Makabayan 1%5b1%5d[1]

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Makabayan 1%5b1%5d[1] as PDF for free.

More details

  • Words: 2,942
  • Pages: 14
MAKABAYAN 1 I.

Layunin: Nakilala ang watawat bilang sagisag ng bansa

II.

Paksa: A. B.

III.

-

Pagbigkas ng tugma Pagpapahalaga sa watawat at pag-alala sa nga bayaning lumaban para sa kalayaan ng bansa

Kagamitan/Sanggunian: A B.

IV.

Ang Watawat Pagsasanib 1. Filipino 2. GMRC

RBEC Makabayan (Sibika at Kultura) handbook C.1, p. 18 Picture puzzle ng watawat, maliit na watawat

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Paglabas sa silid-aralan at pagmamasid sa watawat sa flogpole. Anu-ano ang nga kulay ang ating watawat? Anu-ano ang makikita rito?

B.

Panlinang na Gawain: 1. Pagbuo ng picture puzzle ng watawat ng bansa.

2. Pakikinig sa kuwento ng guro tungkol sa kung paano tayo nagkaroon ng watawat. 3. Pagtatalakay Ilan ang kulay ng ating watawat? Ano ang ibig sabihin ng pula? Ano ang ibig sabihin ng asul? Ano ang ibig sabihin ng araw? Ng tatlong bituin? Pagbibigay ng nga pansamantalang sagot. 4. Pagbuo ng kaisipan Ang watawat ang sagisag ng ating bansa. Ito’y may tatlong kulay, pula, bughaw, at puti na sagisag ng katapangan, kapayapaan at kalinisan. May isang araw ito na sagisag ng kalayaan at tatlong bituing sumasagisag sa Luzon, Visayas at Mindanao.

C.

Pangwakas na Gawain: 1. Pagbigkas ng tugma: Watawat Sagisag ng Bansa Pagmasdan ang watawat sagisag ng bansa May tatlong kulay, bughaw, puti at pula Sagisag ng kapayapaan, katapangan at pagiging dakila May isang araw sagisag ng paglaya Tatlong bituin sa Luzon, Visayas at Mindanao ay nagpapakilala 2. Pagsipi ng nga nabuong kaisipan sa kuwadermo.

V

Pagtataya: Punan ang patlang. Isulat ang titik ng tamang sagot. ______ 1. May _____ kulay ang ating watawat. ______ 2. Ang bughaw ay sagisag ng kapayapaan at ang pula ay ang _________. ______ 3. Sagisag ng kalinisan at kadalisayan ang ___________. ______ 4. Ang araw ay sagisag ng ____________. ______ 5. Ang tatlong bituin ay sagisag ng Luzon, Visayas at ______________.

VI.

Takdang Gawain/kasunduan: Isaulo ang tugma.

Magdala ng long bong paper, krayola, pandikit at patpat

MAKABAYAN 1 I.

Layunin: 1. Nakikilala ang tatlong pangunahing kulay 2. Nagagamit ang tatlong kulay na ito sa paglalarawan ng watawat

II.

Paksa: A. B.

III.

Kagamitan/Sanggunian: A. RBEC Makabayan (Sibika at Kultura) Handbook C.3, 3.4, p. 18 B.

IV.

Mga Pangunahing Kulay sa Watawat Pagsasanib 1. Filipino Paggamit ng nga salitang naglalarawan 2. Sining Pagkilala at paggamit ng tatlong pangunahing kulay sa paguhit ng watawat 3. GMRC Paggalang sa watawat 4. P.E. Pagmamartsa, wastong tindig sa pagtayo

Bondpaper, krayon, pandikit at patpat

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagbigkas ng tugma. Watawat, Sagisag ng Bansa 2. Balik-aral Ilan ang kulay ng ating watawat? Anu-ano ang sinasagisag ng bawat isa nito? Ano ang ibig sabihin ng araw sa ating watawat? Ng tatlong bituin?

B.

