MAKABAYAN 1 I.
Layunin: Naipagmalaki ang sagisag ng nagpapakilala sa bansa. Natutukoy ang watawat bilang sagisag ng bansang Pilipino. Nailarawan ang pambansang watawat. Naipapakita ang wastong paggalang ng watawat.
II.
Paksa: Watawat ng Pilipinas A. Sanggunian: BEC-PELC 115 Pagsibol ng Lahing Pilipino 52-58
B. C.
Kagamitan: Larawan ng watawat, tsart, puppets, krayola, putting papel Estratehiya: Cooperative Learning Question and Answer
III.
Pamamaraan: A. Gawain : 1. Balik Aral: Sagutin Oo o Hindi 1. Dapat bang tipirin ang tubig. 2. Dapat bang isara ang gripo pagkatapos gamitin? 2. Pagganyak Ipakilala ang ilang tao sa tulong ng mga puppets. 3. Pagtatalakay Ipakilala ng pormal sa mga bata ang ating watawat. Pabuksan ang aklat pahina 52-58.
B.
Pagbubuo: Paano mo ipinakikita ang inyong paggalang sa watawat?
IV.
Pagtataya: Ipasagot: 1. Ilan ang araw ng ating watawat? 2. Anu-ano ang kulay ng ating watawat? 3. Ano ang sinagisag ng kulay pula ng ating watawat?
V.
Kasunduan: Gumawa ng watawat ng Plipinas ginamit ang colored paper. Idikit sa patpat.
MAKABAYAN 1 I.
Layunin: Naipagmamalaki ang pambansang awit bilang sagisag ng bansa. Nasasabi ang pamagat ng pambansang awit. Nakasusunod sa wastong asal na dapat ikilos habang inaawit ang lupang hinirang.
II.
Paksa: Ang Pambansang Awit A. Sanggunian: BEC-PELC Pagsibol ng Lahing Pilipino pahina 59-63 B. Kagamitan: Tape recorder, tsart, larawan watawat
III.
Pamamaraan: A. Gawain: 1. Balik Aral Ano ang iyong ginagawa sa nakitang itinaas na ang watawat? 2. Pagganyak Iparinig ang tape ng pambansang awit. 3. Pagtatalakay Tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang narinig. Ilahad ang kopya ng pambansang awit. Linangin: magiliw, silanganan, hinirang, magiting, pasisiil, bughaw, dilag, luwalhati, mag-aapi, mong bughaw. Ituro ang awit: Bigyang pansin ang wastong kilos na dapat ipapakita. B.
Pagbubuo: Lupang hinirang ang pamagat ng ating pambansang awit.
IV.
Pagtataya: Lagyan ng bituin ang bilang na nagsasaad ng mga tamang gawain sa pagawit ng pambansang awit. _________ 1. Umawit ng may damdamin. _________ 2. Tumayo ng tuwid. _________ 3. Patuloy sa paglalaro habang itinaaas ang watawat.
V.
Kasunduan: Pag-aralang awitin ang pambansang awit ng may damdamin.
MAKABAYAN 1 I.
Layunin: Natutukoy ang iba pang sagisag ng bansa tulad na Agila, Bangus, at Kalabaw. Nasasabi ng may pagmamalaki ang mga pambansang sagisag na Pilipinas. Nailarawan ang kalabaw, Bangus at Agila. Ipinaliwanag kung paano iginagalang ang mga sagisag ng bansa
II.
Paksa: Pambansang hayop, isda at ibon A. Sanggunian: BEC-PELC p.115 B. Kagamitan: posters, plaskard, tsart, krayola, show cards, bond paper, lapis
III.
Pamamaraan: A. Gawain: 1. Balik Aral: 1. Pambansang sagisag ang ____________. 2. Si Dr. Jose Rizal ang ______________. 3. Filipino ang ating pambansang ________________. 2. Pagganyak: Ipaawit ang tungkol sa mga hayop 3. Pagtatalakay: Maglakbay-aral sa loob ng klase. Pagkunwaring mga turista sila na pupunta sa nayong Pilipino. Ang ibang pangkat ay sasakay ng tren ang iba sa eroplano, at bus. Tawagin ang leader ng grupo at ibigay ang panuto na dapat nilang gawin. Ipabuo ang puzzle. Pag-uulat ng bawat pangkat. B.
Pagbubuo: Pambansang ibon ang agila. Pambansang isda ang bangus. Pambansang hayop ang kalabaw.
