15217751-pagtuturo-ng-pagsulat

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 15217751-pagtuturo-ng-pagsulat as PDF for free.

More details

  • Words: 2,289
  • Pages: 40


Ang Pagtuturo ng Pagsulat   





April M. Bagon-Faeldan

• Ang Pagsulat… Bakit? • Saksi tayong lahat sa maraming paraan at teknik sa pagtuturo ng wika lalo na nitong huling kapat na bahagi ng ika-20 siglo. Nagkaroon nang mabilis na pagbaba sa mga pananaw at dulog sa pagtuturo at pagkatuto ng wika mula sa pagtuturong tradisyunal hanggang sa komunikatibong dulog sa pagtuturo ng wika. Sa kabilang dako, ang pagsulat bilang isang makrong kasanayan ay napag-iwanan. Tama, may mga seminar at komperensyang idinaraos sa pagsulatat dumadalo tayo sa mga ganitong pagpupulong upang makasapol ng epektibong pamaraan at teknik sa pagtuturo ng pagsulat. Ngunit paguwi nati’y balik pa rin tayo sa dulog ng tangi sa nakararaming guro- ang “write a title approach” na taliwas sa dapat asahan dahil marami nang mabisang paraan at teknik sa pagtuturo ng pagsulat at komposisyon.

• Ang pababagu-bago ng mga dulog, paraan at teknik sa pagtuturo at pagsulat at maaaring nagsasanga sa sarili nating pananw hinggil sa mga tanong na inilahad sa ibaba:   • Ano ang pagsulat? • Bakit itinuturo ang ang pagsulat? • Anu-ano ang mga layunin sa pagtuturo ng pagsulat? • Anu-ano ang mga napapanahong dulog sa pagtuturo ng pagsulat?

•   

Mga Uri ng Sulatin • Personal na Sulatin – impormal, walang tiyak na balangkas, at pansarili. Ito ang pinakagamiting uri ng sulatin ng mga bata dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang paniniwala, damdamin, pagiisip o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili. 



• Transakyunal na Sulatin – pormal, maayos ang pagkakabuo, at binibigyang-pokus ang impormasyon o mensaheng nais ihatid dahil komunikasyon ang pangunahing layunin ng ganitong sulatin.

• Malikhaing Sulatin – masining ng paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang binibigyang-pansin ang wikang ginagamit sa sulatin. Ito’y ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling pananw sa mga bagay sa paligid o di kaya’y isang libangan. •   

Personal na Sulatin • Shopping (groseri list) • Tala • Diary • Dyornal • Dayalog • Liham • Mensahe • Pagbati • Talambuhay 

Transaksyunal na Sulatin • Liham Pangangalakal • Panuto • Memo • Plano • Proposal • Patakaran at mga Tuntunuin • Ulat • Adbertisment/Patalastas 

Malikhaing Sulatin • Tula • Maikling kuwento • Awit • Anekdota • Biro • Bugtong 

• Bukod sa mga uri ng sulating inilahad sa itaas, ang mga sulatin ay maaaring uriin ayon sa anyo: – Pasalaysay (Narration) – Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod ng isang pangyayari, mga tauhan at may tagpuan. (maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathangisip, atb.)

•   

– Palarawan (Descriptive) Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto ng mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayri. (paglalarawan ng mga tao, bagay, lugar o konsepto). 

– Panghihikayat (Persuasive) Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananw ng manunulat. (adbetisment,

– Eksposisyon (Exposition) Pagpapahayag na may tunguhing ipaliwanag ang pangyayari, opinyon, kabatiran at mga kaisipan. (pagpapaliwanag, impormasyon). 

– Pangangatwiran (Argumentation) - Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala o kuro-kuro na naglalayong mapaniwala ang kausap o bumabasa sa opinion, palagay at paniniwala ng nagsasalita o ng sumusulat. (opinyon, talakay, ebalwasyon).