Panlinang na Gawain: 1. Pagkilala sa tatlong pangunahaing kulay sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito sa gawaing scribbling habang nakikinig sa isang tugtog. 2. Paggamit ng mga pangunahing kulay sa paglalarawan sa watawat. Anu-anong mga kulay ang ginagamit ninyo sa pagguhit? Ang pula, dilaw at bughaw ay tinatawag na pangunahing kulay. Makikita ba ang pangunahing kulay sa ating watawat? Anong kulay ang nasa itaas ng bahagi ng ating watawat? Ang nasa ibabang bahagi? Anu-ano ang kulay dilaw sa ating watawat? 3. Paggamit ng mga pangunahing kulay sa paggawa ng munting watawat.

C.

Pangwakas na Gawain: Pag-uusap-usap tungkol sa paggalang sa watawat ng bansa.

Ang watawat ay ginamit ng ating mga bayani habang nakikipaglaban sa mga Kastila kaya’t tayo’y malaya sa mgayon. Maraming namatay na mga Pilipino noon. Ano ang dapat gawin at isaisip habang itinataas ang watawat?

V.

Pagtataya: Lagyan ng _√ _ kung tama ang sinasabi at _x_ kung hindi. _______ 1. Ang tatlong pangunahing kulay ay pula, dilaw at bughaw. _______ 2. Ang berde ay pangunahin ding kulay. _______ 3. Makikita ang mga pangunahing kulay sa ating watawat. _______ 4. Ang araw at bituin sa bandila ay kulay pula. _______ 5. Kulay bughaw ang itaas na bahagi ng ating watawat.

MAKABAYAN 1 I.

Layunin: 1. Natutukoy ang pambansang awit bilang sagisag ng bansa at naipapakita ang paggalang dito. 2. Naaawit nang may damdamin ang “Lupang Hinirang”

II.

Paksa: A. B.

Pambansang Awit Pagsasanib 1. Filipino 2. Musika 3. GMRC

III.

Kagamitan/Sanggunian: A. B.

IV.

-

Pagbigkas nang wasto sa mga salita at pag-alam sa kahulugan ng mga ito. Pag-awit sa wastong awit Pagmamahal at paggalang sa pambansang awit

RBEC makabayan (Sibika at Kultura) Handbook C.1, 4,5, p. 18 Tsart ng Pambansang Awit

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Balik-aral sa paglalarawan sa watawat. Anu-anong pangunahing kulay ang makikita sa watawat? Ano ang sinasagisag ng bawat kulay? Araw? Mga bituin? 2. Nakalagay ang kamay sa dibdib Kailan ginagawa ito? Paglalahad ng mga obserbasyon nila kapag itinataas ang watawat at inaawit ang Lupang Hinirang

B.

Panlinang ng Gawain: 1. Pakikinig sa tape ng “Lupang Hinirang” Anong awit ang narinig ninyo? Alam ba ninyo ang pamagat nito? Ang “Lupang Hinirang” ang ating pambansang awit. 2. Pagbigkas nang wasto ng bawat taludtod ng awit at pagtatalakay sa kahulugan nito. (Sundan sa tsart ng Pambasang Awit sa pisara) Halimbawa: 1. Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting Alin ang tinutukoy sa lupang hinirang? (Pilipinas) Sino ang tinutukoy na magiting? (mga bayani) Ano ang ibig sabihin ng “duyan ka ng magiting?” (bansa ng matatapang na bayani) 2. Sa manlulupig, di ka pasisiil Sino ang tinutukoy na manlulipig? (mga dayuhang sumakop sa ating bansa, halimbawa mga Kastila, Amerikano at Hapon). Ano ang ibig sabihin ng di pasisiil? (di pasasakop) 3. Pakikinig muli sa tape ng “Lupang Hinirang.” Susundan ang pagawit nito habang nakatitig sa tsart ng pambansang awit sa pisara. 4. Pagbuo ng Kaisipan/Kaalaman Ang “Lupang Hinirang” ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Awitin itong maayos at buong puso

C.

Pangwakas na Gawain: Pangkatang pag-awit sa apat ng klase. Tatayo ang bawat pangkat sa harapan at aawitin nang maayos at may damdamin ang “Lupang Hinirang”

V.