IV.
Pagtataya: Laro: Pamimingwit: Hulihin ang isda na may nakasulat na katangian, ng bawat sagisag. Kung mahulaan ang sagisag sa kanya na ang isda kung hindi, ibabalik ito sa palaisdaan. Ang pangkat na may maraming huling isda ay siyang panalo.
V.
Kasunduan: I drawing ang ating pambansang hayop at kulayan ng itim. Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito.
MAKABAYAN 1 I.
Layunin: Nakikita ang ilang bayani ng bansa. Natutukoy na si Rizal ang Pambansang bayani ng Pilipinas Naipagmalaki si Rizal bilang pambansang bayani. Naipagkapuri ang magandang asal ng ating bayani. Nasasabi na ang ating wika ay sagisag din ng bansa
II.
Paksa: Pagkamakabayan A. Sanggunian: Ang Pambansang Bayani BEC-PELC p.115 PLP p. 64 S/K p. 79 B. Kagamitan: Mga larawan, tsart, plaskard
III.
Pamamaraan: A. Gawain: 1. Balik Aral: Ano ang iyong gagawin sa mga ito; Pasimula na ang seremonya ng watawat. 2. Pagganyak: Gawin ang “Utos ng Hari”. Awitin ang Pambansang Awit ng may damdamin. Maglakbay-isip sa silid-aralan. Patingnan mabuti ang mga sagisag. 3. Pagtatalakay: Ipasaisa ang mga sagisag na kanilang Makita sa lakbayaral. Ilahad ang mga larawan ng ilang mga bayani. Kilalanin bawat isa. Pangkatin ang klase sa 5 sa pamamagitan ng kulay. Bigyan ang bawat pangkat ng puzzle B. Pagbubuo: Maipagmamalaki mo ba ang ating Pambansang wika?
IV.
Pagtataya: Sagutin ng tama o mali _______ 1. Masipag si Jose Rizal. _______ 2. Si Rizal ay isang manggagamot. _______ 3. Matalinong bata si Rizal. _______ 4. Hindi na dapat ipagmalaki si Rizal _______ 5. Pilipino ang ating Pambansang wika.
V.
Kasunduan: Gumuhit ng larawan ni Rizal. Magsulat ng pangungusap tungkol dito.
MAKABAYAN 1 I
II.
III.
Layunin: Natutukoy ang iba pang sagisag ng ating bansa. Nasasabi na ang mangga ang pambansang prutas, narra ang pambansang puno, sampaguita ang pambansang bulaklak. Nailarawan ang narra, mangga, sampaguita bilang pambansang sagisag. Paksa: Iba pang sagisag ng bansa: Pambansang Prutas, Pambansang Puno, Pambansang Bulaklak A. Sanggunian: BEC-PELC p. 115 PLP pp. 65-66 SK- pp. 79-80 B. Kagamitan: Aklat, poster, larawan, tsart, plaskard, krayola. Pamamaraan: A. Gawain: 1. Balik Aral: Pag-usapan ang mga naunang sagisag na natalakay. 2. Pagganyak: Ituro ang awit “Ang Mangga” Maglakbay-aral: Dalhin ang mga bata sa sulok ng makabayan. Patingnan ang mga sagisag. 3. Pagtatalakay: Anu-ano ang nakikita ninyo sa ginawang lakbay-aral? Pangkatin ang mga bata at bigyan ng puzzle. Hayaang mabuo nila ang sinasagisag nito. B. Pagbubuo: Tandaan: Pambansang bulaklak ang sampaguita. Pambansang puno ang narra. Pambansang prutas ang mangga.
IV.
Pagtataya: Sagutin ang Tama o Mali. _________ 1. Ang pambansang prutas ay mangga. _________ 2. Matigas, malakas, at matibay ang narra.
V.
Kasunduan: Pagtambalin ang mga katangian. _______ 1. Matalino _______ 3. Kapayapaan Masipag Katapangan Matapang Kalayaan _______ 2. Maputi _______ 4. Matibay Mayumi Matatag Mabango Malakas a. Sampaguita b. Narra c. Watawat d. Dr. Jose Rizal Mga pambansang sagisag ng Pilipinas.
MAKABAYAN 1 I.
Layunin: Natutukoy ang iba pang sagisag ng bansa. Nakikilala ang pambansang kasuotan ng babae at lalaki. Nasasabi na ang Barot saya ay pambansang kasuotan ng mga babae, at ang Barong tagalong ang para sa mga lalaki. Nasasabi na Cariñosa ang pambansang sayaw ng mga Pilipino.