Mga Kailangan sa Pagbuo ng Isang Sulatin  Ang pagsulat ay isang kompleks na kasanayan. Ang isang manunulat ay kailangang may sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng isang sulatin, gaya ng mga sumusunod: • Tapik/Paksa. Kailangan sa pagbuo ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang susulatin. Ang mga kaalaman/impormasyon ay maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal, atb., o mga impormasyong nakapalap buhat sa mga pagmamasid at/o personal na 

• Layunin. Dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya nagsusulat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay nang malaki sa layunin. •   

• Interaksyon at isang pagbuo sa kamalayan ng Awdyens. Dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagsulat. Kung minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag nagsulat siya ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao. Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan, ano ang maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pag-unawa, anong uri ng wika ang angkop na gamitin kung

• Wika. Ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang maaaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon. 

• Konbensyon. Dapat isaalang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat at istilo ng wika ang pagsulat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat ng isang memorandum.

• Mga kasanayan sa pag-iisip. Ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lohika upang makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa kawili-wiling paglalahad; kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling pagpapasiya at ibapa. Anupa’t totoong masasabi natin na

• Kasanayan sa pagbubuo. Isa sa mga tunguhin ng manunulat ang makabuo nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang detalye. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal na mailahad ang pagkakasunudsunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamit ng mga angkop na pang-ugnay. 

• Sariling sistema ng pagpapahalaga. Dapat isaalang-alang sa pagsulat ang mga pagpapahalagang pinananaligan ng isang manunulat at handa siyang panindigan ang mga ito. Binibigyangpansin niya sa pagsulat ang mga sumusunod: – ano ang mahalaga sa paksa; – ano ang maganda o mahusay na pagsulat; – ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa sumusulat; – sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin; 

• Ang mga ito at ilan pang personal o

• Mekaniks (pagkakasulat, pagbaybay, pagbabantas, konbensyon sa pagsulat). Dapat isaisip na ang maayos na pagkakasulat ng isang sulatin ay isang kailanganin na dapat isaalang-alang sa pagsulat. Kailangan din na ang lahat ng salitang gagamitin sa pagsulat ay may wastong baybay. Hindi rin dapat kaligtaan ang wastong pagbabantas at ang angkop na anyo ng teksto na gagamitin sa

• Ang proseso ng Pagsulat. Dapat mabatid ng isang manunulat ang mga proseso na sinusunod sa pagsulat: pagpili ng paksa, paglilikom ng mga ideya, paggawa ng draf o burador, pagrerebisa, pag-eedit, ibayong pagtingin sa buong manuskrito at paglalathala. 

Ang Pagtuturo ng mga Kasanayan sa Pagsulat Bakit itinuturo ang pagsulat? • Ang maraming bilang ng mga mag-aaral na palihim na nagrerebelde ang kalooban dahil kailangan nilang mag-submit ng komposisyon ay karaniwang senaryo sa maraming klasrum at halos ay hindi binibigyang-pansin ng maraming guro ng wika. • 





Ang ganitong tanawin ay maaring bunga ng mga maling konsepto at mga paraan at istratehiya sa mabisang pagtuturo ng pagsulat at komposisyon sa ating mga paaralan. Dapat isaisip na ang kakayahang mailahad ang anumang naiisip o nadarama sa pamamagitan ng pagsulatay napakahalaga sa ating pang-araw-araw na pakikipagugnayan. Ang pagsulat ay maaaring tanawin bilang tugon sa pagpapahayag ng ating damdaming

Bukod sa katotohanang dapat ituro ang pagsulat para sa pansariling kapakanan, marami pang ring ibang pangangailangan na dapat tanawin sa pagtuturo ng pagsulat gaya ng mga sumusunod: • Ang mga gawain sa pagsulat ay ay mahalagang daan upang mapagsama-sama at mapatibay ang mga kasanayang natamo sa iba pang makrong kasanayan gaya ng sa pakikinig, pagsasalita at pagbasa. • Ang mga gawain sa pagsulat ay iba’t iba at ito’y maaaring silbing pangganyak at maari ring tanawin 