Pagtataya: Lagyan ng _√ _ kung wastong gawin at _x_ kung hindi. _________ 1. Ituloy ang paglalakad kahit itinataas ang watawat at inaawit ang Lupang Hinirang.” _________ 2. Tumayo nang tuwid habang inaawit ang “Lupang Hinirang.” _________ 3. Ilagay ang kanang kamay sa dibdib habang inaawit ito. _________ 4. Ituloy ang paglalaro habang itinataas ang watawat. _________ 5. Awitin nang wasto at may damdamin ang “Lupang Hinirang.”

VI.

Takdang Gawain/Kasunduan: Sipiin ang “Lupang Hinirang” sa kuwaderno o notebook.

MAKABAYAN 1 I.

Layunin: 1. Natutukoy at nailalarawan ang pambansang puno 2. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng linya at hugis at nakakaguhit nito.

II.

Paksa: A. B.

III.

Kagamitan/Sanggunian: A. B.

IV.

Iba’t Ibang Hugis, Pambansang Puno Pagsasanib 1. Filipino Pagbigkas ng tula 2 Sining Paggamit ng iba’t ibang uri ng linya 3. GMRC Pagmamahal sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at pangangalaga nito.

BEC Makabayan ( Sibika at Kultura) handbook C.1, 3.1 p. 18 Larawan ng punong narra, krayon, bond paper

Pamamaraan: A.

Panimulang Gawain: 1. Pagtsek ng takdang aralin 2. Pag-imbay sa saliw ng tugtuging Sampaguita 3. Pagbigkas ng tugmang “Sampaguita”. 4. Pagkilala sa mga uri ng linya a.

b. Pagsasaad ng mga bagay sa paligid na nagtataglay ng mga ganitong uri ng linya. c. Pagsasanay sa pagguhit ng iba’t ibang uri ng linya

B.

Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak May mga luma ba kayong mesa, silya, aparador o iba pang kagamitang yari sa isang matibay na kahoy? Yari raw sa anong uri na kahoy ito? Narinig na ba ninyo ang kahoy na Narra?

2. Papapangkat sa apat at pagkalap ng impormasyon tungkol sa pambansang puno sa aklat o pag-interbyu sa isang guro. Mga tanong na sasagutin: Anu-ano ang mga katangian ng punong narra? Bakit ito napiling pambansang puno? Anu-anong mga katangian ng mga Pilipino ang sinasagisag nito? Anu-ano ang kapakinabangan natin sa punong ito? 3. Pagbuo ng Kaisipan Ang narra ang ating pambansang puno. Matibay at maganda ito. Sagisag ng matibay na kalooban at tatag sa hirap ng mga Pilipino

C.

Pangwakas ng Gawain: 1. Pag-aaral at pagbigkas ng Tula.

Ang Narra Masdan ang punong narra Mataas, matayog at maganda Matibay at matatag ang tayo niya Sa hangin at bagyo’y may panlaban siya Tulad ng Pilipinong matibay talaga Sa hirap at pagsubok matatag din siya Di tinatanggihan ang gawain kahit mabigat pa Magtanim ng punong narra Ito’y napakikinabangan sa Paggawa ng matitibay na aparador, silya’t mesa Ito’y sa kapaligira’y nagpapaganda Sariwang hangin ang dulot niya. 2. Paggamit ng iba’t ibang linya sa pagguhit ng punong narra. Halimbawa: Tuwid na linya sa katawan at mga sanga at pakurbakurbang linya sa mga dahon. 3. Pagtatalakay sa kahalagahan ng puno at kung paano pangangalagaan ito.

V.

Pagtataya: Sagutin ng Tama o Mali. _________ 1. Ang punong narra ay maliit lamang. _________ 2.Ito ay maganda at matibay _________ 3. Sumasagisag ito sa tibay ng loob ng mga Plipino. _________ 4. Marupok ang kasangkapang yari sa narra. _________ 5. Ang punong narra ay dapat alagaan.

VI.

Takdang Gawain/Kasunduan: Gumupit ng larawan ng punong narra, Ipadikit sa bondpaper. Isulat sa ilalim ng larawan ang: Ito ay Narra. Ito ang Pambansang Puno.”