II.
Paksa: Pambansang Kasuotan Baro’t saya/Barong tagalong Pambansang sayaw – Cariñosa. A. Sanggunian: BEC-PELC p. 115 PLP pp. 64-65, 69 SK- p. 81 B. Kagamitan: Tape recorder, tsart, aklat, larawan, out cuts, plaskard.
III.
Pamamaraan: A. Gawain: 1. Balik Aral: Sagutin ng Oo o Hindi _____ 1. Pilipino ang ating pambansang wika. _____ 2. Pambansang bayani si Dr. Jose Rizal. 2. Pagganyak: Tingnan ang inyong mga kasuotan, parepareho ba ang kasuotan ng mga babae’t lalaki? Bakit? Ilahad ang mga modelong kasuotan. Kilalanin at pag-usapan ito. Ipakita ang iba pang larawan ng mga kasuotan. 3. Pagtatalakay: Ipakita ang iba pang larawan ng mga kasuotan. Ano ang masasabi ninyo sa baro’t saya at barong tagalog? Bakit ito piniling pambansang damit? Pabuksan ang aklat sa PLP p. 65-69 sa SK- p. 81. Hayaang kilalanin ng mga bata ang mga kasuotan dito. B. Pagbubuo: Ipabasa: Pambansang kasuotan ng mga babe ang baro’t saya. Pambansang kasuotan ng mga lalaki ang barong tagalong. Pambansang sayaw ng Pilipino ang Cariñosa.
IV.
Pagtataya: Piliin ang taman sagot. ________ 1. Pambansang damit ng mga lalaki ________ 2. Pambansang sayaw ng Pilipinas ________ 3. Pambansang awit ng Pilipinas ________ 4. Pambansang damit nga mga babae ________ 5. Pambansang wika ng mga Pilipino
V.
Kasunduan: Gagawa ng collage tungkol sa damit. Lagyan ng pamagat ang collage.
MAKABAYAN 1 I.
Layunin: Nakikilala ang bumubuo sa isang mag-anak na Pilipino Naisa-isa ang mga bumubuo ng mag-anak na Pilipino. Nasasabi ang iba pang bumubuo ng mag-anak na Pilipino. Nahahambing ang iba’t ibang laki ng mag-anak. Nakapaghinuha sa kinalaman ng laki ng mag-anak sa populasyon ng bansa.
II.
Paksa: Ang Pamilyang Pilipino A. Sanggunian: Batayang Aklat pahina 118-125 B. Kagamitan: Larawan ng isang pamilyang Pilipino, larawan ng Gawain ng bawat kasapi ng pamilya.
III.
Pamamaraan: A. Gawain: 1. Balik Aral: Pag-uusapan ang iba’t ibang mga sagisag ng bansa. 2. Pagganyak: Itanong sa mga bata kung sinu-sino ang nakatira sa kanilang bahay. Gabayan ang mga mag-aaral sa pahina 109 ng batayang aklat at tanungin ang mga bata sa larawang kanilang nakikita. 3. Pagtatalakay: Gabayan ang mag-aaral sa pahina 118- 119 at ipakita ang pamilyang Pilipino. Itanong kung sino ang nasa larawan. Pag-usapan ang gawain ng bawat kasapi ng pamilya. Pag-usapan ang iba pang gawain ng bawat kasapi ng pamilya para masaya ang samahan. Hayaang ipakita ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkilos sa mga nabangit na Gawain. Magpaulat tungkol sa kanyang pamilya. B. Pagbubuo: Pag-usapan ang mga paksa sa tandaan mo sa pahina 123 Batayang aklat. Ibahagi ang ulat sa klase at talakayin ang mga aral na nakuha sa ulat.
IV.
Pagtataya: Sagutin ng Tama o Mali. _______ 1. Ang pamilyang Pilipino ay binubuo ng Tatay, Nanay at anak. _______ 2. Ang pagtutulungan ay mahalaga sa pamilya. _______ 3. Ang malinis na tahanan ay makalat. _______ 4. Itapon ang basura sa kapitbahay.
V.
Kasunduan: Idikit ang larawan ng iyong pamilya sa isang bond paper.
MAKABAYAN 1 I.