• Ang mga gawain sa pagsulat ay maaaring tagatala ng kung ano ang mga natutuhan sa pagsasalita at nakatutulong din sa pagpapanatili ng mga patutuhang talasalitaan at mga istruktura ng pangungusap. • Ang pag-uugnay ng pagsulat sa iba pang mga kasanayang pangwika ay magbubunsod sa isang reyalisasyon hinggil sa kahalagahan ng pagsulat sa tunay na buhay. e.g. pagsagot sa telepono at pagtatala ng mensahe na nais ipahatid g kausap sa telepono. • Ang pagsulat ay isang mabisang paraan ng pagtataya para sa malaking bilang

Mga Mungkahing Patnubay sa Pagtuturo ng Pagsulat • Gawing maluwag ang kalagayang pangklase. Upang magkaroon ng isang bukas, tapat, kaiga-igayang kalagayan sa klase, subukin ang mga sumusunod na gawain: 

– Pagpares-parisin ang mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan at hayaang kapanayamin ang isa’t isa. Pagkatapos, hayaang ipakilala sa klase ng bawat isa ang kanilang kapares.

– Ganyakin ang bawat mag-aaral na magkuwento tungkol sa isang karanasan na nagpapakita ng “pagmamalaki sa sarili.” – Magpakita ng retrato (pansarili o pampamilya) at magkuwento tungkol dito. Bigyang pansin ang mga sumusunod: Ano ang iyong naging damdamin ng kunan ang retratong ito? Masaya o malungkot ka ba? Bakit? Ano ang kaibahan mo noon at ngayon? Ano ang mahalaga sa iyo noong kuhanan ang retrato? Pagkatapos, tumawag ng ilang magaaral at ipagawa rin ang ganito.

• Linangin ang kasanayan sa pagmamasid sa paligid. Ang mga manunulat upang mailarawan ang mga bagay tungkol sa kanilang sarili at sa daigdig na kanilang ginagalawan. Upang maging matapat sa kanilang paglalarawan, kailangang maging sensitibo sila sa mga detalye – at ito’y nangangailangan nang masugid na pagmamasid. Narito ang isang gawain na makatutulong sa paglinang ng kasanayan sa

Basahing mabuti ang mga panutong inilahad sa ibaba. Kasunod nito’y isang halimbawa ng gawain sa pagmamasid sa isang restoran. Pag-aralan ang huwarang halimbawa. Pagkatapos, sumulat ng sariling pagmamasid sa kantina ng paaralan. • Humanap ng isang lugar na makapagmamasid at makasusulat nang hindi makakakuha ng atensyon. • Pumili ng isang tao na ilalarawan hanggang sa kaliitliitang detalye. Isama ang mga detalye tungkol sa edad, taas, buhok, mukha, pananamit, tindig, kilos o galaw, pananlita, itnig at iba pang katangiang iyong mapagtutuunan nang pansin. • Ilarawan ang iba’t ibang amoy. • Ilarawan ang iba’t ibang salita kaugnay ng panlasa. • Pakinggang manuti ang mga tunog sa paligid katulad ng usapan, ingay at musika. • Ilarawan ang mga salitang pandama. 