MAKABAYAN 1 I.

Layunin: 1. Nakakalikha ng gawaing sining na binubuo ng iba’t-ibang linya at hugis

II.

Paksa: A. B.

III.

Kagamitan/Sanggunian: A. B.

IV.

Pambansang Hayop, Iba’t ibang Hugis Pagsasanib 1. Science Pakilala sa mga hayop sa paligid 2. Sining Paggamit ng iba’t ibang linya at hugis sa pagguhit 3. GMRC Pagmamahal sa hayop at wastong pangangalaga sa kanila

BEC Makabayan (Sibika at Kultura) Handbook C.1, 3.2 p. 18 Larawan ng kalabaw, cut outs ng mga hayop at pocket charts, krayon, bondpaper.

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Mga Uri ng Linya

B.

Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak Alin kaya ang mga hayop sa ating laro ang ating pambansang hayop? 2. Pagmamasid sa larawan ng isang kalabaw at paglalarawan dito. Halimbawa: Maitim ito Malaki ang katawan May malalaking paa at 2 sungay 3. Pagbasa sa aklat upang masagot ang katanungang: Anu-ano ang mga katangian ng kalabaw na maihahalintulad sa mga katangian ng isang Pilipinong manggagawa? 4. Pagbuo ng Kaisipan Ang kalabaw ang ating pambansang hayop. Ito ay matibay at matiyaga sa mahirap na gawain katulad ng isang manggagawang Pilipino.

C.

Pangwakas na Gawain: 1. Pagkilala sa iba’t ibang hugis.

At iba pa. 2. Pagsasaad ng mga hugis ng mga bahgay na makikita sa loob at labas ng silid-aralan. 3. Pagguhit Ano ang hugis ng pisara? Iguhit ito. Ano ang hugis ng katawan ng kalabaw? Iguhit ito.

4. Pagpapahalaga: Nakatutulong sa atin ang mga hayop. Paano sila aalagaan?

V.

Pagtataya: Sagutan ng Oo o Hindi. ________ 1. Maitim ba at malaki ang kalabaw? ________ 2. Tamad ba itong kumilos dahil sa laki nito? ________ 3. Nakatutulong ba ito sa pagsasaka? ________ 4. Matiyaga ba ito sa pagsasaka? ________ 5. Sinasagisag ba nito ang Pilipinong manggagawa na matiyaga at matiisin?

MAKABAYAN 1 I.

Layunin: Nasasabi ang bumubuo ng isang mag-anak na Pilipino at iba pang mga kasapi nito.

II.

Paksa: A. B.

III.

Kagamitan/Sanggunian: A. B.

IV.

Bumubuo ng Mag-anak na Pilipino Pagsasanib 1. Filipino Pagbibigay ng makakaugnay na mga pangungusap tungkol sa mag-anak 2. Sining Paper folding and cutting-mag-anak 3. GMRC Pagmamahalan ng mag-anak

BEC Makabayan (Sibika at Kultura) Handbook II.1, 2, p. 19 Larawan ng mag-anak, papel, gunting, mga krayon

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagmamasid sa mga larawan sa paskilan sa Sibika at Kultura 2. Pagbasa sa pamagat ng bagong yunit 3. Pag-uusap-usap sa mga bagay o kaalamang pag-aaralan sa yunit na ito

B.

Panlinang na Gawain: 1. Pagmamasid sa mga larawang iba’t ibang mag-anak na Pilipino. Pagtukoy sa mga bumubuo sa bawat mag-anak. 2. Pagbasa sa aklat tungkol sa mga kasapi ng mag-anak sa Pilipino. 3. Pagtatalakay Sinu-sino ang mga bumubuo ng isang mag-anak ng Pilipino? May Lolo at Lola ba kayong kasama sa inyong bahay? May Tiyo at Tiya rin ba kayong kasama? 4. Pagbuo ng Kaisipan Ang mag-anak na Pilipino ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Minsan ay may iba pang kasama ang mag-anak tulad ng Lolo at Lola o Tiyo at Tiya.

