PAGSULAT NG TALUMPATI
PAGSULAT NG TALUMPATI Nakarinig ka na ba ng bumibigkas ng talumpati? Inaabangan mo ba kung ano ang sasabihin ng mga nanalo sa isang Gabi ng Parangal? Isinasapuso mo ba ang sermon ng pari kapag misa o pastor sa isang prayer service? Isa ka bas a mga tumututok sa telebisyon habang nagtatalumpati ang isang pinuno ng pamahalaan?
Ano na ang mga talumpating iyong narinig at tumatak sa iyong kamalayan? Itala ang mga ito sa ibaba at ibahagi ang katangiang naibigan mo sa bawat talumpati. TAGAPAGSALITA Halimbawa: 1. Christian Babies 2. 3.
4.
LAYUNIN NG TALUMPATI Patanggap ng parangal bilang Best Supporting Actor sa gabi ng parangal ng MMFF 2016
SAAN O PAANO NATUNGHAYAN
Ano ang Talumpati? Ayon sa U.P. Diksiyonaryong Filipino, ang talumpati ay isang ”pormal na pahayag sa harap ng publiko” at “pormal na pagtatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig.” Mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati dahil ang kasanayang ito ay magagamit habangbuhay ng isang tao. Hindi lamang ito para sa gawaing pampaaralan o akademiko. May dalawang elementong taglay ang talumpati: ang teksto at ang pagtatanghal (performance). Hindi magiging talumpati ang isang teksto kung hindi ito binigkas o binasa sa madla.
Mga Anyo at Uri ng Talumpati Ilan sa mga kilalang anyo ng talumpati 1. Ang talumpati ng pagtatanggap (acceptance speech) ay laganap sa mga programa ng paggawad o pagkilala sa kahusayan ng isang tao. 2. Ang talumpati sa pagtatapos (commencement speech) ay kadalasang binibigkas ng natatanging mag-aaral na may pinakamataas na grado o pinakamatagumpay sa klase tuwing pagtatapos. 3. Ang luksampati (eulogy) ay nagsisilbing pangaral at paggunita sa alaala ng isang taong yumao.
4. Ang talumpati ng pamamaalam (farewell speech) ay bahagi ng ritwal ng pamamaalam, pagreretiro, paglisan sa bansa, o pagbibitiw sa propesyon.
5. Ang impormatibong talumpati (informative speech) ay naglalayong mag-ulat sa madla ng resulta ng bagong pag-aaral o kaya’y manghikayat ng pagkilos, kabilang na rito ang State of the nation address (SONA) ng pangulo upang itanghal sa mamamayan ang kaniyang tagumpay at mga proyekto.
6. Ang talumpati ng pag-aalay (speech of dedication) ay maaarinng papuri sa piling tao, bayani, o panauhing pangdangal. 7. Ang brindis (toast) ay bahago ng ritwal sa isang salusalo na nagpapahayag ng pagpapahalaga at pagkilala sa taong pararangalan.
May mga talumpating pinaghahandaan dumadaan sa pananaliksik, pagpili ng paksa, pagkilala sa tagapakinig, at nakabubuo pa ng balangkas. Ngunit may mga talumpati ring “hindi napaghahandaan.” Hindi naman tunay na walang paghahanda dahil ang isang taong may kaalaman ay handa naman kahit papaanong magsalita para sa isang talumpati. Maaaring nagkataong biglaan ang okasyon at nahilingan ang isa na magbigay ng kaunting pananalita. Tinatawag ang ganitong talumpati na impromptu speech.
4 Basic Types of Speeches 1. Ang talumpating impormatibo (information) ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa tagapakinig. Maaari itong nagtuturo ng isang teorya o impormasyon. Maaari itong pag-uulat ng pananaliksik sa kapwa magaaral o sa kaguruan. Maaari din itong paglalahad ng bagong katangian ng teknolohiya na kadalasang itinitampok sa mga patalastas. 2. Ang talumpating naglalahad (demonstrative) ay halos katulad din ng impormatibpng talumpati, ngunit may kasama itong demonstrasyon habang naglalahad ng impormasyon.
