hindi lamang ito usapin ng sakit na mayroon ako kundi paano ito pinalala ng mga kondisyong panlabas na nakakaapekto. Marahil, ito na ang huling araw na ako’y kakatha ng mga tula dito sa talaarawang ito. Sagad-sagaran na din ang panaghoy na dinala ng aking t’yan, maging ng sampal ng realidad sa bawat araw na nakatitig ako sa kisame ng aking banyo. Mga minute ng pagtanto na higit lamang sa isyu ng pagtae ang kinakaharap ko, nating lahat. Kaya, sa mga dugong kakalat, sana magmarka ang mga akda kung paanong ang dapat na katapusan ay maari pa naming dugtungan. Kung paano tumigil ang buhay ng isang estyudyante, dahil sa pagiging intil —ng mga taong walang ginawa kundi magpakasasa sa toreng kanilang binuo mula sa bato at lusak kung saan nalibing ang masa.

Agosto 25, 2019, Biyernes “Chip, nakita na ho naming ‘yung bangkay ng batang matagal na hong nawawala. May nakita rin po kaming mga ebidensya dito sa apartment niya sa Pureza. Iuupdate na lang rin ho naming kayo sa mga detalye ng pagkamatay ng binata.”

May 1, 2022, Linggo, isang buwan matapos matigil ang kaguluhan bunsod ng pag-aanunsyo ng rebolusyonaryong digmaan ng gobyerno “Isang taas kamaong pagpupugay sa lahat ng mga Pilipinong naririto na nagkatitipon upang saksihan ang makasaysayang araw ng paghuhukom. Sa puntong ito inaalala natin si Ka Mario, Ka Zakarias at iba pang mga namatay sa pasistang rehimen ng gobyerno ni Duterte. Sa lahat ng kabataan, kababaihan, magsasaka, at sa manggagawa, araw natin ‘to upang hatulan ang mga sumalot sa ating bayan! Sa ating kolektibong diskusyon at deliberasyon, napagpasyahan ng HUKUMANG BAYAN na ito na hatulan ng kaparusahang kamatayan sa paraan ng pamumugot sina Rodrigo Roa Duterte at ang kaniyang mga alipores sa pagkakasalang pagpatay, kurapsyon, pagaalis ng karapatan sa serbisyong pantao, pagbebenta sa pambansang soberanya na nagkompromiso sa buhay nating mga pag-asa ng bayan. Ang pag-uutos na ito ay epektibo sa pinakamabilis na panahon. Mabuhay ang bagong silang na Pilipinas!

Related Documents


More Documents from "Jenar Datinggaling"