Layunin: Napatunayan ang kahalagahan sa pagkakaisa sa pangunahing pangangailangan para sa kabutihan ng pamilya. Natatalakay kung paano natutugunan ang mga pangunahing pangangailanga ng pamilya. Nakikilala ang mga kasapi ng mag-anak na tumutugon ng pangangailangan.
II.
Paksa: Ang mga Pangangailangan ng pamilya. A. Sanggunian: Batayang Aklat pahina 124-137. B. Kagamitan: Mga tunay ng pagkain mga larawan ng damit mga bahay-bahayan.
III.
Pamamaraan: A Gawain: 1. Balik Aral: Sinu-sino ang mga kasapi ng mag-anak? 2. Pagganyak: Itanong sa mga bata kung ano ang nangyayari kung hindi sila kakain, magsusuot ng damit o kaya’y walang bahay na titirhan 3. Pagtatalakay: Talakayin ang kahalagahan ng kagamitan. Igabay ang mga bata sa pahina 129-133. Palabasin sa pamamagitan ng mga kagamitan sa pagtuturo at pagtatanong sa kailangan ng pamilya. Magpakita ng mga tunay na pagkain. Ipabanggit ang mga pangalan ng bawat isa. B. Pagbubuo: Pag-usapan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kahit na anong uri ng tirahan.
IV.
Pagtataya: Lagyan ng tsek (√) ang tamang paraan sa pangangalaga ng iyong pamilya. ______ 1. Ipaalam kung may mabasag na gamit. ______ 2. Tumulong sa pagtanim ng gulay. ______ 3. Magpabili ng kendi at softdrinks. ______ 4. Uupo kahit saan dahil madali naming magpalit ng damit Gumuhit ng iba pang kailangan ng pamilya. Kulayan.
MAKABAYAN 1 I.
Layunin: Nakikilala ang bumubuo ng bansang Pilipinas
II.
Paksa: Pag-iisa Ang Pilipinas ay binubuo ng mga pamayanan. A. Sanggunian: Pilipinas ang ating bansa p. 99-107 B. Kagamitan: Aklat, Larawan C. Estratehiya: Group work
III.
Pamamaraan: A. Gawain: 1. Balik Aral: Anu-ano ang bumubuo ng isang pamilya? 2. Pagganyak: Ipakita ang mapa ng Pilipinas. Natatandaan ba ninyo ang lalawigang ito ? Ano ito? 3. Pagtatalakay: Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng kwento. Ano ang bumubuo ng Pilipinas Ano ang bumubuo ng mga pamayanan. B. Pagbubuo: Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng consepto: Ang Pilipinas ay binubuo ng mga pamayanan. Ang mga pamayanan ay binubuo ng mga mag-aaral.
IV.
Pagtataya: Tapusin ang mga pangungusap. Piliin ang mga salita sa kahon. Pilipinas, Pamayanan, mag-aaral 1. Ang pangalan ng ating bansa ay _____________. 2. Ito ay binubuo ng mga ________________. 3. Ang mga mag-aaral ay binubuo ng mga _______________.
MAKABAYAN 1 I.
Layunin: Nakapaghihinuha sa kaugnayan ng laki ng mag-anak sa laki ng populasyon ng bansa.
II.
Paksa: Pakikiisa, Pamayanan A. Sanggunian: Pilipinas ang ating bansa pp. 114 B. Kagamitan: Aklat, mga larawan, nga salitang nalimbag sa bond paper.
III.
Pamamaraan: A. Gawain: 1. Balik Aral: Ano ang bumubuo ng pamayanan? 2. Pagganyak: Ano ang pangalan ng inyong pamayanan? Malaki ba o maliit ito? 3. Pagtatalakay: Pag-uusapan ang pamayanan ng mga mag-aaral. Ano ang pangalan nito. B. Pagbubuo: Ano ang bumubuo sa pamayanan? Alen ang mas malaking pamayanan? May epekto ba ang laki ng mag-anak sa laki ng pamayanan? May kaugnayan ang laki ng mag-anak sa laki ng pamayanan. Kung malalaki ang mag-anak, lumalaki rin ang pamayanan. Kung maliliit ang mag-anak, maliliit rin ang pamayanan.
IV.
Pagtataya: Tapusin ang pangungusap. 1. Kung ang mag-anak ay ________ ang pamayanan ay _____________. 2. Kung ang mag-anak ay _________ ang pamayan ay ___________ din.
V.
Kasunduan: Alamin kung maliit o malaki ang mag-anak ng isang kalaro.