3. Ang talumpating mapanghikayat (persuasive) ay naglalayong manghikayat o mag-imbita sa mga tagapakinig na kumilos tungo sa pagbabago. Kailangan ng maingat na paghahanda sa mga ganitong talumpati dahil sisikapin nitong baguhin ang mga ideya, paniniwala, pamahiin, kultura, at tradisyon ng nakararami. 4. Sa Pilipinas ang talumpating mapang-aliw (entertaining) ay madalas na maririnig sa mga personal na salusalo, gaya ng anibersaryo, kasal, kaarawan, o vistory party. Maririnig din ito sa mga comedy bar na ang mga host ay nagbabahagi ng mga katawa-tawang karanasan sa buhay. Nilalayon ng talumpating ito na maghatid ng aliw at kasiyahan sa tagapakinig.
Mga Bahagi ng Talumpati Ang simula ng talumpati ay pang-akit ng atensyon. Kailangang mag-isip ang mananaysay ng estratehiya upang makuha kaagad ang atensyon ng tagapakinig. Sa bahaging ito, hindi kailangang magpaumanhin ng tagapagsalita. Wala siyang kailangang ipaliwanag kaugnay sa kaniyang kakulangan bilang nagtatalumpati.
Pagkaraan ng simula, susunod na bahagi ang katawan o ang nilalaman. Sa maikling kuwento at dula, nagkakaroon ng katawan o gitnang bahagi dahil sa tumitinding tunggalian ng mga tauhan. Malaking tulong ang pagbabalangkas upang magabayan ang sinoman sa gawaing ito. Malaking tulong din ang pananaliksik upang
magkaroon ng nilalaman ang talumpati. Maaaring magsaliksik sa aklatan at sa Internet. Maaaring magsagawa ng panayam. Maaaring gunitain ang sariling karanasan bilang materyal sa isasagawang talumputi. Sikapin ding tama ang impormasyong ilalahad. Kung gagamit ng sanggunian, dapat na kilalaninito upang hindi maakusahang kinuha ang datos nang walang pahintulot o pangongopya. May mga tulong gaya ng mga talaan, larawan, video clip, aktuwal na tao, demonstrasyon, o mga dokumento. Huling bahagi ng talumpati ay ang kongklusyon. Kadalasan, ito’y muling pag-uulit at pagdidiin sa mahahalagang punto ng binigkas na akda. Maaaring balikan ang pangunahing pangungusap upang mailarawan sa madla na ito ay nakatalakay nang husto.
Bukod sa pagbubuod at paglalagom na kadalasang estratehiya sa kongklusyon, maaari ding mag-iwan ng hamon o tanong ang tagapagsalita. Maaari ding magimbita at manghikayat sa madla na kumilos tungo sa pagbabago. Pagsusulat ng Talumpati
1. Alamin ang magiging tagapakinig at okasyon 2. Alamin kung ilang minute o oras ang inilaan para sa pagbigkas ng talumpati
3. Pumili ng paksang malapit sa karanasan, may natatanging halaga sa iyong buhay, o mayroon kang sapat na kaalaman
4. Tukuyin ang mga layunin ng pagsusulat at paghahanda ng talumpati at ng isasagawang pagbigkas
5. Kumalap ng datos at mga kaugnay na babasahin 6. Alamin ang magiging halaga ng isusulat na talumpati 7. Ibalangkas at suriin ang mga nakalap na datos
8. Itala ang talo hanggang pitong mahahalagang punto ng talumpati 9. Talakayin, pagyamanin at paunlarin ang mga ideya
10.Ihanda ang mabisang kongklusyon 11.Huwag kalilimutang kilalanin ang sanggunian sa talumpati
12.Kapag nasulat na ang unang borador basahin ang teksto nang ilang ulit
13.Pagkaraan ng rebisyon at kapag handa na ang pinal na borador, mag-impresenta ng maraming kopya 14.Basahin ang kopya nang paulit-ulit