C.

Pangwakas na Gawain: 1. Pagpapakilala ng bumubuo ng kanya-kanyang mag-anak na ginagamit ang dalang larawan. Halimbawa: Ito ang aking ama. Siya ay si ________________. Ito ang aking ina. Siya ay si _________________. _______________ kaming mga anak. Kami ay nagmamahalan at nagtutulungan. 2. Pagbigkas ng tugma: Ang Aming Mag-anak Masipag si ama, mabait si ina Kaming mga anak ay katulong nila Sa mga Gawain laging sama-sama Kaya’t pamilya nami’y laging masaya 3. Pagsasanib sa GMRC Paano magiging masaya ang isang mag-anak? Anu-ano ang maitutulong mo upang maging masaya ang inyong pamilya? 4. Pagsasanib sa Sining Paper folding and cutting-paggupit ng mga papel na hugis tao na kabitkabit. Susulatan ng ama, ina, ate, kuya, beybi. Kukulayan ang mga tao.

. V.

Pagtataya: Sagutin ng Tama o Mali. __________ 1. Ang mag-anak na Pilipino ay binubuo ng ama, ina at mga anak. __________ 2. Minsan ay kasama sa mag-anak ang lolo, lola, tiyo at tiya. __________ 3. Masama ang loob ng Tatay at Nanay kung tumitira sa kanila ang lolo at lola. __________ 4. Ang mga anak ay di-dapat paggawain ng sa tahanan. __________ 5. Dapat magtulungan ang mga kasapi ng mag-anak.

VI.

Takdang Gawain/Kasunduan: Iguhit ang inyong mag-anak. Isulat ang pangalan ng bawat isa.

MAKABAYAN 1 I.

Layunin: Napaghahambing ang iba’t ibang laki ng mag-anak at nahihinuha ang kinalaman nito sa populasyon ng pamayanan

II.

Paksa: A. B.

III.

Kagamitan/Sanggunian: A. B.

IV.

Laki ng Mag-anak at Laki ng Populasyon Pagsasanib 1. Filipino Wastong panimbang sa pagtakbo 2. Sining Paggamit ng iba’t ibang kulay at hugis sa pagguhit 3. Musika Pag-awit sa wastong himig 4. GMRC Pagpapahalaga sa maliit na pamilya

BEC Makabayan (Sibika at Kultura) Handbook II.A.3, 4, pp. 19 – 20 Mga larawan ng maliit na pamilya at malaking pamilya, bond paper, krayon

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagtsek ng takdang Gawain 2. Pagbigkas at pag-awit ng tugmang: “Aming Mag-anak” 3. Pagpapangkat ng lima maghawak-hawak upang makagawa ng isang bilog. Lalakad silang paikot sa bilog habang binibigkas ang tugma at inaawit sa tono ng Leron-leron Sinta. Masipag si ama, mabait si ina Kaming mga anak ay katulong nila Sa gagawain laging sama-sama Kaya’t ang pamilya ay laging masaya.

B.

Panlinang na Gawain: 1. Pagmamasid sa larawan ng mga mag-anak na may iba-ibang bilang ng mga kasapi at paghahambing sa laki ng mag-anak. Alin ang may maliit na mag-anak? (may 1 o 2 anak) Alin ang malaking mag-anak? (may 4 o mahigit pang mga anak) 2. Pagbuo ng Kaisipan Maliit ang populasyon ng pamayanang binubuo ng maliit na mag-anak. Malaki naman ang populasyon ng may malaking mag-anak.

C.

Pangwakas ng Gawain: 1. Laro: Unahan sa Pagbuo ng Mag-anak Hatiin sa 2 ang klase. Bubuo ng kunwari’y mag-anak ang bawat pangkat pay narinig ang sigaw ng guro. Halimbawa: “Maliit na mag-anak na may dalawang anak.” Tatakbo at gagawa ng isang bilog ang 3 batang magkakahawak kamay. “Malaking mag-anak na may 5 anak.” Ganito rin ang gagawin ng 7 bata. Ang pangkat na unang makakabuo ay may puntos. Ang may pinakamaraming puntos ang siyang panalo. 2. Pagpapahalaga Sa aling pamilya ninyo ibig magpabilang, sa maliit o sa malaki? 3. Iguhit ang sariling pamilya. Kulayan ito.