Halimbawa: Lugar: Tapsilog Restoran Paningin • Isang mama • Humugit-kumulang, limang talampakan ang taas • Itim ang buhok- medyo nakakalbo na • Apatnapu’t limang taong gulang • Pango ang ilong • Hindi nag-aahit • Nakasuot ng puttng T-shirt • May nakatatak sa T-shirt • Askulado • Nag-iisa. Magalang makipagusap 



Amoy • Amoy ng kumukulong kape • Amoy ng sibuyas • Mausok • Amoy ng inihaw na isda • Amoy bawang 

Lasa • Matamis na tsokolate • Mapait na kape • Manghang na sawsawan • Maalat na tapa 

Tunog • Sagitsit ng pinipritong karne • Ugong ng mga sasakyan • Kalampagan ng mga pinggan • Tawanan • Tugtog mula sa jukebox • Kalansing ng pera sa kaha • Busina ng mga sasakyan 

Bahagi ng mga usapan • “Panalo na naman ang Ginebra!” • “Dalawang order ng tapa.” • “Ketsup nga.” • “Ano po ang order ninyo?” • “Kape nga, may gatas.” • “Masarap nga ang pagkain dito.” • “Babawi ang Alaska bukas.” • “Anong kakainin mo? • 

Pandama • Malamig na sabaw • Malangis na mga kutsara • Basang-basa ang mesa • Matigas ang napkin, mumurahin • Mamantika ang itlog 

Maging maluwag sa pagbibigay ng mga nakagaganyak na papuri. • Magiging kawili-wili sa sa mga magaaral ang pagsulat kung paminsanminsan ay nagbibitiw ng mga papuri ang guro. Paano ba ang pamumuri? Paano ito isasagawa? Narito ang ilang maaaring paraang sundin ng guro. 



• • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

Gasing ang Pandamdam: “Napagalaw mo ang iyong mga pandamdam” “Naging matalas din ang iyong pandinig” Detalye: “Siguradong makikita ko ang lugar na iyon; nailarawan mo ito hanggang sa kaliit-liitang detalye.” Kapani-paniwala: “Tunay na alam mo ang lugar na iyon” Mga Salitang Kilos: “Kumilos.. Gumalaw.. tunaya na nagamit mo ang mga pandiwa.” Determinasyon: “Alam kong nahirapan ka sa pagsulat nito pero pakinggan mo ang daloy ng iyong mga pangungusap” Tibay ng Loob: “Nakaranas na rin ako ng kabiguan at minsan mahirap itong sabihin sa iba. Subalit nagawa mo ito kung kaya’t maganda ang naging marka ng iyong papel” Paggamit ng salita: “Pansinin mo ang pares ng salitang iyong ginamit patak sa bitak. May bahagi bang matulain sa iyong sinulat? Imahinasyon: “Naramdaman kong parang totong nandoon ako sa planetang iyon.” Dayalog: “Nang pagpasalitain mo ang iyong tauhan, para silang mga totoong tao.” Katatawanan:

• Sabihin: “Pakita! Huwag sabihin.” • Tandaan na hindi sinasabi na magagaling na manunulat ang kanilang naiisip o nadarama. Ipinakikita nila ito. Pansinin ang pahayag na ito: “Sa pagsilip ng buwan sa pinagtataguan nitong ulap ay biglang nagliwanag ang paligid.” Maaari itong sabihin na “Maliwanag ang buwan.” • Narito ang ilang paraan ng pagpapakita ng iniisip o nadarama:

• Bigyang –diin ang paggamit ng mga salitang kilos, lalo na ang mga pandiwa. • Gumamit ng mga talinghaga tulad ng simili at metapora. • Gumamit ng usapan sa sulatin. • Bigyan ang mga mag-aaral ng isang takdang babasahin at udyukin a sila ng mga tanong tulad ng sumusunod: – Sa pahina ___, paano ipinakita ng mayakda na may panganib na kakaharapin ang pangunahing tauhan? – Sa akdang ito, paano ipinakita ng may-akda na masama ang pag-uugali ni Rosa? – Ano ang ginawa ng may-akda para ipadama na parang malapit ka sa



At paminsan-minsan paalalahanan sila na gamitin ang istilo ng pagsulat na nakita sa akda.   • Laging ipaalala ang wastong gamit ng salita, batas at kayarian ng pangungusap. 



• aprilmbagon-faeldan • minscat alcate victoria, oriental mindoro • 09052561071 • [email protected]