V.

Pagtataya: Sagutan ng Oo at Hindi. ___________ 1. Ang populasyon ay bilang ng mga tao sa isang pamayanan o bansa. ___________ 2. Kasama sa populasyon ang mga alagang hayop ___________ 3. Kung malalaki ang mga mag-anak sa isang pamayanan ay malaki rin ang populasyon nito. ___________ 4. Kung maliliit naman ang mga mag-anak ay maliliit din ang populasyon. ___________ 5. Magkakatulad ang populasyon ng mga pamayanan.

VI.

Takdang Gawain/Kasunduan: Magtanong sa magulang tungkol sa kung malaki ba o maliit ang populasyon ng sariling pamayanan.

MAKABAYAN 1 I.

Layunin: Nasasabi na ang mga mag-anak ang bumubuo ng isang pamayanan at ang Pilipinas ay binubuo ng mga pamayanang ito.

II.

Paksa: A. B.

III.

Kagamitan/Sanggunian: A. BEC Makabayan (Sibika at Kultura) Handbook C.4, 5, p. 20 B.

IV.

Pamayanan, Binubuo ng mga Mag-anak Pilipinas, binubuo ng mga Pamayanang Pilipino Pagsasanib 1. Filipino Pagbibigay ng hinuha (inference) sa narinig na Paliwanag 2. Sining Paggamit ng iba’t ibang kulay at hugis sa pagguhit 3. GMRC Pagmamahal sa sariling bansa

Sand table na may mga laruang bahay, simbahan, paaralan, pagamutan, etc. Malaking mapa sa Pilipinas Picture puzzle ng mga pamayanan sa Luzon, Visayas at Mindanao

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Balik-aral Ano ang bumubuo sa pamayanan? Ano ang populasyon? Kailan malaki ang populasyon? Kailan ito maliliit? 2. “Finger play”Awit: Ito ang Mag-anak” Himig (Where is Thumbman) Ito ay si Tatay Ito ay si Nanay Masipag at mabait Ito ay si Ate Ito ay si Kuya At si beybi, si beybi

B.

Panlinang na Gawain: 1. Pagmamasid sa halimbawa ng isang pamayanan sa sand table Pagtukoy sa maraming tirahan, isang paaralan, simbahan, pamilihan, pagamutan, bangko at iba pa. “Marami bang mag-anak sa pamayanan? Sila ba ang bumubuo sa pamayanan?” 2. Pagbuo ng Kaisipan Ang pamayanan ay binubuo ng mga mag-anak. Ang Pilipinas ay binubuo ng mga pamayanang Pilipino.

C.

Pangwakas na Gawain: 1. Laro: Pagbuo ng picture puzzles ½ cartolina ang laki. 2. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa sariling bansa sa pamamagitan ng pagnanasang marating at Makita ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ibig ba ninyong marating ang iba’t ibang pamayanan sa Luzon, Visayas at Mindanao? Bakit? Paano?

V.

Pagtataya: Isulat ang _√_ kung tama at _x_ kung mali ang sinasabi. __________ 1. Ang pamayanan ay binubuo ng dalawang mag-anak lamang. __________ 2. Bukod sa maraming tirahan ay mayroon ding simbahan, paaralan, pagamutan, pamilihan ang pamayanan. __________ 3. Napakaraming pamayanan ang bumubuo sa Luzon. __________ 4. Napakakaunti naman ang mga pamayanan sa Visayas. __________ 5. Ang Pilipinas ay binubuo ng napakaraming pamayanang Pilipino.

VI.

Takdang Gawain/Kasunduan: 1. Bakatin ang mapa sa Pilipinas, kulayan ito. Isulat sa ilalim ng larawan ito. Isulat sa ilalim ng larawang ito: Ang Pilipinas ay binubuo ng mga pamayanang Pilipino.

Related Documents